BP 2

Bawat Piyesa

Amity.

 

 

 

NAKARATING NA ako sa hospital at napatingin sa orasan ko. , I’m late for the meeting.

 

 

 

"Good morning, Doctora Silvestre." Binabati ako ng mga tao sa ospital pero hindi ko sila magawang batiin pabalik dahil sa pagmamadali ko. Kahit mga pasyente binabati rin ako, siguro dahil ako ang panganay na anak ng mga Silvestre— ang may ari nitong ospital na ‘to. Silvestre Medical Center.

 

 

 

I am Harmony Blaire Silvestre, Amity for short. A Pediatrician. Kilala ang mga Silvestre dahil lahat sila ay mga Doctor, kabilang na ako.

 

 

 

Nabasag ang pag-iisip ko nang may maka-bangga ako dahilan para muntikan na akong mahulog pero nasalo naman niya ako.

 

 

 

"Oh, I’m sorry, Miss." Umangat ang tingin nito sa akin kaya nagkatitigan kami. Agaran rin naman akong lumayo.

 

 

 

"What the hell? Hindi ka ba tumi-tingin sa dinadaanan mo?! Muntikan na akong mahulog!" Hindi ko na mapigilang hindi sumigaw. Great! Just great.

 

 

 

"Nag-sorry na nga ‘yung tao." Sabi pa niya at nakita ko ang ibang taong nakatingin sa amin at bumu-bulong bulong.

 

 

 

Sinamaan ko ng tingin ang nasa harapan ko bago tumalikod at nag-patuloy sa pagla-lakad.

 

 

 

Late na talaga ako for the meeting.

 

 

 

_

 

 

 

Mandy.

 

 

 

"HELLO, TEACHER Mandy." Ngumiti ako nang makita ang mga batang bumabati sa akin at sa labas ng classroom ay ang mga magulang nila.

 

 

 

"Hello, kids! May candy akong dala para sa inyo." Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang marinig ang mga sigaw na nila na tuwang-tuwa. Sa ganitong mga bagay ay natutuwa na ako. Totoo nga ang sinasabi nilang kahit gaano ka pa ka-pagod, makita mo lang ang ngiti ng mga bata, okay na ang araw mo.

 

 

 

"Pero bibigyan ko lang kayo kapag magpa-participate kayo sa recitation tapos tama sagot niyo. How’s that?" Nakita ko ang pag-tango nilang lahat kaya nataw ako kasi gusto talaga nilang makakuha ng candy.

 

 

 

I am Amanda Natalia Silvestre, a Kindergarten teacher. Public teacher ba.

 

 

 

Mas gusto kong mag-turo sa public schools kasi gusto kong maturuan at matulungan ang mga batang walang kakayahang pumasok sa mga private schools.

 

 

 

"Raise your hands If you want to answer, ‘kay? 1+1?" Halos lahat ng bata ay nag-taasan ng kamay pero may nauna.

 

 

 

"Carlos?"

 

 

 

"Two po, Teacher!" Natutuwa nitong sagot at tumingin sa hawak ko kaya mahina akong napatawa.

 

 

 

"Very good! Come here para makuha mo ang candy mo." Nananakbo itong lumapit sa akin kaya binigay ko ang candy rito at medyo ginulo ang buhok niya.

 

 

 

Nang makabalik ito sa upuan niya ay nag-salita ulit ako. "2+1?" Tanong ko ulit at may nag-taas na naman ng kamay.

 

 

 

"Freya?" 

 

 

 

"3!" Energetic nitong sagot kaya napangiti ako. 

 

 

 

"Very good! Halika dito, dali. ‘Eto prize mo."

 

 

 

Nakakatuwa at kahit mga bata palang sila ay sumusunod agad sila. Minsan nama’y lumalabas ang kakulitan ng mga bata kasi syempre bata pa rin sila pero alam nila kapag seryoso ako.

 

 

 

"Teacher, you’re so pretty po. You look like a model." Biglang sabi ng estudyante ko sa akin habang nagsusulat ako sa blackboard.

 

 

 

Humarap ako. "Sus, binobola mo naman ako, e." Natatawa kong sagot. 

 

 

 

Umiiling-iling pa si Stephanie sa akin. "Hindi po!" Ngumuso pa ito sa akin, nagpa-pacute.

 

 

 

"Talaga? Thank you, Steph." Nginitian ko ito. Alam ko namang maganda ako pero sa mismong estudyante ko manggaling, nakakataba lang ng puso.

