02.

Spike Me (Daddy)

Spotify: Right Round - Flo Rida, Closer by Ne-Yo, Swalla by Jason Derulo, Disturbia by Rihanna, and I Can Transforma Ya by Chris Brown


Ateneo De Manila University — Katipunan, Quezon City

6:25 A.M

"Pre, uwi na tayo." 

"Di pwede."

"Wala bang time first muna?"

"Di pwede."

"Diba kaya iadjust ng next week tong pasukan?" 

"Sinabi nang di pwede eh! Ano ba yan, Jisoo Gail?! Itutulak kita palabas o itutulak kita palabas? Bilisan mo at mahuhuli tayo ng MMDA dito sa ginagawa mo!"

"Tangina wala naman kasi sa pag pipilian yung gusto ko eh! Wala bang ibang option?"

Naka-park sa harapan ng Ateneo ang SUV ni Seulgi, with matching na naka-on na hazard lights. Dahil orientation ni Jisoo at ni Yeri ngayon, naisipan ng magbabarkada na ihatid silang dalawa sa universities nila. Ang sabi 7:00 a.m ang start orientation nila pero hanggang ngayon ay hindi padin sila nakakaalis ng Ateneo dahil kay Jisoo. Tinitignan na ni Seulgi ng masama si Jisoo pero ayaw padin neto bumaba sa sasakyan. 

"Hoy Jisoo Gail Gonzales, papaalala ko lang na hindi lang ikaw ang ihahatid namin ngayon. Medyo malayo pa ang babyahin namin mula dito papuntang Mapúa, traffic pa naman ngayon alam mong Lunes." Sabi ni Byul pagkatapos tumunga sa bote ng Kopiko 78 Blanca na binili nya habang nagpapagas si Seulgi kanina sa Petron. "Huy, malalate na kayo parehas nyan!"

"Kasi naman di pa ako ready!"

"Hay nako, Jisoo. Orientation lang yan, half-day lang ang bubunuin mo dyan sa Ateneo! Okay lang kung ikukulong ka namin dyan saka ka mag-wala!" Ani ni Jeongyeon, halatang naiinis na. 

"De, ganito ha." Napabuntong hininga ni Seulgi. "I-text mo kami maya-maya para di ka mastress dyan, kasi kami yung malapit nang mastress sayo eh."

Nanahimik ng ilang segundo si Jisoo bago tumango. "Sige, itetext ko nalang kayo." Lumabas na ng sasakyan si Jisoo at napahinga ng malalim. Lumingon sya sa direksyon ng sasakyan at kinawayan ang barkada nya bago sya dumiretso sa loob. 

"Makakasurvive kaya sya doon?" Tanong ni Joy at agad tumahimik ang loob ng kotse. Napatingin naman sa kanya si Seulgi. 

"Ihanda nyo ang rosary, magdadasal tayo."

Dako naman tayo kay Jisoo. Napalunok nalang sa kaba ang dalaga habang naglalakad sa loob ng dambuhalang campus ng Ateneo. Mahirap mawalay sa tropa nya na halos buong buhay nya na kasama; mula sa unang panalo nila noong Grade Six, nang mahulog sya sa kanal dahil sa katangahan nya nung 3rd year High School, unang prom nila na nauwi sa underage drinking na hindi na nila inulit dahil sa takot hanggang dumating sila sa legal na edad, sa pagkabasag ni Seulgi ng salamin ng isa sa mga room dahil sa sobrang lakas nya mag-spike, at sa madami pang kalokohan na hindi na nya mabilang. 

First year College na silang lahat, syempre hindi pwedeng laging magkakasama. Kailangan nilang humayo at magparami— char, kailangan din nila madiskubre ang mundo sa labas ng barkadahan nila. At dahil sikat sila noong high school at dahil narin sa kilalang eskuwelahan ang SM High, na hindi kaano-ano ng SM na mall, nakuha nila ang atensyon ng mga malalaking schools katulad ng Adamson, UE, Letran, at NU. Ganon daw talaga pag pogi sabi ni Seulgi, kinababaliwan (muntik syang lagyan ng ducktape sa bibig ni Byul kundi lang napigilan ni Lisa). Pero dahil wala sa choices ang may gusto sa kanila, naisipan nila mag-apply sila for athletic scholarship.

At sa hindi inaasahan na pangyayari, nakasalubong ni Jisoo ang coach ng Ateneo Lady Eagles habang nagiisip sya ng escape plan at agad syang nilapitan neto. 

