BP 3

Bawat Piyesa

Zavy.

 

 

 

"HAPPY BIRTHDAY, Sean." Pag-bati ni Saidee at binigay ang regalo niya sa pinsan niya.

 

 

 

"Thank you, ate!" Sagot ni Sean at tumingin sa akin pero agad ring umiwas ng tingin. Napansin ko ang pamumula ng pisngi nito.

 

 

 

Nginitian ko ito at ibinigay ang regalong hawak ko. "Happy birthday, Sean. Ang laki mo na, ah." Bahagya ko pang ginulo ang buhok nito at tuluyang binigay ang regalo. 

 

 

 

"T-Thank you po.. Mama!" Nagma-madali itong tumakbo papunta sa Mama niya na ipinag-taka ko. Huh, may nagawa ba ako? 

 

 

 

Napalingon ako nang marinig ang mahinang pag-tawa nitong katabi ko. "Crush ka yata ni Sean, Zav." Siniko niya pa ako at nginitian.

 

 

 

Paano kung sabihin kong ikaw naman ang crush ko? 

 

 

 

Syempre hindi ko sasabihin ‘yan. Bakit pa? Ano bang mapapala ko? Ah, rejection.

 

 

 

During our college days, madalas kong makita si Saidee kasama ang mga sikat na lalaki sa eskwelahan namin.. Syempre dine-date niya pero palagi naman niyang sinasabi sa akin na hindi naman iyon seryoso, na laro-laro lang ‘yon.

 

 

 

Maganda kasi siya kaya hindi na ako magtataka kung mga lalaki mismo ang lumalapit sa kaniya.

 

 

 

Ako? Nag-try rin naman akong makipag-date sa mga lalaki, sinubukan ko naman pero wala, e. Babae talaga ang gusto ko. 

 

 

 

"Zavy, let’s go, puntahan natin si Viana." Hinila ako ni Saidee papunta sa kabilang table kung saan naroon si Via.

 

 

 

"Zavrina!" Bago pa man ako makapag-salita ay niyakap na ako ni Via. "I missed you! It’s been what? 4 years since I last saw you! Kamusta ka naman?" Energetic as always.

 

 

 

"Heto, busy sa work but okay naman, nage-enjoy kahit papaano." Sagot ko at naupo sa tabi ni Saidee. "Ikaw ba? Kamusta buhay sa California?"

 

 

 

Si Via, siya ‘yung pinsan ni Saidee at kaibigan ni Mandy pero naging kaibigan ko rin dahil nakasama ko siya noon sa isang charity event noong college kami.

 

 

 

Nakakatuwa lang kasi sobrang energetic nito at hindi nauubusan ng kwento pero minsan nahihirapan din ako makipag-sabayan kasi nga, napaka-energetic.

 

 

 

Parang mag-kapatid na rin ang turingan nitong dalawa dahil bukod sa solong anak sila Saidee at Via, si Via lang ang pinaka-close nito sa lahat ng pinsan niya.

 

 

 

"How’s Mandy pala? Hindi man lang ako nire-reply-an non. Famous ka ‘te?" Sabay kaming natawa ni Saidee. Mandy, dakilang ghoster.

 

 

 

"Okay lang naman si Mandy, medyo busy na rin siya ngayon dahil teacher na, hindi tulad noon na pa-chill chill lang sa buhay." Sagot ko.

 

 

 

Si Mandy kasi, makulit talaga ‘yan nung bata pa siya. Sakitin pa naman kaya palaging nakakagalitan ng magulang namin.

 

 

 

Napatigil lang ako sa pag-iisip nang mag-ring ang cellphone ni Saidee at in-excuse ang sarili.

 

 

 

Nang makalayo ito ay nilagay ni Via ang dalawa nitong kamay aa lamesa at siningkitan ako ng mata. "Umamin ka nga sa akin, umamin ka na ba kay Saidee?" Agad ko siyang pinanlakihan ng mata at luminga-linga sa paligid, tinitingnan kung may nakarinig ba sa amin.

 

 

 

"Baka may makarinig." Sinamaan ko pa siya ng tingin. Kasi ba naman.. Bibiglain ako sa pagtatanong na ‘yan.

 

 

 

Oo, bukod kay Mandy, Amity at sa close friends ko, isa rin si Via sa mga nakakaalam na hindi ako straight. Pero si Via lang ang may alam kung ano ang tunay na nararamdaman ko kay Saidee.

 

 

 

Nai-kwento ko sa kaniya noong college kami at nalasing ako, dala ng kalasingan, nasabi ko ang tunay na nararamdaman ko para sa pinsan niya.

 

 

 

Sinabi niya sa akin ‘yon kinabukasan. Hindi naman ako naka-tanggi kasi sa akin na mismo nanggaling.

 

 

 

"Doon tayo." Tinuro ko kung saan naroon ang isang swimming pool na walang katao.

 

 

 

Nag-lakad kami doon at hinubad ko ang aking suot na heels saka nilagay ang paa sa pool.

