All I Ask (Adele)

Playlist

All i ask - moonsun

Madalang lang akong mag tanong. kasi maliban sa mahiyain ako eh hindi naman ako curious. Mas gugustuhin kong alamin ang sagot kesa itanong pa sa iba. Kahit sa pag ibig hindi ako matanong, kapag sinaktan ako tinatanggap ko ano mang rasonnang sabihin sa akin, kapag iniwan ako iniisip ko na baka may kulang lang sa akin. Never akong nag tanong, ngayon lang. at sa lahat ng tanong, yung pinaka mahirap pang sagutin ang napunta sa akin.

 

Bakit?

 

June 27, 2021

"See you soon ms. solar" ngumiti ako at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

 

I will leave my heart at the door
I won't say a word

 

ilang araw din akong nakulong sa loob ng puting gusaling ito. sanay na ang aking pang amoy, maging ang aking mga mata sa araw araw na senaryo rito.

nang makarating ako sa labas ng gusali ay nilanghap ko ang hangin ng syudad na hindi ko inaakalang hahanap hanapin ko rin pala. Ang ingay ng mga sasakyan, ang kakaibang init na dala ng pulyuson, at ang karamihan ng taong dumaraan. hindi ko alam na dadating pala ako sa pag kakataong hahanpin ko ang mga ito.

"para ka talagang bagong laya" natatawang sabe nya mula da likod ko

"bagong laya naman talaga ako'' nakangiti kong sagot sa kanya ng pumihit ako para harapin sya.

 

They've all been said before, you know
So why don't we just play pretend?

 

lumapit sya sa akin, kinulong ako sa mga bisig nya, at ganon rin naman ang ginawa ko. pamilyar na init ang naramdaman ko, ang init ng mga yakap nya. 

"byulie" tawag ko sa kanya

"hmm?"

"na miss kita" naramdaman kong hunigpit ng bahagya ang pag kakayakap nya sa akin bago siya tumugon

"ako din, yong. I missed you

matagal. matagal kaming tumayo roon sa ganoong posisyon na para bang hindi tumatakbo ang oras para sa aming dalawa. kung hindi pa siguro kumulo ang sikmura ko ay hindi kame mag hihiwalay.

bahagya syang natawa "tara na, kumaen na muna tayo bago tayo umuwi

kinuha nya ang mga kamay ko at pinag siklop ito. ngumiti syang muli sa akin bago kame tuluyang maglakad papunta sa kaniyang sasakyan. 

Hindi ko mapigilang mapangiti habang nag lalakad kaming dalwa, mag kahawak ng kamay at  masayang masaya sa piling ng isa't isa. lahat ng ito ay pamilyar na, kahit nga kanyang itim na mustang na palaging sumusundo sa akin tuwing lalabas ako. mula labas hanggang loob, lahat pamilyar. 

"hindi mo pa din pala pinapaltan ng kulay tong mustang" sabe ko bago nya isara ang pintuan nang makasakay na ako. 

"eh, nakakatamad. tyaka maganda pa naman ah" nakangiti netong sagot at tuluyang sinara ang pintuan ng sasakyan bago sya pumunta sa drivers seat. 

hindi natahimik ang loob ng sasakyan habang kami ay bumabyahe, dahil sa dami nang kwento niyang dala. 

"alam mo na nakita ko si hwasa kanina bago ako pumunta sayo. akala ko nag iisa syang pa uwi ng korea, nagulat ako biglang dumating si whee."

"si whee? wait, eh??" gulat kong tanong sa kanya ng maintindihan ko ang sinasabe nya

"oo! ako din nagulat, kasi bigla nalang may humalik sa pisngi nya tapos si wheein pala

"akala ko sila ni sooyoung nag ka tuluyan?

"nako alam mo naman yung dalwang yun yong, parehas palaban. Para lang silang tropa sa twitter parang di mag ex" natatawa nyang sabe

"mutual naman ata break up nila"

"oo parang nagloko lang ang mga tanga".

"pero akala ko talaga sila" 

"akala ko din eh." ngumiti syang muli bago tumingin sa dinaraanan namin

muli kaming natahimik. 

"sorry." sabi nyang muli

umiling ako "no it's okay byulie" hinawakan ko ang kamay nyang nakapatong sa gear shift. 

"you're here, that's what matters

iniangat niya ang kamay ko at hinalikan ito, isang simpleng akto pero milyong milyong pakiramdam ang naramdaman ko ng sabay sabay. 

"i love you"

 

Like we're not scared of what's coming next
Or scared of having nothing left

 

----

 

 

Nang makarating kami sa restaurant na kakainan namin, pag ka upo ko ay nag paalam muna sya para mag cr. pero ilang minuto na ang nakakalipas ay wala pa din sya dito.

"nasan na kaya yunh kupal na yon?" irita kong tanong sa sarili ko habang palingon lingon mula sa kinauupuan ko. 

"solar?" napalingon ako sa taong tumawag saken

"seulgi?"

"oh myyy ikaw nga! haha" lumapit siya sa akin para yakapin ako, at ganun rin ang ginawa ko 

"kelan ka pa nakauwi?" tanong ko ng maghiwalay kame

"kahapon lang. sino kasama mo?

"si byul" nakangiti kong sagot sa kanya

lumabas naman mapang asar nyang ngiti ksabay nang pag tago ng mga mata nya. 

"ah si byuuulll" pang aasar nya

"ewan ko sayo oyy" inirapan ko sya

"haha, sige una na ako. inaantay na ako ni wendy

"wendy?? si wendy napangasawa mo?!" 

"Ha?!" gulat nyang tanong

"di'ba kasal ka na?" tumango sya

"oo, kay jennie

"Eh??! jennie? as in jennie kim??" 

"yup" sagot nya at pinakita ang lockscreen ng phone nya

"wow... eh ba't kasama mo si wendy?

"baket bawal ba?" natatawa nyang tanong

"hindi naman.. oo nga no? hahaha" natawa nalang din ako sa sinabi ko

"ihahatid ko si wendy kay sooyoung. tangina kasi nung dalawang yun napakatorpe. ako na ang gagawa ng paraan, na frustrate na din si misis sa kanila

"haayy salamat at may nakapansin din. sige na umalis na kayo baka maudlot pa forever nung dalwa dahil sa kadaldalan mo" pag tataboy ko sa kanya

"hahaha, ugh please wag na. sige, enjoy sa date solar! pasbe nlang kay byul, laro kame ulit codm. bye! good to see you yong

yumakap syang muli sakin, this time mas mahigpit kesa nung una, at parang narinig ko rin ang pag singhot nya bago sya kumalas sa akin. kumaway sya sa huling pag kakataon at tuluyan ng umalis. 

hindi ko na pinansin ang kakaibang inakto ni seulgi. kinuha ko nalang ang aking telepono at tinext si moonbyul hanggang ngayon kasi wala pa sya. 

'tangina ginhost pa ata ako ng pota' sabi sa aking isip

mga ilang minuto pa ay naiinis na talaga ako at aalis na sana ng makita ko syang papalapit sakin.  pinag krus ko ang aking mga braso, at tinaasan sya ng kilay

"tangina mo san ka galing?" masungit kong tanong sa kanya

"haha, sorry. may inayos lang ako, nakaorder ka na?" casual lang niyang tanong bago umupo

"oo." 

"yah, sorry na" inirapan ko nalang siya at di pinansin

"yong..." tawag nya sa akin at hinila ang upuan ko patabi sa kanya

"uyyy.." pangungulit nya habang paulit ulit na sinusundot ang pisngi ko

"nakita ko si seulgi." walang gana kong sabi sa kanya

napatigil naman sya sa pangungulit nya. 

"oh? dito? nasan sila?" nag palingon lingon sya para hanapin ang kaibigan nya

"nakaalis na. ihahatid daw nya si wendy kay sooyoung" 

"ha! sabe na eh" proud nyang sabi

"si jennie pala napangasawa ni seulgi no?" 

"ay di mo ba alam?" nagtataka nyang tanong

"tatanong ko ba kung alam ko?" inirapan ko sta

"taray. pero, oo. pati kami nagulat kasi akala namin sila Jisoo at Jennie eh"

"Jisoo" yung ex nya

"si Jisoo at Soojoo ata ang mag kadate ngayon

gulat naman akong napabaling sa kanya

"Ha?!

"Hahahaha. oo, same

"di'ba parang sira yung dalwang yo'n? palaging mag kaaway yung dalwang yun diba?

