Team Rocket ft. Baeby

May pila po!

 

 

Seungwan Son. Wendy. Wanda. Hamtaro.

 

Sa dami dami ng binigay at pinakilala ni Lord sa akin, siya yun favorite ko. (Syempre mas favorite ko yun may initial na I and B pero this is all about my bestfriend today.)

Unang-una pa lang na tingin ko sa kanya, alam kong may connection kaming dalawa.

 

Soulmate. Sisters. Yes, that's the word.

 

Naalala ko pa yun mga scenes nung first day ng pagtransfer ko sa school nila. Siya ang unang lumapit sa akin with two muffin in one hand na inabot niya with a smile that can beat the sun.

That time, alam ko na magugustuhan ko siya PERO NOT ROMANTICALLY (wag kayong ano)

As the day goes by, mas naging close kami. Palagi kami magkasama. From magstudy or kaya mga camping, palagi siya ang kasama ko.

Everytime na kailangan niya ako, tutulungan ko siya.

Everytime na kailangan ko siya, nanjan siya para sa akin. 


Bilang mag bestfriend forever, Gumawa kami ng isang kasunduan or pact.

 

'Lahat ng mga bagay ay sasabihin namin sa isa't isa. Bawal sabihin sa ibang tao.'


Kaya naman , almost all of my secret alam niya. Same rin sa kanya, i know all of her secrets and vice versa.

 

Sa kanya ko unang sinabi about kay Irene Bae.

Sa akin niya unang sinabi na she likes girls 

Sa kanya ko sinabi ang about sa first heartbreak ko na mismong parents ko di alam.

Sa akin niya unang sinabi na may girlfriend na siya

 

Sa kanya ko sinabi ang totoong dahilan kung bakit ako nagtransfer.


I know all of her first kasi ako ang unang sinasabihan niya kapag may ganap. Siya rin ang unang sinasabihan ko kapag may ganap sa buhay ko.

 

And we keep everything.

 

Pero syempre, may mga pagkakataon na kailangan natin intindihin na hindi lahat ng mga bagay ay maitatago mo.

 

Paminsan nadudulas, paminsan need talaga na sabihin kasi ang tadhana ay masyadong mapaglaro at nang iipit.

 

Kaya naman, napagusapan namin ni seungwan na kapag may nadulas nga sa amin dalawa... Kailangan namin kaagad ipaalam sa isat isa o kaya kung meron man ang naipit sa isang sitwasyon, kailangan namin maghingi ng permission.

 

For example...

Nung nakita ko ulit si Irene Bae sa may paradahan ay kaagad kong tinext si wanda. 

Pagkauwi ko sa bahay, timing na nagtext siya na tatawag siya.

'Seullll, sinabi ko yun about sa crush mo kay ligaya ko. Sorry, naipit lang talaga sa sitwasyon eh.'


'Ano?!'


Kahit gusto ko siyang paluin,pinigilan ko sarili ko.


I understand her kasi nga paminsan iniipit ka talaga ng tadhana at wala ka ng magawa kung di ang magsalita.


Mas lalo na kapag relasyon na ang nakataya.


'ikaw kasi eh! Kung magtext ka, timing talaga na babe time. Ayan tuloy, akala ni Joy may kabit ako dahil nalingat lang siya sandali nagphophone na ako. Alam mo naman yun paminsan may toyo. Nasabi ko na lang tuloy na nakita mo yun crush mo na hindi dapat sinasabi sa iba.' pagdradrama ng hamtaro.

 

'Alam mo naman di ko matitiis si Ligaya eh. Nagdradrama na siya, that's why nagpanic ako. Hindi na ako nakapag paalam.'


Wala na akong nagawa kundi ang mag buntong hininga. Iba talaga nagagawa ng pagibig.


'Oo na. Oo na. Basta sa susunod hah' i said


'Oo pramis. Bawi ako, punta ka dito this saturday. Magluluto ako ng brownies.'


Bigla naman lumiwanag ang buhay ko, brownies ni wanda ang pinakabest brownies ever.

Kaya naman nandito ako sa bahay ng aking bestfriend. Nag aantay ng brownies na maluto habang naglalaro ng uno with her jowa, Si Sooyoung "Joy" Park.

 

Oo,kami lang dalawa naglalaro ng uno. Di ko rin gets kung ano ang nangyayari sa utak nitong model na ito.

 

Oo, model si Joy Park. Galing nooh.

 

Alam ko na kahit may pagkakalog ang babaeng ito, nakikita ko talaga na mahal niya ang bestfriend ko.

Okay na yun sa akin. Basta wag niya lang saktan si seungwan kasi ipapakain ko sila sa pusa ko.

