Malay mo Tayo [Tj Monterde]

Playlist

Malay mo tayo - Lisoo

 

Binabagtas ko ang kahabaan ng edsa, traffic kasi uwian na. kumukulo na rin ang tyan ko nakalimutan ko na kasing mag hapunan dahil uwing uwi na ako. Gusto ko nang umuwi, magpahinga, kaya ng hindi ko rin alam kung bakit ako ngayon humahanap ng maari kong pag pabalikan. Kakatapos mo lang kasi tumawag sa akin at kagaya ng mga nakaraang tawag mo umiiyak ka nanaman. At eto ako, uwing uwi na pero mas pinili kong bumalik sayo.

 

 

Alas nwebe, nung sinabi mong titigil mo na ang pag hahabol sa kanya. ilang box na din ng tissue yung naubos mo, buti nalang talaga walang masyadong tao dito sa mcdo ngayon pero sa tuwing may dadaan tinitingnan nila tayo ng may panghuhusga. Gusto ko na ngang umalis dito, inaya na kita ng ilang beses pero ayaw mo pang umalis. siguro ganun ka talaga matigas ang ulo.

 

 

 

"jisoo tara na. ihahatid na kita sa inyo" muli kong pag yaya sayo.

"alam mo namang hindi ako pwedeng umuwi ng ganito lisa. alam mo naman sasabihin nina mama"  nagpahid ka muli ng luha mo

"ano ba kasing nangyare?"

"iniwan na nya ako"

ilang ulit na nga eh. ano pa bang bago?

"babalik din yun" palagi naman eh, pag sawa na sya sa bago nya

pero umiling ka, "umalis na sya papuntang new zealand. hindi na sya babalik"

 

mabuti naman...

hindi na lang ako umimik at pinatahan nalang sya ulit, kagaya ng palagi kong ginagawa kapag iniiwanan ka nya.

 

 

 

Alas dose, nang kumalma ka at pumayag na umuwi na. pag ka upo mo sa passenger seat ay nakatulog ka na agad. Pagod ka na kasi, pagod na pagod na. Pero bakit nga ba hindi ka sumusuko? bakit kahit ilang beses ka na nyang iniwanan at sinaktan tinatanggap mo parin sya? nakaktawa mang isipin pero dapat pala sarili ko muna ang tanungin ko kasi ganun din ako sayo. Kahit sya yung palagi mong pinipili hindi ko parin kayang tururan ang sarili kong iwanan ka, at iwanan ang nararamdaman ko para sayo. Kaya nga siguro bestfriends tayo, parehas matigas ang ulo.

 

 

 

Habang nag mamaneho ako hindi ko mapigilan na mapatingin sayo. bukod kasi sa nakanganga ka na humihilik ka pa ng mahina. Nang huminto ako para magpa gas inihiga ko ang upuan mo at ikinumot na rin sayo ang jacket na suot suot ko. inalis ko rin ang mga buhok na humaharang sa mukha mo.

napakatanga talaga nang gagong yun para sayangin ka, saktan at iwanan. minsan naiisip ko din nga ano bang meron sa kanya? na kahit anong gawin nyang kalokohan, o paraan para saktan ka nagagawa mo parin syang mahalin. At ilang luha pa kaya yung papahidan ko sa tuwing nakikita kitang umiiyak habang natutulog ka. sana ito na talaga ang huli kasi ayoko nang makita ka pa sa ganitong kalalagayan...

 

 

 

 


Isa, dalawa, dalawang linggo. dalawang linggo na nung huli kang tumwag sakin, dahil iniwan ka na ng gago mong nobya at parang hindi na ako nasanay kasi ganun naman talaga. Kapag kailangan mo ako tatawag ka, kapag hindi na, makakalimutan mo na ulit ako. palagi nalang ganito, pero wala eh pag dating sayo tanga ako. kaya kahit dalwang linggo na, nag aantay parin ako. baka lang masanggi ako sa utak mo.

"Lisa may nag hahanap sayo sa labas" napalingon ako sa katrabaho ko ng pumasok ito sa office ko

"huh? sino daw? bakit di mo papasukin?" tanong ko

"ayaw nya eh. dun nalang daw sya sa labas mag iintay."

"oh sige yeri salamat"  tumango sya at umalis na din

kinuha ko ang cellphone ko at lumabas na para tingnan kung sino nag hahanap sa akin. napatigil ako, kasi ganun naman ang epekto mo sa sistema ko. kasi normal naman ang takbo ng oras, normal naman ang function ng katawan ko pero bakit lahat ng normal nagiging abnormal pag ikaw yung nasa harap ko. 

 

 

 

Kim Jisoo, ano bang ginawa mo sa akin

 

 

 

Ngumiti ka sakin at kumaway ng makita mo ako, at kagaya nga ng sinabi ko naging abnormal lahat ng nasa paligid ko. bumagal ang oras, tumahimik ang paligid at tanging ang mabilis ng tibok ng puso kong nasasabik ang tangi kong naririnig kasabay ng pag yapak ko papalapit sayo.

"Hi!" masigla mong bati sa akin

"Hi." bati ko rin sayo

"sorry naistorbo kita." napakamot ka sa batok mo

"hindi, ayos lang. para ka namang others" biro ko

natawa ka ng bahagya

"anong meron?" tanong ko sayo

hindi ko alam kung naoffend ka ba sa sinabi ko kasi nawala ngiti sa mga labi mo at marahan mong kinagat ang ibabang labi mo.

"wala naman." tipid mong sagot

at natahimik ang lahat o nabingi lang ako. pero mukhang yung nauna kasi walang umiimik sa atin.

"lisa" tawag mo sakin

tumingin ako sayo 

"hmm?" 

"that night, nung hinatid mo'ko sa bahay two weeks ago. i heard you say some things" 

napalunok ako. 

 

 

"sana tama na ang pag papakatanga ha? tama na ang pag sugal sa maling tao. piliin mo naman ang sarili mo for once. kasi may mga tao na iniintay kang gawin yun. Ako, iniintay kita. iniintay kong magising ka sa pag papakatanga mo kay Jennie. Kasi ilang beses na, ilang beses pa ba? piliin mo na sana ang sarili mo okay? at habang ginagawa mo yun andito lang ako para ipaalala sayo kung gaano mo ka deserve na mahalin, at alagaan. Di kita iiwanan Jisoo. kagaya noong pinili mo sya kesa sa akin kaya kong intayin ka ng paulit ulit, kahit masakit."

 

 

" jis"

"hindi ko alam. lisa, i'm sorry." yumuko ka

"it's okay jis" 

"do you mean it?"

"ha?"

"kaya mo pa rin ba akong hintayin?" 

"yes" 

kahit gano pa katagal

"Lisa, hindi ko alam how long will it will take para mabuo ulit ako at i don't know if you deserve me. kasi you deserve to get the love you give at sobra pa dun."

hinawakan ko ang mga kamay mo

"jisoo look at me" at tumingin ka

"hindi ako mag sasawang intayin ka. Heck i've been doing that my whole life ngayon pa ba ako titigil. So kahit gano pa katagal, i will always be here."

"Lisa, you deserve someone better" 

"And ikaw din. So wag mo akong intindihin, wag mo akong isipin. ang isipin mo ay ang sarili mo at  maybe one day pag bumalik malay mo tayo pala" 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Astraea21 #1
Chapter 3: Ang sakit. 😭