Remember Forever - They Just Exist

Remember Forever
Please Subscribe to read the full chapter

CHAPTER FOUR

Trigger Warning: Death

 

 

Nagkakagulo sa labas ng kwarto niya nang magising siya.

 

"Ano po ang nangyayari?" Tanong niya sa mayordoma.

 

"Isinugod si Irene sa hospital dahil hindi magising." Nanlumo si Seulgi sa narinig, ang daming tanong sa isip niya. Nabalot ng pag aalala at takot ang nararamdaman niya.

 

She was fine a week ago, how could that happen?

 

Tumakbo siya palabas at pinuntahan si Moonbyul. Nakita niya itong nagmamadali at paalis na sana ngunit tinawag niya ito.

 

"Moonbyul! Si Irene..."

 

"Pupunta akong hospital, sasama ka ba?" Tanong nito at wala pang isang segundo ay mabilis siyang tumango.

 

Hindi na sila nag sayang ng oras at bumiyahe sila papuntang hospital.

 

"Byul, anong nangyari? Bakit hindi siya magising?"

 

Huminga ng malalim si Moonbyul bago nagsalita, "Ayaw niyang malaman mo 'to eh, pero kasi… deserve mo naman siguro malaman. May taning na ang buhay ni Irene bago mo pa siya makilala, Seulgi. May sakit siya at hindi na kayang gamutin o operahan. Bumalik siya dito mula sa Maynila tatlong buwan pa lang ang nakalipas."

 

Hindi niya alam ang nararamdaman niya. Nanlalamig ang buong katawan niya at lalong binalot ng takot. Nakarating na sila sa hospital ng hindi namamalayan ni Seulgi. Mabilis silang pumunta sa front desk at tinanong kung nasaan ang kwarto ni Irene.

 

Nasa isang private room si Irene kasama ang ama niya na siyang nagbabantay sa kanya. Maya-maya ay lumabas ito mula sa kwarto. Kita ni Seulgi kung paano subukan ni Don Carlos na tatagan ang sarili niya.

 

"They're still monitoring her brain activity, hindi pa rin siya nagigising. Gusto niyo bang pumasok sa loob?" Tango lang ang naisagot ng dalawa. They sanitized themselves before entering the room.

 

Seulgi felt a lump on the moment she saw Irene. She was trying so hard not to cry. Dahil sa totoo lang, natatakot siya sa kung ano man ang pwedeng mangyari. She sighed trying to ease her heavy heart.

 

"Gising kana dyan..." Mahinang sabi niya. She caressed Irene's hand. Tahimik lang na nakatingin si Moonbyul kay Irene.

 

Ilang minuto din silang nasa loob at lumabas lang sila nang tawagin sila pareho ni Don Carlos. Sinabihan sila na kumain na muna ng tanghalian pero hindi magawa ni Seulgi na lunukin ang pagkain na nakahain sa harap niya.

 

"Seulgi, kumain ka kahit kaunti." Sabi sa kanya ni Moonbyul.

 

"Byul, gigising siya diba?"

 

"Naniniwala ako kay Irene, kaya niya 'to." Sagot ni Moonbyul. Maikling panahon pa lang silang magkakilala ni Irene pero sa maikling panahon na 'yon naging malapit sila sa isa't isa. Alam ni Seulgi na mabigat din para kay Moonbyul ang nangyari dahil matalik silang magkaibigan ni Irene.

 

Bumalik silang dalawa sa kwarto at kasama nila si Don Carlos na nagbabantay. Ilang oras na ang lumipas at hindi nila namalayan na nakalubog na ang araw. Nakatulog saglit si Don Carlos sa couch at si Seulgi naman ay nasa upuan malapit kay Irene. She was holding Irene's hand. Nagkukwento ito sa dalaga kung ano ang nangyari sa araw niya kahapon nang bigla niya naramdaman ang paggalaw ng kamay nito.

 

"Irene?" Tiningnan niya ang kamay nito at nararamdaman niya ang konting pag higpit ng hawak ni Irene sa kamay niya.

 

"Byul! She moved her hands! Tumawag ka ng doctor, please…" Medyo malakas ang boses niya dahil sa pagka surpresa at nagising nito si Don Carlos.

 

"What happened?"

 

"Naigalaw niya po ang kamay niya kanina."

 

"Anak," Tanging nasabi ni Don Carlos nang makita niyang nakabukas na ang mata ni Irene at nakatingin sa kanya.

 

Hindi nagtagal ay nadapo ang tingin ng dalaga kay Seulgi na hindi mapigilan ang iyak niya. Irene was just staring at her as if she's memorizing Seulgi's face. Seulgi saw a tear roll down at Irene's eyes.

 

It was that one last look from Irene that made Seulgi feel like her life ended there too.

 

The alarms went off and a flat line started to show at the monitoring equipment. Kasabay nito ang pagdating ng nurses at doctor at pinalabas na sila sa kwarto.

 

It happened so fast and Seulgi could barely pick up. She thought everything was going to get better.

 

 

“Now how

How will I move on?

You taught me how to love again and now you're gone.” When Scars Become Art by Gatton.

 

Seulgi’s POV

 

 

"I'm sorry to tell you this… but she didn't make it, Condolences." I heard the doctor tell Irene’s father.

 

No… Please… That's not true.

 

Hindi ko maramdaman ang sarili ko, para akong binuhusan ng malamig na tubig pero parang sinusunog ang puso ko sa sobrang sakit. Nakita kong napaupo sa sahig si Don Carlos at nilapitan siya ni Moonbyul para alalayan.

 

Hindi… Hindi niya ako iiwan…

Sinamahan ni Moonbyul si Don Carlos sa loob. Ako? Hindi ko ata kayang makita siyang ganon.

 

Naramdaman ko na naman ang mga luha sa pisngi ko. Kung kanina ay wala akong nararamdaman, ngayon naman ay lahat ata ng sakit nararamdaman ko na. Maya-maya pa ay lumabas na si Don Carlos kasama si Moonbyul. He gave me a hug, although he looked so tough and didn't even shed a tear… I know how much he's hurting. He already

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
patatangina
This story was sitting on my drafts for quite some time and I decided to finally publish it. Enjoy reading, I guess?
twitter: @srpatatangina

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
36 streak #1
Chapter 3: Unang iyak ngayong 2023 aemen
AnneTokki #2
Chapter 4: Why did I read this patatangina naman 😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭
Moksy23
#3
😢
kkdalgi #4
Chapter 4: Punyeta! Maganda siya pero putangina talaga. 🥲
mengmengBellybeng90 #5
Chapter 4: Tf.. 🙂🙂 wala ko masabi pero sige.. sana.. may ulam ka today
samanarose #6
Chapter 4: panu mo nasabing mag eenjoy ako nito:( huhuhuhu pero grabedh damang dama thank you
seulbunny_ #7
Chapter 4: pagkatapos kong basahin, sa tingin mo otor nag enjoy ako? kung masokista ako baka inenjoy ko 🙂 char jk thanks po dito!
HeinzKang99 #8
Chapter 4: potang ina naman. leche
kang_ddeul
#9
Chapter 4: wahh ang gandaaaa 😭 thank you po otor-niiim! 😭✊
kiwi1198 #10
Chapter 4: alexa play binhi by arthur nery