Ang Huling Byahe Pauwi.

Mga Kwentong Telesine.
Please Subscribe to read the full chapter

Para sa bawat isang tao na umiibig.
 

Hindi sumasaglit ang pag-ibig.

 

Hindi rin ito nagsisilbing parang tambay na babalik at aalis bigla sa puso ng bawat isang taong nagmamahal.

 

Natutunan kong hindi nawawala ang pag-ibig, At lalong hindi mawawala ang pag-ibig.

 

Para itong buwan na pabago-bago ang anyo.

 

Kahit ang hindi hihigit sa kalahati na bulan ay mabubuo pa rin sa daloy ng oras.

 

Ito ay magiging banilig, mayari, at subang na buo at kumikinang sa pagmamahal na handang ihandog nito.

 

Ito ay magiging libulan, banolor, at sa wakas, haliya na nagpapatunay na kagaya ng buwan, ang pag-ibig ay tumatakbo din sa isang siklo.

 

Binabago man ng oras at hindi man matanaw minsan, lagi't lagi ang liwanag na dala nito.

 

Sigurado, masugid, pabalik-balik.

Kailanman, hindi ito pumalya.

 

Kagaya ng pag-ibig na baguhin man ng oras ay hindi mawawala.

 

Sadyang mag-iiba lang ang anyo at ibig sabihin nito dahil sa iba't ibang mga daan na patuloy nating tinatahak.

 

Kaya hindi ako naniniwalang sumasaglit ang pag-ibig.

 

Magmukha man itong hindi buo kagaya ng haliya at kundi man ito matanaw minsan, sa pagtatapos ng bawat araw at sa bawat haba o igsi ng takbo ng oras ay liwanag pa rin ang babalot sa atin.

 

Pag-ibig pa rin ang sasalubong at mananatili sa atin.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
iskoseul
Malapit na.

Comments

You must be logged in to comment
BuBunSki3155 #1
Chapter 5: Pre-quel, sequel, o kahit ano pa yan. Di pa rin nababawasan ang sakit na nararamdaman ko. Ang sakit pa rin.
ForeverLuvie #2
Chapter 4: Gusto ko lang naman po sumaya
kwinter
#3
Chapter 5: tangina bat kask di umamin
Kang_bae_rene
#4
Chapter 5: Ohhh married people still divorce after falling in love with each other, so, indeed, love never lasts...

But irene's still together with byul after all these years proves that in some cases, love last till the very end if it's pure.
iamriou_
1153 streak #5
Chapter 5: Napaka-sakit pa rin talaga. 😭😭
Anonymss #6
8 nmn 😔
lisamalabon
#7
Chapter 5: namumuot yung sakit letche
its_aaarrriii
33 streak #8
Chapter 5: Ang sakit mo pa rin shutacca
Today_is_Irene #9
Chapter 5: SHETTT SAKETTT
tutting101
#10
Chapter 5: pakshet ang sakit agad