FEISTY JUSTIN

YOU

Ken had been in such a bad mood for the past days. Justin didn't want to see nor talk to him after the incident at the hotel. He was now in the office, yes, but he was just staring at his phone, wishing it would beep and his Langga's name would appear.

He almost dropped his phone when it rang only to be disappointed to see who it was.

" Ken Suson, ano na? Hindi pa rin ba kayo nag-aayos ni Jah?" Sejun asked on the other line.

He sighed heavily.

" Hindi pa nga 'dre, eh. He wouldn't let me explain. Dumagdag pa yung babaeng yun sa problema ko." 

" Aba galaw galaw tayo diyan. Bat naman kasi di ka pa umamin na ikaw at si Masked Man ay iisa? Pati tuloy si Stell nagtatampo sakin dahil nagsinungaling din ako sa kanya. Ayusin mo yan." He complained.

" Oo na. Eh kung tulungan mo kaya ako?" 

" Sige, subukan kong kausapin si Josh at Stell para sa inyong dalawa at ng matahimik na tayong lahat."

" Salamat 'dre, tatawag muna ako sa flower shop papadala ko kay Jah."

 

Ilang araw ng hindi pinapansin ni Justin ang mga tawag at text ni Ken sa kanya. Galit siya dito kasi nagsinungaling ito sa kanya tungkol kay Masked Man at mas lalo siyang nagalit dahil dun sa babaeng humalik dito sa harap niya. Naiinis talaga siya! Sarap kalbuhin ng babaeng yun! Kapal ng mukha niyang halikan ang boyfriend niya! 

" Arrrrrghhhhh! Bwisit ka talaga Felip Jhon! Huwag na huwag kang magpapakita sakin!" At binato niya ang hawak niyang ballpen sa harap na siya namang pagpasok ng kanyang secretary.

" S-sir, may delivery po para sa inyo." Bakas ang takot sa mukha nito. He heaved a sigh. Kailangan niyang i compose ang sarili niya. Kawawa naman sekretarya niya, wala itong kinalaman sa away nila ng boyfriend niya.

" I'm sorry about that Rappl, pakilapag mo lang diyan. Thank you." Ngumiti ito sa kanya at nagpaalam na.

He saw two dozens of white tulips. Alam na niya kung saan 'to galing. He got the card and read it.

Langga, I'm sorry. Can you please talk to me na? I'll explain everything to you. Please, baby. I can't survive another day na hindi pa tayo nagbabati." I love you.

Parang hinaplos ang puso niya ng mabasa ang card. Alam niya sa puso niya na may magandang explanation ito kung bakit nito itinago ang tungkol sa Masked Man pero naunahan lang talaga siya ng selos niya. Miss na miss na rin niya kasi si Ken. He was in the middle of thinking when his phone rang.

" Langga, I'm sorry. Please talk to me. Miss na miss na kita. Please hear me out." 

But Justin didn't bother to respond. He was just listening to everything that Ken was saying. Sure he missed him and he planned to gave him a surprise visit later kaya tiniis niyang hindi ito kausapin. The next thing he knew was his I love you and he dropped the call.

He was preparing his things to go home early to prepare Ken's favourite ulam when he was startled by his makulit na Kuyas.

" Hello, Bunso wazzup! Ano na? Ayos naba kayo ni Ken?" Josh said while eating an apple.

" He called kanina lang but I didn't talk to him tho I answered the phone naman." 

" Galit ka pa rin ba sa kanya, Jah? Baka naman may mabigat siyang rason kung bakit niya itinago sa'yo." 

" I know mga Kuyas kaya nga naghahanda na ako para umalis eh kasi balak kong i surprise visit siya at dalhan ng lunch na rin sa opisina niya."

Nagkatinginan ang dalawa na nakangiti ng marinig nila si Jah.

" What? Why are you smiling? You look creepy?" 

" Masaya lang kami, Bunso dahil sa wakas magbabati na rin kayo ni Ken." Stell stated.

