Tapsilog
Maligaya & Maningning's Kitchen
Dumidilim na. Malamig na ang simoy ng hangin at maraming sasakyan ang dumaraan at bumubusina sa kalye.
"Gago ayoko na kumain doon! Masama ugali nung may-ari." Maktol ni Lisa, si 1kg bangs. "Pero ang sarap talaga ng pagkain nila tapos presyong magaan pa." ika pa niya habang naglalakad sila papunta sa pinagparadahan ni ng kotse ni Wendy aka Rich kid.
Sabay na naglalakad sina Seulgi at Lisa habang mabagal na naglalakad sa likod si Wendy. Pinakikinggan ang pinaguusapan ng dalawa.
"Kung hindi ka ba naman isa't kalahating tanga. Sinabi ko nang itikom mo yang bunganga mo 'di ba? Muntik na tuloy tayong balasahin ni Joy." umiling si Seulgi ang talsik kanin na may singkit na mata.
"That's her name? Joy?" bigkas ni Wendy sa pangalan. Napapangiti sa naisip.
'Joy kasi she brings me joy? Corny.'
"Oo. Atid ni Irene yon. Inaanak kasi ng tatay ni Joy sa binyag si Irene."
"Ayan. Kaya pala kapag kumakain kayo ni Irene dyan nakakatipid ka kasi libre sya dyan palagi! Cheap ." akusa ni Lisa.
"Tangina mo but true."
Lumiko sila sa bakanteng lote na pinagparadahan ni Wendy.
"Pasalamt nalang kamo tayo na dumating yung kapatid niya kung hindi... yari yang buhok mo Lisa. Nanunugod daw ng kalaban yong si Joy e." nagsitayuan naman ang buhok ni Lisa sa batok at braso.
"Wow, she's hotter than I thought." napalingon ang dalawa sa kaibigan nilang nahuhuli.
"I-check mo nga yang kaibigan mo, Lisa.'
"Ano, kaibigan ko lang? Kapag makalat na ako lang may responsibilidaad? Ano ba naman yan, Kang! Pareho lang tayong nakikinabang sa tsekot ng isang 'to." nag make face si Seulgi saka sinabayan ang kaibigang tuloy lang sa paglalakad. Malapit na sila sa kotse.
"Hoy, kanina ka pa sa MMK. Anong nangyayari sayo?" Inakbayan niya ang kaibigan na binigyan lang siya ng ngiti. Ngiting aso.
"May side-effect yata yung 'S26 Gold' niyang gatas nung baby pa siya." sabat ni Lisa nang makahabol siya sa dalawa.
"Hoy, Wentot. Sagot." hindi sila pinansin ng kaibigan hanggang sa makasakay sila sa kotse.
Kinabukasan, pagkatapos ng kaniyang klase, dali-daling pumunta si Wendy sa MMK. Mag-isa niya dahil may basketball practice si Lisa na athletic scholar habang si Seulgi naman ay may duty sa kaniyang org.
Kaya't heto si Wendy, hawak ang isang bouquet ng bulaklak at papasok sa loob ng Maligaya & Maningning's Kitchen. Nakaporma na ito ngayon, hindi gaya nang suot niyang unifrom kahapon. Nag extra spray din siya nang mamahalin niyang pabango para sa pangyayaring magaganap.
Liligawan niya si Joy.
Tinamaan talaga siya sa dalaga. Yung bawat maluluton na mura nya kahapon ay
Comments