one

Sino
Please Subscribe to read the full chapter

[03/26 Thurs, 11:48] JY: parang awa mo na

 

Napairap na lang si Mina sa reply ng roommate slash colleague slash soon-to-be-ex bestfriend niya. Nagtipa siya ng reply at nang matapos ay inilapag niya ito sa armchair na kanyang inuupuan.

 

[03/26 Thurs, 11:49] M&M's: manigas ka muna

 

Patuloy lang siya sa kunwaring pakikinig at paminsan-minsang pagtango sa prof habang gumagala ang isip niya sa kung saan siya tutuloy mamayang gabi. Lagi na lang siyang naf-force evict sa apartment niya tuwing ika-26.

 

Nagkukusa na siyang umalis at magpalipas ng gabi sa ibang lugar, madalas ay sa condo ng pinsan niyang si Sana, kesa naman marinig niya ang kalampag ng kama sa dingding at kung ano-ano pang kababalaghan buong magdamag. Nadala na siya matapos niyang matrauma ng halos isang linggo no'ng unang beses na nagcelebrate ng monthsary ang majowang Nayeon at Jeongyeon.

 

Hindi naman siya naiinggit. Hindi talaga.

 

[03/26 Thurs, 11:55] JY: more than 5 minutes ako nanigas, pwede na ba yon???

 

Itinikom ni Mina ang bibig upang pigilan ang tawang muntik nang kumawala dahil sa reply ni Jeongyeon. Kaya pala hindi agad nagreply ang gago.

 

"Oh, 'wag niyong kakalimutan 'yung final requirement niyo ha. I-submit niyo 'yon via e-mail on or before end of the month," dinig niyang sabi ng prof habang nag-aayos siya ng gamit, "Okay, class dismissed. See you next sem!"

 

Masayang nagsigawan ang mga blockmates niya at hindi rin mapigilan ni Mina ang pagngiti. Sa wakas, yari na ang kakilakilabot na semester na ito. Bakasyon na!

 

[03/26 Thurs, 11:57] Minari: sanaaa, nasa city na kayo? it's that time of the month :'(

 

"Myoui!"

 

Napaigtad si Mina sa sigaw ng isang kaklase niya. Lumingon siya sa kinaroroonan nito sa may pinto at nagtaas siya ng kilay nang masulyapan ang nakakalokong ngiti, "May naghahanap sa'yo. Ayieut."

 

Kumunot ang noo niya nang makisapaw din sa pang-aasar ang ibang taong naroroon, "Sino?"

 

"Secreeet," malakas na kantyaw nito, "Labas ka na, tagal na yatang naghihintay nito."

 

"Oo nga, sis," sabat ng isa, "Isang sem na yata."

 

Napailing na lang siya at isinukbit ang bag. Naglakad na siya palabas ng kwarto at bumungad sa kanya ang manliligaw niyang may dalang malaking bouquet ng roses.

 

Alanganing tinanggap ito ni Mina at bahagyang namula dahil sa mga matang nanunuod sa kanilang dalawa.

 

"Namumula oh!" Asar ng mga kaklase niyang nakapalibot sa kanila, "Na ol."

 

Maliit na ngiti ang sumilay sa mga labi niya at kahit nakakahiya ay pinilit niyang tignan nang diretso sa mata ang manliligaw.

 

"Thank you, Jinyoung."

 

"Anytime," matamis na ngiti ang binalik nito sa kanya.

 

Nilibot niya ang paningin niya at matapos masuri ang kapaligiran ay agad siyang yumuko. Kating-kati na siyang umalis do'n dahil andaming nakikiusyoso pero nahihiya siyang maunang talikuran si Jinyoung.

 

"Uhh," lumapit ito sa kanya upang hawakan siya sa braso, ramdam ang kagustuhan niyang makalayo sa mga tao, "Tara?"

 

Sabay silang naglakad palabas patungo sa parking area. Paniguradong pagp-piyestahan na naman ang ganap sa kanila. Hindi naman niya masisi ang mga ito dahil kahit papaano ay kilala silang dalawa sa university, si Mina na dating miyembro ng dance troupe, at si Jinyoung naman na star player ng volleyball team nila.

 

"Wala ka ng klase, diba?" tanong ng lalaki.

 

"Wala na," sagot niya habang umiiling, "Bakit? May gusto kang puntahan?"

 

Hinarap siya ni Jinyoung at patalikod na naglakad, malawak ang ngiti sa labi, "Ako dapat ang nagtatanong niyan."

 

Nagkibit na lang ng balikat si Mina. Nga naman, si Jinyoung ang may kotse ay nakikisabay lang siya. Binagalan niya nang bahagya ang lakad upang hindi mahirapan ang manliligaw sa paglalakad paatras, "Sige, ikaw ang magtanong."

 

Ilang hakbang pa ang tinahak nila sa ilalim ng sikat ng araw. Nang makarating sa nakaparadang itim na kotse ay halos sabay huminto ang paglalakad at paghinga ni Mina.

 

"Will you be my girlfriend?"

 

Napaawang ang bibig niya sa biglaang tanong ng manliligaw. Nasurpresa pa rin siya kahit na sa totoo lang ay inaasahan na niyang itatanong ulit 'yon ni Jinyoung one of these days. Hindi naman na kase biro ang halos kalahating taong masugid na panliligaw nito sa kanya, na kahit na "haha, ang funny mo ro'n" ang isinagot ni Mina sa unang beses na nagtanong ito noong Valentine's.

 

Tatawa na sana uli si Mina at pagmumukhaing biro uli ang lahat kagaya no'ng ginawa niya no'ng nakaraan. Doon naman siya magaling, sa pagpapanggap, sa pag-iwas, sa paglayo.