 

 

 

Ganoon din ang ginawa nitong katabi ko.

 

 

 

"Hey, are you okay?" Agad na tanong ni Via sa akin nang mapansin ang pagbabago ng ekspresyon ko.

 

 

 

Bumuntong-hininga ako. "To be honest, I'm not." I answered. Nahihirapan rin akong itago ‘tong nararamdaman ko sa tuwing naiisip ko na baka makuha siya ng iba.

 

 

 

Pero ayokong mawala ang pinag-samahan namin mag-mula noong bata kami. 

 

 

 

"Lesson learned, huwag ma-in love sa best friend." Natawa ako sa sinabi niya. "Hindi pero ano, bakit hindi mo nga naman subukan?"

 

 

 

Umiwas ako ng tingin. "Kapag ba nag-confess ako, masusuklian niya ba ‘tong nararamdaman ko?" Natahimik siya. "Hindi naman, ‘di ba? Girl, straight as a ruler ‘yang pinsan mo! Imposibleng mabaliko ‘yon, ano." Dagdag ko pa.

 

 

 

"Oo nga pala! Manhid din ‘yon, ano? Okay, seryoso na, hanggang kailan mo itatago ‘yang nararamdaman mo, Zavy? Ang tagal-tagal mo na kayang may gusto sa kaniya!"

 

 

 

Matipid akong ngumiti at tumingin sa kawalan. Hanggang kailan nga ba? 

 

 

 

"Hangga’t kaya ko pa, kakayanin kong hindi ito ipaalam sa kaniya."

 

 

 

 

 

Mandy.

 

 

 

 

 

"GOODBYE, TEACHER Mandy!" Pag-paalam ng mga estudyante ko sa akin kaya nginitian ko sila bago mag-paalam.

 

 

 

Inayos ko lahat ng gamit ko bago i-sarado ang classroom at nag-lakad palayo.

 

 

 

Hawak ang mga gamit, naisipan kong dumaan muna sa isang pet shop. Bibilhan ko muna ang alaga kong asong si Bailey ng dog treats.

 

 

 

Miss ko na si Bailey. Hindi ko siya masyadong pinansin kanina kasi busy ako, e. Babawi na lang ako.

 

 

 

Naglalakad sa loob, nakakita ako ng dog treats at akmang kukuhanin ang isang jar nang may nakakuha na itong iba.

 

 

 

Napatingin ako sa kamay niya na hawak ang kamay ko.

 

 

 

Agad siyang napabitaw sa jar. "I’m sorry but—" Napatigil siya sa pagsa-salita at tinitigan ako.

 

 

 

Tinitigan ko rin siya, bale nag-staring contest kami, joke.

 

 

 

Kung ide-describe ko kung ano ang hitsura niya, singkit ang mata nito, naka-makeup siya kaya medyo nagmumukha siyang mataray, at sosyal! Ang ganda ng suot, mukhang yayamanin si ate.

 

 

 

"Uh, hello?" Nag-balik ako sa katinuan nang tawagin niya ako. "Kukuhanin mo ba ‘yon or..."

 

 

 

"Ah, yes! Thank you pala, I’m Mandy." Saglit akong napapikit at kinagat ang ibabang labi. What the hell? Bakit ako nag-introduce sa isang stranger? Okay ka pa ba, Amanda?

 

 

 

Narinig ko ang mahina nitong pag-tawa kaya napatingin ako rito pero agad ring umiwas ng tingin nang makitang nakatingin rin ito sa akin.

 

 

 

"Yeah, I know you, Isa kang Silvestre. Last born ng Silvestre triplets tama ba ako?" Nakangiti nitong tanong sa akin.

 

 

 

How did she know?— Idiot, kilala parents mo dahil isa sila sa pinaka-kilalang doctor dito sa Pilipinas, remember?!

 

 

 

Ah, right. Matunog nga pala ang apelyidong Silvestre.

 

 

 

"Didn’t expect na makikita ko ang nag-iisang Amanda Silvestre dito, huh." Dagdag niya pa. Gusto kong mag-salita pero walang lumalabas sa bibig ko.

 

 

 

What to do..

 

 

 

"Y-Yeah.. Isa nga akong Silvestre, paano mo nalaman?" Paulit-ulit, Natalia?

 

 

 

Pabiro itong umirap bago inilahad ang kamay nito sa akin. Tinitigan ko lang iyon. "Well then, nice to meet you, Mandy. I’m Clai."

 

_

 

Bae Suzy as Viana Zaein “Via” Marquez Quijano

 

Kim Jennie as Aleona Clytie “Clai” Padilla

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
junejb #1
Chapter 2: Otornim, pde po mgrequest hehe, pde po b n name n lng ng idol ang gamitin nyo po kc nakakalito hehe
PineappleSeulgi
#2
Chapter 1: Ahhh nalilito ako sa mga names :(
pero ege tuloy mo lang author 💗