Cupid's Last Mission 04

Cupid's Last Mission
Please Subscribe to read the full chapter

Apat na araw nang tinatawagan ni Sana si Tzuyu, mula kasi nung matanggap niya yung misyon nina Joy at Sungjae lagi na siyang nakakaranas nang paninikip sa dibdib niya at lumalabas sa alaala niya yung paghihiwalay nilang dalawa ni Tzuyu.

*Baka si Tzuyu yung dahilan kaya naging cupid ako.*

"Bakit hindi niya sinasagot?" napasabunot na lang si Sana sa buhok niya bago tawagan ulit yung numero ni Tzuyu. "Nagri-ring naman, bakit ayaw mo sagutin?" humiga si Sana sa kama niya at nag-isip nang mabuti.

To: DaHyun
can you visit me?

From: DaHyun
sorry I'm busy
: maybe next week

To: DaHyun
Chaeyoung is Tzuyu's bestfriend
: and you?

From: DaHyun
what do you need?

To: DaHyun
did she change her number?

From: DaHyun
nope
: gotta go

To: DaHyun
she's your friend?

From: DaHyun
nope

To: DaHyun
but she's Chaeng's friend
: that means she's also you friend

From: DaHyun
i said no

"Urg, hindi siya makakatulong sa'kin lalo lang sumasakit yung ulo ko." nilapag muna ni Sana sa tabi niya yung cellphone niya at sinubukang matulog.

Napabangon na lang si Sana nang mag-ring yung cellphone niya.

"Hello?" napatakip si Sana sa bibig niya at hinintay na magsalita yung nasa kabilang linya.

"Hey? Sorry ngayon lang kita natawagan, sobrang busy ko kasi ngayon."

"Tzuyu?" nakarinig nang mahinang pagtawa si Sana.

"Yeah, bakit ka nga pala napatawag?.." napakagat si Sana sa labi niya. "It's been a year since we broke up."

"Tzuyu? Can I ask you something?"

"Sure, I can make myself free for you." huminga nang malalim si Sana bago yun dahan dahan na ibuga.

"Did you get mad, really mad when we broke up?"

"Actually not that mad, I'm still thinking, maybe that's the right thing to do with our relationship. We're both obviously suffocated with each other, it's getting toxic and hard to understand what are we really is. Arguments almost everyday, maybe that's a proof we were really not for each other."

"Did you already forgive me?" napahawak si Sana sa dibdib niya nang makaramdam na naman siya nang paninikip nito.

"Look Sana, if there's someone who really need to forgive you, that wasn't me. That will be someone who you hurt the most, you didn't hurt me the way you hurt her." marahang humiga pabalik si Sana sa kama niya.

"Who is she?"

"I don't know." huminga nang malalim si Sana. "I have to go, thank you for giving me some time to talk to you." hindi na nakatugon si Sana dahil sobra na talaga yung paninikip ng dibdib niya.

"What the heck is happening to me?" bulong ni Sana bago makatulog.


----------


"Kim Jisoo?" napatayo si Jisoo at humarap sa tumawag sa kaniya. "Kailangan na natin sabihin kay Sana lahat."

"Huh? Pero bakit?"

"Hindi natin siya pwedeng tulungan na paglaruan yung nararamdaman ng isang tao, paniguradong pati tayo madadamay kapag nalaman nila dad kung nasaan siya at matagal na nating alam yun." natatawang napa-iling si Jisoo.

"Diba kaya nga natin siya tinutulungan para mapa-uwi natin siya dito sa bahay, bago pa malaman nila dad na matagal na natin siyang nahanap?" ngumiti si Jisoo. "Huwag mong sabihin na nag-sisisi ka na, hindi pa nga siya tuluyang nakakabawi kay Sana."

"Pero para kasing mali, oo may nagawa sa kaniya si Sana noon, pero mali naman ata na paglaruan niya si Sana."

"Kapag ginawa mo yun, paniguradong hindi na talaga natin siya mapapabalik dito." nagkibit balikat pa si Jisoo bago maglakad paakyat sa kwarto niya.

"Bakit ba kasi ako pumayag sa plano na 'to." napahawak na lang sa noo niya si Jennie bago lumabas nang bahay nila at sumakay sa sasakyan niya.


"Napadalaw ka?" salubong ni Lisa kay Jennie pagkarating nito sa coffee shop nila.

"Kailangan kong makapag-isip nang mabuti, tsaka gusto rin kitang makausap." tumango lang si Lisa bago nakangiting ilibot yung paningin niya sa kabuoan nang coffee shop.

"Hindi naman ganun karami yung tao, pupunta na lang ako sa opisina." saad ni Lisa bago linisin yung mga ginamit niya sa paggawa ng kape.

