Malanding sinangag

Maligaya & Maningning's Kitchen
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Malakas ang ingay na nagmumula sa mga naglalarong estudyante sa gym na nakadagdag sa pagkabalisa si Ningning. Nakatitig siya sa screen ng kaniyang cellphone. Puno na ito ng marka ng nagpapawis niyang mga daliri. Malapit na ang PE nila. Makakatambal na niya si Giselle. Si Giselle na binati siya ng, ‘Good morning’. Si Giselle na nginitian siya nang magtama ang mga mata nila sa recitation.

 

“Alam mo, hindi ko inexpect ‘tong betrayal na ito mula sayo dahil kay Giselle, ha,” saad ni Winter. Kasalukuyan nitong inaayos ang pagkakatupi ng medyas sa loob ng kaniyang rubber shoes. Sa sobrang pagmamadali kasi niyang pumasok ay medyas ng tatay niya ang nadampot niya.

 

“Pasalamat ka wala pang kapartner si Jisung kasi magkakalamat talaga ang pagkakaibigan natin, Maningning.”

 

Hindi ito pinansin ni Ningning. Walang ibang pumapasok sa isip niya kung hindi si Giselle lang. At saka alam naman niyang hindi talaga masama ang loob ni Winter sa kaniya. Sadyang puno lang ito ng emotion ngayon dahil mayron silang alitan ni Karina. Sad. Pero hindi na problema ni Ningning ‘yon.

 

"So, ganiyanan na tayo? Nakikita talaga ugali sa kalandian, ano?”

 

Sinandal ni Winter ang ulo sa balikat ng bestie niya. Iritadong nanulak si Ningning saka lumayo ng kaunti. Medyo nakaka-offend siya sa part na ‘yon. Nagmana siya sa ate niya. May dugo talaga siya ng katipunera niyang lola.

 

"Manahimik ka nga! Mamaya mapagkamalan pa tayo ni Giselle. Wag ka lumapit sakin." Napahawak sa dibdib niya si Winter.

 

"Wow, next time na magsabunutan kayo ng ate mo sa kaniya na ako kakampi, taragis ka.”

 

Blah blah blah.

Back to Giselle kasi nariyan na siya. Hinahangin pa ang buhok nito nang pumasok sa loob ng gymnasium. Para siyang main character ng isang gen z film, at si Ningning ang leading lady nya. Neon lights na lang ang kulang at pa-cool na music.

 

"Hello, Ningning. Sorry late ako ha? My sister was being stupid. Pinapahanap sa akin yung bra ng girlfriend nya like, what the was that, right?"

Walang ibang nadinig si Ningning kundi ang ngalan nyang lumabas sa bibig ni Giselle.

 

Hmm.

 

"Kadiri ka sa part na yan," sita ni Winter sa nakakagat labing kaibigan. "Una na nga ako sa inyo. Nagbabatuhan na ng bola sila Jisung, gusto ko sumali. Bye."

Who cares about Winter? This is about her and Giselle.

Na-upo sa tabi niya si Giselle saka sumandal sa bleachers. "So.."

 

 

True nga ang balita mga mars. Anak mayaman nga itong si Wendy. Si girl may sariling condo at sa mamahaling lugar pa talaga. De-keypad pa ang pinto. Naalala tuloy ni Joy yung kaja de yero nila sa bahay.

 

Yung orasan ni Wendy mukhang mas mahal pa sa oras ni Joy as a person. Pati display na halaman dito yung mga halagang two kyaw na akala mo rare pokemon. Gustong niya nang nakawin sa totoo lang. Dadayuhin siya for sure ng mga plantita niyang kapitbahay.

 

'Edi sya na mayaman puta siya.'

 

Pero nasa itsura din naman ni Wendy. Yung kutis niya napaka smooth, parang hindi tinatablan ng Staphylococcus aureus or something. Napansin niya lang nang magdikit ang mga braso nila minsan. Gusto niyang itanong kung anong skincare routine kaya lang baka lapagan siya ng number ni Vicky Belo. Pwede na siya sa eskinol at clay mask.

 

Buhay na buhay na pala talaga si Joy dito tapos ang gagawin niya lang ay paliligayahin niya lang si Wendy habang buhay.

 

Pero joke lang yon dahil isa siyang strong independent woman, ‘di siya pasisiil.

 

Pero papayag din naman siyang magpa-spoil at magkaroon ng sugar mommy.

 

Mommy?

 

"Hey are you ok? Comfortable ka ba sa pwesto mo?" kinapa ni Wendy ang couch na inuupuan ng bisita. Dapat pala ay pumayag na siyang bilhan siya ng nanay niya ng bagong sofa kung alam niya lang na sasama sa kanya si Joy sa condo'ng tinutuluyan niya.

 

 

"Aligaga ka naman, e. Okay lang ako. Manahimik ka na diyan para makapag-start na tayong manuod." Awat ni Joy sa kaniya.

