01.

Spike Me (Daddy)

 Bahay ni Seulgi — Sampaloc, Maynila

9:15 A.M

Tumunog ang cellphone ng ating paboritong oso pero wala padin itong imik. Sobrang lalim kasi ng tulog nya, dinaig pa ata ang lalim ng Mariana's Trench. Hindi tumigil sa pag ingay ang kanyang cellphone ng ilang minuto hanggang sa bilang pumasok si Joy, isa sa mga barkada at roommate nya, sa loob ng kwarto ng may kunot sa noo nya. Agad kinuha ng dalaga ang unan sa sahig at hinampas si Seulgi, at effective naman itong pang gising dahil biglang tayo naman etong si Seulgi na muntik pang mahulog sa kama. Nagpalinga linga ito ng ilang sigundo pago tinitigan si Joy.

"Putangina naman, Seulgi Reyes! Di mo ba naririnig yung alarm clock mo?! Kami dinig namin hanggang sa kaloob-looban ng kaluluwa namin." Sabi ni Joy bago ibinato nya ang unan kay Seulgi. Agad naman inabot ng oso ang kanyang cellphone sa nightstand nya at pinatay yung alarm clock nya. "Hay salamat, finally some peace in this house."

Nginitan naman sya ni Seulgi bago humigab at naginat. "Sensya na Joy. Wag ka na magalit, magluluto ako ng silog dahil dyan." Agad naman umaliwalas ang mukha ng dalaga at patagong huminga ng maluwag si Seulgi. Wala talagang tatalo sa silog sa umaga. "Gisingin mo na sila para sabay-sabay na tayo kumain."

"Sabi mo yan ah. Wala nang atrasan ah?" 

Tumango si Seulgi at biglang umalis naman si Joy para gisingin ang iba pa nilang kasama sa unit. Agad naman tumayo si Seulgi at dumiretso sa banyo para mag-ayos. Matapos ng ilang minuto ay lumabas sya ng kwarto nya at nasaktuhan nyang papalabas din ng kwarto nya ang mga tropa nya na pupungas-pungas pa. Si Joy naman ay hila hila ang pinaka bata sa barkadanan nila, si Yeri. Si Jeongyeon ay agad naman lumapit kay Seulgi. 

"Sa susunod pre, wag ka nang maga-alarm kung di mo naman kaya gumising." Sabi ni Jeongyeon sa kanya na may halong simangot sa mukha. "Pati kami nag iistorbo eh. Pero dahil sabi ni Joy na magluluto ka daw ng silog, eh pagbibigyan kita ngayon." Tinapik ng dalaga ang balikat ni Seulgi bago dumiretso sa kusina. 

"Jisoo, pag timpla mo nga ako ng kape." Utos ni Byul bago humigab. Umarte ng parang walang naririnig si Jisoo at patuloy lang sa pag timpla nya ng sarili nyang kape. "Sige na, Jisoo. Timpla mo na ako kape." 

"Ayoko."

"Sige na please?" 

"Puta, Byul baka alam ko timpla ng kape mo. Siraulo to, alam mo namang si Lisa lang talaga ang tiga timpla mo ng kape sa akin mo pa iuutos."

"LISAAAAAAA NASAN KA NA BA?! IPAGTIMPLA MO NAKO KAPE, MAMAMATAY AKO PAG WALA YON!"

"TANGINA NAMAN BYUL WALA KA BANG KAMAY?!" Sagot naman ni Lisa mula sa banyo. "KAYA MO NA YAN, MALAKI KA NA!"

At nagsimula ng magbangayan ang tatlo, napailing nalang si Seulgi habang tinitignan ang mga laman ng ref nila. Tatlong klase ng hotdog, isang pack ng tocino, isang dosenang itlog, at onting tapa. Ano kaya trip netong mga to kainin? Pwede kaya lason? Lumingon ang oso sa barkada nya habang hawak-hawak ang dalawang pack ng hotdog sa magkabilang nyang kamay. 

"Daks o juts?" Tanong ni Seulgi sa kanila. Agad naman sumagot ni Jeongyeon ng 'daks'. Tumango si Seulgi at binalik ang mini hotdogs ng Tender Juicy sa ref. "Di naman tayo mahilig sa hotdog noh?" 

"Si Joy bumili nyan nung huling grocery natin. Baka sya mahilig sa hotdog." Ngumisi si Jeongyeon bago inumin ang kanyang kape. Sinamaan naman ng tingin ni Joy si Jeongyeon. "Ay diba? Mukhang ikaw lang kasi straight dito eh."