"Hihintayin na lang kita dito, para sabay na tayong pumunta sa opisina natin." nakangiting tugon ni Jennie.

"Chaeyeon, si Chaeryeong." napatingin si Lisa kay Chaeyeon na kinakausap na si Sakura.

"You may go, mag-iingat kayo." tumango lang si Chaeyeon at mabilis na pumasok sa crew room para magpalit ng damit niya.

"Tutulungan na lang muna kita dito, namiss ko rin na gumawa ng kape." natatawang sambit ni Jennie nang makita niya yung panghihinayang sa mukha ni Lisa.

"Sigurado ka?" tumango lang si Jennie at nag-suot na ng apron.

Agad namang umalis sila Sakura at Chaeyeon nang makapagpaalam na ang huli kay Lisa.

"Uhm, excuse me."

"Sana? Anong ginagawa mo dito?" hindi alam ni Jennie, pero bigla siyang kinabahan nang makita niya si Sana.

"Oh? Hi." kumaway pa si Sana bago muli hanapin yung pinunta niya sa coffee shop. "Si Chaeyeon ba pumasok?" nakangiting saad niya.

"Kakaalis lang niya, may nangyari ata sa kapatid niya, kung gusto mo sasabihin ko na lang na pumunta ka." paliwanag ni Jennie.

"Pwede ko bang itanong kung saan siya pumunta?"

"That's a personal problem and I can't give you an answer." saad ni Lisa na nakatayo sa likod ni Jennie.

"Pwede ko bang makuha na lang yung number niya?" umiling si Lisa.

"I can't give you any personal information of my employees." napabuntong hininga si Sana.

"Thank you, just in case na pumasok na siya pwedeng pakibigay na lang nitong number ko, kailangang kailangan ko lang talaga siyang makausap." may inabot na papel si Sana na merong cellphone number niya kay Jennie bago nagmamadaling lumabas nang coffee shop.

"She's Minatozaki Sana, right?" bulong ni Lisa. "Dahyun's first love." tumango lang si Jennie bago itago sa bulsa niya yung papel na binigay ni Sana.

---------

Nagmamadaling maglakad si Sana habang nakatingin sa notebook niya, isang linggo lang ang meron siya para sa susunod niyang misyon, hindi pa siya sigurado kung si Chaeyeon ba talaga yung dapat niyang lapitan.

"Sana!!" napahinto na lang si Sana sa paglalakad at napalingon sa tumawag sa kaniya.

Napapikit si Sana nang makarinig siya nang malakas na busina at kasunod nun nakahiga na siya sa kalsada habang nakatingin pa rin sa taong tumawag sa kaniya.

"Tzuyu."


"Hinihintay pa namin yung iba pang resulta para sa test na ginawa namin sa pasyente, yung resulta para sa ginawa naming test sa ulo niya, good news naman dahil walang naging fracture sa ulo niya, nag-aalala lang ako sa right leg niya kung saan siya mismo nabangga."

"Kailangan po ba ng operasyon?" tuluyan nang dumilat si Sana para tignan yung kausap ng doktor.

"Sa leg niya posible, kung hindi naman nagkaroon o magkakaroon ng internal bleeding, yung leg lang niya yung mao-operhan." nagpaalam na yung doktor at agad na lumabas nang kwarto ni Sana.

"What happened?"

"Nakatuon kasi yung atensyon mo sa notebook na dala mo, kaya hindi mo napansin yung traffic light at tumuloy ka pa rin sa pagtawid." lumapit siya kay Sana. "May masakit ba sayo?"

"Dahyun?" pumikit si Sana at huminga nang malalim. "Wala ba si Tzuyu sa lugar kung saan ako naaksidente?"

"Nasa Taiwan pa rin si Tzuyu hanggang ngayon, kaya imposibleng nandito siya." kinuha ni Dahyun yung notebook ni Sana at inabot yun sa huli. "Hindi ko alam kung anong tinitignan mo diyan, pero mukha namang importante sayo kaya kahit wala akong makita o mabasa, dinala ko pa rin." marahang tumango si Sana.

"Tinawagan mo na si dad?" umiling lang si Dahyun. "Thank you."

"Tatawagin ko lang yung doktor para matignan ka."

"Huwag na, mamaya na lang, hindi naman ako nakakaramdam ng sakit." tumango lang si Dahyun at naghanap nang pwede niyang mapagkaabalahan.

Binuklat ni Sana yung notebook niya.

"Buti pa si Seungwan, napapanuod niya yung nagiging misyon niya. Samantalang yung sa akin nababasa ko lang, paano ko masisiguradong kapatid nga siya ni Chaeyeon." nakangusong bulong ni Sana.

'Shin Ryujin 20years old
Lee Chaeryeong 20years old

Location: the place you never wanted to be'

"Sh!t." napatingin si Dahyun kay Sana.

