Slow mo

May pila po!

 

Ano nga ba ang pinaka masayang part ng buhay estudyante?

Ang daming sagot sa tanong na iyan pero para sa akin, ang pinakamasayang part sa buhay estudyante ay ang umuwi.

 

Oo. lumayas. Lumarga. Umalis sa School. Malayong malayo sa mga lesson atbp.

 

Iisa lang naman ang dahilan kung bakit  gustong gusto kong umuwi... Isa lang ang  Goal ko kapag maririnig  ang ringing of the bells at ito ay ang...

Umuwi ng maaga to sleep in my bed.

Pero iba yata ang plano ngayon ng tadhana. Kasalanan talaga ito ni wendy. Kung hindi niya ako sinama sa kainan ni mang iska malamang ay nakauwi na ako ng maaga.

 

Kasalanan ko ba kung busy ang jowa niya na taga ibang school today at ako ang ginawa niya na second option.

 

"Hindi hindi na talaga ako mag papauto sa hamster na yun" inis na sabi ko.

 

Now here I am, malapit ng dumilim and nasa gitna pa rin ako ng mahaba na pila. Usad pagong. Nakakainis. Dahan dahan ko pinikit ang aking mata. Ang sakit sakit na ng  paa ko dahil kanina pa ako nakatayo.

 

I just want to close my eyes at umidlip sandali.

 

Wrong timing. Wrong timing.

 

Bakit rush hours pa yun nasaktuhan ko? Ang daming ingay. Ang daming umuuwi galing sa trabaho and school. Isama mo pa yun mga ale sa likod ko na ang lakas ng boses.

 

Hinigpitan ko ang kapit ko sa bag, nakakatakot kaya ang ma snatch. 

 

Sabi ni mama, kailangan ko talaga bantayan yun bag kapag naghihintay ng jeep. Baka mamaya ay pa sikreto na pala ako ninanakawan or...

Worst case scenario, biglaan na lang aagawin sa iyo yun bag mo.

 

Of course, dahil na rin sa paalala ni mama na walang katapusan... I could say na I am always on guard.

 

Hindi ko pala alam, hindi pala sapat ang pagiging on guard ko...

 

Dahil sa susunod na minuto ay may mananakaw sa akin...

 

Harap harapan.

 

Biglaan.

 

Ninakaw ng isang napakagandang snatcher ang isa sa mga importanteng bagay na meron ako...

"Hala! Kuya! Ano ba yan, may pila po tayo dito."

...and it's not my bag.

 

________________________________

 

 

May tatlong uri ng slow-mo.

First: Yun slow-mo na nakakanerbyos. Yun tipong humihina ang paggalaw ng oras para pakabahin ka lang. Madalas ko itong nakikita sa mga anime or kaya kapag palaro or kaya pag mag announce na ng grades. 

Dahan dahan then boom! 

Gagalaw ulit ng normal pero with cheer (or pagiyak, it depends)

 

Second: Yun slow-mo na masakit.

Personal experience here. Naranasan ko ito nung Grade 8 ako. Nag aaral pa ako sa old school ko.

Dahan dahan nahulog ang scissors na pinakuha niya sa akin sa sahig and i felt my heart crack slowly dahil nakita ko siya na kaholding hands yun ex niya na akala ko ay na erase na sa buhay niya.

Pinakuha niya pala sa akin ang scissors niya from 3rd floor dahil para may time sila ng ex niya.

 She knows that i will get mad dahil alam na alam niya kung gaano ko ka hate ang lalaki niya(ang strong word naman ng 'ang lalaki niya')

She knows that i love her.

And i know, she doesn't like me back.

Pa slow mo akong tumalikod from the scene with tears in my eyes then boom!

Pagkatapos ng araw na yun, gumalaw ulit ang mundo ko ng dahan dahan pero yun puso ko pansamantalang nakatigil.

Mabuti na lang at trinansfer ako sa ibang school dahil na rin sa ibang factors like yun work ni papa etc.

Nagpapasalamat rin man ako kay papa G kasi dahil dito naka move on ako at nakilala ko yun bestfriend slash soulmate ko na si Wendy Son,the hamtaro.