"well, hanggang ngayon naman. Ang cute nga nila sa twitter eh. Walang araw na di sila nag paparinigan, pero sobrang sweet naman nila pag sila lang" napailing nalang sya

"wow, grabe ang unexpected

"ganun talaga ang pag ibig. yung hindi mo inaasahan, yun pa ang madalas na para sayo."

"hugot yern?" biro ko sa kanya at natawa naman sya

hinawakan nya ang aking kamay at sumandal naman ako sa balikat nya. 

"ako ba inexpect mo?

"ang kapal mo naman po

"seryoso" natatawa nyang sabi

natawa naman ako, "hmm. hindi, kasi bestfriend kita. Hindi ko nakita na we could be like this

"ay, we're opposites then" napatingin naman ako sa kanya

 

I don't need your honesty
It's already in your eyes

 

"baket? inexpect mo tayo?"  tumango sya

"i saw us more then friends, kaya nga nabroken ako nung sabe mo bestfriend mo'ko eh." 

"eh kasi totoo naman!"

"pero sabe mo gusto mo din ako"

"oo nga. gusto kita, sa sobrang ka gusto ko sayo ayokong mawala ka. okay na akong andyan ka, kasi wala namang nakakaalam ng hinaharap. baka mawala ka pa saken sa future, and that future? parang di ko ma-imagine

 

And I'm sure my eyes, they speak for me
No one knows me like you do

 

"yong, di naman kita iiwanan

ngumiti ako

"i know, pero who knows kung anong mangyayare sa future. kaya i didn't say noon agad na i felt the same" 

"what changed your mind?" 

"ikaw."

"huh? ako?" ngumiti ako at tumango

"seeing you happy with someone, doing things na we used to do. i told myself na kung bibigyan tayo nang pag kakataon i gagrab ko na yun. i'll risk everything kasi i'm risking naman para sayo. Ikaw yon, ikaw yung susugalan ko. Bakit di ko pa itodo. I wasted years para i admit sa sarili ko na i loved you more than friends, so i said na ayoko nang mag sayang pa ng oras at panahon na di ko sinasabi sayo ang nararamdaman ko".

"ang korni mo" 

sinamaan ko sya ng tingin at tinawanan nya lang ako

 

"badtrip ka alam mo yun?" inis kong sabi sa kanya at inirapan sya. akmang aalis na ako sa pag kakasandal ko sa kanya ng yakapin nya ako mula sa tagiliran at pinatong ang baba nya sa ulo ko

"thank you."

"saan?"

 

"thank you kasi even though i don't deserve you, you choose to risk it all for me. I know you have a lot to lose pero you choose me of all those things."

 

"di naman kasi mahalaga yun kung wala ka"

 

"solar"

 

"i will do it again, and again. kahit anong panahon, kahit anong buhay pa. i will always choose you"

 

"tangina ang drama mo, tama na nga" narinig ko ang pag singhot nya at naramdaman ko rin ang pag papahid nya ng mukha nya

 

niyakap ko rin sya. isang yakap na nag papahiwatig na hinding hindi ko na sya bibitawan pa. 

 

And since you're the only one that matters
Tell me who do I run to?

 

------

 

 

matapos kaming kumaen, o ako. kasi hindi nman nya ginalaw yung pag kaen nya. uminom lang sya ng tubig, nag tampo pa nga ako pero dahil ayoko namang masira ang araw na to hinayaan ko nalang syang dumaldal ng dumaldal habang nakaen ako. Nang matapos ako ay nag bayad na ako at umalis na rin kame. habang nag kekwentuhan kasi kami ay naalala namin yung plano namin na pumunta ng ilocos. ilang araw din namin pinlano yun, kaso bumagyo kaya di kami nakatuloy. kaya eto kame ngayon, nag hahanda ng mga gamit para ituloy ito. 

 

Let this be our lesson in love
Let this be the way we remember us

 

"okay na gamit, at damit naten tara na!" yaya ko sa kanya ng maisara ko ang maleta na dadalhin namin

 

"sure ka na ba? sobrang biglaan neto yong" 

 

"oo ngaa tara na, dalii baka gabihin pa tayo sa daan

 

"napaka upredictable mo talaga" napailing nalang sya at kinuha ang maleta na nag lalaman ng mga damit namin

 

"mas maganda yun no. para sure na matutuloy

 

bumaba na kame at isinakay ang malet sa likod ng kotse

 

"ay teka may nakalimutan ako sa taas" sambit nya, biinuhay muna nya ang makina ng kotse bago umakyat para kunin ang bagay na naiwanan nya

 

"solar? "  papasok na sana ako ng kotse ng may tumawag sa akin, napalingon naman ako at nakita ko ang kasintahan ng kapatid ni byul

 

"suho?" 

