Hatid (The Juans)

Playlist

Paano?

 

paano nga ba mag let go? paano mo nga ba makakayanang pakawalan ang isang bagay, o tao na naging parte na ng iyong pagkatao, ng buhay mo. paano?

 

 

 

Yan ang mga tanong na bumabagabag sa akin habang kasama kita. Masaya tayong dalawa, masaya sa mata ng iba. Pero alam ko hindi na, hindi na tayo katulad noong una. Umupo tayong dalawa sa pwesto naten sa kainan ni ate Ayren. kilala na tayo dito at alam na nila kung ano ang palagi nating inoorder kaya hindi na kailangang tanungin pa. Kagaya ng mga maliliit mong galaw hindi ko na kailangang mag tanong pa.

 

 

 

Pero naalala mo pa ba noong una tayo nagkita?

 

 

 

Ika-labing apat ng abril, sampung minuto pagkaraan ng alas syiete. kakalabas ko pa lamang galing sa klase kong pang gabi at dumaan ako dito para kumaen dahil wala na akong lakas para mag luto. wala akong maupuan noon sapagkat puno na ang lahat dahil labasan ng mga mag aaral at nag tatrabaho sa malapit na planta. wala maliban sa isa. sa tabi mo, may bakanteng upuan. nakapatong ang ulo mo sa lamesa kaya't hindi ko alam kung narinig mo ba ang una kong pagtawag na nasundan ng ikalawa, at ikatlo bago ka tumingin sa akin. pulang pula ang iyong mata at ang buhok mo ay gulo gulo na, pero sa aking nga mata para akong nakakita ng dyosa. Kaya't ako'y natulala at hindi ko namalayan ang iyong pag tatanong sa aking sadya. kung hindi ka pa tumayo ay hindi ako matatauhan. At kagaya noon, natauhan lamang ako ng ikaw ay tumayo na mula sa iyong pag kakaupo sa upuan kung saan kita natagpuan, kagaya noon pulang pula na rin ang iyong mga mata. Ang pag kakaiba lamang ay noon mag kasama tayong lumabas, at iniwan mo rito ang sakit ng kahapon mo. Hindi kagaya ngayon, na hindi na tayo mag kasamang lumabas dahil, ako naman yung naiwan kasama ng sakit nang pag lisan mo sa buhay ko ng tuluyan.

 

 

paano?

 

 

paano ko nga ba kinaya noon? paano ko nakayang pakawalan ka? At paano ko kaya ikaw haharapin matapos kong matanggap ang imbitasyon mo na ikaw ay ikakasal na. Limang taon na, limang taon kanang wala sa akin pero naririto pa rin ang sakit. Siguro nga hindi naman talaga ako tumigil sa pag asa at pag hahanggad na baka bumalik ka pa. Dahil mahal kita, minahal kita at yun din ang dahilan kung bakit kahit na sobrang sakit sa aking makita kang masaya sa piling nang iba, na humarap sa altar ng hindi ako ang kasama ay pinilit ko. Kasi mahal kita, Mahal kita kaya ko nagawang palayain ka. Mahal kita kaya nagawa kong ihatid ka, doon sa taong alam kong magiging masaya ka at sa taong pinili mong makasama habang buhay.

Kaya wag ka sanang mag alala na, tanggap ko nang hindi ako ang iyong kasamang tuparin ang mga pangarap na pinag usapan naten noon. tanggap ko na, tanggap ko na...

 

 

 

...kasi Mahal kita. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Astraea21 #1
Chapter 3: Ang sakit. 😭