"You're Jisoo Gail Gonzales hindi ba? SM High's outside hitter?" Tanong ng coach sa kanya na kinagulat nyan. Agad syang tumango. "I was expecting for your arrival. I've heard that you've applied for an athletic scholarship here in Ateneo." Tumango naman ulit si Jisoo na para bang wala sa sarili. Di ko sure kung naiisip ng prof na high ba sya o talagang na-starstruck lang. "So I don't want to waste any chances here, I would like to formally invite you on our try-outs next week. It would be a such a waste not to you place someone talented as you in Ateneo Lady Eagles, especially with your skills in spiking the ball against enemy blocks."

"That is a huge honor, sir." Sagot ni Jisoo matapos matulala ng ilang segundo. "Thank you so much, I'll be there sir! I will do my best!"

"That's so great to hear, I'l see you around then Ms. Gonzales."

Inantay muna makalayo ni Seulgi ang head coach ng Ateneo Lady Eagles bago ito humiyaw ng walang tunog. Syempre ayaw naman nya na ma-draw ang attention ng mga estudyante sa kanya at isipin na nababaliw na sya.


Mapúa University — Intramuros, Maynila

6:45 A.M

Salamat kay Waze at sa skills ni Seulgi na sumingit sa traffic na para bang yung mga babae sa Shopaholic na nakikipag-agawan ng damit, kahit na alam nya ang kapalit neto ay ang posibilidad na mabanga o mahuli sya ng Blue Boys ng MMDA at mapektusan sya ng mama nya pag nakita na may gasgas o kaya banga ang sasakyan nya, ay ginawa padin nya ang ipanagbabawal na technique. Pero sa awa naman ng langit ay nakaabot sa oras si Yeri at wala namang nangyari masama sa kanila. 

"Hoy batang NCAA, nandito na tayo." Biro ni Jeongyeon habang tinatapik si Yeri para magising. "Galingan mo don ha? Wag ka maging matatakutin tulad ni Jisoo."

"Kaya ng bata natin yan." Dagdag ni Joy. "Yan pa, best in Math yan nung elem tsaka high school kaya easy lang sa kanya yung lessons sa Mapúa."

"Osya, bumaba ka na at baka malate ka pa. Text mo nalang kami pag malapit na dismissal nyo para masundo kita." Sabi ni Seulgi.

Bumaba naman ng kotse si Yeri at nginitian ang barkada nya. Bago sya umalis ay kinatok nya ang salamin, dahilan para ibaba ito ni Byul.

"Pwede bang mag request? Luto naman kayo ng champorado." Nakangising sabi ni Yeri sa kanila at tumango naman si Jeongyeon.

"Oo sige, bilisan mo na at baka mapagalitan ka pa."

"Yun oh! Ingat kayo ha?"

Dumiretso agad sa loob si Yeri at iniwanan ang tropa nya sa labas. Sinarado ni Byul ang binatana para di lumabas ang aircon— I mean ang hangin ng aircon. Sayang lamig. Inangat ni Seulgi ang handbreak ng sasakyan nya at nilagay ang kambiyo sa 'drive' at tumuloy na sa kanilang destinasyon; at yun ay pauwi na ng bahay.

"Daan muna tayo KFC, nagugutom na ako." Sabi ni Lisa. "Di tayo nakapag almusal sa bahay bukod kay Jisoo at Yeri."

"Ako din. Di kaya nagmumukha na tayong patay gutom dahil puro nalang tayo kain? Baka akalain pa ng mga taong nagbabasa neto patay gutom pa tayo." Dagdag ni Byul.

"Sinong 'nagbabasa' ba tinutukoy nyo?" Reklamo ni Joy sa backseat. "Kahapon nabanggit din ni Yeri yan eh, seriyosong tanong nga. May nakikita ba kayo na hindi namin nakikita?"

"Nakikita mo ngayon yung taong nakakatitig sa cellphone nya?" Turo ni Byul kay Joy. "Sya yung tinutukoy namin. At malamang sa malamang naiisip na nya na puro tayo kain lang gagawin natin sa storya nato kasi last chapter palang ay nakikita na nya puro pagkain at volleyball ang laman ng utak natin."

"Ano naman masama kung kumain tayo ng madami?" Sabi ni Joy habang nakatitig sayo. "Panigurado sya din naman kumakain din ngayon tsaka mga players tayo, malakas talaga panunaw natin. Tsaka di tayo ij-judge nyan, food is life din yan for sure."

