two

Sino
Please Subscribe to read the full chapter

Sa halos isang taong pagtatrabaho ni Mina sa Khali ay ngayon lang siya natuliro nang ganito.

 

Nakasalamuha na niya halos lahat ng tao habang nakatao siya sa bar—business peeps, mga estudyanteng nagwawalwal, barkadahang makakalat, artista, poreynjer, mga tambay na gustong magsunog ng atay, lahat na.

 

Pero ngayon lang siya nagtuon ng pansin ng higit pa sa isang tingin at lingon. May kung ano sa bagong dating na babaeng umupo sa harap at nililibot ang paningin sa kabuoan ng club. Nakakahumaling.

 

Pinagmasdan ni Mina ang magandang mukha nito na parang anghel na naligaw sa lupa. Maikli ang buhok nito, medyo may kaguluhan. Napakurap siya nang suklayin ng dalaga ang tinutukoy niya na para bang alam nitong pinanunuod siya ng bartender. Sumilip ang pagkinang ng mga piercings sa tenga nito dahil sa ginawa.

 

Nag-iwas siya ng tingin at nagpunta sa kabilang dako ng bar, pansamantalang inabala ang sarili sa ibang customer.

 

"Chaeng," tawag ni Mina sa kasama, "Ikaw na ro'n sa bagong dating."

 

Nakahinga naman siya nang maluwag dahil hindi nagtanong si Chaeyoung. Hindi niya rin naman alam ang isasagot. 

 

Basta ayaw niya lang. 

 

Bahagyang napasinghap si Mina nang makita na niya ang buong pagmumukha ng babae no'ng humarap ito para sabihin kay Chaeyoung ang order nito. Pinagmasdan niya ang mata nitong malamlam, ang matangos na ilong, ang manipis na labing gumagalaw at bumibigkas ng mga salitang hindi niya marinig.

 

Gusto niyang lumapit.

 

Kasinglikot ng iba't ibang ilaw sa club ang mata ni Mina, pabalik-balik ang tingin sa lalaking may kaharutan sa kaniyang harap, sa hinahalo niyang jack coke, at sa babaeng palinga-linga sa dancefloor.

 

Umiling ang bartender, nahihilo na sa ginagawa niyang paglilipat ng tingin. Inilapag niya ang baso at simpleng tumango. Pinagpag niya ang kamay niya sa suot at tumalikod.

 

Naiwan sa ere ang kaniyang kamay nang mapatigil siya dahil nagtama ang mata niya at ng babae. Hindi nito pinutol ang ugnayan kahit habang nilalagok ang cocktail. Napalunok si Mina, ramdam niya ang init ng likidong dumadaloy sa kaniyang lalamunan patungo sa kaniyang sikmura, kahit na hindi naman siya ang umiinom.

 

Kasabay ng paglapag ng baso ay ang paglagay ng perang papel sa ilalim nito. Kumindat ito kay Mina at ngumiti bago tumayo papunta sa dancefloor. Ilang sandali pa siyang tumitig sa kawalan bago matauhan.

 

Lumapit siya para kunin ang pera at ibinulsa ito. Alanganing hinawakan ng dulo ng kaniyang hintuturo ang mga natirang asin sa ibabaw ng baso. Inikot niya ang daliri sa hugis nito habang nakamasid pa rin sa babaeng nilunod na ng mga tao nagsasayaw.

 

Napabuntong hininga si Mina. Binalik niya ang tingin sa daliring puno na ng asin, marahan niya itong dinilaan at bahagyang napaismid ng malasahan ang pinaghalong alat at pait ng alcohol.

 

*****

 

Hindi makapaniwala si Mina na bibisita uli ang babaeng hindi siya tinantanan kahit sa panaginip. Kaya ayan, puyat na nga dahil hindi siya nakatulog nang maayos, tuliro pa dahil nasa harap niya uli ito.

 

Walang pinagbago. 

 

Buong gabi ay hindi natanggal ang mata niya sa babae na ngayon ay nakaputing v-neck shirt at itim na blazer. Kagaya kahapon ay malikot pa rin ang mata nito na nililibot ng tingin ang kabuoan ng club. Tila may hinahanap.

 

Ganoon pa rin ang ganap. Si Chaeyoung uli ang nagmix ng cocktail nito habang abala si Mina sa ibang customers. Kahit na lumilipad ang tingin niya sa kabilang dako ng bar sa kung saan nakapwesto ang dalaga.

 

Walang pinagbago.

 

Lumipas ang oras hanggang sa tumayo ito matapos na maglapag ng pera sa counter. Muli itong nagpunta sa dancefloor at sa pagkakataon na ito ay hindi na hinayaan ni Mina mawala ito sa kanyang paningin.