Mabait naman si Joy. Matangkad. Maganda pero syempre, isa lang maganda sa paningin ko.

Nameet niya si seungwan sa youth camp. Nahulog daw loob niya nung kumanta yun bestfriend ko and boom!

Niligawan ni ligaya si wends kahit na magkaiba ang school. Nakakaamaze ang dedication ni Joy park, promise.

 

Busy ang aking bestfriend sa kusina. Kumakanta pa ito habang nag aantay na maluto ang brownies. Sinusuway niya kami kapag naririnig niya na nagaawayan na kami dahil sa laro.

 

"UNO!" sabay namin sigaw ni ligaya.


"Panalo na ako!"


"Naunahan kita. Please pick 10." Pa cool niyang sinabi. 


"NAG UNO AKO KAAGAD! TALO KA NA!" 


Totoo naman na panalo na ako. Hindi talaga nagpapatalo ang babaeng ito.

Tumayo na si Joy habang hawak hawak ang cards niya na dalawa. Syempre di ako magpapatalo,tumayo rin ako kahit na mas matangkad siya konti sa akin. 

Walang jowa jowa ng bestfriend sa larong uno.


"HOI OSEUL! NAUNAHAN NGA KITA! BUBUNUTIN MO YUN CARD OR SASABUNUTAN KI-"

Aba't tinawag pa akong oseul. Yan ang tawag niya sa akin nung una kami nagkita, Oso + seulgi ang meaning ng ginawa niyang nickname. Di ko talaga siya maintindihan paminsan.


"Honey wubby...Seulgi... Tama na yan"


Bigla naman napatahimik si ligaya ng tinawag siya ng jowa niya. Shuta ang corny ng tawagan nila.


"Yes honey wubby. Si seul kasi eh"  she said sweetly.


Aba! Nakuha pa magsumbong.


"Wow hah. Talo ka na kasi eh. Panalo na ako" binitiwan ko na ang cards ko,tinapon ito sa mesa at umupo with style. Napa smirk naman ako ng makita ko ang reaction niya. Parang gusto niyang mambugbog pero hindi niya ito magagawa kasi nga ako ang bestfriend ng jowa niya.

"Tapusin niyo na yan. Tapos na itong brownies." Narinig namin sinabi ni wendy. Bigla namin naamoy ang fresh from the fudge brownies.


Heaven.


"Pasalamat ka, bestfriend ka ng jowa ko" sabi niya sa akin habang inaayos na ang mga cards. 

"Pasalamat ka ,luto na ang brownies." Sagot ko.

Habang inaayos niya ang mga cards at ang mga gamit sa table, bigla siyang napatigil at tumingin sa akin with a smile na prang nanunukso.


"Sooo... May nalaman ako, nakita mo daw yun high school crush mo sa may paradahan tapos imbes na mag hi ka or mag smile ka sa schoolmate slash crushie mo noon..."


Shuta. Nakalimutan ko na may pagka asal demonyo paminsan ang jowa ni wends.

Keep calm Seulgi. Magpanggap ka na di affected.

"Oh tapos?" 


"...TININGNAN MO LANG SIYA NG PARANG TANGA TAPOS NUNG NAGSMILE SIYA SAYO  HUMARAP KA NA WALANG SMILE BACK. Hina mo naman oseul."


Okay, di ko kaya na mag act cool.


"Wan! Inaaway na naman ako ng jowa mo!" Sumbong ko kay wendy. 


"Honey wubby Hindi naman eh" sabi ni joy. Pa innocent pa ang ligaya ni wendy.


"Hays kumain na lang kayo ng brownie oh. Mainit pa to" bigla naman lumabas sa may kitchen si wendy habang may hawak na tray filled with brownies.


Bigla naman kami napanganga ni joy at mabilis na inatake ang tray ngunit mabilis itong inilayo sa amin ni wendy.


"Stop acting like animals!"


__________________________________


"Alam mo ba , Ang cute naman ng beshie mo honey wubby. Akala ko ba matinik yan sa chicks" 

Nakaupo na kami tatlo ngayon habang nanonood ng movie na hindi naman masyadong interesting. Kami dalawa ni joy sa baba ng floor, si wendy sa couch.

Nang marinig ko ang sinabi ng jowa ni wends,muntik na akong mabulunan sa pang pang anim na brownies na kinakain ko.  Uminom kaagad ako ng juice para hindi mamatay ng maaga.

Akala ko kakampihan ako ng bestfriend ko pero parang nawala ang pinagsamahan namin dalawa.


"Wala ng ibang chics yan honey, yun B to the A to the E to the BAEby niya lang,sapat na"


TRAYDOR KA SEUNGWAN! WENDY! WANDA!


"SEUNGWAN ANO BA?!"


"Oh bakit ka nagagalit? Nung Grade 10 nga ,yun lang ang bukambibig mo" sabi ni seungwan na parang wala lang.

Wow hah. Magsama kayo ng jowa mo na namamatay na sa kakatawa dahil sa salitang baeby. Ang cute kay- WAIT!


"HOY! HINDI NAMAN EH!"


"Ampota naman ng Baeby- a-aray ang sakit ng tiyan ko hahaaha shuta may naalala ako"patuloy pa rin sa pagtawa si joy. May pahampas pa ito kay seungwan.


"Honey wubby hay naku, Kung alam mo lang kung ilan beses niya sinasabi kada isang araw yan word na Baeby. From Grade 9 to 10, Baeby ng baeby."


Hindi pa rin siya tumitigil. Nakakahiya sobra. Nung last sa paradahan napahiya ako,tapos ngayon napahiya na naman ako. Ano ba yan?!


"Wendy shatap" naiinis kong sinabi. Sumasakit ang ulo ko sa kanila.


"As i was saying, pag nakikita namin yun crush niya...Puro 'ang ganda talaga ng Baeby ko' yun naririnig ko pati 'Ang galing talaga ng baeby ko'." 


"WENDY!"


"Itsura ni seul, parang chix hunter pero torpe pala."


Napatawa naman ang dalawng mag jowa.


Wow hah. Tuwang tuwa sila dahil sa akin. Tinakpan ko ang aking tenga gamit ang kamay para di ko marinig ang tawa nila.


"La la la la wala akong naririnig"


Mga walang consideration. Pang aapi ito sa mga single.


"Pero maiba nga tayo, bat ayaw mo oseul na sabihin ang iyong nararamdaman? -honey wubby upo ka dito " sumenyas naman si joy kay wendy na umupo sa tabi niya sa may floor. Pumunta naman kaagad ang whipped na bestfriend ko.

Pang aapi talaga. May paakbay pa silang nalalaman right in front of my face.

Kapag ako nakahanap ng jowa, who u kayo sa akin. 

Kapag kami ni Irene -Wait


Stop! brain! Stop! Heart! 


Kung ano na naman ang iniisip ko.


Buti na lang, hindi nila napansin na tinakpan ko yun mukha ko namumula ulit.. Siguro bagong chismis na naman kung sakali.


"Ewan ko nga jan eh. She tried naman na mag confess face to face with matching letter pero mas inunahan siya ng kaba. Binatukan ko nga siya eh nung moving up. "


"Siya yun first time na binatukan mo, diba?" Tanong ni joy. Oo, ako ang first time na binatukan ni wendy. Si wendy hindi basta basta na nanakit yan. Sobrang bait niyan.


"Yes, honey wubby. Di ko na napigilan. Ilan beses ko silang sinet-up and ilan beses na ako nag attend ng meeting ng late na ang uwian para lang magkasalubong or magkita sila pero wala talaga hon."


Wait, ano daw?!


"KAYA PALA PAMINSAN INIIWAN MO NA LANG AKO!" planado pala ang lahat . Kaya pala paminsan,umaalis ang wendy kasi may binabalak.


Wendy, you hamster! 


"Galing talaga ng wannie ko. So yun na nga,bat ayaw mo umamin sa kanya?" Joy cooed while back hugging seungwan. Namula naman ang aking bestfriend.


Sana ol talaga.


"May single dito" paalala ko.


"Sagutin mo muna ako,titigil ako"

Bakit nga ba ayaw ko umamin? Bakit ayaw kong sabihin?

Matagal ko ng iniisip yan question na yan.


"Kasi naman , Mahirap eh."


"Eh paanong mahirap? Lapit ka sa kanya then i corner mo siya tapos say it kahit aggressively . Works for me. Tanong mo kay seungwan kung paano ko siya kinorner nung last ye-" ligaya jokingly said pero bigla naman nag react si wanda.


"Honey wubby!" Hay salamat di lang ako ang napahiya today.


 "Char lang bie. Shuta oseul sa itsura at abs mo palang, mababali na siya. Kung ako sa kanya sinunggab na kita pero syempre si honey wubby pa rin love ko hehe"

ANONG ABS?! Shadow lang to nooh.

Wait- PANO NIYA NALAMAN NA MAY ABS AKO?!

"May abs rin naman ako ah" pagtatampo ni wendy. Nagselos pa siguro ang hamster. Sorry wends, di ko type yan jowa mong ligaya ang ngalan.

Nang makita ni joy ang pagpapabebe ng aking bestfriend. Kiniss niya ito sa pisngi.

"Mas love ko nga yan . Lika nga dito,kiss kita ulit.

SANA OL (2)

"RESPETO NAMAN OH" pagpaparinig ko.

"Oo na ,titigil na. Kapag Inggit, pikit na lang kasi seul." 


"Shuta ka"


"Wala mo pa sinagot yun question ko. Bakit ka kasi di umamin?"


"Mahirap kasi...alam ko sa sarili ko na di ko siya abot. Wala akong chance"


Bigla na naman tumahimik. 


"Hayss fluff lang tayo dito... Come here" Lumapit sa akin si wendy at hinila ako papalapit sa kanya and she hug me. 

Dahan dahan akong napangiti.

"Nasa harap tayo ng jowa mo" bulong ko kay wanda.

"She doesn't mind" she whispered back.

"Oi oi ano yan?" Sabi ni joy. Nagpanggap pa siya na paghiwalayin kami.


Napatawa naman kaming dalawa ni wendy.

"Jusko Kang seul. As your bestfriend's jowa, ang masasabi ko lang ay  kung ano ano lang ang iniisip mo. Kilala ka rin nun,ang nega mo lang talaga. Lahat naman kayo may chance. Kahit ikaw may chance kahit na isipin mo na hindi mo siya abot, natakot ka lang kasi at masyado mong minaliit yun sarili mo."

 

Totoo, natakot ako.

 

Kaya nga ,naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko pinili ang maging matapang nung time na yun.


Sabi ko sarili ko,baka napadaan lang talaga sa buhay ko si Irene Bae at hindi ko na siya makikita ulit. 


Kaya naman, nag decide ako na mag move on pagkatapos ng grade 10 kahit crush lang yun. It's a great timing kasi iba naman ang school namin kapag grade 11. 


Parang tanga nooh.


Pagkatapos ko magmove on, nagpromise ako sa sarili ko na this time i will try na maging matapang kahit walang Irene Bae in the equation. 


This time magiging matapang na ako kahit na ibang tao pa ang ibibigay sa akin ni Lord.


Pero Ha-Ha. The Joke is on me now.


Nakita ko na naman si Irene Bae. Meron pa rin akong feelings. Crush ko pa rin siya ha ha.

Nagdadasal ako na sana last na yun eksena sa may paradahan.

Tapos na yun. Hindi na yun mauulit.


"The best talaga honey wubby ko. Ang haba ng sinabi." Proud na proud na sabi ni wendy. 

At nagsimula na silang maglandian sa harap ko.

Napasmile naman ako sa eksenang nagaganap sa harap ko. Kahit na paminsan ang korny ng dalawang ito, i am happy na they are happy.

I am happy na may bagong addition sa buhay ko, i don't mind na may pumasok na bagong ligaya sa buhay namin.


"Oh heto kang seul, here's your brownie." Inabot sa akin ni wendy ang tray ng brownies. Katatapos lang nilang magharot ng jowa niya.


"Salamat, busog na ako wends pero if you insist-" I said.

"Limang brownies bibigay ko sayo. Lima means I love You My  Bestfriend."

I groaned pero deep inside, i am happy.

I love my bestfriend talaga pero syempre di ko sasabihin yun sa harap ng jowa niya atsaka Malaki na kami char.


"Hala siya, harap harapan?Hala siya, si oseul lang may brownies?"


"Pag inggit, pikit" inulit ko ang sinabi niya sa akin kanina at nilagay sa bag ko yin brownies. Bigla naman binigay ni wendy yun tray kay joy.


"Of course, i will give you 7 para I LOVE YOU MORE HONEY WUBBY"


"Iiih enebe, kinikilig ako"


"Shuta Kumain na lang nga kayo"

 

to be continued...

​​​​​​

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sailorcee
Oooh oohhh ohhhhhh ahhhhhhh nana na na na na naaaaaa~

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 3: huhuhu super cutie nilaaaa HAHAHAHA 😍😭 ang supportive ng wenjoy! 😭✊🏻
seulreneau
#2
sana may update pa huhu ang cute ng story
SEULRENEHAHAHA #3
Chapter 3: Musta na othorrr,, ganda ng story na toh sana ma update,, keep safe po
chocochipc00kie
#4
Chapter 3: Sana masarap lagi ulam ninyo! At saka sana natapos mp na mga worksheets mo.
erzcaps27
#5
Chapter 3: Hahahaha amg kyut ni slowgi hahahha
Onlyking
#6
Chapter 3: cute :>
vanillacookiescream
#7
Chapter 1: whipped naman ni sulge