 

 

"You sure? I'll get more pillows if you like." Ayaw niyang magpaawat. She just wants to treat her ‘nililigawan’ right.

 

 

"Baho naman ng trip mo, e! Sabi mo manunuod tayo kaya ako sumama sayo kasi sawang-sawa na ako sa ika-anim na utos sa MMK," reklamo ni Joy.

 

 

"Sorry. Hindi lang ako makapaniwala na you agreed to hang out with me kaya I'm making sure na you feel ok. Baka kasi umalis ka bigla." Napapakamot na lang ng batok si Wendy.

 

 

"Aalis talaga ako kapag hindi pa tayo nanuod. Pitikin kita dyan," ika pa ni Joy para ma-conceal ang nararamdaman niyang excitement? Na may kasamang inis dahil gusto nya na talagang manuod. Di kasi sya binigyang pambayad ng subscription sa netflix ng mama niya. Bigat kabonding akala mo hindi nakikigamit ng account.

 

Narinig nyang huminga ng malalim ang katabi nya. Nakangiti pa ito habang nakapikit. Parang tanga.

 

Buti cute as a person.

 

"So this is what 'netflix and chill' means..." biglang sinabi ni Wendy nang magsimula na ang papanuorin nilang series. Alice in Borderland ang pinili ni Joy.

 

"Tanga, kapag 'netflix and chill' mag tayo ganon," sagot ni Joy. "Asa ka naman." Inirapan niya si Wendy saka kumagat sa piraso ng mansanas

 

Walang junkfood sa pamamahay ni Wendy. Naibalot na ni Seulgi at Lisa nang mag 'group study' sila.

 

Dahil pasmado ang bibig ni Joy, pinause ni Wendy ang palabas at saka pumasok sa kwarto nya. Maya-maya pa ay lumabas itong nakasuot na lang ng shorts at t-shirt na gupit ang manggas so dapat makikita yung bra but our good sis took it off.

 

Pinasadahan siya ng tingin ni Joy habang naglalakad sya papunta sa tabi nito. Pinagpatuoy na nila ang panunuod.

 

Ok??

 

Ramdam ni Wendy yung titig sa kanya ng kasama at nagbunyi naman siya internally.

 

"Ano yan?" tanong nya matapos ang ilang minuto. Di nakatiis.

 

"Alin?" nagbigay distansya si Wendy sa kanilang dalawa saka sumandal sa couch.

 

"Yan, yang suot mo! Bakit ka nakaganyan?"

 

Kung handa lang si Joy, kakabugin nya yang pa sando na yan, tamo. Unfair ampota.

 

"What? I'm in my house so I can wear whatever I wanna wear, right?"

 

Oo, right yan kung hindi lang talaga malapit nang maging banlag si Joy kasi hindi na niya alam kung saan titingin. Malapit na siyang maging spongebob meme.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
tealundertones
2024 update! See you sa 2025

Comments

You must be logged in to comment
germsrocket #1
Chapter 8: OMAYYYGADDDH OTOR-NIM!!!!
AYAN na nafalll na din si Ligaya hahaha
sobrang Tsundere lang ng character nya hahahaha
I freaking love the story sana maupdate ASAP kasi grabeh ung bitin ko hahaha
germsrocket #2
Chapter 1: Wahahaha ang dami kong tawa dito
1st chapter pa lang 🤣🤣
di ko mapigilan tawa ko pinagtitinginan na ko d2 sa office 🤣🤣🤣
niceuuu 👍👍
honeyblood17
#3
Chapter 8: ay shuta ang daming OA moments ni joy pero ihhhhhhh yung huling part 🤭🤭
redsummer0801
#4
Chapter 8: Salamat otornim di ko kagad nabasa dahil may sakit ako (til now) pero I feel better reading poo. DBest talaga wenjoy fics mooo
redsummer0801
#5
Chapter 8: Walang kiss!!
_flcty #6
Chapter 8: GRABE NA NGA WALA KANG KUPAS 🥹 Kilig na kilig ako huhu. Mukhang malapit nang sagutin ni Maligaya yung manok ko 🥰 SANA MASARAP LAGI ULAM MO OTORNIM! SALAMAT SA UPDATE 🫶
parkjaeyoung801 #7
Chapter 8: yun oh may pa new year si author!! nag bgc ka po ba?? hehehe
EzraSeige
#8
Chapter 8: Chapter 8: Welcome back otornim. Arigathanks sa ayuda po 🙇😍💚💙
Minjeonglabz #9
Chapter 8: Nahanap din kita ulit shshdkdhsjdgdggdks. YEHEY MAY UPDATE🥳🥳🥳 ANG CUTE CUTE TALAGA NITO😍
iamriou_
1158 streak #10
Chapter 8: Welcome back otor! 😂