"Tangina mo, Jeong." 

Habang umaamoy na ang pinipritong hotdog ni Seulgi at kumalam ang mga sikmura ng mga tropa nya, naisipan nalang nila idaan sa kulitan at usapan ang gutom. Si Lisa naman ay nagmamadali na lumabas sa banyo sa takot na maubusan sya ng pagkain dahil alam nyang anim ang magiging kalaban nya sa hapag-kaninan at di nagpapatalo ang mga ito. 

Normal lang ang ganitong eksena sa bahay ni Seulgi sa may University Belt. Matapos nilang grumaduate ng high school at dahil sa iisang lugar lang naman sila mag-aaral, naisipan ng mama ni Seulgi na bilhan sila ng bahay para magsama-sama nalang sila sa iisang bubong at hindi na mahirapan pang mag commute at binigyan pa nya ng isang brand new Montero Sport si Seulgi just in case daw. Mapapasabi nalang talaga tayo ng 'sana all'.

At alam naman nating lahat na sa UST ang gusto bagsakan na eskwelahan ng tatlo, malamang sa malamang ay tinatanong nyo na sa sarili nyo kung saan balak ng iba mag-aral? Sasagutin ko yan: si Jeongyeon ay sa FEU, si Jisoo ay sa Ateneo, si Joy naman ay sa De La Salle, samantalang si Yeri ay sa Mapúa. Biro nga nila ay sya lang ang member ng NCAA samantalang silang lahat ay member ng UAAP. Pero sabi nga ni Yeri; "wala akong pake, basta chix ang habol ko.".

"Walang nagbalak na mag-UP sa inyo?" Tanong ni Seulgi habang binabaliktad yung piniprito nyang itlog.

"Tol, baka makapasa." Sabi ni Byul, nakatukod ang siko sa lamesa habang ang kamay nya ay sapo ang baba nya. "Balita ko yung top 2 natin nung high school— ano pangalan ulit non?"

"Si Namjoon?"

"Oo yon. Hindi daw sya nakapasa, mamaw pa naman ang mga grades non nung highschool. Dami din sinalihan non para lang kumpleto ang credentials nya para instant sureball, kaso wala din."

"Gagi, akala ko ba nakapasa sya?"

"Si Mina yon, eh alam natin kung may mas mamaw pa kay Namjoon De los Santos ay si Sharon Mina Ramos yon."

"Eh saan napunta si Namjoon?"

"Balita ko sa FEU daw sya pumasok." Sabat ni Lisa. "Kaya pre, wag ka nang magexpect na may magttry na satin na mag-UP. Alam mo namang volleyball lang puhunan natin sa malalaking university nato."

"Kelan nyo kaya ipagyayabang yung mga grades nating halos kasing pantay na nila Mina at Namjoon?" Ani ni Yeri habang hinahalo yung natirang kape sa mug nya. "I mean, akala ng mga tao puro volleyball lang laman ng utak natin kasi puro yun yung binabanggit kasi natin. For sure akala ng mga nagbabasa neto bulakbol pa tayo."

"Sinong 'nagbabasa' sinasabi mo? May nakikita ba kami di namin nakikita?" Tanong ni Joy sa pinakabatang member ng tropa nila.

"Wala ka na don, Joy Nicole Salazar."

"Ew, wag mo nga banggitin yung Nicole. Kadiri pakinggan."

"Hoy, Nicole." Nakangising tawag ni Jeongyeon. Sumimangot naman si Joy. Tumawa ng malakas ang magbabarkada.

"Eto na yung silog na inaantay nyo." Sabi ni Seulgi habang nilapag ang mga pinggan na may nakalagay nang silog. "Di lang hotsilog ginawa ko, pati tapsilog nadin dahil alam ko may magrereklamo kasi di naman daw sya mahilig sa hotdog." 

"Kasi hindi naman talaga." Sagot ni Joy.

"Oh, bat guilty ka?"

Inirapan sya ng dalaga at nagsimula nang kumain, si Seulgi ay umupo sa tabi ni Byul at nilapag ang ketchup sa harapan nya. Syempre hindi mawawala iyon pag kumain ka ng hotsilog. Tahimik na inubos ng magttropa ang pagkain nila, pero nabasag ang katahimikan ng may maalala si Yeri.

"Diba kahapon ang release ng result ng USTET?" Sabi nya at agad nyang nakuha ang atensyon ni Seulgi, Byul, at Lisa. "Check nyo na baka naglabas n na sila ng results, masyado lang kayong pachill-chill dyan."

Kinuha ni Byul ang cellphone nya sa bulsa ng pantulog nya at inopen ang site ng UST Admission para icheck ang mga result ng USTET nila. Kabado naman ang dalawa, sana di plakdado. Sabi ni Seulgi sa sarili nya habang nakaabang sa sasabihin ni Byul.

Nabitawan ni Byul ang cellphone nya at naglaglag ito sa may paahan nya dahil sa sobrang shock. Nakadilat ang mata nya at nakabuka ang bibig nya, agad naman nagpanic si Seulgi at Lisa. "Pre, anyare? Ano nakalagay?" Hindi muna agad sumagot si Byul hanggang sa bigla itong sumigaw.

"PUTA PRE PASADO TAYO!!!"


Pero yung ligaya ni Seulgi, Lisa, at Byul ay napurnada ng makita nila ang sarili nila na grocery store na malapit sa bahay nila. Nakasimangot ang tatlo habang si Jeongyeon naman ay namimili ng dapat bilhin at mga pwede nilang makain at magamit. Napabuntong hininga ng malakas ang tatlo at narinig naman ito nung isa. 

"Alam ko na pasado kayo sa USTET pero hindi ibig sabihin non ay makakatakas kayo sa trabaho at makakapaglaro lang kayo ng PS4 buong araw. Alam nyo din naman na grocery day ngayon diba?" 

Hindi naman sila kumibo kaya nagpatuloy si Jeongyeon sa panenermon nya. "Tsaka sinubukan mo pang itago yung susi ha, Seulgi Grace Reyes? Ikaw naman Moonbyul Del Rosario at Lalisa Cruz, bubutasan nyo pa talaga yung kotse ha?"

"Tangina sinubukan nyo butasan yung kotse?!" Tanong ni Seulgi at napangiti lang ang dalawa. "Puta kung nagkataon doble sakit ng ulo ko sana ngayon. Di pa nga nakakatapak ng turnilyo o kahit ano si Monty tas kayo bubutasan nyo lang?"

"Sorry na, Seul. Wala na kami maisip na paraan eh." Sabi ni Lisa habang dinampot ang isang kahon ng Koko Crunch. "Si Byul unang nakaisip talaga non."

"Sakin mo pa talaga sinisisi ha? Eh ikaw nga tong nagsabi sakin non."

"Tama na nga yan." Awat ni Jeongyeon sabay lapag ng mga tsitsirya sa pushcart. "Seul, kuha ka nga gatas tsaka Milo. Dun yon sa kabilang aisle, antayin ka nalang namin dito."

Tumango si Seulgi at sinunod ang utos sa kanya ni Jeongyeon. Dahil malabo ang mata ng oso ay medyo nahirapan syang hanapin ang gatas at Milo sa may mga rack. Ngumiti sya ng malaki ng makita ang hinahanap, aabutin nya sana ito pero may isa pang kamay ang humawak sa pack ng Milo na kukuhanin nya na sana. Agad napalingon ni Seulgi at nakita ang pinaka magandang babae na nakita nya sa buong buhay nya (bukod sa mama nya syempre). Tinignan din sya ng babae bago sinubukan agawin ang Milo sa kamay nya pero nagmatigas si Seulgi.

"Miss, alam kong maganda ka pero nauna ako dito sa Milo. Kuha ka nalang ng bago, dami dyan oh." Sabi ni Seulgi habang hinila papunta ang Milo. Pero di nagpatinag ang babae.

"Pero nauna akong damputin to." Sagot nya. "Kaya ikaw nalang mag-adjust." Nginitian sya ito ng pilit sabay marahan na hinihila ng Milo papunta sa kanya.

Nagkaron ng staring contest ang dalawa ng ilang minuto, hindi nila alam ay madaming nakatitig na mga mamimili sa kanila. Akala mo kasi nasa isang teleserye sila ng GMA sa hapon o kaya cast sila ng Probinsyano na nagkaron ng standoff bago magbarilan. Walang imikan ang dalawa hanggang sa hinila ng medyo malakas ni Seulgi ang pack ng Milo, dahilan para mapabitaw ang dalaga na sa hawak nito. Agad naman umalis si Seulgi, dala dala ang Milo at gatas.

Nang makita ni Jeongyeon ang papalapit na oso, agad na kumunot ang noo neto. "Tangina, Seulgi! Saang lupalop ka ba kumuha ng Milo tsaka gatas kaya ang tagal mo? Sa Mars ba?" Agad humingi ng pasensya si Seulgi at nilapag sa loob ng pushcart ang kinuha nya. At napansin ni Jeongyeon na nag iba ang aura nya. "Anyare sayo? Parang nakipagaway ka ata?" 

"Oo, may babae kasi may balak na kumuha ng Milo na hawak ko na. Di ko alam kung bulag ba sya at di nya nakita na hawak ko na nga." Sabi ni Seulgi. "Sabi pa nya na ako na mag adjust saming dalawa. Ayon nagtitigan kami hanggang sa hinila ko sa kanya to."

Tumawa naman naman ng malakas ang tatlo. "Puta parang mga bata. Milo lang pinagawayan nyo pa, ang dami dami sa rack." Sabi ni Byul habang sinubo ang free taste na biscuit na nakuha nila kanina habang wala pa si Seulgi. 

Agad naman na dumiretso sa counter ang magbabarkada at binayaran ang kanilang pinamili. Nauna naman sa kotse nya si Seulgi habang nakabuntot sa kanya si Lisa at si Byul na buhat-buhat ang mga plastic ng mga pinamili nila. Binuksan ni Seulgi ang kotse nya at ang likuran nito para malagay ng dalawa ang mga plastic.

"Seul." Tawag sa kanya ni Jeongyeon, lumingon naman sya. "Dadaan pa tayo sa laundry ni Aling Nena bago tayo umuwi. Bili na din tayo ng meriyenda tsaka hapunan para mamaya."

"Sige, saan mo ba balak bumili?"

"Sa SM or kahit saan, drive-thru pwede din."

"Mag pizza naman tayo." Sabat ni Lisa pagka lapag ng huling plastic sa likuran ng kotse. "Parang ang sarap ng pizza eh."

"Shawarma din." Dagdag ni Byul. "Bili nadin tayo milktea para kay Joy tsaka kay Yeri, magrereklamo nanaman yon eh."

"Sige, sagot ko na yung milktea tsaka yung shawarma, gawin na natin tong celebration dahil nakapasa kami nila Byul sa UST. Kayo na bahala sa pizza." Sabi ni Seulgi bago pumasok ng kotse. Agad naman nagbunyi sila Lisa bago isarado ang trunk ng kotse ni Seulgi. "Bilisan nyo bago magbago isip ko." 


SM North Edsa, Quezon City.

1:35 P.M

"Sa dami dami ng SM malapit satin, bat dito mo pa naisipan gumawi?" Tanong ni Byul, nagpapalinga-linga. "Tangina alam mo namang pahirapan parking dito eh!" Hindi sya pinansin ni Seulgi at patuloy lang sya sa paghahanap ng bakanteng parking slot.

"Dapat sa The Block ka nalang nagpark pre, mas madaming bakanteng pwesto don." Sabi ni Lisa habang nagttext.

"Anak ng tokwang hilaw, kanina pa tayo paikot-ikot dito." Dagdag na reklamo ni Byul. "Dapat sa SM Manila ka nalang. O kaya sa Fisher Mall."

"Tangina Del Rosario, ikaw kaya magdrive noh? Puro ka reklamo eh!" Sagot ni Seulgi sa kanya, natawa naman si Jeongyeon na nasa passenger seat sa tabi nya nakaupo.

"Ah so payag ka na pahawak mo sa kanya tong baby mo, Seul?" 

"Di na joke lang, di pa bayad to ng buo. Mabenga pako ni Mama."

Pagkatapos ng ilang oras na pagiikot nila sa iisang floor ng parking ng SM North ay nakahanap sila ng bakanteng pwesto matapos na makipagunahan ni Seulgi dun sa isang kotse na may balak agawin ang pwesto nya. Unang bumaba si Lisa ng kotse, sumunod si Byul at Jeongyeon. Medyo natagalan sa loob si Seulgi dahil inantay nya na lumamig ng onti ang mahina bago patayin.

Pagkapasok ng mall ng barkada ay may namataan kagad si Lisa sa malayo. "May discount yung Tokyo Tokyo ngayon oh."

"Pass na muna ng Japanese food, kakakain lang natin nyan nung isang araw." Sabi ni Jeongyeon at nag pout naman kaagad si Lisa habang hila-hila sya ni Byul sa takot na bigla itong pumasok sa loob. "Masarap kaso kaumay pag sunod-sunod ang kain natin."

"Ngayon ko lang naisip dapat sa may S&R Congressional nalang dapat tayo dumiretso." Sabi ni Seulgi, pagala-gala ang tingin nya. "Masarap din pizza don eh."

"Kaso ang tanong dala mo ba yung membership card mo?" Tanong ni Byul. 

"Ayun lang hindi."

"Nge, nagsabi ka pa."

Nakita nila ang stall ng Yellow Cab at Shakey's sa di kalayuan. "Ano pili kayo, mag katabi pizza place yan." Ani ni Jeongyeon, pero walang atubiling pumasok ang tatlo sa Yellow Cab. "Sabi ko nga, nag tanong pako."


Bahay ni Seulgi — Sampaloc, Maynila

2:23 P.M

Sa bahay naman ng ating oso ay makikita natin si Yeri na abala sa paglalaro ng PUBG sa kanyang cellphone, si Joy naman ay naghahanap ng pwede panoorin sa Netflix. Di ko na pinalitan mga pangalan ng brands nato kasi ang awkward pakinggan ng naisip ko kaya saka ko na papalitan pag nasita nako.

Kakatapos lang maligo ni Jisoo at nadatnan nya ang dalawang batang miyembro ng kanilang barkadahan sa sala. Hindi naman nya ito ginambala at tumuloy nalang sa kanyang kwarto para mag-ayos. Tumunog naman ang cellphone ni Joy, huminto sya paghahanap at itinuon ang kanyang atensyon dito. Sakto namang natapos na maglaro si Yeri.

"Joy." Tawag nya at nag-hum naman si Joy bilang sagot. "Sure ka na sa Fashion Design?" 

"Oo naman bakit?"

"Nagdadalawang-isip kasi ako kung tutuloy ko tong pag c-Chemical Engineer ko." Nilapag ni Yeri ang cellphone nya sa may gilid nya at napabuntong hininga. "Pangarap ko kaso katakot."

"Ano ka ba, kaya mo yan. Ikaw nga pinaka magaling mag math samin bukod kay Byul." Sagot ni Joy sa kanya habang tinatapik ang braso ni Yeri. "Ayaw mo non, idudugtong sa pangalan mo 'Eng. Yeri Villanueva'?"

"Syempre gusto."

"Ayun naman pala eh, kaya go for it bata." 

Naantala ang pag-usap ng dalawa ng mag-ring ang cellphone ni Yeri, agad naman nya itong sinagot ng makita ang pangalan ni Seulgi sa screen. "Hello?" 

"Yerms, si Byul to. Malapit na kami nila Seul, patulong naman. Madami kaming bitbit eh, kayo ni Joy kumuha ng mga grocery na pinamili namin." Bubuka sana ang bibig ni Yeri at ni Joy para magprotesta pero inunahan sya ni Byul. "May dala kaming milktea, kung ayaw nyong ipainom ko to kay Seulgi wag kayong magreklamo."

"Magrereklamo ba kami? Sasagot na sana kami ng 'oo' kaso gusto mong mag-rap." Sagot ni Yeri. "Aantayin namin kayo, wag kang mag-aalala. Di naman kami tatakbo at di din kayo tatakbuhan ng bahay natin."

"Oh wag kang magalit. Sige na."

"K. Ingat."

Binaba ni Yeri ang tawag at lumingon kay Joy. "Bat parang natagalan ata sila? Madalas isang oras lang inaabot nila para mag grocery ah."

"Ang alam ko dadaanan pa nila yung labahan natin kay Aling Nena. Ilang linggo nadin nakatenga kaya doon yon." Sagot ni Yeri. "Tsaka bumili pa sila ng pagkain, eh imbis sa malapit dalhin ni Seul yung tatlo, ayun mukhang dinala ata sa bundok ng tralala."

"Malamang sa malamang naubos oras non kakahanap ng parking. At malamang sa malamang sa SM North dinala ni Seulgi yung tatlong kumag." Dagdag ni Joy sa sinabi ni Yeri. "Bat nga pala nya favorite ang SM North eh di naman sya favorite?"

"Dun kasi sila madalas mag-date ng ex nyang foreigner." Sabat ni Jisoo habang papalapit sa dalawa. "Hindi sya legit na foreigner pero alam ko laking ibang bansa sya."

"Ah, saan galing?"

Sasagot sana si Jisoo kaso narinig nilang bumusina sa labas ang kotse ni Seulgi. Nauna si Jisoo papunta sa garahe habang si Joy at Yeri ay sumunod naman sa kanya para abutin yung mga dala nila. Nadatnan nila na papasok ang SUV ni Seulgi sa garahe, si Jisoo naman ay nagsasarado ng gate. Bumaba si Jeongyeon sa sasakyan at inabot kay Yeri ang dala nyang plastic na may laman na damit ni Jisoo.

"Kunin nyo yung ibang labahan dun sa trunk ng kotse, Joy alalayan mo yung bata natin." Utos ni Jeongyeon. "Jisoo, paki tulungan naman si Byul at Lisa sa pag pasok ng mga grocery. Thanks guys." 

Kinuha ni Jeongyeon ang pagkain at agad dumiretso sa loob ng bahay, sumunod naman sa utos ng dalaga si Yeri at Joy. Binitbit nila ang mga labahan samantalang si Jisoo ay bitbit ang mga pinamili.

Lumabas si Seulgi ng kotse matapos ito ipark. "Di ka pa papasok sa loob?" Tanong ni Jisoo pero umiling si Seulgi.

"Mamaya pa, kakagaling lang ni Monty sa byahe kaya iiwan ko lang nakabukas ng 2 minutes bago ko patayin." Napatingin naman kay Jisoo si Seulgi at napansin ang mga bitbit nyang plastic. "Kaya mo ba yan?" 

"Kaya ko naman. She-Hulk to uy." Biro ni Jisoo. "Antayin ka nalang namin sa loob."

Makatapos ang dalawang minuto ay pumasok si Seulgi sa loob ng bahay nya. Nakita sya ni Joy at inalok ng shawarma na di naman tinangihan ni Seulgi. Hindi nila ginalaw yung pizza, chicken alfredo, at buffalo wings na binili nila kahit nakatanggal na yung scotch tape sa container ng wings at ng pasta pati at ang tali sa pizza, mukhang napagalitan ata ni Jeongyeon.

"Bukas pala orientation noh?" Sabi ni Yeri sa grupo habang hawak hawak ang share nya ng shawarma.

Mas nauna ng buwan ang paglabas ang mga results ng exams ng iba kesa kay Seulgi, Byul, at Lisa. At sabay naka schedule na ang orientation ng Ateneo at Mapúa. At mukhang sabay ng araw ang FEU, UST, at De La Salle. 

"Oo, bukas nga." Sagot ni Jisoo.

"Magttry out ka sa Lady Eagles, Jisoo?"

"Oo naman, syempre kaya nga ako nakapasok don dahil sa scholarship ko eh." 

"Anong position mo nga ulit? Diba nung elementary tsaka high school naging outside hitter ka?" Tanong ni Seulgi. "Bat nga pala yon napili mo?" 

"Kasi mas naenjoy ko yung pagre-recieve at pag spike at the same time." Sagot ni Jisoo bago kumagat sa shawarma nya. "Sana makapasok tayo sa mga team nayon noh?"

"Oo naman, tayo pa ba?" Sabi ni Seulgi ng may ngiti sa labi. Napangiti din naman ang mga tropa nya dahil dito.


A/N: Di ko muna talaga iibahin yung brand names kasi ang babastos ng naiisip ko at ang kokorny. Here's a short chapter hehez. Good night y'all and stay safe. Pero nga pala, napansin ko sa intro ay Kang Seulgi nalagay ko imbis na Seulgi Reyes kaya pinalitan ko kagad, baka pare-pareho tayong malito eh. Tsaka pinalitan ko lahat ng last names ng characters dito kasi trip ko lang hehe.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jmjslrn #1
Chapter 3: update sana, sayang naman
markaxel
#2
Chapter 3: Interesting story!! Rooting for seulrene and jensoo
vanillacookiescream
#3
Chapter 3: Ano ship name ni wendy at jisoo bakit "parang crush na" siya ni jisoo hahaha
vanillacookiescream
#4
Chapter 2: gano kabastos yung brand names otor-nim try lang baka pweds naman
PineappleSeulgi
#5
Chapter 3: WenSoo... Wendy and Jisoo? \(◎o◎)/

( ・ ᗜ ・ ) seulrene plez.
howdoyouknowmee
536 streak #6
Chapter 2: SeulRene JenSoo
madam_mac #7
Chapter 2: So magkakabatch lang sila?