"Sabagay."

"Oh, nandito na tayo sa KFC. Wag nyo na gambalain yung nagbabasa ng fanfic natin, alam nyong sya na nga lang nagttyaga sa korny nating storya aawayin nyo pa. Edi umalis yan." Sabat ni Seulgi habang pinindot nya ang handbreak ng Montero nya at inilagay ang kambyo neto sa 'park'. "Pag pasensyahan mo tong dalawang to ha, gutom lang yan." Bulong sayo ni Seulgi.

Pumasok sa loob ng KFC ang magttropa at umorder ng flavored shots (na may gravy soup), ang pagkaing bumuhay sa kanila nung high school at sakin na iyong author na nagsasalita sa inyo ngayon. Syempre habang todo kain naman sila ay di nila napapansin na tinatadtad sila ng text ni Jisoo, hanggang sa naisipan icheck ni Lisa ang cellphone nya.

"Nagtext sakin si Jisoo." Sabi ni Lisa pagkalunok ng sinubo nyang kanin at ulam. "Nilapitan daw sya ng coach ng Ateneo, may try-outs daw sila next week at invited daw sya."

"Weh? Sabihin mo congrats kamo! Painom kamo sya." Sabi ni Byul pero siniko sya ni Jeongyeon.

"Hoy, baka nakakalimutan mong kailangan nating alagaan katawan natin. Bawal tayong uminom ng alak. " Paalala ni Jeongyeon at agad naman humingi ng pasensya si Byul. "Sumbong kita kay Ms. Boa, close pa naman kayo non diba?"

"Oo nga, peyborit ka non eh. Madalas ka ba naman nandon dahil peyborit din ni Seulgi tamaan yung mukha mo." Dagdag ni Joy.

"Hoy, hindi ko naman sadya yon!" Sabat naman ng ating paboritong oso. "Di ko kasi sya napapansin pag naglalaro eh. Madalas kasi syang pumipwesto sa likod ko."

"Ah, so kasalanan ko pa? Ganon ba pinaparating mo ha, Reyes?" Birong sabi ni Byul. "Gusto mong i-spike ko sa mukha mo yung pinggan na puno ng gravy?"

"Sorry na, Byul. Kalma ka lang."

"Nagtext din nga pala sakin si Yeri, sabi nya nakita daw nya sa Mapúa si Nayeon Perez. Yung kalaban natin noon sa Inter-School." Sabi ni Lisa, hindi nya inaalis ang tingin nya sa cellphone nya.

Kumunot naman ang noo ni Jeongyeon. "Nayeon Perez? Yung tiga JYP High?" Sagot ni Joy at tumango naman si Lisa. "Akala ko ba sa UE pumasok yon dahil kasama nya si Momo Panganiban, yung setter?"

"Engineering din ata kinukha non ni Perez kaya humiwalay sya kayla Momo. Nabanggit nya sakin yon dati, tsaka alam ko kaya din sya napunta ng Mapúa kasi na-scout din sya noong Inter-School." Sabi ni Seulgi bago isubo ang isang kutsarang kanin at ulam. 

"Close kayo?"

Nginuya muna ni Seulgi ang kinain bago lunukin at sumagot. "Naging close kami non nung pareho kaming na-invite sa training camp ng YG High nung second year. Alam ko naging ka-team ko sya non, sya yung opposite hitter namin."

"Wait, nung panahon ng Inter-School, hindi lang SM High ang binabantayan ng UAAP tsaka NCAA?" Tanong ni Lisa kay Seulgi.

"Oo, hindi lang SM. Pati YG tsaka JYP. Mga powerhouse schools kasi ang bet kunin ng UAAP tsaka NCAA para sa teams nila. Pero dahil mas trip nila ang SM, dun sila naka focus."

"So ibig sabihin yung mga nakalaban din natin dati—"

"May chance na makalaban ulit natin ngayon, kung papalarin tayo makapasok sa volleyball teams ng uni natin."

"Gago, obvious naman makakapasok tayo." Sabat ni Byul. "Di nila palalagpasin yung opportunity. Biro mo ha, kung yung athlete na yung lumapit di sila, aba kung ako yung head coach di ko na sasayangin yung chance. Wala naman mawawala sa kanila dahil di naman sila yung nagpakandahirap lumapit para i-scout yung athlete." 

"Bat ka galet?" Tanong ni Seulgi pero di sya pinansin ni Byul. 

"Tsaka alam naman natin na hard to get tong UST, FEU tsaka UP." Dagdag ni Jeongyeon. "Di talaga sila lumalapit sa athlete na natitipuhan nila. Hinahayaan nila na yung estudyante ang lumapit sa kanila. Di daw kasi sila marupok."

"Tsaka balita ko may nakuha daw na malakas na recruit ang UP ngayong year ah." Sabi ni Joy. "Diba si Ate Tiffany kaclose ko dahil pareho kaming member ng Glee Club?" Tumango naman ang iba. "Yung kapatid nya na nag-aaral sa KQ dati. Pag ka graduate nya, pumasok yon ng UP kasi top 1 din daw yon sa batch nila. Isa sa mga pinaka malakas na libero noong Inter-School yon kaso nalaglag sila nung preliminary round dahil sa JYP pero dahil don napansin sya ng mga tiga NCAA tsaka UAAP."

"May kapatid palang volleyball player si Ate Tiffany?" Tanong ni Lisa kay Joy. 

"Oo meron, kaso wala naman nakakaalam sa pangalan nya bukod sa apelyido nyang 'Flores'."

"Kahit naman ako di nila alam ng pangalan ko nung una eh." Bulong ni Byul bago uninom ng tubig. "Tawag nga dati sakin ng isang ref noon yung 'mukhang hamster'." 

"Kasi syempre di naman binibigay ng Inter-School officials yung mga pangalan ng players before the game. Nilalabas lang nila yon during the game na at di pwedeng malaman ng mga athletes yung first name ng mga participants, for security purposes daw." Sagot ni Jeongyeon. "Nga pala, kelan kayo mage-enroll?"

"Bukas o baka ngayon na. Dala na namin yung ipapadala namin sa Office of Admissions eh." Sagot ni Seulgi sa kanya. "Tutal nasa labas naman na tayo ngayon nalang para isang alisan nalang."


Ateneo De Manila University — Katipunan, Quezon City

Dahil ang boring naman kung ina-narrate ko pa ang lakad nila na wala namang exciting na pang-yayari kundi ang dalawang oras na pagka-stuck nila sa EDSA dahil nagkaroon ng bangaan at pag punta nila sa LBC para ipadala sa Office of Admissions ang mga requirements nila, magt-time skip ang lola nyo. Agad bumalik sila Seulgi sa haparan ng Ateneo para sunduin si Jisoo, sunod naman nilang dadaan si Yeri sa Mapúa.

"Saan kaya napadpad tong si Jisoo at ang tagal nya?" Reklamo ni Byul bago tumingin sa cellphone nya para icheck kung anong oras na. "Nahulog nanaman ba sya sa kanal?"

"Baka. Tagal eh." Sagot ni Lisa. Maya-maya ay namataan nya si Jisoo na tumatakbo papalapit sa kanila. "Speaking of the devil, nakikita ko na sya, mukhang may balak ata gayahin si Quicksilver tsaka si The Flash sa sobrang bilis nya tumakbo."

"As if naman may panama sya sa dalawang yon, naikot na ng dalawa yung mundo ng paulit-ulit pero sya matatapos nalang Ang Probinsyano di padin sya nakakarating sa bahay natin."

Nang mabuksan ni Jisoo ang pinto, pinigilan sya ni Byul makasakay. "Hep, hep, hep, teka. Dun ka sa likod uupo, kawawa naman yung kapre natin kanina pa babad sa likod. Malapit na magka arthritis yan dahil sa sobrang liit ng space sa kinauupuan nya." Nakangising sabi ni Byul habang inaangat ang upuan para mag bigay daan kay Joy. 

"Alam mo, tangina mo Byul." Sabi ni Joy sa kanya bago bumaba mula sa likod ng sasakyan. "Di ko alam kung concern ka o nang-aasar ka eh."

"Di pwedeng both?"

"Tama na yan, bilisan nyo mahuhuli ako ng MMDA dito!" Reklamo ni Seulgi sa driver seat. Agad na sumakay si Jisoo at binaba naman ni Joy ang upuan. Naunang sumakay si Byul bago si Joy at sinarado ng dalaga ang pinto.

Nilipat kagad ni Seulgi ang kambiyo mula sa 'neutral' papunta sa 'drive' at binitawan at pagkakatapak sa preno. Nire-route naman ni Jeongyeon ang Waze sa phone ni Seulgi.