 

 

 

"For today’s topic, pag-uusapan natin kung anong gusto niyong maging pag-laki.." Sinulat ko pa ‘yon sa blackboard bago tuluyang humarap sa kanila.

 

 

 

"May makakapag-sabi ba sa akin kung anong gusto niyong maging? Anyone?" Tanong ko at isa-isa silang tiningnan. May isa namang nag-taas ng kamay. "Yes, Riley?"

 

 

 

"Gusto ko pong maging teacher katulad niyo." Ang sagot niya. "Mabait po kasi kayo at gusto ko pong maging katulad niyo pag-laki ko po." Sagot nito at naupo.

 

 

 

Isa talaga ‘to sa dahilan kung bakit gusto kong maging Kindergarten teacher, dahil naa-appreciate ka ng mga bata na hindi nakikita ng mga matatanda.

 

 

 

"Aww, ang sweet naman ni Riley. Kung mag-aaral ka ng mabuti, hindi imposible na maging teacher ka." Sabi ko. "Sino pa?"

 

 

 

Saka bilang isang guro, kailangan mo ng mahabang pasensya pag-dating sa mga estudyante mo dahil hindi naman lahat ay makikinig at susunod agad sa’yo.

 

 

 

_

 

 

 

 

 

Amity.

 

 

 

Pagod akong napaupo sa swivel chair ko at napa-hawak sa sentido. Nang makarating ako ay patapos na ang meeting.

 

 

 

Nakaka-stress, kailangan ko ng makakain.

 

 

 

Binuksan ko ang pintuan at lumabas sa room ko para kumain sana nang may makapukaw ng atensyon ko.

 

 

 

Si Rei kausap ‘yung babaeng naka-bangga ko kanina... At may kasamang bata.

 

 

 

Sinundan ko ng tingin ang babae at kasama nitong bata hanggang sa makalabas na sila ng ospital.

 

 

 

"Huy, Amity! Natulala ka diyan?" Napatingin ako kay Rei na kalapit ko na pala at napatingin rin kung saan ako nakatingin kanina. "Sinong tinitingnan mo?" Tanong niya pa.

 

 

 

"Hey, uhm, Rei.. Sino ‘yung kinakausap mo kanina?" Tanong ko dito.

 

 

 

Rei’s my best friend since college. Parehas kaming nag-doctor niyan. She’s also friends with Mandy and Zavy. Kaibigan kasi ng girlfriend niya ‘yung dalawa.

 

 

 

"Oh ‘yun ba? Si Kenzi ‘yun, pinsan ko. Teka, bakit mo natanong?" Kumunot ang noo niya at tiningnan ako.

 

 

 

"Well.." Napakagat ako sa ibabang labi. "Nakabangga ko kasi siya kanina and nasigawan ko dala ng frustratio pero hindi ko naman sinasadya and I feel guilty dahil doon." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. May nasabi ba akong masama?

 

 

 

"Oh gosh, so Ikaw lang pala ang sinasabi niya sa akin kaninang doctor na sinigawan siya!" Napa-iling pa ito. "Anong balak mo?"

 

 

 

Nanahimik muna ako at hindi agad sumagot.

 

 

 

Gawin ko ba? Pero that would be embarrassing! 

 

 

 

Ayokong gawin pero ayoko rin namang mag-leave ng bad impression sa kanila. Hindi ako ganoon, sadyang frustrated lang talaga ako kaya ko nagawa ‘yon.. Doctor pa naman ako.

 

 

 

Ano na lang rin masasabi ng parents ko kapag nalaman nilang gumawa ako ng scene sa ospital kanina?

 

 

 

Argh, ayokong marinig ang sermon nila pagkauwi na pagkauwi ko. Kairita kaya.

 

 

 

Bumuntong-hininga muna ako bago humarap kay Rei na nakatingin pa din sa akin.

 

 

 

"May number ka ba niya?"

 

 

 

__

 

 

 

Hi. Gusto ko lang pong sabihin na sa triplets, naunang ipanganak si Wendy tapos si Seulgi sumunod at si Jisoo ang pang-huli. Para maiba naman po hehe.

 

Park Joy as Kendra Aziana “Kenzi” Zamora

Park Rosé as Reina Aubrianna “Rei” Sanchez

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
junejb #1
Chapter 2: Otornim, pde po mgrequest hehe, pde po b n name n lng ng idol ang gamitin nyo po kc nakakalito hehe
PineappleSeulgi
#2
Chapter 1: Ahhh nalilito ako sa mga names :(
pero ege tuloy mo lang author 💗