BACK AT ONE

YOU

" Ingat ka dun, anak ha. Text ka kaagad kapag nakarating ka na sa hotel mo." Bilin ng Mommy ni Justin habang hinahatid siya sa kotse ang anak.

" Opo, Mommy. Alis na po ako."

" Take care, son. Make me prouder. See you after seven days." His dad.

Justin smiled and hugged his dad. Nawala na ang tampo niya dito. Kahit ganun ang daddy niya, alam niyang mahal na mahal siya nito. Kasalanan din naman niya kasi sinigawan niya ito sa telepono.

" Thanks, Dad. Tara na Kuya." He kissed his mom and went inside the car.

 

" This way, Sir." The stewardess led Justin to his chair.

He mouthed thank you and sat down. His phone suddenly beeped. Its his Kuyas. 

Bunso, sakin size 41 ha Labyuuu  - Kuya Stell

Jah, oks na sakin isang Chanel na leather jacket. - Kuya Josh

Mga baliw talaga tong mga Kuya niya kahit kelan. He laughed and of to turning his phone off. Mamaya na  niya ito rereplayan pagkadating niya sa hotel. He was almost drifting off to sleep when he felt someone sat beside him. He didn't bother and slowly closed his eyes.

Justin woke up. He slowly opened his eyes only to be surprised by the person beside him.

" Keefe! Ikaw ba yan? Anong ginagawa mo dito?" They hugged each other.

" Hi Jah, long tome no see. And yes, ako rin ang ipinadala ni Daddy for the convention. Nice to see you here. Akala ko mamatay na ako sa boredom dun sa Luxembourg." Exaggerated na sabi ni Keefe na ikinatawa naman ni Jah.

" Oo nga eh, ako rin naman. Buti na lang andito ka. May makakausap ako. Tsaka di masyadong dudugo ilong ko." 

Nasa gitna na sila ng tawanan ng may biglang sumabat sa likod.

" Tss. Ang iingay di ako makatulog."

Lumingon silang dalawa sa likod at biglang naningkit ang mata ni Justin ng makilala kung sino naa likod. Kilalang-kilala niya kung sino to kahi naka eyemask pa. Malakas ang radar niya kapag ito ang pinag uusapan. 

" Excuse me, Mister? Kung ayaw mo sa ingay eh, problema mo na yan! Epal! Wag mo na ngang pansinin yan Keefe, baka mahawahan ka ng kasungitan niya. Hmp!" Mahina ngunit madiin na sabi ni Jah dito.

" Hahahaha manahimik ka dyan Kenji! Nagmo moment kami ni Jah dito eh." Pang-aasar ni Keefe kay Ken.

" Magkakilala kayo?" Gulat na tanong ni Jah.

" Oo, kaibigan ko yang baliw na yan Jah since college pa, kami nina Sejun." Sagot ni Keefe.

" Ngayon hindi na." Sabat ni Ken.

" Bakit naman?" Balik-tanong ni Keefe habang nakikinig lang si Jah sa dalawa.

" Wag mo ng alamin." Pagsusungit ni Ken dito.

" Selos ka lang eh!" Sagot ni Keefe na tawang-tawa.

" Manahimik ka, baliw!" 

Selos daw? Kanino? Sakin? o kay Keefe? Bwisit na Suson 'to ginugulo na naman ang isip ko. Himutok ni Jah.

Nakarating naman ng payapa sina Jah sa hotel Le Place d'Armes na tutuluyan nila. May naka reserve na na rooms sa bawat isang participant. Pumasok agad si Jah sa kwarto niya para makapagpahinga at maghanda para sa unang araw ng seminar nila. Nagpa deliver na lang siya ng pagkain dahil sa sobrang pagod para bumaba. Naitext na rin niya ang pamilya niya tsaka si Josh at Stell na nasa hotel na siya para di sila mag alala.

 

" Good morning!" Kausap ni Jah sa sarili. Past 5am na kaya nag shower na siya. Inihanda na niya ang mga gagamitin niya for the seminar. Nagugutom na rin siya kaya dali dali siyang nag ayos ng sarili at nagpunta sa dining hall. There he saw a menu of French brasserie classics inside a chic space with decorative chandeliers & high ceilings.

" Wow!" Ang tanging nasambit  ni Jah. He went  to make an order when someone caught his attention. It was Ken who was laughing with a blonde girl at may pahampas hampas pa sa biceps nito. At ang loko, tawang tawa naman animo'y nag eenjoy. Inirapan niya ito at tumungo na sa counter. He was greeted by a cute guy. Jah smiled.

" Moien, Sir. Can I have your order? He gave Jah a sweet smile.

Kachkéis on buttered bread with a bit of mustard please and a cup of coffee." 

They were having a friendly conversation a little laugh when someone kissed him on the cheek na ikinagulat ni Justin. 

" Good morning Langga. Why you didn't wake me up? You know breakfast is best when I'm with you." Malanding sabi ni Ken sa kanya. Binalingan nito ang waiter sabay upo sa counter.

" Zréckgedréckt hien mäin." Sabi ni Ken na ikinamangha niya. Ang taray! Ang galing ng bab-- ang pangit niya! Hmp!

 Nagtaka siya bakit umalis ang lalaki while giving him an apologetic smile. Di siya marunong may Luembourgish kaya di niya maintindihan ang sinabi ni Ken. 

" Hoy! Anong sinabi mo dun sa lalaki ha? Bakit umalis yun?!!" Gigil na tanong niya dito pero tinawana lang siya.

" Aba't! Anong nakakatawa?? Ang epal mo Felip Jhon alam mo yun? Bakit? Ikaw lang ba may karapatang makipag kwentuhan dito ha. Bumalik ka na nga dun sa babae mo kesa ako ang iniistorbo mo!" Inis na inis na sabi ni Jah.

Umagang umaga naiistress siya sa lalaking to. Hanggang dito ba naman sinusundan siya. Hindi talaga siya mahal ni Mother Rainbow, huhu.

" Babae? Sinong babae? Saan?" Maang maangan ka pa ha. Sige lang, kala mo diyan.

" Nagseselos ba ang Langga ko? Wag mo ng pansinin yun, may itinatanong lang. Tara na, baka ma late pa tayo. Libre na lang kita mamaya para makabawi ako sa'yo. " Paglalambing nito sa kanya habang hinahawakan ang kamay niya.

Aminin man niya o hindi, kinikilig siya kay Ken. Mahirap labanan lalo na't may nakaraan sila na di niya makakalimutan. At hanggang ngayon, andun pa rin ang pagmamahal niya para dito pero di siya basta basta bibigay. Kanina nga lang may kausap ng babae kakadating pa lang ito. Napaka chickboy talaga. Kainis!

" Gah, ano? Wag ka ng mainis. Sige ka, tatanda ka kaagad. Pagnagtabi tayo aakalain ng ibang tao na Tito kita imbes boyfriend." Nakangising sabi nito sa kanya.

" Ang kapal mo! Bwisit ka!" Hampas niya dito at nilayasan niya ito. Bago pa man siya makalabas, hinawakan na nito anh kamay niya at bumulong.

" Rooftop after the convention. See you, Langga." And he left.

 

The first day of the convention went well. Andami niyang nakuhang inputs about business management. Nakita niya si Ken kanina at the far left, nasa bandang harapan siya. Hindi siya nito napansin and it gave him the chance to stare at him. He looked so handsome in his dark blue suit with his eyeglasses on. Far from the Ken in the dining hall kanina, he's even more alluring at mas lalo pang nakakainlove. It seemed like he felt something was looking at him at huling-huli siyang nakatitg dito.

He smiled and winked at him at itinuloy na ang ginagawa. 

" Yung puso ko, Mama." Jah whispered.

 

" Jah, tara! Sabay na tayong mag dinner." Yaya  ni Keefe sa kanya habang inaayos ang gamit niya.

" Sige, bihis muna ako. Kita na lang tayo sa lobby." At kumaway siya sa kaibigan.

Nakita niya si Ken sa tapat ng pinto sa kwarto niya, mukhang may hinihintay. Nang makita siya, agad itong ngumiti at nilapitan siya. As in malapit na malapit kaya tinakpan na lang niya ang mukha niya. He chuckled.

" Don't forget. Rooftop at 10." At umalis na.

 

Sobrang nag enjoy si Jah sa kwentuhan nila ni Keefe na di na niya namamalayan ang oras. Pagkadating niya sa kwarto, nag shower at nagbihis na siya para matulog. Habang chinicheck niya ang phone niya, bigla siyang napabangon ng may maalala.

" ! Anong oras na?' When he cheked the time, its already 12MN.

" Double !" Sobrang late na niya. Nagdadalawang-isip siya kung pupuntahan pa ba si Ken. Baka naman umalis na rin ito. Imposibleng hinintay pa siya nito. Kinuha niya yung jacket niya at tinungo ang rooftop.Wala ng masyadong tao sa paligid. 

" Ang rupok mo talaga Jah pagdating sa kanya." Inis na sambit niya sa sarili niya. 

Pagdating niya sa rooftop, nagulat siya sa nakita niya.

May candlelit dinner na nakahanda na napapalibutan ng mga bulaklak. He felt so guilty for not remembering Ken after seeing what he prepared.He saw a boquet of flowers on the table. Lumapit siya sa table and there, he saw the man that he loves sleeping on the table with his head bowed down. He felt something squeezed his heart at the sight of him. 

" Kawawa naman ang mahal ko, nakatulog na sa paghihintay sakin." He whispered and touched his cheek. 

Ken felt someone's presence. He opened his eyes only to be welcomed by a pair of misty eyes looking down at him.  Tumayo siya at hinarap ito.

" Langga, buti naka------"

Hindi na naituloy ni Ken ang sasabihin niya nang yakapin siya ni Jah ng mahigpit. Sa sobrang lakas ng impact, Ken miscalculated and they tumbled on the floor filled with balloons. Buti na lang makapal yung mat na ginamit. Mas nanaisin pa ni Ken na masaktan siya wag lang ang baby niya.

He felt his shirt became wet and tried to raise Justin's head but to no afford. Hinayaan na lang niya itong umiyak. Mamaya na lang niya ito tatanungin bakit. Sa ngayon, ang mahalaga, siya at si Jah magkayakap sa ilalim ng mga nagkikislapang bituin sa langit. He felt home. Justin is his home.

They were like on that position, Jah lying on his top while his head on Ken's chest while Ken was rubbing his back. Mayamaya, Justin raised  his head and the next thing he did sent him to Cloud 9.

 

" I'm sorry, Love." He whispered and gave him a lingering kiss. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet