Remember Forever - Other Half

Remember Forever
Please Subscribe to read the full chapter

CHAPTER THREE

 

“So take my hand

I wanna grow old with you beside me” When Scars Become Art by Gatton.

 

Trigger Warning: Mention of Self-Harm.

 

 

Seulgi's POV

 

Magdadalawang buwan na simula ng makapunta ako sa hacienda ng mga Montecarlos. Gaya noong una linggo ko dito, palagi kaming magkasama ni Irene minsan naman si Moonbyul tuwing aalis sila at kinabukasan na nakakauwi. Naikuwento niya sakin na wala siyang gaanong kaibigan dito dahil dati siyang nag aaral sa Maynila. She just took summer vacation here, katulad ng nakasanayan niya.

 

I'm inside the room where I stayed for a couple of weeks when suddenly I heard the grand piano being played.

 

Lumabas ako sa kwarto at nagpunta ng living area. I saw Irene playing piano, I suddenly smiled at the sight of her even though all I could see was her back.

 

Huminto siya saglit at kinuha ang papel at lapis. Hindi ko na siya inabala at nanatili sa pwesto ko. She's been writing a song, 'yon lang ang sinabi niya sakin noong isang beses na tinanong ko siya dahil tuwing umaga ay tumutugtog siya. Naramdaman niya ata ang presensya ko dahil bigla siyang napatingin sa direksyon ko nang matapos siya magsulat.

 

She smiled at me and waved her hand, "Hi, good morning." She greeted me. Doon lang ako naglakas loob na lumapit sa kanya.

 

"Good morning, you're still writing a song?" Tanong ko. Tumango siya at isinarado ang maliit na notebook kung saan siya nagsulat at tinuon ang buong atensyon sakin.

 

"Nagising ba kita?" Mabilis kong iniling ang ulo ko dahil gising na ako nang marinig siya. Ang totoo nga niyan ay hindi na naman ako pinatulog ng isip ko.

 

"I won't mind even if you play the piano even when I'm asleep." I chuckled and I earned a slight nudge from her.

 

Maya-maya lang ay nag agahan na kami kasama si Don Carlos. Pagkatapos ay nag paalam ito dahil may importante siyang pupuntahan.

 

"Gusto mong maglakad-lakad sa labas?" Tanong niya sakin.

 

"Sure," Sagot ko. We both went outside, the good thing about being in a province is that it's so peaceful. Bonus na lang siguro na mas payapa dahil sa taong kasama ko ngayon.

 

"I'm curious, naakyat mo na ba ang bundok na 'yan?" Tanong ko at tinuro ang bundok. Hindi gaanong malayo ang bundok sa kanila, gusto kong akyatin.

 

"I did, pero bata pa ako nung huling beses. I was with my dad. Gusto mong puntahan?" Tanong niya sakin. Tumango ako bilang sagot at ngumiti sa kanya.

 

Third Person

 

Umupo ang dalawa sa ilalim ng malaking puno na siyang nagbibigay proteksyon sa kanila mula sa araw. Hawak ni Irene ang camera na dala ni Seulgi at sinusubukan na kunan ng litrato ang dalaga.

 

"Sinasayang ko lang ata ang memory, hindi ko talaga magawa." Reklamo nito at ibinalik ang camera kay Seulgi. Tinawanan siya ng dalaga at inilabas ang notebook niya mula sa maliit na bag na dala niya palagi.

 

"Stay still, I'll try to draw you." Sabi ni Seulgi.

 

"Marunong ka mag drawing?" Manghang tanong ni Irene.

 

"Yup," sagot ni Seulgi at nag umpisa na gumuhit. Nakatingin lang si Irene sa kanya at pinapanood kung paano siya iguhit ni Seulgi.

 

"Seulgi… you know you can tell me anything, right?" Nahinto sa pag guhit ang dalaga.

 

"Alam ko, Irene." Ngumiti ito sa dalaga at nagpatuloy sa ginagawa niya.

 

One didn't want to burden her with her own demons, one was willing to fight with her.

 

One thought she had plenty of time to tell her everything, one was willing to wait as long as she could.

 

Both are hiding something from one another.

 

 

Seulgi's POV

 

"Woah, you're really good! Pwede bang akin na lang to?" Tanong ni Irene sa akin nang matapos ako mag drawing.

 

"Oo naman, buti nagustuhan mo." sagot ko.

 

"You have so many talents," Irene smiled at me and I felt warmth in my heart.

 

I smiled back at her, "Thank you, Irene… for everything." She stared at me for a good second, as if she's memorizing my face. I feel glad that I ended up here in this place and got to meet her and I hope she feels the same and does not see me as a burden.

 

She pinched my cheeks and giggled, "You're always welcome,"

 

Binitawan niya din agad ang pisngi ko at humiga. Medyo nasilaw pa nga siya dahil palubog pa lang naman ang araw. Hinarang ko ang sketchpad ko kung saan nanggaling ang sinag ng araw para hindi siya mahirapan na pagmasdan ang langit.

 

"Ayaw mo na bang bumalik sa inyo? Hindi ba sila nag aalala sayo?" Tanong niya at tumingin sakin.

 

Sa totoo lang, mas lalo kong hindi gugustuhin na bumalik pa sa bahay na 'yon ngayon. Sobrang laki ng pagkakaiba ng takbo ng isip ko ngayon kaysa noong nasa poder ako ng kamag-anak ko.

 

"Can I stay here longer?" I asked. "Hindi sila nag aalala sakin, kahit kailan hindi nila 'yon nararamdaman para sa akin. They could easily find me, Irene. They have all the m

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
patatangina
This story was sitting on my drafts for quite some time and I decided to finally publish it. Enjoy reading, I guess?
twitter: @srpatatangina

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
36 streak #1
Chapter 3: Unang iyak ngayong 2023 aemen
AnneTokki #2
Chapter 4: Why did I read this patatangina naman 😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭
Moksy23
#3
😢
kkdalgi #4
Chapter 4: Punyeta! Maganda siya pero putangina talaga. 🥲
mengmengBellybeng90 #5
Chapter 4: Tf.. 🙂🙂 wala ko masabi pero sige.. sana.. may ulam ka today
samanarose #6
Chapter 4: panu mo nasabing mag eenjoy ako nito:( huhuhuhu pero grabedh damang dama thank you
seulbunny_ #7
Chapter 4: pagkatapos kong basahin, sa tingin mo otor nag enjoy ako? kung masokista ako baka inenjoy ko 🙂 char jk thanks po dito!
HeinzKang99 #8
Chapter 4: potang ina naman. leche
kang_ddeul
#9
Chapter 4: wahh ang gandaaaa 😭 thank you po otor-niiim! 😭✊
kiwi1198 #10
Chapter 4: alexa play binhi by arthur nery