Team Rocket ft. Baeby II

May pila po!


Sabi nila, hindi lahat ng prayers mo natutupad.

Kaya daw hindi natutupad kasi "Everything happens for a reason"...

 

Pero ang tanong... Ano yun lintek na reason?

 


Mga Hapon na ako naka alis sa bahay nila wendy. May sleep over pala ang mag jowa. Hidi na ako sumama kasi nagtext na rin ang aking mahal na ina. 

Ayaw ko rin maabala ang kanilang babe time. Sana ol (3)

Habang naglalakad papuntang paradahan, biglang tumunog ang phone ko.

Siguro si wendy ang nagtext.

 

From: Wanda

Babye oseul. Joy to. Hanapan na lang kita ng bagong crux. Ireto kita. Iwan mo na yan baeby mo para may partner ka na pag babe time 


Shuta ka joy.

 

Mag rereply na sana ako ng tinawag ako ng barker. Meron pa daw sa harap na bakante. 

Dahil sa uwing uwi na ako, sumakay ako kaagad sa harap kasama ang driver ng jeep.

Dalawa na lang ang kulang.

Mabilis akong nagreply kay wendy at ligaya. Sinabihan ko na sila na nasa jeep na ako.


Buti na lang konti ang tao today.

 Kinuha ko naman ang earphone ko sa may bag.sound trip muna. 
 
Malapit na ang gabi. Siguro iidlip muna ako ng konting konti.

Ilalagay ko na sana ang earphone sa tenga ko ngunit nabigla ako nabigla ng binuksan ng barker ang maliit na pintuan sa side ko.

 

The scent of lavender filled my nostrils.

 

Lavender. The same lavender na naaamoy ko kapag dumadaan sa harapan ko ang isang certain tao. No, naghahallucinate lang ako...
.
.
.
.

Hindi ako naghahallucinate.


"S-Seulgi!" Napatingin naman ako sa tumawag sa akin.


Everything happens for a reason...


"Uhh" hindi ako makagalaw. Bigla na naman tumibok ang puso ko. Sobrang pinapawisan na ang kamay ko. Shuta.


ANO YUN RASON KUNG BAKIT NAGKRUS NA NAMAN ANG LANDAS NAMIN NI IRENE BAE?!


Nung last , ang layo pa namin sa isat isa ngunit ngayon...


Shuta.


Up close shot of a goddess in a grey sweater. Golden rimmed glasses and an expression that shows that she...is happy to see me?


'You are hallucinating. Busog ka lang. Kain pa ng ilang brownies'


Bigla itong ngumiti at umupo sa tabi ko na para bang close kami.


Shuta.


ANO ANG RASON?!


Hinahawakan niya yun braso ko, while talking with ease. Nakangiti siya sa akin na para bang close kami.


Okay. Shutdown.


"Susunod ba si Seungwan sa atin?" She asked me.

Hindi ko talaga alam kung ano sinasabi niya. Tumango tango lang ako na parang ewan for a second.

Iba talaga ang ganda niya. Sobra. Di ko maiwasan mapanganga t-tapos ang bango niya.


'wait ano daw? Seungwan? Paano nasama ang hamster sa usapan??'


Kahit maganda siya, di ko siya maintindihan. 


"h-hindi k-" 


She cut me off.

"Oh is that so? Nagtext ba siya? Let's wait na lang for her para sure" Nilakas niya ang boses niya while glancing at her side. 


For a second, nakita ko how her expression change.

From smiles and relief to parang naiinis na ewan.

Tiningnan ko rin kung saan siya nakatingin. 

A man with facial hair wearing a white shirt and a mask..

 

Parang namumukhaan ko siya.


"Kailan ko na talaga umuwi ... Baka naman sumabay na ako sa inyo. Isa na lang naman ang kulang eh" And deep naman ng boses...wait-


Naalala ko na.


"Sorry talaga sir. We are really waiting for a friend." Cold na sabi ng katabi ko.


 Nakita ko na ang lalaking ito. Siya yun sinabihan ni Irene bae nung time na pumipila kami. Bakit to nandito?