"Ayos ka lang?" napatakip si Sana sa bibig niya.

"Nasaang hospital tayo?" kumunot yung noo ni Dahyun dahil sa tanong ni Sana. "Saan?"

"Chou Central Hospital?" takang tugon ni Dahyun. "May problema ba?" napahawak si Sana sa noo niya.

*Bakit naman dito pa, pwede naman sa club na lang ni Wendy.*

"Gusto mo bang lumipat ng hospital? Yung nakabangga kasi sayo yung nagdala sayo dito, kung may alaala kayo ni Tzuyu dito pwede ka namang magpalipat." marahang umiling si Sana bago bumuntong hininga nang ilang ulit.

"You know what happened, right?" tumango si Dahyun.

"Kwento ni Chaeng, dito daw kayo naghiwalay." napa-irap na lang si Sana.

"That small bean." nakaismid na saad ni Sana. "May kilala ka bang Shin Ryujin?" natawa si Dahyun.

"Of course, that spoiled brat." napa-iling na lang si Dahyun.

"Can you help me to meet her?"

"Bakit gagawa ba kayo ng kulto, spoiled brat cult?" napataas yung kaliwang kilay ni Sana.

"What did you say?"

"Sige tutulungan kita, pero hindi ko maipapangakong ako yung kakausap sa kaniya." tumango lang si Sana at tinitigang mabuti si Sana. "What?" natatawang sambit ni Dahyun.

"Wala." huminga nang malalim si Sana. "Nagugutom na ako."

"Hmm, kakausapin ko lang yung doktor mo." lumabas na nang kwarto ni Sana si Dahyun at agad na hinanap yung doktor ni Sana.

"Siguro nasa iisang school lang naman sila Ryujin at Chaeryeong pero bakit dito sa hospital yung lokasyon, nakaka-stress na 'to ngayon." sinubukan ni Sana na tumayo. "Nabangga ba talaga ako?" nag-inat inat siya bago bumaba sa kama niya.

"Miss Minatozaki Sana?" medyo nagulat pa yung doktor nang makita niya si Sana na nakatayo at nag-iinat.

"Pwede na po ba akong makalabas?" nakangiting saad ni Sana.

"Sigurado ka bang, okay ka na?" tumango lang si Sana bago umupo sa kama niya. "Hintayin na lang muna natin si Dahyun, pabalik na rin yun." ngumiti yung doktor at umupo sa upuan. "It's been a while since the last time I saw you."

"Wala na rin naman po akong dahilan para dumalaw dito." napakagat si Sana sa labi niya at paulit-ulit na binabanggit sa isap niya na...

*Sana makabalik na si Dahyun.*

"Kung wala namang problema sa resulta ng test na ginawa namin para sayo, pwede ka nang makauwi." bago pa tuluyan na makalabas yung doktor nang kwarto ni Sana, muli itong nagsalita. "I still want you for my daughter." napabuntong hininga na lang si Sana at hinintay na makaalis yung ama ni Tzuyu.

"And I still love her." bulong ni Sana, napahawak na lang siya sa dibdib niya at huminga nang malalim.

"Kumain ka na muna." umupo si Dahyun sa tabi ni Sana at tinitigan siyang mabuti. "Ayos ka lang??" pilit na ngumiti si Sana bago tumango. "No, of course you're not." inayos na ni Dahyun yung pagkain na binili niya para kay Sana. "Ayos lang ba kung susubuan kita?"

"Ikaw." natatawang saad ni Sana, napakunot na lang yung noo niya nang unti-unting gumagaan yung pakiramdam niya.

"Saan ka nga pala nanggaling kanina?" tanong ni Dahyun bago subuan si Sana.

"Sa coffee shop kung saan nagtatrabaho si Chaeyeon." tumango si Dahyun.

"Bakit?" ngumiti si Sana. "Pero kung ayaw mong sabihin, ayos lang naman."

"Itatanong ko lang sana sa kaniya kung kilala niya si Chaeryeong." napapikit na lang si Sana nang bigla siyang makaramdam ng pagkahilo.

"Ayos ka lang?" tumango lang si Sana. "Gusto mo bang mag-stay pa dito nang ilang araw, ako na lang magbabayad ng bills mo."

"Kailangan ko makausap kaagad para makausap si Ryujin."

"Ako na lang mag-sasama sa kaniya dito." umiling si Sana.

"Hindi pwede, ako yung dapat na kumausap sa kaniya." tumingin si Sana kay Dahyun. "What?"

"You're beautiful." napalunok si Dahyun at agad na napayuko. "Sorry."

"Just let me eat, tapos ihatid mo muna ako sa condo ko." nanahimik na lang si Dahyun habang sinusubuan si Sana ng pagkain.

*The heck, she's really beautiful.* napapikit na lang si Dahyun at napakagat sa labi niya.

