CHAPTER 4 | JULY, 1ST YEAR

SEULRENE | Sa'yo.
Please Subscribe to read the full chapter

CHAPTER 4 | JULY, 1ST YEAR

Simula nung dumaan kami sa office nila Irene, sa tuwing bibili kami ng pagkain, doon na kami palaging dumadaan. Hindi ko talaga maiwasang sumilip at hanapin si Irene kapag dumadaan kami sa student council office. Siyempre hindi mawawala pang-aasar nila Yeri pero nasanay na ako.

Minsan nakikita ko siya, madalas hindi. At sa tuwing nakikita ko siya, sumasaya ako. Alam mo yung pakiramdam na parang nabubuo araw mo.

Kapag nakikita ko na wala siyang ginagawa, tinatawag ko siya kaya nakakapag-usap pa kami kahit saglit lang. Edi mas lalo pang nabuo araw ko. Sa ganung paraan na lang kami nag-uusap. Hindi na sa text at hindi na rin sa chat..

Kung titignan mo yung text messages naminn, puro lang yun galing sa akin. 

[seulgi panget 12:32] pst nasaan ka?

Kahit isang reply wala akong natatanggap.

[seulgi panget 12:03] hello maaga kami dinissmiss san ka?

Nung una nadodown pa ako kasi kapag dumadaan kami ng office niya nakikita ko na hawak niya phone niya.

[seulgi panget 12:23] asa office ka ba?

Kaso inisip ko baka walang load. Sana sa chat siya mag-reply kung wala.

[seulgi panget 12:47] sevilla where u?

Pero medyo nasanay na rin ako na hindi siya nagrereply. Naiintidihan ko naman marami kasi siyang ginawa eh. 

Siguro nga crush ko na si Madam Busangot.

Crush lang ha. Hindi ko pa siya gusto. Alam ko yung pakiramdam ng pagkagusto kasi naramdaman ko yun kay Krystal dati at walang wala yung nararamdam ko kay Irene ngayon yung naramdaman ko para kay Krystal.

And I do not want it to go that way. I mean, Irene is a close friend who I treasure so much. Kung magkagusto ako sa kanya, patay na. Hindi yun pwede mangyari.

As much as possible, iniiwasan kong maging usapan namin siya ng kaibigan ko kasi the more na bukambibig ko siya, the more na mamimiss ko lang siya. At baka magkagusto ako sa kanya ng tuluyan. I can’t lose her.

On the other hand, nag-uusap kami ni Tzuyu occasionally. Although, hindi ako yung unang nakikipag-usap. Wala naman kasi talaga ako maikukwento sa kanya. Pero siya, marami. She has a lot things to share sa akin—GAY THINGS.

Maybe it is because she is surrounded ng isang tropang puro straight na babae and she doesn’t have anyone to express herself to. Ako yata pinaka-unang tomboy na kaibigan neto kung sakali. KUNG kinoconsider siya akong friend. And I admit, I have a tiny crush on her.

I mean bakit hindi? Tzuyu is pretty. Mabait din siya and we have A LOT of things in common. As in a lot. Even our sense of humor is the same. And I haven’t clicked with anyone like that before. Not even my bestfriends. Medyo napipick up ko na rin yung mga hilig niya.

My friends and I are currently inside the student council office. The agenda? To buy shirts para sa upcoming ISAC. Hindi kami maglalaro pero bilang parte ng audience, kailangan naming magsuot ng shirt to show the uNiTY of the school.

Nakapila kami ngayon para i-claim yung shirts. Hindi ko maiwasang lumingon-lumingon. Hindi ko maiwasang hindi hanapin si Irene.

Narinig ko ng tumawa yung dalawa kong tukmol na kaibigan sa likod ko. “Oh, Ignacio mababali leeg mo kakahanap kay Irene,” sabi ni Yeri.

Sumang-ayon si Wendy sa sinabi ni Yeri. “Totoo. Alam mo Irene, aminin mo na kasi na gusto mo siya.”

