CHAPTER 2 | JUNE, 1ST YEAR

SEULRENE | Sa'yo.
Please Subscribe to read the full chapter

(Congratulations to Psycho 7th Win and Red Velvet 2nd Triple Crown yesterday ㅠㅠ) 

AN: This chapter and the succeeding chapters will [probably] be written in SEULGI'S POV

CHAPTER 2 | JUNE, 1ST YEAR

Busy akong tignan ang sarili niya sa salamin ng CR ng Mcdo at inayos ang green na bomber jacket na suot ko.  Green na bomber jacket, puting v-neck tshirt, black jeans at sneakers ang outfit ko ngayon.

Pagkalabas ko ng CR, pinagtitinginan na naman ako ng mga tao lalo ng mga girls. Hay, ako lang naman ‘to. Malit na bagay. Mukhang doon sila sa school ko pumapasok. Thank you talaga kay mama at kay papa, ipinanganak akong ganito. Ewan ko ba kung bakit di ako nakita ni Irene nung high school. Cute ko kaya.

Hinihintay ko dumating si Wendy dito sa Mcdo. Ang tagal niya dumating. Sabay kasi kaming papasok ngayon. Buti na lang talaga nakapasok kami parehas sa course na inenrollan namin tapos magkaklase pa kami kaso ang kupad talaga nitong bestfriend ko na ‘to. Ma-text na nga.

[ignacio tukmol - 7:31] hoy feliciano ang tagal mo naman 7 ang kitaan ah

[feliciano tukmol - 7:33] oo na teka lang traffic kasi pero malapit na ako seryoso wait mo na lang ako sa labas ng mcdo

Lumabas ako ng Mcdo at tumambay na lang sa tapat nito. Makikinig na lang siguro muna ako sa music baka matagal pa si Wendy.

Unang araw sa school ako’y nasa eskwelahan

Uniporme ay cool baka may maeksenahan

Siyempre, merong bagong chicks ngayon nag-enroll

Kaso yung iba mukhang pang sha-

“Seulgi, damang dama mo naman masyado yung porma mo ngayong araw,” narinig kong sabi ni Wendy pagkatanggal niya ng earphones ko.

“Siyempre kailangan ko galingan first day kaya natin,” sagot ko.

“Tara na 7:45 flag ceremony. Unang araw na unang araw baka malintikan tayo.”

 

 

Pagkatapos ng flag ceremony, pinaakyat na kami sa mga room namin. Bago pa man kami makarating ng hagdan, may nakita akong maliit na babaeng nakangiti at bumabati sa mga estudyanteng dumadaan— walang iba kundi ang nag-iisang Irene Sevilla. Nginingitian ni Irene yung mga taong hindi niya kilala. Hindi ako sanay.

Nilapitan ko si Irene pero mukhang hindi niya ako napansin dahil sa dami ng mga estudyanteng dumadaan at nagkakagulo sa harap niya lalo na yung mga lalaki. Mga siraulong ‘to. Gets ko naman na maganda si Irene pero sana talaga madapa sila sa hagdan.

“Taray naman Madam Sevilla, ganito pala trabaho ng student council,” sabi ko kay Irene na nagulat pagkakalabit ko sa kanya.

“SEULGI!” Sigaw ni Irene sabay yakap sa akin. Wow ‘di ko naman dama na na-miss niya ako ha, hindi talaga promise. “Na-miss kita!”

“Na-miss din kita sungit,” sabi ko at niyakap siya pabalik. Iniharap ko ang likod niya sa mga estudyanteng dumadaan kaya ako ngayon nakaharap sa kanila. Binelatan ko yung mga dumadaang lalaki. Madapa sana sila. Sana panis ulam nila mamayang gabi.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Irene. Na-miss ko talaga siya lalo na ang tagal din naming hindi nakapag-usap. Pagkatapos ang ilang segundo kumalas din kami sa yakap “Plastikada mo naman masyado sa mga estudyante. Ang laki ng ngiti mo hindi bagay dapat nakabusangot ka pa rin kapag binabati mo sila.”

“’Di ka pa rin nagbabago Seul. Palaasar ka pa ring hayop ka,” sabi niya sa akin.

“EHEM!

Ay oo nga pala kasama ko si Wendy.

Hinila ko ang bestfriend ko papalapit sa aming dalawa. “Irene, ito nga pala si Wendy yung bestfriend ko.”

Tumango si Irene at binati si Wendy. “Hello! Ikaw pala si Wendy. Feliciano diba? Nakukwento ka sa akin ni Seulgi nung bakasyon. Nice meeting you.”

 “Yes, hello. I’m Wendy Feliciano. It’s nice to finally meet you Irene. Naririnig-rinig lang kita sa mga iba kong kaibigan sa dati nating school. Pati rin dito sa tukmol kong bestfriend.”

Agad ko namang binatukan si Wendy at tumawa si Irene.

“Talaga? Nakwento ka na rin pala sa akin ni Joy. Kilala mo pa ba siya? Si Joy Serafica? Siya ang treasurer ngayon sa student council pero wala siya dito. Ibang hagdan ang inaasikaso niya.”