 

Pero seryoso ang mga mata ni Jinyoung kahit na nakaangat ang magkabilang dulo ng mga labi. Naghihintay ng kung ano sa tanong nitong ayaw pa sanang sagutin ni Mina, dahil sigurado siyang ang salitang lalabas sa kaniyang bibig ay ang hindi inaasahang marinig ng lalaking naging parte na ng buhay niya.

 

Aaminin niya, na kung pwede lang sanang turuan ang puso niya na tumibok muli at mahalin ang lalaking nasa harap niya, matagal na niyang ginawa.

 

Kaso hindi.

 

Naputol ang malalim na pag-iisip ni Mina nang magvibrate ang phone na hawak niya. Kung sino man 'tong umistorbo sa kanila, utang niya ang buhay niya.

 

[03/26 Thurs, 12:11] JY: sis,,, konti na lang magiging yelo na ako. baka naman?

 

Hulog ng langit talaga 'tong si Jeongyeon paminsan-minsan, kahit pa madalas ay wala 'tong ibang ginawa kundi pahirapan si Mina. Mabilis siyang nagreply, rinig niya ang pagkawala ni Jinyoung ng malalim na hininga.

 

[03/26 Thurs, 12:11] M&M's: oo na sige na

 

Kung sana gano'n lang kadali magbitaw ng oo, hindi na sana siya mag-isang naglalakbay sa mundong ibabaw.

 

Kaso hindi.

 

"S-sorry," hingi ng pasensya ni Mina sa lahat, sa hindi pag-oo, sa hindi pagtanggap, sa hindi pagsukli ng pagmamahal.

 

"Okay lang," sabi nito habang nag-iiwas ng tingin. Tinalikuran siya nito, "Mukhang importante."

 

Napalunok si Mina, "Si Jeongyeon lang, nagpapasalo ng shift."

 

"Hmm," pinatunog na ni Jinyoung ang sasakyan nito at binuksan ang pinto, inaanyayahang pumasok si Mina sa loob. "So nasa Khali ka mamaya?"

 

Humuni siya bilang pagsang-ayon, nawala na ang tensyon na namamagitan sa kanila kanina lang. Lumuwag na ang dibdib niya dahil mukhang hindi naman pansin ang pighati at lungkot sa mga mata ni Jinyoung. 

 

O pinili niya lang hindi pansinin. Ewan.

 

Nang makasakay ang lalaki ay pinaaandar na nito ang kotse. Lumingon ito sa kanya nang nakangiti na para bang hindi nabasted (hindi pa naman talaga, diba?), "May gusto kang puntahan?"

 

Ibinalik ni Mina ang mga mata niya sa bulaklak na nakapahinga sa kanyang hita. Maganda ito, mabango at magarbo. Paniguradong mahal 'to, kaya't mas lalo siyang nakonsensya. Isoli niya kaya? Hindi niya deserve makatanggap lalo na't hindi siya nagbibigay pabalik.

 

Naglaro ang mga daliri niya sa mapupulang talulot ng rosas. Malambot, makinis, at kaaya-aya sa kanyang balat.

 

Hindi niya alam kung bakit biglang sumagi sa isip niya ang higit na mapupulang labing nais niyang kalimutan—ang lasa, ang galaw at ang bawat salitang lumabas mula roon.

 

Tangina, traydor talaga ang mga alaala.

 

Napailing na lang siya at binitawan ang bulaklak. "Kahit saan," sambit niya matapos ang ilang sandali, "Gusto ko lang magpalipas ng oras."

 

Hanggang sa sumapit ang dilim, at panandaliang makalimutan ang bawat alaalang nabuo tuwing sumasapit ang gabi. 

 

*****

 

Isang oras bago ang pupunan niyang shift ay nasa break room na si Mina. Iginala niya ang mata niya sa kabuoan ng kwarto. Namiss niyang tumambay rito at mamahinga kapag minsan ay feel niya mabibingi na siya sa lakas ng tugtog na sinasabayan ng hiyawan ng mga tao. Kahit pa i

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
SEEKER_
#1
Chapter 2: Matagal ko ng trip Mindy sa totoo lang pero lately grabe pagkaulol ako sa kanila. Medyo mahirap magship ng imaginary ship sa totoo lang like paano mo ilalayag yon? Bilib lang talaga ako sa mga seekers otornimz na may halong Mina or Jennie eh. Gets ko yung pinaghuhugutan ng wenrene kasi living like fanfic yung dalawa eh pero yung Jendy and Mindy? Kabilib! I'm gonna combust siguro pag nagkaron ng interaction Mindy o kaya jendy. Curious ako anong nangyari kay Mina and Wendy. Tyt sa pagsusulat. Hintayin ko nalang muna maging bente yung bigas at maging 60 pesos ang katumbas ng isang dolyar. Tangina diz Country
AngeFran #2
Chapter 1: No more?
paradoxicalninja
#3
Chapter 2: umaasa pa rin na maupdate to..ang invested ko sa wenmina lately ksksksk ang bagay kase 😩
ONCEXwizone
#4
May ginawa akong story po!
smarty0821 #5
Chapter 2: Hala OTP ko tohh huhu thank you for this author-nim! Curious na ako kung anong susunod na mangyayari Kung paano susuyuin ni Wendy si Mina haha iniisip ko pa lang kinikilig na ako. Sana mapagpatuloy mo ito author-nim. Thank you ulit~
dietmntndew #6
Chapter 1: bakit kailangan masakit :'-(
zaiwoah #7
nawa'y wag mong makalimutan ang Wild Guess
xoxo
Serenitaeng09
#8
Hi Otor-nim! Kasama mo akong itataguyod si Wendy ng hindi si Madam ang kasama hahahahahaha