Blangko
If all the Universe ConspiresChapter Two | Blangko
Sabi nila, writers are boring in real life. Some would beg to disagree but I wouldn’t. These days, I don’t have anything much to do. I don’t have a lot of friends. Yung tipong mabibilang mo lang sila sa mga daliri ng isang kamay. Take note, counted pa si Wendy doon.
In short, wala akong social life.
As opposed to Wendy’s very innate friendliness, ako naman yung makikita mo sa mga party na sapilitang napasama dahil kailangan ng kapatid ko ng taga-drive pauwi. What can I say? She’s a party animal. Ate pa rin naman ako ni Wendy with a record time of eleven minutes, so I guess this is the reason why I still look out for her in terms like this.
Sino nga naman ba ang makikinig sa mga corny characters ng mga libro ko? Kung gaano nakakakilig ang mga librong sinusulat ko, ay siya namang nagmimistulang patlang sa puso kong hindi ko naman magawang punan.
“Not drinking again?” I don’t hate it when people approach me. Siguro, insecure lang ako, that’s why I don’t say much. After today’s improvement of saying Irene’s name, which I haven’t said for years, I’m here babysitting my sister at a club dahil may pa-anniversary party sila sa company.
Umiling lang ako. I smiled politely like I always do. By now, my twin’s colleagues know me dahil lagi nga akong pinipilit sumama ni Wendy sa mga lakad niya. I think this is her way of making me go out of the house. To socialize, ganun.
“Kamusta?” Tanong ni Joy sa akin. Isa siya sa mga schoolmates namin when we were in college. Mas bata siya sa amin ng kapatid ko ng isang taon, radio dj din siya sa station where Wendy works. I can say, she’s one of the few friends I have. As if I have any choice.
“I’m good.” Tipid kong sagot sa kanya. I saw Wendy dancing like crazy a few meters away from us. She and her energy talaga, I don’t think I can ever beat that.
“Same old, same old?” Joy sat beside me.
“Yeah. Same old, same old.” I repeated. As I was pouncing on the word, parang may kalakip na mapait na lasa ito.
“Are you dating anyone? Or still stuck with your failed romance from college?” She casually asks. Like Wendy, parehas sila ng tabas ng dila. Kaya nga sila siguro bagay na bagay silang mag-jowa.
How I wish, huminto na lang ang panahon ‘nong college. Now that I’m twenty-six, dinadala na lang ako ng ihip ng hangin kung saan man ito patungo. Parang hindi ko na alam ang gusto ko. May quarter-life crisis na ata ako.
“I’m not dating anyone.” I answered playingly safe, kahit wala sa choices na binigay niya. Hindi ko aaminin na I’m still stuck with my failed romance in college. Ayokong kaawaan nila ako.
“Tell me if you’re looking to date someone, madami akong pwedeng i-reto sa’yo.” I see her drink the very last drop from her glass.
Tumango lang ako uli. She left me and joined her girlfriend on the dancefloor.
---
The week went by the same. Parang araw-araw, natutuyo na ang kaluluwa ko. My mind is restless. Nagkakasya lang ako araw-araw sa patingin-tingin kay Salome habang nag-aantay para kay Elias. Nawalan na rin ako ng gana manood sa napakasakit na tinadhana sa kanila.
“Himala ata! Hindi mo sisilayan si Salome?” Naabutan ako ni Wendy na nakahiga sa sahig. Sa ganitong oras, dapat ay nagkakape na ko at nakatambay sa balcony pero ngayong araw ng Biyernes, wala ako sa mood na gawin ‘yon.
“Elias found a new girl, two weeks ago. He goes to the same spot with the same cups of coffee, pero ibang oras.” I finally decided to tell Wendy.
Nagmamadali siyang tumakbo palabas ng balcony namin. “She’s still waiting, though!”
“She is.” Tumawa ako. Sino bang niloloko ko? Even my laugh seemed fake. How can someone in their right mind be patient like that?
“Bakit ka affected?” Humiga si Wendy sa tabi ko. Parehas naming tinitignan ang puting kisame ng aming condo unit.
“Ako? Affected?” Sinagot ko ng tanong ang tanong niya.
“Nagmumukmok ka nga dito sa sahig.” Natawa siya ng sandali. “Do you want to come with us later? May inuman uli.” Bumangon na siya sa pagkakahiga. Tapos na ang pep talk niya.
“Kayo na lang. Mag-Grab ka na lang
Comments