Si Joy Serafica— ka-batch ni Irene at isa sa mga naging ka-close ni Wendy noong high school. Malapit na magkaibigan yung dalawa noon kaso simula noong nag-college si Joy, nagkalayo na lang loob nila sa isa’t-isa kaya di na sila nag-uusap. Mga dalawang taon na rin.

“Oh, nasa council din pala siya? Good for her. Pakisabi na lang na I said hi,” sabi ng bestfriend ko.

“Sure, I’ll tell her that. Umakyat na kayo sa mga rooms niyo.”

Nagpaalam kami ni Wendy kay Irene at dali-daling umakyat papuntang room namin.

 

 

Philippine Constitution ang unang subject. Grabe, umagang-umaga madugo agad yung subject na bubungad sa’yo. Buti na lang talaga ‘di uso yung ididikta ng prof kung saan ka nakaupo kaya kinuha agad namin ni Wendy yung pwesto sa pinakahuling row. Umupo ako sa pinakadulo tapos nasa kaliwa ko naman si Wendy samantala, nanatiling bakante yung tabi niya.

Isa-isa kaming tinawag ng professor namin. Nanood muna ako ng anime habang hinihintay na tawagin ako ng prof namin. ‘Di nagtagal narinig kong matawag si Wendy. Ibig sabihin malapit na rin ako matawag.

“Feliciano, Wendy.”

 “Present!”

“Ibarra, Saeron.”

“Present!”

“Ignacio, Seulgi.”

“Present!”

Nagtawag nang nagtawag yung prof ng pangalan hanggang sa umabot na sa mga apelyidong nag-uumpisa sa letter V.

“Villegas, Yeri.”

Kaklase rin pala namin si Yeri? Si Yeri yung isa naming kaibigan ni Wendy na taga-kabilang section nung high school. Mag-tropa kaming tatlo. Ang akala namin sa ibang school siya nag-enroll.

“Huy Seul. Dito rin pala si Yeri?” bulong sa akin ni Wendy.

“Oo narinig ko. Bakit kaya wala pa siya?”

Muling tinawag ng prof pangalan ni Yeri.

“Villegas, Yeri? Where is she? Is she not around?”

Sasabihin ko na sana na nag-CR lang siya para malusutan nang biglang bumukas ang pinto ng room namin at bumungad ang isang hinihingal na Yeri Villegas. Halatang tinakbo niya hanggang dito sa 4th floor.

“PRESENT PO!” malakas na sabi nito. Patay ka Yeri, magiging favorite ka ng prof natin. Nakikita ko na kapalaran mo.

“Can you explain why you are late Miss Villegas?”

“I am sorry for being late Ma’am,” sabi ni Yeri habang hinahabol hininga niya. “There was an unexpected heavy traffic to a car accident along the way.”

“And how would I know if you are telling the truth?”

“You will see later in the news that a car accident occurred in EDSA at around 7:25 AM wherein a red Toyota Vios and a black Hyundai Accent Sedan was involved.”

Safe. Buti naman.

“Okay, Miss Villegas. Go and find a seat.”

Agad naman naming binigyan ng signal si Yeri na pumunta sa pwesto namin. Dali-dali siyang pumunta at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Wendy.

“Hoy mga panget dito rin pala kayo sa klase na ‘to. Kumusta na? Gulat kayo ‘no,” natatawa niyang tinanong sa amin.

“Akala namin sa ibang school ka mag-aaral?”

“Last minute changes. Kinailangan kasi naming lumipat ng bahay eh itong college na ‘to pinakamalapit sa tinitirhan namin ngayon. Pasensya na ‘di ko kayo nasabihan agad biglaan lang din.”

Nginitian ko si Yeri. “At least kumpleto pa rin ang tropa hanggang college.”

 

 

Pagkatapos ng Philippine Constitution, sumunod naman yung Politics and Governance at Political Theories. Walang patawad mga subject namin ngayon. Sunod-sunod na tatlong major subjects namin ngayong araw tapos nagklase pa agad tangina buti na lang last period na ‘tong PolTheo.

*bzzt bzzt*

Naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko. Pagka-check ko, may text galing sa contact name na “maam b” – Ma’am Busangot. Si Irene pala

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ryuushinki
Bulaga

Comments

You must be logged in to comment
Enterusername_here
#1
:(
Ivie12
#2
Chapter 7: Hello po author plessss next Chapter po I'm waiting for the next Chapter po plessss
aiisaka #3
Chapter 2: seulgi baket ka apologist dito tae ka *crying emoji*
forgotme #4
Chapter 7: How are you?? Pgptuloy mo po to... Waiting
Enterusername_here
#5
otor wer na u? balik ka na po :(
Maatt_booii #6
Chapter 7: Seulrene..
Hehe kailan Kaya ulit update..
Enterusername_here
#7
Miss ka na namin author, patiently waiting sa update mo.
Hi_Bae23 #8
Chapter 7: author kelan k maguupdate????
forgotme #9
Chapter 7: ..aww bitin...haha...
..gudluck otor waiting lng s mga ssnod mna update..
j-yoon27
#10
Chapter 7: Nako po, alam ko na to. Masasaktan na naman si Tzuyu dito noh? Hahaha