 

The Third and last: Yun slow-mo na kakaiba.

Ang pinakamahiwaga at pinaka hindi nakakapaniwala na slow mo sa lahat.

 

Yun slow-mo na nangyayari ngayon.

 

Nung mga oras na naghihintay ako ng jeep...para bang may imaginary spotlight na nakatutok malapit sa dulo ng pila.

Dahan dahan akong lumingon sa likod slowly...

...and then i saw her.

 

Bigla yata nag short circuit ang utak ko. 

 

Dyosa na nakaglasses.

 

Napakaganda.

 

Feeling ko nakanganga pa rin ako.

 

Nakasimagot man ito ngunit and ganda pa rin. Maputing balat, black hair tied into a bun,and mga na mata na kung makatingin ay parang mangangain na pero ang ganda pa rin.

Isang tao lang ang kilala ko na Dyosa na para bang nangangain na...

 

'Shet. Hindi maaari'

 

Biglang gumalaw ulit ang mundo ko.Parang hinabol ang puso ko ng mga aso nila Byul nung last sa sobrang bilis nito mag b-b-beat.

Para bang Binaril ako sa puso ni kupido with his shotgun eme.

Noon,wala ko pa naranasan na manakawan ng isang magnanakaw na nanghihila with force.

 

Pero ngayon,nanakawan yata ako.

 

Ninakaw niya ang puso ko with force. (Ang cheesy,this is wendy's fault)

Kung nandito si wends, malamang ay kumanta na ito ng 'ikaw pa rin pala ang hanap hanap parapa' for background music ko.

 

"Irene Bae" i whispered.

 

Si Irene Bae, the next Aphrodite. (Sabi ng mga lalaking classmate ko nung grade 10 kami)

 

Si  Irene Bae, Valedictorian slash Super competitive na Debate Club and SSC president sa junior high school namin ni Wendy. 

 

Naalala ko pa nga nung Grade 10 kami ay palagi siya inaabangan ng mga estudyante (girl or boy) sa labas ng ssc room every hapon para makita lang siya . Palagi naman sila napapagalitan hehe.

 

Sobrang haba ng pila ng manliligaw at may crush sa kanya and I, Kang Seulgi ay kasama rin sa pila na yun.

 

Everytime na may meeting ang lahat ng club president with the SSC ay sumasama ako.
Perks of being bestfriends with wendy na Vice President ng Glee Club.

 

Everytime na uuwi sila ng late, palagi ako naghihintay kay wendy dahil syempre, gusto ko safe ang bestfriend ko and...

...of course,gusto ko lang makita si Irene Bae.

Dahil tao lang ako, Napapasulyap ako sa kanya ng ilang beses.

(Paminsan nga ay naiinis na sa akin si Wends dahil kapag lumalapit sa amin si Irene bae ay para daw akong natatae na ewan.)

 

Everytime na may program ,present ako kasi gusto ko marinig ang boses niya. 

 

Everytime na kailangan ng volunteer ng SSC for activities, sumasali ako.

 

Everytime na magkasama kami like wala si wends or any of my frens (rare times), nagiging tanga ako.

 

Muntik na nga ako naligo sa pintura one time dahil nadulas ako. Meron pa lang basahan sa sahig.

 

 Reason: Tumawa si Irene Bae and my poor heart can't take it

 

Pero that was a year ago (char), alam ko naman sa sarili ko na wala akong chance,kahit na magtry pa ako.

I am just a mere mortal and Irene Bae is a dyosa. Ang layo sobra. 
 
I tried giving her personally a memento and a Letter (old school yeah) nung moving up ceremony pero i chicken out. Nilagay ko na lang sa locker niya and hindi ako sure kung nakita niya pa yun. 

Nung nalaman ni Wends ang ginawa ko, binatukan niya ako for the first time. 

 

Ang torpe ko daw,sorry naman. 

 

At ngayon nakita ko na naman siya, yakap yakap ang mga books niya...

