BP 1

Bawat Piyesa

Zavy.

 

 

 

TAHIMIK AKONG nagbabasa sa kwarto ko nang makarinig ng ingay sa baba. Napailing na lang ako dahil kilalang-kilala ko na kung kaninong boses ‘yon.. Boses lang naman ni Mandy.

 

 

 

Ang ingay-ingay ni Mandy sa umaga, kaya siguro palaging inis si Amity diyan.

 

 

 

Anyway, Hi! I’m Zavrina Yvana Silvestre, Zavy for short. Sumunod na ipinanganak sa aming magkakapatid.

 

 

 

Si Mandy? Siya ‘yung bunso o iyong huling ipinanganak. Sa aming tatlo, siya ‘yung pinaka-makulit, pero pinaka-nakakatakot kapag nagagalit. Isa siyang Kindergarten teacher. Pinili niya yon dahil mahilig ito sa bata at naaaliw siya kapag nakikita ang mga ito.

 

 

 

“MANDY!” Ayan na nga siya. Amity, ang naunang ipanganak sa aming tatlo, ang seryosong ma-attitude naming Doctor. Pero biruin mo, kahit ganyan ‘yan, pedia ang kinuha niyan! Saka nga pala, mas madalas na mag-away talaga si Mandy at Amity. Ayaw ni Amity na maingay si Mandy pero ayaw din naman ni Mandy na attitude ‘tong si Amity.

 

 

 

Dahil ako ang nasa gitna, ako ang taga-awat sa kanila.

 

 

 

Isang Doctor at isang Kindergarten teacher. Ako? Isa lang naman akong Architect. Mahilig kasi akong mag-drawing dati at pinili ko rin ‘to dahil alam kong dito ako magaling, dito ko gusto.

 

 

 

Binaba ko ang librong binabasa sa lamesa at lumabas ng kwarto ko para lang abutan si Mandy at Amity na nagta-talo ulit.

 

 

 

"Amity, chill. Ano naman kung late ka? Parang ngayon ka lang nalate. Eat your breakfast muna." Iiling-iling na sabi ni Mandy na nakaupo sa upuan habang nakatingin kay Amity na nagma-madali.

 

 

 

"Oh, shut up, Mandy. I’m not like you.." Tiningnan siya ni Mandy mula ulo hanggang paa. "Lazy." Attitude talaga! "I have to go." Nagma-madali nitong kinuha ang susi ng kotse niya at lumabas na ng mansion.

 

 

 

Humingang malalim na lang ako at umupo sa tabi ni Mandy na kasalukuyang kumakain. "Red days." Napatango na lang ako. "Basta ‘pag meron ‘yan, asahan mong times ten ang kainitan ng ulo niyan." Natawa ako sa sinabi niya. Totoo naman kasi.. Palaging mainit ang ulo, akala mo namang may umaaway sa kaniya.

 

 

 

"Hindi ka papasok?" Tanong ko at kumuha ng pasta saka nilagay sa pinggan ko. "Thursday palang, ah." 

 

 

 

"Papasok ako pero later na lang. May event kasi ngayong umaga." Sagot niya. "Eh ikaw? Hindi ka pa— Ah, right. Sasamahan mo si Saidee? Where? Can I come?" Sunod sunod na tanong nito sa akin.

 

 

 

Inirapan ko siya. "Yes, kasama ko si Saidee at pupunta kami sa birthday ng pinsan niya and pang-huli, no hindi ka pwedeng sumama. Gaganapin ‘yon sa hapon and may turo ka pa ‘di ba?" Napanguso ito at sinamaan ako ng tingin. 

 

 

 

Hindi ko alam, minsan iniisip ko kung 26 years old ba ‘tong kasama ko o 6, e.

 

 

 

"Taray ni Saidee kailangan pa ng kasama. Hirap siguro ‘pag artista na, ‘no?" Natatawa niyang dagdag. "Nakakamiss ‘yong babaeng ‘yon! Minsan na lang bumisita dito. Eh noong bata tayo halos dito na tumira." Hindi na lang ako nag-salita at kumain na lang.

 

 

 

Pagkatapos ay nag-paalam na ako para puntahan si Saidee. Sumakay ako sa kotse ko at pinaandar ito. Dati-rati lang e malapit lang sila dito sa amin pero lumipat sila nang makapag-tapos na si Saidee kaya minsan na lang kami mag-kita.

