PROLOGUE
SEULRENE | Sa'yo.SA’YO
at kahit mawala ka pa
hinding-hindi mawawala
ang damdamin ko’y
sa’yong sayo
-munimuni
(even if you go, my feelings will never disappear. it will always belong to you.)
PROLOGUE
Naging magkaibigan noong bakasyon si Seulgi Ignacio, isang incoming 1st year political science student at si Irene Sevilla, isang incoming 3rd year business administration student at vice president ng student council ng kanilang kolehiyo.
Nagkasama sila sa isang scholars assistance program—isang mini-call center sa loob ng kolehiyo nila at nagkataon na naging magkatabi silang dalawa. Agad na nagkasundo at naging magkaibigan ang dalawa nang malaman ni Irene na parehas pala sila ng pinangalingang high school ni Seulgi.
“Ang liit-liit ng population ng school natin. Bakit hindi kita nakikita noon?” tanong ni Irene.
“Aba hindi ko alam sa’yo. Ikaw nakikita-kita eh. Naalala ko unang kita ko sayo 2nd year ako tapos naglalakad ka sa floor namin. Papunta ka yata sa locker mo kasi galing ka sa taas eh nasa 3rd floor rooms niyong mga 4th year dati,” sagot naman ni Seulgi
Napangiti si Irene sa kanyang narinig. “Ano naman impression mo sa akin nung nakita mo ako?”
Comments