Remember Forever - Free With You

Remember Forever
Please Subscribe to read the full chapter

CHAPTER ONE

 

“I was told I didn't deserve love, at least that's the theme” When Scars Become Art by Gatton

 

Seulgi's POV

 

"Oh, yung mga pababa dyan papuntang San Carlos, ito na yung terminal! Pwede na kayong bumaba." Sigaw ng konduktor na nasa unang bahagi ng bus.

Nandito ako sa gitnang parte ng bus katabi ang bintana at ang ginang na kalong ang anak niyang natutulog. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nasa biyahe. Payapa ang paligid at kaunti lang ang taong nakikita ko sa terminal.

 

Tumayo ako at humingi ng pasensya sa katabi ko dahil baka magising ang anak niya kapag nadali ko. Nginitian niya lang ako at sinabing magpatuloy. Bahagya akong natawa sa sinabi niya kahit iba ang tinutukoy niya, natatawa ako kapag naririnig ko ang salitang yon.

 

Magpatuloy? Hindi na siguro.

 

Nang makababa na ako ng bus, naisipan kong maghanap ng mabibilihan ng pagkain. Nagugutom na ako, ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng sikmura ko nang maamoy ko ang ulam sa karinderya dito sa terminal.

 

"Ano po yon?" Tanong ng babae na sa tingin ko ay nasa singkwenta na siguro ang edad. Nginitian niya ako at sinenyasang pumasok sa loob ng karinderya. Ngumiti lang din ako at pumasok sa loob. Tiningnan ko ang mga ulam na tinitinda niya, wala dito ang paborito ko pero umorder pa rin ako.

 

"Isang order po nitong bicol express with rice, at isa na ding coke at tubig," sabi ko sa kanya. Kinuha ko ang wallet ko sa backpack na dala ko para magbayad. Wallet, posporo, camera at iilang damit lang kasi ang dala ko. Ang mahalaga naman ay may pera akong magagastos.

 

Umupo ako sa bandang sulok, sinabihan kasi ako ng ginang kanina na siya na ang magdadala ng pagkain ko.

 

"Anak, kumain ka ng marami, oh, eto at dinagdagan ko ng isang cup ng kanin yung order mo ha. Tsaka itong sabaw, mainam tong pampawala ng pagod."

 

Magsasalita sana ako kaso pinigilan niya ako.

 

"Huwag kang mag alala, hindi mo babayaran ang idinagdag ko. Namumutla ka kasi at parang pagod ka. Naalala ko sayo ang anak ko na nagtatrabaho sa Maynila. Ganyan parati ang itsura kapag galing sa byahe," sabi ng ginang sakin. Nagpasalamat ako sa kanya at hindi naman na siya nagtagal at umalis din ito. Totoo nga siguro yung sabi nila, na kung sino pa yung halos wala nang maitabi para sa sarili, sila pa yung mapagbigay.

 

Nagsimula na akong kumain, masarap ang luto niya. Naalala ko tuloy si nanay Edna. Siya ang taga-luto namin sa bahay, sayang at hindi ko na nagawang magpaalam sa kanya.

 

Nang matapos akong kumain nagpasalamat ako ulit sa ginang. Nagulat nga ako nang bigla niya akong yakapin. Hinayaan ko nalang dahil baka namimiss niya ang anak niya. Hindi naman mahigpit ang pagkakayakap niya sakin, sapat lang at hindi ko na ito ininda dahil hinaplos niya ang likod ko na para bang gusto niyang pagaanin ang loob ko.

 

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Iyon naman talaga ang gusto ko, ang mawala, ang mapag isa.

 

It was exactly three months ago since my parents and my little sister left me. Birthday ko noong araw na yon at sobrang saya ko dahil sa wakas, nag plano sila na i-celebrate ang birthday ko. Sa loob ng sampung taon na lumipas, iyon na lang ulit ang pagkakataon na kumpleto kaming lahat sa kaarawan ko. Since my little sister was born, they never took care of me the same way. I admit I was a little envious but I never let envy take the best of me. I didn't tell them anything about what I felt, because I'm the big sister and I have an eleven years with my sister. Isa pa, labing isang taon kong na solo ang atensyon at pagmamahal ng magulang ko, kaya ayos lang sakin na sa kapatid ko naman ang atensyon nila.

 

We went to the park, my little sister and I played around. We went to the mall and they bought me new things and my father gifted me a camera. Sabi niya, panahon na daw para palitan ko ang ibinigay niya sakin na camera sampung taon na ang nakalipas. I was being spoiled rotten that day. And I remember myself being happy and excited, like a little kid again. Pero binawi agad sa akin ang lahat ng yon.

 

Pauwi kami galing sa mall noong na aksident kami. Wala akong halos maalala sa nangyari pero ang sabi sa akin ay nawalan ng preno ang sasakyan namin. And that accident took my parents and little sister away from me. I was told that we were all in the ICU but after two days, my parents passed away and then after four days my little sister followed them. I woke up after seven days and the first thing that I heard from my uncle?

 

'Bakit ikaw pa ang nabuhay?' That's what he asked.