Para bang nagkaroon ng war flashback lahat ng mga kagagahan ko at ang ilan months ko na binaon sa lupa na feelings ay dahan dahan bumabangon.

 

"Ang unfair naman ho! Ang tagal tagal namin naghihintay ng jeep tapos sisingit lang po tayo" dismayado sinabi ni i-irene na para bang nagpaparinig.

 

Nagbulung bulungan na ang mga tao at ang iba naman ay sumang-ayon

 

"Oo nga."

 

"Ano ba yan?! Gusto naman nating lahat umuwi hah, pero sana sumunod sa pila."

 

"Kaya nga!"

 

"Maawa naman ho tayo sa mga nagpipila ng maayos." Pagpaparinig ulit ni Irene.

 

"Tama Tama!"

 

Wala pa rin siyang pinagbago, hindi pa rin siya nagpapaapi. Pag alam niya na sa tama siya, she won't hesitate to stand up and speak.

Siguro ay napahiya ang sumingit sa pila o kaya ay kinausap na siya ng barker.
Pumunta na sa dulo ang lalaki with matching  pabulong na mura. Napatingin naman ako sa lalaki, at nakita ko na masama itong tumingin kay Irene.

Bigla na lang tuloy akong nakaramdam ng inis.

 

"Wow hah" i mumbled. Siya pa talaga ang may gana na magalit. Hindi lang siya ang uuwi noh.

 

Unconsciously, napatingin ako ulit kay Irene

Maling desisyon. Kung nandito si wendy, malamang ay binatukan niya na ako.

I can only say is "WRONG MOVE KANG SEULGI"

Hindi ko na alam kung anong sumunod ng nangyari dahil busy ako na ipatigil ang sarili ko na hindi magpanic.

 

Paano ba naman..

 

...Nahuli niya ako na nakatingin sa kanya.

 

Believe it or not, nakipag contest pa kami ng patagalan na eye contact pero when she mouthed the words "hello?"..

 

I died.

 

Nakakahiya. Sobra.Namumula na naman ang pisngi ko. Baka akala niya manyak ako. 

 

Tumingin ako kaagad paharap, mabuti na lang at may dumating na jeep.

 

Mabuti na lang hindi kami magkasabay sa iisang jeep. Kaagad ko naman tinext si Wendy about sa nangyari today.

 

'Jusko Papa G, Sana last na to' dasal ko habang nagbibiyahe.

 

Oo, last na talaga. Di na kaya ng puso ko. Sasabog na sasabog na yata ito.

No more , papa g. No more na daw sabi ng ninakaw kong puso.

 

 

(Pero i know deep inside, iba ang gusto nito.Sorry na, marupok lang.)

 

Next chapter:

"Sure? It's okay lang naman kung ako na lang ang magbabayad-

"No! I mean no- O-okay lang yun."

​​​"thank you seulgi"

KILALA NIYA AKO?!

 

Note:

Sorry for the grammar and the lame content.Edit ko lang siya kapag may time ehe. This is my first time. Hindi ko nga sure kung fluff ba to. Matagal na ako wala nakasulat ng mga bagay bagay so yeah pero gagawin ko to para sa solrin.Imagine,mas inuna ko pa ito kaysa sa sa modules and worksheet ko hehe. Stay safe guiz

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sailorcee
Oooh oohhh ohhhhhh ahhhhhhh nana na na na na naaaaaa~

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 3: huhuhu super cutie nilaaaa HAHAHAHA 😍😭 ang supportive ng wenjoy! 😭✊🏻
seulreneau
#2
sana may update pa huhu ang cute ng story
SEULRENEHAHAHA #3
Chapter 3: Musta na othorrr,, ganda ng story na toh sana ma update,, keep safe po
chocochipc00kie
#4
Chapter 3: Sana masarap lagi ulam ninyo! At saka sana natapos mp na mga worksheets mo.
erzcaps27
#5
Chapter 3: Hahahaha amg kyut ni slowgi hahahha
Onlyking
#6
Chapter 3: cute :>
vanillacookiescream
#7
Chapter 1: whipped naman ni sulge