" At masaya ka rin kasi magkikita na rin kayo ni Sejun. Bati na rin kayo." Asar ni Josh kat Stell.

Binato ni Stell si Josh ng balat ng orange habang nakatawa lang si Jah na pinapanood sila.

" Tumahimik ka nga! Wag ka sanag magkajowa kahit kailan."

" Oy ha, below the belt na yan. Ang sama mo sakin Ajero." Reklamo ni Josh.

" Sorry Kuya. Promise bukas, tatawagan ka na ni Kuya Sejun. Ayyiieeh!" Asar ni Jah na ikinapula ni Stell. 

 

Justin immediately entered the lobby of the building and went directlt to Ken's office. There he saw his secretary Xi Anne na amy isinusulat. Nagulat ito ng makita siya.

" S-sir Jah! Hala! Ba't po kayo nandito?" Sabi nito na ipinagtaka niya.

" Hi Xi? Oh, ba't parang kinakabahan ka? Mainit na naman ba ulo ng amo mo? Wag kang mag-alala, di ako takot dun.Tsaka may dala akong lunch niya. Andiyan ba siya?"

" Ah eh Sir ano po, ah--. Si-sir!" Hindi na natapos ni Xi Anne ang kanyang sasabihin dahil pumasok na si Justin sa loob.

" Naku patay! "

 

" Hi L-lov--- " He was not able to finish his words when he saw a woman wearing a revealing dress leaning on Ken's table. Nnaingkit ang mga mata niya sa nakita niya at handa na sanang sugurin ang dalawa ng biglang tumayo si Ken at lumapit sa kanya sabay lapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit na ikinagulat niya.

" Langga, kanina pa kita hinihintay. Sobrang miss na kita, baby ko. " Ikinulong nito ang mukha niya sa mga kamay nito and gave him a lingering kiss.

Nadadala na sila sa emosyon nila when they heard a shout na nakapagtigil sa ginagawa nila.

" What?? Am I seeing this right? You have a boyfriend? I didn't know you're a gay, Ken." Patuyang sabi ng babae kay Ken na ikinataas ng kilay ni Jah. Aba't pigilan niyo ako, ipapatikim niya dito ang bagsik ng isang Justin De Dios. Nasa mood siya mang away ngayon, medyo matagal tagal na rin simula ng nagamit niya ang kamalditahan niya eh. Tamang -tama ang dating ng babaeng 'to.

" So? may problema ba tayo dun, Miss?" Jah asked with his voice laced with danger. Napatingin si Ken sa kanya. He had never seen Justin like this. He always see him as soft and calm. Far from the Justin he was seeing right now. 

" Problema? Aba malaki. What do you think will happen if I pitch this one to the media.  " The Sole Heir of Suson Group of Companies is a Gay?" Wow! I can make millions with that headline alone." 

" Missy, stop! We're done matagal na and wala na akong balak bumalik sa'yo. Si Justin na mahal ko." 

" No! Akin ka lang, Ken! Ano bang nagustuhan mo sa kanya eh l-la---"

" One more word from you and I'm gonna wring your neck." Ken warned that made Missy stopped.

" Whoah! So you're Missy. Pangalan pa lang malandi na. You're the daughter of Mr. Reyes right? Love, remind me nga later na may meeting pala kami bukas for a deal and since inaway ako ng bruha niyang anak, I'm gonna cancelled the meeting and say goodbye to the deal." Justin sarcastically declared that made Missy stormed out of the room.

 

Naiwan silang dalawa sa loob ni Ken. Justin didn't talk and sat on Ken's swivel chair while waiting for his explanation. 

Ken can clearly feel the danger. Alam niyang isang mali lang niya, katapusan na niya. He looked at Justin with amazement and fear.

" I'm  listening. Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko yang eksplenasyon mo Felip Jhon Suson o hindi mo magugustuhan ang mangyayari."

" Baby,-

" Huwag mo akong ma baby baby ha, now speak!" Gigil na bulyaw ni Jah sa kanya na ikinapitlag niya.