"Wala pa rin ba sila seulgi?" Tanong ulit sa akin ni irene bae. This time,iba na talaga ang expression niya... Like she is asking for my help. Para bang sinasabi niya na sumabay ka na lang,please.


Maging matapang ka Kang!


Pasimple kong chineck kunwari yun phone ko then i cleared my throat bago nagsalita. Hindi ako makatingin ng maayos sa kanya kaya sa phone na lang.


"Wala pa man. L-lets wait for her na lang. Nag promise kasi siya na sasabay" i said with conviction pagkatapos kong binaba ang phone ko. Nailed the script.


Naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko. Shuta. Ang lambot.

WAIT-CHOTTO MATTE. HINAWAKAN AKO NI IRENE BAE?!?!?


"Sa susunod na jeep na lang po kayo. Pasensya na talaga po." Irene bae said.

 

"Kailangan ko na talaga umuwi miss" tumaas na ang boses ng lalaki.

 

Mabuti na lang ay dumating na yun barker. Kinausap niya ang lalaki na sa ibang jeep na lang na sumakay. Tumingin ito sa amin na may galit sa mata.

 

Nang makaalis na ito ay napa hinga ng malalim si Irene. Pabagsak na sinandal ang likod sa upuan.

 

"Dadating pa ba ang kasama niyo mga ineng?" Tanong ng driver sa amin.

 

Caught off guard.

 

"Ano po-" magsasalita na sana si Irene.

"Wala talaga kayong hinihintay,nooh? Okay lang yun, nakikita ko na yung lalaking yun dito paminsan. Palaging may dalang gulo. Pinapaalis na nga namin, bumabalik balik pa. May kapit siguro. Sinusundan ka ba nun ineng?"

Napatango na lang si Irene.

 

"Kanina ko pa po nararamdaman na may sumusunod sa akin at nagmamasid sa akin. Hindi nga po ako dumaan sa mga hindi matataong lugar eh. Umuwi na po ako kaagad pero patuloy pa rin niya akong sinusundan. Plano ko na nga po tumawag ng pulis"

 

 

The audacity of that person.

I gasped pero silently lang.

Nakakainis. Sobra.

She hurted his ego nung ni-called out siya tapos ngayon di niya tanggap kaya may masama pa siyang balak.


Mabuti na lang at nakisabay ako sa kanya. Kung hinayaan kong makasama namin ang lalaki na yon at may ginawa pa siyang masama  kay Irene.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Baka hindi ko siya matantya,itatapon ko siya sa labas pag may mangyari kay Irene Bae.

Hndi deserve ng lahat ng babae ang maharass. 

Nakakainis talaga sobra.

 

"Mabuti na lang at nandito yun kaibigan mo" Sabi ng driver.

 

Tumingin ako bigla sa harap at hindi ko alam kung bakit pero nagsimula na akong magbilang ng taong naglalakad.

Ha? Kaibigan. Hindi ko nga yan malapitan na hindi ginagawang tanga sarili ko.

Gusto kong matawa sa sinabi ni manong pero pinipigilan ko pa kasi ang pagsabog ng puso ko.

 

 

'shuta. Irene bae. Hawak. Side. Smiled.SHET'

 

 

Ang galing ko today. Hindi ako nag ascend sa heaven dahil nasa side ko siya pero feeling ko tatalon na talaga puso ko sa ribcage nang maalala ko na HINAWAKAN NIYA YUN KAMAY KO.

 

"Ahh.O-oo nga po eh." she shyly said. 

 

Ang galing ko talaga umarte. Ang galing niya talaga umarte.

 

"Sige sige"nagsimula ng umandar ang jeep.

 

Naramdaman kong lumayo na nang kaunti si Irene sa akin. Ang laki na kasi ng space. May space pa for one person.

 

Nang marealize siguro ni Irene ang sitwasyon ,bigla siyang nagsalita.

 

"Babayaran ko na lang po yu-"

 

"AKO NA PO ANG MAGBABAYAD FOR 3 PEOPLE!" Sigaw ko. 

 

Sabi ko sa inyo, ginagawa ko talagang tanga ang sarili ko pag nanjan si Irene Bae. Feeling ko talaga pinagtitinginan na ako ng ibang pasareho.

 

I heard her giggle softly. 