"Musta first day, Soo? Di ka naman nautal-utal? May introduce yourself? Musta classmates mo sa Business Ad?" Sunod-sunod na tanong ni Lisa.

"Merong introduce yourself pero formal, di tulad nung sa high school na may talent at fact kemerlu pang nalalaman kaya hindi nakakahiya. Yung mga classmates ko naman, ayos lang kaso englishera halos sa kanila, mga laking ibang bansa eh. Skeri."

"Puta bigla akong kinabahan ah, baka ganon din maging kaklase namin nila Byul." Sabi ni Seulgi habang patuloy sa pagd-drive. "Pero musta profs sa Ateneo? Mahigpit naman ba?" Tanong nya kay Jisoo. 

"Sa makalawa pa namin sila makikilala kasi may campus tour kami bukas. Pero pakiramdam ko sila yung tipo ng prof na strict sa loob ng classroom pero sa labas hindi."

"Nga pala, saan tayo aantayin ulit ni Yeri?"

"Sa Real Street daw. Kakain muna sya kwek-kwek." Sagot ni Joy.

"Putang bata to, hindi man lang nang-alok?!"


Real Street – Intramuros, Maynila

Busy ang pinakabatang miyembro ng barkada ni Seulgi sa pagtutusok-tusok. Nung malaman nya kay Nayeon ang lugar nato, agad nyang napag desisyunan na subukan ito pag dating ng uwian. Aminin naman natin sino bang hindi makakatanggi sa kwek-kwek, betamax, isaw, tornado potato, at iba pang pagkain na paborito natin tuwing uwian? Syempre hindi sya at mas lalong hindi tayo kaya heto si Yeri ngayon, sinusulit ang bawat nguya ng binili nyang kwek-kwek.

Sakto namab pumarada naman sa harapan nya ang sasakyan ni Seulgi pagkasubo nya ng pangatlong kwek-kwek sa bunganga nya. Nakita nya na agad bumaba si Seulgi mula sa sasakyan at nilapitan sya. "Hindi ka talaga nang-alok samin eh noh? Alam mo naman na pag kwek-kwek ang usapan, instant food trip yan. Tas samin ka pa talaga hindi nag-alok."

"Bakit, hindi naman kayo ang Seulrene nation para alukin ko ng kwek-kwek ah."

"Alam mo naman na basta kwek-kwek, official na pagkain yan ng mga shippers ng dalawang mag-csyt na hindi mo malama kung mag-cyst ba talaga sila kasi kabaligtaran yung pinapakita nila. Kaya kailangan its a must na alukin mo ako ng kwek-kwek dahil, una bakla ako, at pangalawa Seulrene shipper ako." 

"Oo na, dami mo nang sinabi! Bat ba gigil na gigil ka kumain ng kwek-kwek ha, Seul?" Sinundan ng tingin ni Yeri si Seulgi habang tumutusok ito ng kwek-kwek. 

"Syempre, tagal ko na kaya di nakakakain ng kwek-kwek. Simula ng lumipat tayo mula Valenzuela papunta sa Sampaloc, di na ako nakakagala para lang mag foodtrip." Sagot ni Seulgi bago inabot ang bayad nya sa tindera. "Naalala mo nung high school tayo madalas nawawala kagad ako sa room tas makikita nyo ko nakatambay sa harapan ng kwek-kwekan ni Ate Mon na may hawak-hawak na choco bambam ni Kuya Ric tsaka isang stick ng kwek-kwek?"

"Oo, kaya nga sinusobrahan ka ni Ate Mon ng kwek-kwek na niluluto nya kasi alam nyang magwawala ka pag walang kwek-kwek eh."

"Exactly, Yeri." Sagot ni Seulgi na puno ng kwek-kwek ang bibig. Sinamaan sya ng tingin neto. Kadiri amputa sabi ni Yeri sa sarili nya. "Kaya now you know why you mast inbayt."

"Oo na, kulit."

"Musta first day natin, bata?" Tawag ni Jeongyeon mula sa sasakyan. "Ginagambala ka nanaman ba ni Seul?"

"Galit na galit to, usto ata manakit." Sagot ni Yeri habang papalapit sa kotse. "Pero ayos naman first day ko, Jeong. Medyo nabored lang ako sa orientation pero naeexcite nako."

"Sa ngayon lang yan, sa susunod iiyak ka na ng dugo." Sabat ni Joy sa likod. "Kaya sulitin mo na yung araw na di ka pa umiiyak at tumatawa ng sabay, Villanueva."

"Inamo, Salazar. Di porket madami kang friends sa De La Salle ganyan ka na."

"Hoy, wala kaya akong kakilala sa De La Salle. Loner din ako don."

"Ah ganon? Sumbong kita kay Solar."

"Hoy gago, sino yon?!"

"Si Solar Martinez, di mo kilala yon? Yung outside hitter ng YG dati? Nakalaban natin sila nung championship ah. Close nga kayo eh." Sabat ni Jeongyeon at agad tumango si Joy, ah si Sol pala yon. "Tsaka diba kaaway ni Byul yon?"

"Mayabang yung bwisit nayon eh." Bulong ni Byul, pero narinig ito ng mga nasa loob ng kotse.

"The more you hate, the more you love pre." Asar ni Lisa sa kanya, agad naman syang nakatanggap ng siko sa tagiliran. "Aray ko naman Byul, pota."

"Baka gusto ko yung babaeng yon. Ubod ng sama yung ugali non." 

"Bahala ka sa buhay mo, Byul. Mabait naman samin si Solar eh, baka sayo lang sya ganyan. Para ka ba naman tanga, inaasar mo ba naman sya nung championship eh."

"Eh kung di ba naman sya nauna!"

"Byul, ang tagal na ng championship di ka pa din nakakamove-on don?"

"Nakamove-on na!"

"Parang bata amputa." Bulong ni Jeongyeon sa sarili nya, natawa naman si Yeri tsaka si Joy. "Tsaka nga pala, yung champorado mo mamaya lulutin ko. Dumaan kasi kami sa LBC para ihulog yung requirements nila."

"Ganda naman ng araw ko." Ngumiti si Yeri. "Ang tagal nyo ha, anyare sa inyo?"

"Si Jisoo tanungin mo." Sabat ni Seulgi sa likod nya habang may hawak-hawak na isang plastic ng buko pandan. "May Quicksilver wannabe na tayo."

"De let me explain, ganito kasi yon." Sabat ni Jisoo sa backseat.

(Flashback)

Habang papalakad sa hallway si Jisoo, may tumapik sa likod nya at agad syang napalingon. Isang babae na may brown na buhok at may malawak na ngiti ang bumungad sa kanya.

"Hi, you're from BSBA 4 right?" Sabi nya at tumango naman si Jisoo. "May partner ka na for the campus tour?"

"Ah, wala pa eh. Medyo naiilang ako lapitan yung mga classmate natin eh." Sagot ni Jisoo at tumawa naman yung babae. "Ikaw ba?" Tanong nya. 

"I don't have one pa. Just like you, medyo naiilang pako lumapit sa kanila. But when I learned na wala ka pang ka-partner, I decided to approach you. Is it okay if I could be your partner for the tour?" 

"Sure, thank you ha? I'm Jisoo, Jisoo Gonzales." Nilahad ni Jisoo ang kamay nya at tinanggap neto ng babae na may malawak na ngiti. 

"I'm—" Kaso naputol ang usapan nila ng mag ring ang phone ng babae, kinunha nya ang phone nya sa bag nya at binaba ang tawag. Agad naman itong ngumiti at humingi ng pasensya. "I got to go, my dad is calling. See you tomorrow at the front of the Blue Eagle Gym, Jisoo!" 

(End ng Flashback) 

"Ah kaya pala, nakuha mo pang lumandi." Biro ni Seulgi habang nakasilip sa nakababang bintana sa may pwesto nila Joy. Tumawa ang magbabarkada bukod kay Jisoo.

"Ah kapal ng mukha mo ha, ipapares mo pa ako sayo na chick magnet." Binato ni Jisoo ang hawak nyang nilukot na tissue. "Kapartner ko lang sya sa campus tour bukas, di ko nga kilala yon eh. Pero mukhang crush ko na sya, ang ganda nya eh."

"Puta, landi talaga."

"Inamo, Reyes."

"Lahat naman sayo maganda eh" Sabat ni Joy habang nakatingin sa malayo, pilit inaalala kung may nakalimutan ba sya. "Pota parang may naiwan ata ako sa bahay."

"Naguulyanin ka na, Joy. Mag memory plus gold ka na." Nakangising sabi ni Yeri at sinamaan nya ng tingin ni Joy.

"Baka nakakalimutan mong magkasing-edad lang tayo."

"Oh tama na yan." Awat ni Seulgi habang papunta sa driver seat. "Tara na, baka matraffic tayo ulit. Malapit na mag-uwian sa mga malalaking schools, ayaw kong magwala sa gitna ng EDSA."


Bahay ni Seulgi — Sampaloc, Maynila

Pag dating nila sa bahay ay agad na dumiretso si Jeongyeon sa kusina at ang iba naman ay sa kanyang-kanya nilang kwarto. Pero hindi alam ni Jeongyeon ay nakasunod si Seulgi sa kanya.

"Baby mo talaga si Yeri noh." Sabi ni Seulgi sa kanya. "Talagang pinaglutuan mo pa ng champorado dahil request nya."

"Syempre naman, bunso natin yan eh." Sagot ni Jeongyeon habang todo halo sa cocoa. "Tsaka alam mo naman na ate ang meron ako at ako ang bunso kaya si Yeri ang binibaby ko."

"Bat ako hindi mo binibaby?"

"Bat jowa ba kita?" 

"SAAA ILALIM NG PUTIIIIIINGGGG ILAAAAAW~ SA DILAW NA BUUUUWAAAAAAN!!" Napahinto sila at napakunot ng noo ng marinig nila ang birit ni Joy mula sa kwarto na pinaghahatian nila ni Seulgi. "PAKINGGAN MO ANG AKING SIGAAW~!!" Ayun pumiyok pa si Joy sa dulo. 

Narinig din nila si Yeri na lumabas ng kwarto nya at pinagkakatok ang pintuan ng kwarto ni Joy at Seulgi. "PUTA, HINAAN MO NGA JOY! BAKA AKALAIN PA NG MGA KAPITBAHAY MAY KULTO TAYONG GINAGAWA DITO!"

"APAKA PANIRA MO NAMAN SA MOMENT KO, VILLANUEVA!" 

"EH PUTA SAKIT SA TENGA EH! WALA KA NGA SA TONO EH, TANGGALIN MO KAYA YUNG PASAK MO SA TENGA!" 

"HOY MAGANDA BOSES KO, KABOSES KO KAYA YUNG SA RED VELVET NA KUMANTA NG 'INTRODUCE ME A GOOD PERSON' TSAKA YUNG KASAMA NI CRUSH SA 'MAYDAY'!" 

"ULOL, WALANG KANTANG NIRELEASE YUNG CRUSH MO, KILALA KO KAYA KUNG SINO YON! NI HINDI NGA KUMAKANTA CRUSH MO EH!" 

"TANGA, CRUSH PANGALAN NG SINGER! NAKATIRA KA BA SA ILALIM NG BATO?!" 

Napailing nalang si Seulgi at Jeongyeon, napahinga ng malalim ang oso. "TUMUGIL NGA KAYO! YUNG PINTO NG KWARTO KO YERI VILLANUEVA, SINASABI KO SA IYO PAG IYAN NASIRA, IPAPAGAWA MO YAN." Sigaw ni Seulgi sa dalawa. Agad naman silang tumigil, narinig nila ang yabag ng paa ni Yeri na pabalik sa kwarto nya. "Akala ko di pa titigil eh."

"Takot lang non na mabawasan ipon nya." Sabi ni Jeongyeon habang pinapakuluan ang malagkit na kanin. "Pahinga ka muna kaya, Seul. Alam kong pagod ka kakadrive."

"Hindi, okay lang ako. Samahan nalang kita dito."

"Nagkakagulo nanaman yung dalawang asungot natin." Sabi ni Lisa habang papasok sa kusina kasama si Byul, mukhang nagpalit lang sila ng damit. Umupo sila sa may upuan sa may dining table. "Ano niluluto mo Jeong?"

"Champorado. Nangako kay Yeri magluluto ako eh."

"Naks, buti pa si Yeri." Asar ni Byul. "Jowain ko na kaya tong si Jeongyeon?"

"Kadiri ka, di talo tayo brad."

"Si Jisoo asan?" Tanong ni Seulgi, kalahati ng katawan nya ay nakadukdok sa ref. "Ano ba masarap inumin?" Tanong nya sa sarili nya ng mahina.

"Ayun nagbibihis, susunod daw sya dito." Sagot ni Lisa. "Kuha ka nga ng coke, Seul." 