 

Mabuti na lang at hindi gaanong marami ang tao sa Khali ngayon. Kahit madilim ay kita niya ang hugis ng dalaga na nagsasayaw sa may bandang gilid. At napaismid na lang si Mina nang mapagtantong hindi lang atensyon niya naagaw ng babae, kundi pati na ang mga nasa paligid nito.

 

Napailing siya nang sundan niya ito ng tingin palabas ng club, habang nakakapit sa bewang ng kapwa niya babaeng kasayaw lang nito kanina. Kaya pala kahapon ay lumilinga rin ito sa paligid. Malamang ay naghahanap ito ng pampalipas gabi, kagaya kahapon.

 

Walang pinagbago.

 

Niluwagan ni Mina ang suot niyang tie matapos ang ilang sandali, naghahandang umuwi at palipasin na naman ang magdamag nang walang katabi.

 

*****

 

Ngayon lang yata siya hindi naasar kay Jeongyeon nang magpasalo na naman ito ng shift sa kaniya kahapon. Tuwing Thursday at Sunday ang day off niya at dapat nga ay magalit siya dahil wala na siyang pahinga. Hindi biro ang magpart-time as bartender ng apat na oras tapos graduating student pa siya.

 

Sa ikalimang gabi, pinagbigyan na si Mina ng tadhana.

 

Kapalit siguro ng busilak niyang kalooban na pagbigyan ang kahilingan ng matalik na kaibigang kalahating gago. Kapalit ng pagod niya simula pa no'ng Lunes, sinuklian na siya ng langit.

 

From the moment you came in

You knew I been watching

Been picturing you out of

Them clothes that you wearing

 

Malawak ang ngiti ng babae kay Mina nang kabado siyang lumapit para hingin ang order nito. Muntik na siyang magbackout at tumalikod dahil sa kaba? Kilig? Antisipasyon? Ewan niya.

 

"Akala ko ipapasa mo na naman ako sa kasama mo," biro nito sa kaniya habang humahagikgik.

 

Nanlaki ang mata ni Mina. Hindi lang pala siya ang abala sa paninitig. Gusto niyang himatayin sa kilig.

 

"What?" Tanong nito, "May mali ba sa sinabi ko?"

 

Sinuklian niya ito ng nahihiyang ngiti. Para siyang tangang high schooler na nahihiya dahil kinausap siya ng crush niya.

 

"Wala. Sorry. I didn't think you would notice," pagdadahilan niya.

 

"Bull," umismid ito at bahagyang dumukwang sa counter. "You're pretty. Why would I ignore you?"

 

Nagpakilala ito sa kanya habang busy siyang magmix ng dry matini na order nito. Itinuon niya ang atensyon niya sa ginagawa dahil baka maibagsak niya ang hawak dahil sa panginginig ng kamay niya.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
SEEKER_
#1
Chapter 2: Matagal ko ng trip Mindy sa totoo lang pero lately grabe pagkaulol ako sa kanila. Medyo mahirap magship ng imaginary ship sa totoo lang like paano mo ilalayag yon? Bilib lang talaga ako sa mga seekers otornimz na may halong Mina or Jennie eh. Gets ko yung pinaghuhugutan ng wenrene kasi living like fanfic yung dalawa eh pero yung Jendy and Mindy? Kabilib! I'm gonna combust siguro pag nagkaron ng interaction Mindy o kaya jendy. Curious ako anong nangyari kay Mina and Wendy. Tyt sa pagsusulat. Hintayin ko nalang muna maging bente yung bigas at maging 60 pesos ang katumbas ng isang dolyar. Tangina diz Country
AngeFran #2
Chapter 1: No more?
paradoxicalninja
#3
Chapter 2: umaasa pa rin na maupdate to..ang invested ko sa wenmina lately ksksksk ang bagay kase 😩
ONCEXwizone
#4
May ginawa akong story po!
smarty0821 #5
Chapter 2: Hala OTP ko tohh huhu thank you for this author-nim! Curious na ako kung anong susunod na mangyayari Kung paano susuyuin ni Wendy si Mina haha iniisip ko pa lang kinikilig na ako. Sana mapagpatuloy mo ito author-nim. Thank you ulit~
dietmntndew #6
Chapter 1: bakit kailangan masakit :'-(
zaiwoah #7
nawa'y wag mong makalimutan ang Wild Guess
xoxo
Serenitaeng09
#8
Hi Otor-nim! Kasama mo akong itataguyod si Wendy ng hindi si Madam ang kasama hahahahahaha