"Whatever you're thinking, stop it."

"Sa ang ganda mo, may magagawa ba ako dun?" ngumuso si Sana.

"Crush mo ako noh?" umiling si Dahyun at napangiwi. "Tss, crush mo lang ako kaya ka ganiyan." marahang pinisil ni Sana yung magkabilang pisngi ni Dahyun.

"Stop it." kabado namang tinanggal ni Sana yung pagkakapisil niya sa pisngi ni Dahyun.

"Sungit." nakangusong saad ni Sana.


Pagkatapos na kumain ni Sana nag-aya na siyang umuwi, ayaw man ni Dahyun wala siyang nagawa kundi sundin yung utos ni Sana.

"Bayad na ba yung bills ko?" tumango lang si Dahyun bago iabot kay Sana yung helmet niya. "Hindi mo na ginagamit yung helmet ng ex-girlfriend mo?" umirap lang si Dahyun at nauna nang sumakay sa motorbike niya. "Sungit mo talaga, babayaran ko naman yung bills ko."

"Sumakay ka na lang, gusto ko nang maka-uwi." napabuntong hininga na lang si Sana

*She's really mad, the heck I did?!* sumakay na si Sana sa motorbike ni Dahyun at yumakap sa bewang ng huli.

"Dadaanan na lang kita bukas para isama ka sa university." nilahad ni Dahyun yung kamay niya.

"Sandali, magkano ba yung binayaran mo?"

"Akin na yung helmet ko." napanganga si Sana sa narinig niya. "Tss, ang weird mo talaga." hindi na nakagalaw pa si Sana nang si Dahyun na mismo yung nagtanggal ng helmet sa ulo niya.

*No, she's beautiful, but she's not my type!* sigaw ni Sana sa isip niya, napalunok na lang siya nang makita niyang ngumiti si Dahyun.

"8am kita dadaanan." hindi na nakatugon si Sana hanggang sa paharurutin na ni Dahyun yung motorbike niya.

"She's not my type and I still love Tzuyu." bulong ni Sana at pumasok na sa condominium kung saan siya tumutuloy. "Argh." napahawak na lang si Sana sa nagsisilbing dingg ng elevator nang biglang manikip yung dibdib niya pagkasakay niya sa elevator, sumandal siya sa isang sulok at dahan dahan na napaupo. "Bakit naman sumabay ka pa?" huminga nang malalim si Sana bago tuluyan na mawalan nang malay.


-----------------------


"Sinabi nang 8am, anong oras na." muling tinawagan ni Dahyun si Sana.

: Dahyun, I'm sorry pababa na ako diyan
"Bilisan mo na lang, dalawang klase na yung hindi ko napasukan."
: I know, I'm really sorry

Napabuntong hininga na lang si Dahyun nang tapusin na ni Sana yung tawag.

"What an headache." sinuot na ni Dahyun yung helmet niya.

"I'm really sorry, don't worry babawi ako."

"Sumakay ka na lang." inabot na ni Dahyun kay Sana yung isang helmet na dala niya.

Habang nasa biyahe sila, hindi maiwasan ni Sana na mapayakap nang mahigpit kay Dahyun dahil sa bilis nitong magpatakbo.

"Stay at the cafeteria, I'll see you there later." sambit ni Dahyun bago tumakbo papunta sa klase niya.

Habang naglalakad si Sana papunta sa cafeteria, iniisip niya pa rin kung paano siya nakarating sa unit niya pagkatapos niyang mawalan ng malay sa loob nang elevator.

"Sabi nung mga nakakita, sinugod ni Lia si Chaeryeong kaya tinakbo sa hospita si Chaeryeong kahapon."
"Teka, saan niya sinugod?"
"Sa bahay nila mismo, mag-isa lang daw sa bahay nila si Chaeryeong kahapon."
"Pero diba matagal na silang hiwalay ni Ryujin, bakit niya pa sinugod si Chaeryeong?"
"Wait, ang kwento sa'kin ng girlfriend ni oppa, nag-uusap lang daw silang dalawa nang biglang nahimatay si Chaeryeong. Tingin ko okay naman silang dalawa, dahil hindi naman sila nagkasakitan physically."

"Can you stop talking about someone?" tinignan ni Sana yung sumaway dun sa apat na babaeng nag-uusap malapit sa pwesto niya.

"Hayaan mo na Yeji, si Ryu nang bahala sa kanila." napanguso na lang si Sana nang hindi niya makita yung Ryujin.

"Baseball player ba siya?" tinignan ni Sana yung pictu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
hanggang ngayon pinag-iisipan ko pa rin kung magkakatuluyan ba sila o hindi 😅 promise i will update the last chapter this week 😊

Comments

You must be logged in to comment
Jamess #1
🤔😄