Kinuha ni Seulgi ang 1.5 liters ng coke mula sa ref at inabot ito kay Lisa, nagpaalam sya na pupunta muna ng cr. Sakto palabas si Jisoo ng kwarto nila ni Lisa ng marinig nyang magbuntong hiniga si Byul. "Magpapatugtog nga ako, ang boring." Sabi ni Byul at kinuha ang cellphone sa bulsa ng short nya. nagmadali naman na kinuha ni Lisa ang bluetooth speaker nya sa kwarto. Bumalik ito matapos ang isang minuto. "Yan gusto ko sayo, Lisa." 

I-on ni Byul ang speaker at kumonekta sa speaker. Namili ito ng kanta at nilakasan ang volume, maya-maya ay nagplay ang Ignition Remix ni R. Kelly at umupo naman si Jisoo sa tabi ni Lisa. Nilipat ni Lisa ang kanta at tumutog naman ang Right Round at nagkatinginan si Seulgi na kakagaling lang sa cr at Lisa, iisa lang ang ibig sabihin non; may magaganap na dance showdown sa pagitan ng dalawa. Inantay nila na matapos ang kanta at sinenyasan ni Lisa si Byul na mauuang sumayaw si Seulgi kaya naman naghanap ang dalaga ng kanta na babagay kay Seulgi, at iyon ang Closer. Agad na sumayaw si Seulgi with matching sensual movements na sure kung ikaw ang makakita ay magiging instant bakla ka. Pagkatapos ng kanta ay tumugtog naman ang Swalla at agad na humataw si Lisa. Double dead ka sana ngayon. 

Pero para sa mag babarkada, normal na ganitong eksena. Katuwaan nila ang pagsasayaw bukod sa volleyball, tuwing may activity ang SM High dati ay hindi mawawala ang barkadahang ito pagdating sa mga performances. Nag-play ang Disturbia at I Can Transform Ya kaya nagsabay na ang dalawa sa pagsasayaw. Natigil lamang ito nang tinawag na ni Jeongyeon si Joy at Yeri dahil handa na ang champorado.


Kinabukasan ay hinatid ulit ni Seulgi si Yeri at Jisoo, pero silang tatlo nalang ang laman ng kotse dahil ayaw nang sumama ng iba sa kanila. Agad bumaba si Jisoo ng sasakyan, nagpaalam kay Seulgi at Yeri, at dumiretso sa loob ng campus ng Ateneo. Pinuntahan nya kaagad ang ka-partner nya sa campus tour sa may Blue Eagle Gym, at nakita nga syang nakatayo doon. Nilapitan nya ito at agad syang nakita.

"Hi Jisoo, good morning! Nag-breakfast ka na?" Bati nya, at nagulat naman si Jisoo. Buti pa to tinanong kung kumain nako, di ko naman sya jowa. Pa-fall ata. Napailing naman si Jisoo sa naiisip nya. Gago ka Jisoo, baka concerned lang sayo. Kung ano-ano kagad naiisip mo. 

"Good morning din, hyper mo ata ngayon?" Biro ni Jisoo at agad tumawa ang babae. "And yes, kumain nako ng breakfast. Ikaw ba?" 

"Yep. Tara na?"

Tumango naman si Jisoo at agad silang naglakad palayo ng Blue Eagle Gym. "Nga pala, di ko nakuha pangalan mo kahapon kaya di ko alam itatawag sayo. Ang awkward naman kung 'ate' ang itatawag ko sayo." Napatingin naman sa kanya ang babae at nanlaki ang mata neto. Mukha syang hamster, sabi ni Jisoo sa sarili nya ulit. Cute.

"Oh, I'm sorry. My name is Wendy Lim."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jmjslrn #1
Chapter 3: update sana, sayang naman
markaxel
#2
Chapter 3: Interesting story!! Rooting for seulrene and jensoo
vanillacookiescream
#3
Chapter 3: Ano ship name ni wendy at jisoo bakit "parang crush na" siya ni jisoo hahaha
vanillacookiescream
#4
Chapter 2: gano kabastos yung brand names otor-nim try lang baka pweds naman
PineappleSeulgi
#5
Chapter 3: WenSoo... Wendy and Jisoo? \(◎o◎)/

( ・ ᗜ ・ ) seulrene plez.
howdoyouknowmee
536 streak #6
Chapter 2: SeulRene JenSoo
madam_mac #7
Chapter 2: So magkakabatch lang sila?