Damn! Siguradong pagatatawanan siya ni Sejun kapag nalaman niya 'to. Siya, si Ken Suson, takot sa boyfriend niya??!! Gagi nakakatakot naman talaga si  Jah pero mas nakakatakot na mawala ito sa kanya.

" Ano na?? Magtititigan lang ba tayong dalawa dito? Kasi kung oo, aalis na ako." Tatayo na sana ito ng magsimula siyang magsalita.

 

" Ga, it's not what you think it is, okay? Di kami naghalikan. Bigla na siyang pumasok dito dahil gusto niyang makipagbalikan sa 'kin. Hindi niya matanggap na wala na kami at may mahal na akong iba. Ikaw. Kaya ayun nagalit siya at sinubukan niya akong akitin, buti na lang dumating ka." 

Tumaas ang kilay ni Jah habang nakikinig. Naniniwala siya dito pero gusto niyang subukan kung hanggang saan ito.

" Paano ko masisigurado na wala ngang nangyaring kababalaghan dito bago ako dumating? I hate sharing Ken. Ang kay Justin at kay Justin lang."

' Grabe ka naman, Gah. Wala ka bag tiwala sakin? Ang sakit ah. Ganyan ba talaga tingin mo sakin?" Kunwaring tampo nito sa kanya.

" Aba't hoy teka nga Kenji! Ba't ako binabaliktad mo dito? Ba't parang ako pa may kasalanan ha?" Pinandilatan niya ito ng mga mata.

 

" Eh kasi naman eh, hindi ka naniniwala sakin. Boyfriend mo ako pero wala kang tiwala." Umupo ito sa sofa at sinenyasan siyang umupo sa tabi nito. Sumunod siya dito pero may distansiya. Di pa sila tapos. 

" Bakit ka nagsinungaling sakin tungkol kay Masked Man?" 

Ken sighed.

" Si Masked Man ang sweet escape ko sa nakakapagod na mundo. Alam mo naman diba na ayaw ni Daddy ang pagkanta ko pero mahal na mahal ko ang musika. Kapag malungkot ako o may pinagdadaanan, nawawala yun lahat kapag kumakanta ako. Nakamaskara ako kasi maraming client si Dad sa hotel ni Sejun at makikilala nila ako. Baka kapag nalaman niyang kumakanta ako, baka kung anong gawin niya sa kaibigan ko dahil sa pagkunsinti niya sa gusto ko."

 

Naawa naman siya sa mahal niya habang nakikinig dito. Ang hirap ng sitwasyon nito na sarili niyang pamilya di siya kayang suportahan sa mga pangarap niya. Akmang yayakapin na siya ni Ken ng pigilan niya ito.

 

" Hep! Hindi pa rin tayo bati. "

" Ha? Di pa tapos? Ano na naman yan, baby?" Hilamos nito sa mukha nito. Gusto na niyang matawa sa itsura nito na sobrang frustrated na.

" Sino yung babaeng humalik sa'yo sa bar? Ex mo ba yun?" Naiinis na naman siya habang naiisip ang eksenang yun.

" Baby no, di ko yun kilala. Nagulat nga rin ako eh. Baby please, payakap na. Kating kati na akong ikulong ka sa mga bisig ko oh." Pagmamakaawa nito sa kanya habang naka puppy eyes at nakabuka ang dalawang bisig.

Lumapit na rin si Jah dito at niyakap ito ng mahigpit.

" God! I miss you so much, Langga." Bulong ni Ken sa tenga niya.

" I miss you more, Love. Sorry kung di kita pinakinggan agad." 

" No, it's my fault baby. Dapat sinabi ko na agad sa'yo a  lahat. Mula ngayon, no secrets na tayo sa isa't isa ha gaano man yan kaganda o kapangit, dapat honest tayo, okay?" Ken held his hand and looked into his eyes.

" Pomise?" 

" Promise. Boy Scout Promise." Ken raised his right hand liked scouters do and they hugged again.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet