Hotsilog with extra jetlee (Itlog)
Maligaya & Maningning's Kitchen
"Hi!"
"Ano nanamang ginagawa mo dito, undin?" tamad na tanong ni Joy saka dinaanan ng tingin ang istura ng bagong salta. Sa tuwing dadalawin nya si Joy which is araw-araw ay hindi pwedeng hindi ito nakaporma.
"Undin? Is that our petname? Hello my undin Joy." malambing na wika ni Wendy saka naupo sa tabi ng dalaga. "Tanga halimaw yon! Lumayo-layo ka sa akin sinasabi ko sa iyo," may panggigigil na utos ni Joy.
"May dala akong milktea. Sana said na you like oreo creampuff daw so I bought one for you. I also bought cheeseburger and fries." anunsyo ni Wendy habang isa-isang nilalabas ang mga pinamili para sa kaniyang nililigawan.
Bibingo na talaga si Sana sa kanya. Tatalunin pa yata si Hudas sa dami ng beses na ipinagkanulo siya.
"Pota ano 'to? Hwag mong sabihin na may dala ka ring prutas?" panunuya ng nililigawan. Ngumuso si Wendy pero may hinalungkat sa kanyang mamahaling backpack. "Unfortunately, sarado na yung nagbebenta ng fruits so I bought this nalang," sabi niya saka inilabas ang nabili niyang pack ng dried mangoes.
Gustong magwala ni Joy.
"Pwede mo ba akong tantanan kahit five minutes lang? Konting konti ka nalang sakin," singhal niya at itinaboy ito with hand gestures patungo sa kapatid na nagbabantay nagkakahera kasama ang kaniyang bestie. Walang nagawa si Wendy kundi ang sumunod.
"Ano, pinalayas ka nanaman ni ate? Ano bang ginawa mo?" tanong ni Ningning. Isang linggo nang pabalik-balik si Wendy sa kanilang kainan ate isang linggo na rin siyang sinusungitan ng kaniyang ate.
"Nothing! I just bought her food! Sabi nung lady sa tiktok it works daw," maktol ni Wendy sa dalagita. "Okay lang yan ate Wendy, hindi naman masasayang yung effort mo," sabi ni Winter at ngumuso sa dereksyon ni Joy na nginunguya na ang fries at padabog na itinusok ang straw sa milktea. Nagulat ang mag bestie nang mapasuntok sa ere ang nakakatanda.
"Oh my gosh she ate it!" bulong niya saka hinampas sa braso ang mag bestie. "'Di ba! Sabi ko sayo hindi sayang effort mo. May pag-asa ka diyan kay ate Joy. Parang jetlee kasi yang si ate Joy na binalot sa plaster of paris. Alam nyo yon? Syempre crack mo lang yung plaster tapos yung shell and then boom! Nilagang jetlee pala." tumango si Wendy, tila nagegets niya yung pinupunto ng dlagita habang napapailing na lang si Ningning sa lumalabas na mga salita sa bunganga ng kaniyang bestie.
"Ganiyan rin ba si Karina? Ok lang din kay Irene na may may jowa ka?"
"Legal kaya kami kila mama! Kay ate at ate Seulgi hindi okay sila mama. Paano si ate tumatakas dati para makipagkita kay ate Seulgi. Hanggang ngayon tuloy ban siya sa bahay." Napangisi si Wendy sa kaniyang narinig. Tignan mo nga naman ang pagkakataon. Ang yabang yabang ni Seulgi sa tuwing ikinukwento ang kaniyang mabulaklak na buhay pag-ibig, di naman pala payag mga magulang. Ha!
Wait..
<
Comments