Introduction

Spike Me (Daddy)

Alam naman nating lahat tayo ay nangangarap na makapasok sa malalaking unibersidad pag dating natin ng kolehiyo. 

University of Santo Tomas. 

De La Salle University Manila. 

Ateneo De Manila University. 

University of the Philippines. 

Mapúa University. 

At marami pang iba. Pamilyar sila diba? Ilan lang yan sa mga sikat na unibersidad dito sa Maynila at kabilang sila sa tinatawag na University Belt o UBelt in short. Para sa iba, isang malaking karangalan ang makapasok sa mga presiyosong insitusyon na ito, sa iba naman ay para magkaroon ng malaking tyansa na makakuha ng magandang trabaho at position sa mga kompanya.

Pero para kay Kang Seulgi na motto sa buhay ay "swag is life" at isa sa mga tao na nagttrabaho sa Krusty Krab, isang dream come true ang makapasok sa UST. Pero sa ngayon hanggang gate lang muna sya kasi inaantay pa nya ang result ng USTET nya. 

Kasama nya ngayon si Byul at si Lisa, dalawa sa pinaka matalik nyang mga kaibigan. Kahit puro kagaguhan lang ang kinakalat nila kung saan sila magpunta, atleast sobrang supportive at mahal sya ng mga ito. Tinusok ni Seulgi ang natitirang kwek-kwek sa baso nya at sinubo ito.

"Gagi, I kent weyt." Ani ni Lisa habang nginunguya ang kanyang isaw. Tinignan naman sya ni Byul ng masama. "Lahat tayo pangarap pumasok sa USTe, sana makapasok tayo noh?"

"Oo I'm claiming it pero sana lunukin mo muna yan, kadiri ka shuta." Umiling si Byul habang tumawa naman si Lisa, may mga piraso ng isaw ang lumipad sa mukha nya. "Kadiri talaga ampota, ano ba Lalisa." Nagsorry naman si Lisa dahil di daw nya sadya bago nya inabutan ng tissue si Byul.

"Sasali ako sa Growling Tigresses." Out of the blue naman na sabi ni Seulgi. Nanlaki naman ang mata ng dalawa. "Bakit? Parang nakakita kayo ng multo ah? May masama ba sa sinabi ko?"

"Pre, alam namin." Sabi ni Lisa at ni Byul, bigla naman sila nawalan ng expresyon. Tumawa naman ng malakas si Seulgi. "Luh, bat tumatawa ka eh wala namang nakakatawa don?"

"Alam nyo ba?" Sagot ni Seulgi habang naghahanap ng mapagtatapunan ng basong ginamit nya bilang lalagyanan ng kwek-kwek. 

"Oo kaya. Paulit-ulit namin naririnig sayo yan. Sabi mo nga di ka sasali ng ibang volleyball team kahit na ilang beses ka nila naiscout sa mga tournaments na nasalihan ng SM High eh. Naalala mo yung kinulit ka ng mga coach ng Adamson Lady Falcons tsaka ng NU Lady Bulldogs?"

"Syempre naman." Proud na sabi ni Seulgi. "Sa pogi kong to? Syempre di nila ako makakalimutan." Umuwak naman si Byul sa sinabi nya. Binato sya ng stick ni Seulgi. "De syempre, kapag gusto mo habulin mo diba? Eto nako, one step closer sa USTe. Tignan mo oh, gate nalang pagitan namin!" Tumalikod naman sya habang sinasabi ito. 

Nagtinginan si Lisa and Byul sa isa't isa at napailing nalang ng sabay dahil alam nilang mukhang tanga yung oso nilang kaibigan; alam nilang nakangiti ito ng malawak at nakatingin sa malayo. Akala mo ay nasa isang scene sya ng anime.

Intayin mo ako UST, Seulgi Reyes is coming! Sabi ni Seulgi sa sarili nya. Sure ba talaga kayo na hindi to anime ripoff lang na ginawang fanfiction? Kasi sa itsura ni Seulgi ngayon mukhang oo ang sagot eh. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jmjslrn #1
Chapter 3: update sana, sayang naman
markaxel
#2
Chapter 3: Interesting story!! Rooting for seulrene and jensoo
vanillacookiescream
#3
Chapter 3: Ano ship name ni wendy at jisoo bakit "parang crush na" siya ni jisoo hahaha
vanillacookiescream
#4
Chapter 2: gano kabastos yung brand names otor-nim try lang baka pweds naman
PineappleSeulgi
#5
Chapter 3: WenSoo... Wendy and Jisoo? \(◎o◎)/

( ・ ᗜ ・ ) seulrene plez.
howdoyouknowmee
536 streak #6
Chapter 2: SeulRene JenSoo
madam_mac #7
Chapter 2: So magkakabatch lang sila?