 

"ano ginagawa mo dito?" taka nyang tanong

 

"ah, inanatay ko si byul. may kinukuha lang sa taas" nakangiti kong sagot sa kanya

 

"ah" napatingin sya sa kotse namin

 

"papunta kameng ilocos. pasabe nalang kay xiumin oppa ha?

 

ngumiti sya at tumango. "ingat ka-, kayo solar

 

ngumiti ako pabalik sa kanya

 

"sige una na ako." pag papaalam nya at bago umalis pa sya makalabas ay tumingin muli sya sakin at ngumiti ng tipid nago tuluyang umalis. 

 

sakto namang nakababa si byul kaya hindi ko narin pinansin ang inakto ni suho.

 

"sino kausap mo?" tanong nya

 

"si suho, kakaalis lang" 

 

dali dali syang pumunta sa may gate para sumilip

 

"wala naman ah" taka nyang sabi

 

"ang bilis naman nun mawala

 

"luhhh.. ikaw ha nag iimagine ka nang kung sino sino" mapang asar nyang sabi sakin

 

"tangina mo" sagot ko sa kanya at sumakay na sasakyan

 

nakita ko naman ang pag tawa nya at sumakay na rin sya sa sasakyan

 

 

don't wanna be cruel or vicious
And I ain't asking for forgiveness
All I ask is

 

"nasan nga pala si kuya?" tanong ko ng makaalis na kami. 

 

"nasa military sya ah

 

"hindi pa ba sya na discharge?" umiling sya

 

"yong, ilang months palang si kuya dun

 

"huh..." akala ko malapit na sya lumabas

 

 

If this is my last night with you
Hold me like I'm more than just a friend

 

 

"matulog ka na kaya muna, kanina ka pang lutang" nag aalala nyang sabi sakin

 

"okay lang?

 

ngumiti sya sa akin, at tumango

 

"oo naman. pahinga ka na

 

 

Give me a memory I can use
Take me by the hand while we do what lovers do

 

 

hindi ko alam kung bakit ko naisipan na lumapit sa kanya at halikan sya ng matagal sa pisngi, bago sumandal muli sa aking upuan. nakangiti nyang sabi sakin at kinuha ang kamay ko at hinalikam iyon

 

 

It matters how this ends

 

 

"tulog kana, gisingin kita mamaya pag nakalagpas na tayo manila

 

tumango ako at inihiga ang aking upuan.

 

 

"i love you solar. please, mag pahinga ka na" narinig kong sinabi nya bago ako tuluyang makatulog

 

'Cause what if I never love again?

 

----

 

 

"gising na ba sya?"

 

"hindi pa. pero, sabi ng doktor may posiblity na daw na magising sya ngayong araw"

 

"umiiyak nanaman sya kanina"

 

"narinig ko rin na tinawag nya si byul kanina"

 

"Let's just be strong pag nagising na sya okay?"

 

----

 

paulit ulit na maliit na tunog ng parang makina na naririnig mo sa telebisyon kapag nasa ospital ang sinaryo. yun ang naririnig ko ngayon, maliban dito ay ang mga mahihinang bulong nang mga taong kasama ko. kahit nais ko pang matulog at mag pahinga, gusto kong makita ang dinaraanan naming dalawa palabas ng syudad, papunta sa probinsya.

 

pero ibang senaryo ang nakita ko ng mag mulat ako ng mga mata ko. puting kisame, puting kumot, puting higaan at puting mga pader. Lahat ay kulay puti, nag karoon lamang ng ibang kulay ng may lumapit sa aking kinatatayuan.

 

"solar?" tawag nya sa akin

 

kumurap kurap ako bago ko maintindihan kung sino ba itong nasa harapan ko

 

"sooyoung tawagin mo si Doc"

 

at narinig kong bumukas at sumara ang pintuan ng silid.

 

"oh my god sa wakas gising kana" narinig kong muling sambut ng taong nasa tabi ko hawak hawak niya ang kamay ko at naramdam ko ang mainit na likido na bumaba mula sa mga mata nya.