“Hindi ko nga siya gusto,” pagtatanggi ko. “Tsaka may crush na ako.”

Sinabi ko na sa tropa ko na nagkakausap ko si Tzuyu and they’re cool about it. Hindi nga lang nila inexpect.

“Oo na, crush mo si Tzuyu,” tinaasan ako ng kilay ni Yeri. “Pero kung makalingon ka para hanapin si Irene kala mo di na makikita ulit yung tao.”

“Masama bang hanapin ko yung kaibigan ko?”

“Excuse me, Seulgi, pero it’s your turn na,” narinig kong sabi ng ate na nag-aasikaso sa mga shirt—si Joy.

Itinuro ko yung dalawang taong nasa likod ko. “Ay hello Joy. Sorry epal na naman kasi ‘tong dalawang ‘to.”

Nginitian kaming tatlo ni Joy. “Walang nagbago sa inyo.”

“Tatlo lang sa amin, the usual sizes. Alam mo naman size namin.”

Tumango si Joy at nagproceed sa paghahanap ng shirts namin. Samantala,patuloy pa ring hinanap si Irene.

Di nagtagal bumalik si Joy sa kinauupuan niya at binigay ang mga tshirt namin. Hindi ko naiwasang tanungin si Joy kung nasaan ba ang vice president nila.

“Joy, nasaan nga pala si Sevilla?”

Rinig na rinig ko ang pagpigil ng tawa ni Wendy at Yeri sa likod ko.

“May klase siya eh pero pabalik na rin yun mamaya-maya. Magkikita ba kayo? Hintayin mo na lang siya.”

“Di sige, wag na. Thank you nga pala dito sa tshirts. Bye Joy!” sabi ko at hinila papalayo yung dalawa kong kaibigan.

“Bye sa inyo! Ingat.”

“Bye Joy!” pahabol ni Wendy

 

 

Nasa bus kami ngayon ng mga kaibigan ko. Punta raw sila sa bahay, doon kami maglaro kasi walang pasok bukas.

“So, ano yung pag-bye mo kay Joy kanina ha?” tanong ko sa katabi ko.

“Wala lang.”

Tinaasan ko ng kilay si Wendy.

“Okay fine, nag-uusap na ulit kami. We’re friends again. Nag-chat siya sa akin, she said she was sorry kasi di niya ako nakausap for a very long time. Hindi naman talaga niya kailangan mag-sorry kasi we do not owe each other anything pero ayun.”

“Kumusta naman kayo?” tanong ni Yeri.

“We’re good. We just picked up where we left off before. She’s still the same Joy I know kaya hindi mahirap na makasundo ulit yung tao,” nakangiting sabi ni Wendy.

“Tsaka, gusto niya sumunod sa bahay niyo mamaya. Okay lang ba?”

“Tanga tinatanong pa ba yan? Siyempre, oo,” sagot ko.

Mamaya-maya pa nakatulog na yun

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ryuushinki
Bulaga

Comments

You must be logged in to comment
Enterusername_here
#1
:(
Ivie12
#2
Chapter 7: Hello po author plessss next Chapter po I'm waiting for the next Chapter po plessss
aiisaka #3
Chapter 2: seulgi baket ka apologist dito tae ka *crying emoji*
forgotme #4
Chapter 7: How are you?? Pgptuloy mo po to... Waiting
Enterusername_here
#5
otor wer na u? balik ka na po :(
Maatt_booii #6
Chapter 7: Seulrene..
Hehe kailan Kaya ulit update..
Enterusername_here
#7
Miss ka na namin author, patiently waiting sa update mo.
Hi_Bae23 #8
Chapter 7: author kelan k maguupdate????
forgotme #9
Chapter 7: ..aww bitin...haha...
..gudluck otor waiting lng s mga ssnod mna update..
j-yoon27
#10
Chapter 7: Nako po, alam ko na to. Masasaktan na naman si Tzuyu dito noh? Hahaha