 

 

 

Mag-kaibigan na kami ni Saidee since diapers. Mag-kaibigan ang mga magulang naming tatlo at magulang ni Saidee kaya sabay kaming lumaking apat.

 

 

 

Pero sa aming apat, kami halos ni Saidee ang palaging magka-kasama. Partners in crime kami kung tawagin, palaging nandiyan para isa't-isa.

 

 

 

Si Mandy kasi hindi masyadong nakikipag-laro sa amin nung bata kasi sakitin siya saka kung makikipag-laro man, puro tea party at barbie lalaruin.

 

 

 

Si Amity naman, panay aral siya at hindi madalas makipag-laro sa amin dahil sabi ko nga, focus ‘to sa pag-aaral niya.

 

 

 

Hindi ko namalayan na nakarating na ako sa harap ng bahay nila Saidee. Bumaba muna ako at nag-doorbell. Nag-bukas iyon at bumungad sa akin ang matagal na nilang katulong na si Manang Josie.

 

 

 

"Manang, si Saidee po?" Tanong ko at sumilip sa loob. 

 

 

 

Nginitian ako nito. "Ang laki mo na, hija, ah? Siya, pumasok ka at tatawagin ko si Saidee." Pumasok ako sa loob at naupo sa couch. Base sa obserbasyon ko, mukhang wala si Tito at Tita ngayon. 

 

 

 

"Zav!" Napalingon ako sa boses na tumawag. Bumungad sa akin si Saidee na nakabihis. Naka-simpleng white shirt at denim skirt lang ito.

 

 

 

"Let's go." Nilingkis ko ang braso ko kay Saidee at sabay na lumabas sa mansion nila.

 

 

 

Pagkasakay namin sa kotse ay nag-salita ako. "Saan ‘yung bahay ng pinsan mo?" Tanong ko. Hindi naman kasi ako familiar sa lugar na pupuntahan namin.

 

 

 

"Basta malapit lang, turo ko na lang sa'yo. Anyway, bakit bihis na bihis ka? Birthday party lang ng pinsan kong five years old ang pupuntahan natin at hindi debu." Mahina pa itong napatawa habang nakatingin sa suot ko.

 

 

 

Luh, OA. Simpleng black dress lang naman suot ko. Saka ganito naman talaga madalas kong suotin bakit hindi pa siya sanay?

 

 

 

Inirapan ko siya. "Let's go na nga." Mas lalo pang lumakas ang tawa nito kaya nag-drive na lang ako.

 

 

 

Masaya ako at nakikita siyang masaya, hindi ko maitatanggi ‘yon.

 

 

 

Pero alam kong hanggang doon na lang.

 

 

 

She’s straight, pero hindi ako. Mag-kaiba kami kaya alam kong malabo rin na magustuhan niya ako.

 

 

 

Malabo? Oo, malabo. Nalaman ko lang na babae ang gusto ko nang mag-high school kami. Doon ko na rin siya nagustuhan. Grabeng glow up naman kasi ang nangyari sa kaniya noon, sinong hindi magkakagusto sa kaniya?

 

 

 

Pero hindi lang naman dahil sa looks niya kung bakit ko siya nagustuhan.

 

 

 

Nagustuhan ko siya dahil siya si Saidee. Si Saidee mismo. Sa ugali nito, sa lahat ng gawin niya, lahat!

 

 

 

Ipinakita niya rin sa akin ang bad sides niya at mas lalo ko siyang minahal dahil doon kasi kahit ganoon, nagagawa niyang mag-bago sa mga mali niya.

 

 

 

Sobrang bait rin nito. Pero madalas siyang nami-misunderstood dahil mahiyain ito. Akala nila ay masama ang ugali niya o ano lalo na't isa itong artista pero hindi. I should know kasi mas matagal ko itong kilala. Kami ba naman ang lumaking mag-kasama along with Mandy at Amity.

 

 

 

Kung tatanungin niyo kung may balak akong umamin..

 

 

 

Hanggang balak lang ‘yon.

 

 

 

Kasi imposibleng magustuhan niya rin ako.

 

__

 

Hi po!

 

Bae Irene as Samantha Daenielle “Saidee” Marquez.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
junejb #1
Chapter 2: Otornim, pde po mgrequest hehe, pde po b n name n lng ng idol ang gamitin nyo po kc nakakalito hehe
PineappleSeulgi
#2
Chapter 1: Ahhh nalilito ako sa mga names :(
pero ege tuloy mo lang author 💗