 

"No, insist. Ako na lang"

 

"Nandito po manong ang bayad" wala sa sariling kinuha ko sa bulsa ang 100 pesos ko at ibinigay sa driver.

Napatawa naman si manong and i swear narinig ko rin tumawa si Irene.

 

Shet.

 

Napatawa ko siya.

 

"Hindi naman sa akin binibigay ang pamasahe ineng pero sige akin na yan" sabi ni manong.

 

"Sabi ko sayo, ako na lang sana ang magbabayad eh" 

 

"O-okay lang naman" 

 

Sumilip ako ng konti. 

She was looking at me with a small pout on her face. 

 

Medic medic.

 

Hindi ko mapigilan mapa nganga ulit.

 

 

"Hay. Babawi na lang talaga ako. Napilitan mo pa tuloy ang mag acting today tapos binayaran mo pa yun pamasahe ko and yun sa kulang. Thank you seulgi"

 


"Kilala mo ako?" I absentmindedly said. 

 

Bigla kong narealize ang mga sinabi ko. Parang gusto ko sumapak ng sarili today.

 

"Of course i know you, palagi kitang nakikita with seungwan eh" she chuckled.

 

Shet kilala niya ako.

 

KILALA NIYA AKO. Parang gusto ko magpa shanghai sa saya.

 

Hindi ko mapigilan mapangiti on the whole ride.

 

________________________

 

"Bye seulgi. I swear babawi ako" she said ng nakababa na siya na siya ng jeep.

 

"Ah-kasi-hindi na talaga need. Okay lang na-

 

"I won't take no for an answer. See you!" She waved at me.

 

Umuwi at natulog ako sa bahay na may ngiting abot tenga.

Sabi nila, hindi lahat ng prayers mo natutupad.

Everything happens for a reason...

Ibig sabihin may reason kung bakit kami nagkita ni Irene Bae today.

Lord, pakisabi naman nung reason mo, kasi kanina lang nagdradrama pa ako with wendy and ligaya about sa crush ko. Nagdradrama pa ako na magiging matapang matapang ako pero bakit ganyan? anong reason lord?
 
See you daw kasi eh. Magkikita pa ba kami ulit lord? Last na last na ba yun?

Ano ba yun reason? Hindi ko kasi alam kung anong gagawin next.

 


Next chapter:

"SIYA YUN BAE NA TINUTUKOY NIYO?!"

"Honey wubby...Shh! Wag kang maingay!"

"SO IBIG SABIHIN CRUSH NIYA YUN LONG LOST PINSAN KO!?"

"sige sigaw mo pa. Kakatayin na kita ligaya."

 

Note:

Ang saya ko today and yun last last day kaya nagsulat ako. Ang saya ko super. NANJAN NA SI WENDY AND SHE LOOKS HEALTY TAPOS MAY IRERELEASE PA SILA NA SONG BUKAS. Binulabog ko talaga ang nanay ko nung last para magdasal for fast recovery ni wends and makumpleto ang ot5.

Again,sorry sa grmar and sorry kung panminsan walang sense haha. I checheck ko ito ulit ,pagtapos na ang walang katapusan na worksheets namin.huehue.

THANK YOU RIN SA MGA NAG UP VOTE AND SUBSCRIBE! SANA MASARAP ULAM NIYO EVERYDAY! 

Stay Safe and enjoy! Stay hydrated mga bebe quoh.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sailorcee
Oooh oohhh ohhhhhh ahhhhhhh nana na na na na naaaaaa~

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 3: huhuhu super cutie nilaaaa HAHAHAHA 😍😭 ang supportive ng wenjoy! 😭✊🏻
seulreneau
#2
sana may update pa huhu ang cute ng story
SEULRENEHAHAHA #3
Chapter 3: Musta na othorrr,, ganda ng story na toh sana ma update,, keep safe po
chocochipc00kie
#4
Chapter 3: Sana masarap lagi ulam ninyo! At saka sana natapos mp na mga worksheets mo.
erzcaps27
#5
Chapter 3: Hahahaha amg kyut ni slowgi hahahha
Onlyking
#6
Chapter 3: cute :>
vanillacookiescream
#7
Chapter 1: whipped naman ni sulge