 

umiiyak ba sya? tanong ko sa sarili ko

 

bumukas muli ang pintuan ng silid na ito at naramdaman ko na lamang ang malamig na metal na itinapat sa akin ng doctor at ang nakakasilaw na ilaw na hawak neto

 

"solar naririnig mo ba ako?" tanong neto habang iniilawan anv mga mata ko dahilan para mapapikit ako

 

"oo tangina nasusulo ako" pabukyaw kong sagot

 

natahimik ang lahat, maging ang doktor na tumitingin sa akin ay napatigil rin. Ngunit maya maya pa ay nakarinig ako ng tawanan sa loob at maging ang doktor ay napailing na lang

 

"gising na talaga yan" narinig kong sabi ng isa sa mga tao sa loob ng silid. kung di ako nagkakamali, si sooyoung iyon.

 

"oo nga doc malutong na mag mura eh" si hwasa

 

"mukha nga. welcome back ms. solar" itinago na niya ang ang kanyang hawak at sinensyasan ang katabi ko na sumunod sa kanya.

 

nang makalabas na sila, ay umupo ako sa aking kinahihigaan. tinulungan naman ako ni joy para makaupo ng maayos

 

"thanks" nakangiti kong sabi sa kanya

 

tahimik lamang sila at nag titinginan sa isa't isa na para bang may gustong sabihin pero hindi nila masabi

 

"nasan si byul? tyka bakit ako nandito?" sunod sunod kong tanong sa kanila

 

para naman silang nabato sa kinatatayuan nila ng marinig nila ang tanong ko.

 

"A-ano, yang. S-si by-" bago pa makasagot si hwasa sakin ay bumukas ang pinto at niluwa nito ang kapatid ni byul na si xiumin na katabi ko kanina.

 

tiningnan nya ang mga tao sa loob, at para bang otomatiko na nilang naintindihan ang gusto nitong iparating. isa-isa silang lumabas ng silid, pag kasara ni wendy ng pintuan ay umupo si kuya xiumin sa tabi ko at hinawakan ang mga kamay ko.

 

"kumusta ka?" malambing na tanong neto

 

"okay lang ako kuya, anong meron? kinakabahan naman ako sa mga inaasta nyo eh. nasan si byul?"

 

nakita ko ang pang gigilid ng mga luha sa mata ni kuya bago sya yumuko

 

"a-anong huli mong natatandaan solar? bago ka magising dito?" narinig ko ang pag singhot nya

 

"baket kuya? teka ano bang meron? wag naman kayong ganyan, kuya" halos pumiyok na ang aking boses dahil sa kakaiba kong nararamdaman

 

"just, answer me solar. ano ang huli mong natatandaan" hindi pa rin tumitingin si kuya sa akin. nakayuko pa rin sya ngunit ramdam ko ang pagpatak ng mga tubig na nagmumula sa kanyang mga mata

 

"papunta kaming ilocos ni byul, nakita pa nga namin si suho dun sa bahay eh. natulog ako kasi sabi ni byul lutang nanaman daw ako at gusto nya ako mag pahinga. tapos pag gising ko, nandito na ako. so nasan si byul?"

 

kinuha ni kuya ang nga kamay ko at kinulong ito sa kanya.

 

"yong ah..." tawag nya sa akin.

 

tumingin sya sa akin at nakita ko ang pag iyak nya.

 

"kuya bakit ka umiiyak?" natatawa kong tanong sa kanya ngunit kabaliktaran eto ng naramdaman kong kirot sa dibdib ko

 

 

"m-matagal nang patay si byul. please tama na yong, palayain mo na ang sarili mo." humigpit ang hawak nya sa mga kamay ko at mas lalong dumalas ang pag patak ng luhha nya

 

at parang isang malamig na tubig, ay nagising ako. nagising ako sa panaginip, panaginip na ako ang gumawa. panaginip na kailanman ay mananatiling panaginip.

 

June 27, 2021 Nang kuhanin sa akin ang taong pinaka mamahal ko

 

Walong taon na rin pala, walong taon na rin akong bumabalik sa panahong iyon. sa panahong, hiniling kong samahan nya ako nang isang araw lang dahil ayon nalang ang oras na maari kaming mag sama. kasi ako naman dapat, ako naman dapat yung mawawala at hindi sya. Ako dapat yung natutulog ngayon ng mahimbing at hindi sya.

Cause i was supposed to die that day dahil i have heart decease at yun yung huling araw ko na i choose to spend with her. pero that accident happened, at binigay nya sa akin yung puso nya. at sa walong taon, walang araw na hindi ko sinisi ang sarili ko. edi sana buhay pa sya ngayon, sana masaya syang kasama ang pamilya nya, ang asawa nya at ang anak nila. Pero dahil sa aking pagiging makasarili, nawala sya.

"kasalanan ko kasi kuya. kung sana hindi ko na sya pinauwi, sana nandito pa sya. Sana masaya pa sila ng pamilya nya. sana hindi nalang sya nawala kasi ako naman dapat yung mawawala eh. bakit sya pa?"

hindi ko na napigilan ang pag patak at pag sabog nang aking emosyon. unti unting bumalik ang lahat ng sakit, noong mga panahong nakita ko syang walang buhay sa tabi ko matapos mabangga ang sinasakyan naming kotse noong papunta kameng ilocos. nagising ako at sya, hindi na. bumalik ang sakit nang pag mamakaawa kong wag na akong buhayin at hayaan na lamang akong mamatay kasama nya. Pero ibingay nila sa akin ang puso nya, at itinuring ko itong sumpa. dumating sa puntong kailangan nila akong itali wag ko lang masaktan ang sarili ko at nakaalis ako roon. Akala ko nakaalis na ako. 

pero kagaya nang mga nag daang ika-dalawampu't pito ng hunyo, bumabalik ako sa restaurant na kinainan namin, umoorder ng pagkaen na kinain namin, pumupunta ako sa bahay namin dala dala ko ang mustang na itim na pinagawa ko matapos ang aksidente at bumabyahe papuntang ilocos pero titigil ako sa pinang yarihan ng aksidente at magpapakalasing hanggang sa mawalan ako ng malay at kinabuksang matagpuan ng kung sino sa daan. Marahil hindi pa rin talaga ako nakakaalis doon, doon sa lugar kung saan nya ako iniwanan. Pero marahil ito na yung oras para ako naman, ako naman yung makaalis. Magpatuloy sa buhay na binigay nya sa akin

"gusto ko syang puntahan kuya"

"yong"

"please. hindi ako makakalis kung hindi ako makakapag paalam sa kanya ng maayos"

tumango sya, "sige."


-------

 

June 30, 2029

inihatid ako ni kuya sa sementeryo kung saan nakalibing si byul. ayaw pa nya akong iwanan mag isa pero sabi ko tatawagan ko nalang sya pag aalis na ako. pumayag naman sya pero nag aalin langan parin eto bago tuluyang umalis.

pag pasok ko ng moseleyo, ay nakita ko roon ang  larawan nya. kuha yun noong kasal nila ng asawa nya, naroroon ako dahil ako ang kumuha ng litrato na yun. inilapag ko ang mga bulaklak na binili ko para sa kanya at sinindihan ang kandila na binili ko rin at itinabi ito sa larawan nya.

"hi byul" naupo ako sa tabi nya

"ilang taon na tayong nag kikita tuwing hunyo pero di mo manlang ako sinasabihan parati. kahit aa panaginip napakadaya mo pa din"

humangin ng mahina at dinama ko ito

"napakadaya mo kasi dapat ako yun eh. dapat ako yung aalis, kahit kelan talaga pala desisyon ka. lagi mo nalang akong pinapangunahan, pati dyan sa kabilang buhay pinangunahan mo nanaman ako. punyeta ka talaga, panget mo kabonding alam mo yun?" isa isa nang nag patakan ang aking mga luha.

"hindi mo manlang ako tinanong kung okay lang ba sa akin na ibigay mo yung puso mo sakin. kung okay lang ba ako pag nawala ka? kung kakayanin ko ba yung ikaw ang mauna kesa sa akin na dapat eh mamamatay na? kasi tanggap ko na eh. tanggap ko na, na the end na yung storya ko na hanggang dun na lang ako at hanggang dun nalang tayo pero bakit naman ganon? bakit kailangan ikaw yung mawala at hindi ako? ikaw yung may pamilya, kayo ni Irene diba? may anak na kayo bakit mo sila iniwan? kung alam ko lang na yun na pala yung huli edi sana di ko nalang hiniling na unuwi ka para sana buhay ka pa"

"sana nakakasama ka pa nila, hindi yung ganito. byul ah, bakit? bakit mo gnawa yun? bakit mo pa binigay yung puso mo sakin, eh ganito lang din naman yung mararamdamn kong sakit. sana ako nalang pinatay mo. sana ako nalang byul."

nag patuloy ako sa pag iyak sa puntod nya, na lahat ng sakit na nararamdaman ko na naipon ay gusto ko nang ilabas. Na sana ay maubos na, maubos na ang lahat ng sakit at hinagpis.

 


"panget mo pa din umiyak" napatigil ako sa pag hagulgol ko ng marinig ko ang boses nya

"tangina mo" sagot ko sa kanya

"aray, grabe ka ha. ako na nga nag effort na pumunta dito munurahin mo pa ako"

nilingon ko sya

"tangina mo talaga. sino ba kasing may sabi sayong umalis ka?"

ngumiti sya ng malungkot sa akin

"sorry." tipid nyang sagot

"anong magagawa nyang sorry mo? maibabalik ka ba nyan?"

yumuko sya

"tangina mo talaga. napaka pala desisyon mo"

"oo narinig ko mga sinabi mo kanina"

"eh kung narinig mo pala eh bakit di mo'ko sagutin ngayon ha? baket? BAKET KA NAG DESISYON NANG DI MO MANLANG AKO TINATANONG?!" pasigaw kong tanong sa kanya

"kasi wala ng oras solar, nung nakita kita naisip ko na madami ka pang pwedeng gawin. madami ka pang hindi na gagawa."

"at ikaw wala? tangina byul may pamilya ka, may asawa at anak."

"wala pa si hyunji noong bumalik ako dito yong. it was jisoo's"

"pero it could have been yours kung hindi ka lang tanga. kung sana ako nalang yung hinayaan mong mawala"

"i can't. i can't yong, hindi ko kaya."

"at sa tingin mo kinaya ko? ha byul? oo binigyan mo'ko ng puso pero paulit ulit mo namang sinasaktan. nasa hukay ka na nga nananakit ka parin. sana naman tinanong mo muna ako, kung kaya ko bang mabuhay nang wala ka? kung kaya ko ba na gabi gabing hinihiling na sana ako nalang"

"alam kong kaya mo, kung hahayaan mo lang ang sarili mo"

"paano?! paano byul please, just tell me how. kasi walong taon na pero hindi ko pa din alam kung paano"

"solar let me go. let yourself be free of me."

"alam mong di ko kaya yan. i will forever hate myself from what you did"

"solar, i choose to save you kasi alam ko na you'll use that life of yours para gawin yung mga bagay na gusto mo, and i still believe."

"byul i already gave up"

"but i don't. i believe in you always. so please, stop blaming yourself kasi tama ka, hindi kita tinanong so wala kang choice at wala kang kasalanan. Irene feels the same way."

"byulie hindi ko kaya"

"kaya mo yan yong. there are a lot na naniniwala at handang tulungan ka. just let them be at palagi mo akong kasama."

itinuro nya ang dibdib ko kung saan tumitibok ang pusong ibinigay nya sa akin.

"is this our last time?"

"i'm afraid so."

"so this is good bye?"

tumango sya at ngumiti

 

"i love you yong, please be happy and learn to love again hmm?

"i love you byul, but i'm afraid i can never love anyone again."

sa huling pag kakataon ay ngumiti sya sa akin at sa aking pag pikit ay ang pag tulong muli nang aking mga luha. naramdaman kong muling ang malamig na hangin na animo'y humalik sa akin sabay ng pag mulat ng mga mata ko ay pag balik ko sa realidad kung saan, kailanman ay hindi ko na sya makakasama. 

 

sa lahat ng sagot sa tanong na bakit, pag ibig lang ang binigay nya sa akin. Sagot sa kung bakit pinilit nang taong mahal ko na iligtas ako kahit na  ako mismo ay sumuko na, na hinayaan nya akong masaktan para lang malaman ko ang rason nya. Ang rason na napaka bull, pero iyon ang nag bigay sa akin ng lakas para kayanin ang lahat at magpatuloy. 

 

-end

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Astraea21 #1
Chapter 3: Ang sakit. 😭