 

Hindi ko rin alam. I was happy that day and then I woke up; it felt like a normal sleep but then I found out I was all alone. They practically blamed me for what happened. Kung hindi daw sana kami nag celebrate ng birthday ko, siguro ay buhay pa ang magulang at kapatid ko. I was blaming myself too, hanggang ngayon.

 

At hanggang ngayon patuloy ko paring kinu kwestyon ang purpose ko sa buhay… kung may purpose pa ba ako.

 

Hindi ko pinili at ginusto na maiwan mag isa at mabuhay, siguro naman may karapatan ako kung paano ko tatapusin ang lahat, 'di ba?

 

Huminga ako ng malalim bago nag desisyon na lang na maglakad-lakad, hindi naman gaanong mainit dahil maraming puno sa gilid ng daan. May pailan-ilang kotse at bus ang dumadaan sa kalsada, pero bihira lang ako makakita ng mga taong naglalakad din. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal naglalakad pero nasa punto na ako ng buhay ko na kailangan ko nang mag desisyon.

 

Mag desisyon kung ano sa dalawang daan sa harap ko ang tatahakin ko. Kaliwa o kanan?

 

Isa lang ang naiisip ko na solusyon, ang mag eenie meenie. Minsan talaga, hindi lang sa exam effective ang ganito. Kung may makakakita siguro sakin ay napagkakamalan na akong baliw. Nang matapos ako kumanta, tumigil ang kamay ko sa kanang daan.

 

Hah, sabi na nga ba mapagkakatiwalaan ang solusyon na naisip ko. Mukha kasing dito na talaga ako maliligaw, rough road ang daan at magkakalayo ang bahay na makikita sa gilid nito. Inabot na ako ng paglubog ng araw hindi ko parin marating ang dulong bahagi ng daanan na ‘to. Ubos na din ang tubig na binili ko kanina sa karinderya.

 

Tumingin ako sa paligid, ngayon ko lang napansin na malapit na ako sa bundok, dumagdag sa ganda nito ang kulay ng langit dahil sa paglubog ng araw. Napangiti naman ako at kinuha ko ang camera sa bag ko. Hindi ko na pinalagpas pa ang pagkakataon at kinuhanan ko ng litrato ang tanawin na nasa harap ko. Nang matapos ako ay nagpatuloy na ako sa paglalakad habang hawak ang camera ko. Paminsan-minsan ay kinukuhanan ko ng litrato ang mga nadadaanan ko na nakakakuha ng atensyon ko. May mga nakikita na akong tao sa labas ng bahay nila, nakahinga naman ako ng maluwag dahil akala ko ay ako nalang mag isa sa lugar na to.

 

 

“Kunin mo! Bilis! Takbo!” Biglang may tumabig sakin at kumuha ng camera na dala ko. Mabilis akong napalingon sa dalawang bata na mabilis tumakbo ng makuha ang camera ko.

 

“Hoy! Ibalik niyo yan sakin!” sigaw ko at hinabol sila. Binabawi ko nang mapayapa ang lugar na ito.

 

Ang bibilis tumakbo ng mga bata at hindi ko na sila makita ulit ng napadpad ako sa taniman ng pinya. Tumigil na ako sa pagtakbo at binigyan ang sarili ko ng panahon para makabawi ng hininga. Lumunok ako pero para akong nauubusan ng laway. Dito lang ako nakaramdam ng pagod at parang umiikot ang paligid ko.

 

 

 

Matinding ingay at sakit ng ulo ang sumalubong sa akin ng idilat ko ang mga mata ko. Wala nang araw at sandali, wala na ako sa pinyahan. Napabalikwas ako sa pagkaka higa at maingat kong in obserbahan ang paligid ko. May nagka kasiyahan ata sa labas ng kubong kinaroroonan ko. Maya-maya ay narinig kong papalapit ang boses mula sa labas kaya minabuti kong bumalik sa pwesto ko at ipikit uli ang mga mata ko.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
patatangina
This story was sitting on my drafts for quite some time and I decided to finally publish it. Enjoy reading, I guess?
twitter: @srpatatangina

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
36 streak #1
Chapter 3: Unang iyak ngayong 2023 aemen
AnneTokki #2
Chapter 4: Why did I read this patatangina naman 😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭
Moksy23
#3
😢
kkdalgi #4
Chapter 4: Punyeta! Maganda siya pero putangina talaga. 🥲
mengmengBellybeng90 #5
Chapter 4: Tf.. 🙂🙂 wala ko masabi pero sige.. sana.. may ulam ka today
samanarose #6
Chapter 4: panu mo nasabing mag eenjoy ako nito:( huhuhuhu pero grabedh damang dama thank you
seulbunny_ #7
Chapter 4: pagkatapos kong basahin, sa tingin mo otor nag enjoy ako? kung masokista ako baka inenjoy ko 🙂 char jk thanks po dito!
HeinzKang99 #8
Chapter 4: potang ina naman. leche
kang_ddeul
#9
Chapter 4: wahh ang gandaaaa 😭 thank you po otor-niiim! 😭✊
kiwi1198 #10
Chapter 4: alexa play binhi by arthur nery