Two

Sweet Little Nothings (ON HIATUS)

Hindi alam ni Patch kung ano ba ang itsura niya ngayon pero if she's gonna bet on it, either mukha siyang constipated o tangina-ka-ano-sinabi-mo ang mababasa sa mukha niya. 

Hindi niya inaasahan ito. Akala niya tapos na ang problema dahil naibalik na ang laptop at mukha namang walang nabago. Pero hindi pala.


"Uy ayos ka lang ba? Ba't parang namumutla ka?" nag-aalalang tanong ng babae. 


"P-paano mo nalaman?"


"Na ikaw si Lonely Potato? Ako nagsurrender sa dean ng laptop mo. First instinct ko kasi icheck yung laptop mismo baka nandun name mo at maibalik ko sa'yo mismo. Nakita ko nga pero di naman kita kilala so isinurrender ko na lang." Hindi umimik si Patch. Pinagpaplanuhan niya na kung paano makakalipat ng university, preferrable sa ibang city. "Teka, alam ba ng mga followers mo na ikaw si LonelyPotato2389?"


"Hindi."


Nagtitigan lang silang dalawa. Neither knew what the other was thinking. Matapos ang ilang saglit ay ngumisi ulit ang babae.

 

"Let me get this straight. Ikaw yung anonymous blogger na kilala sa univ AND ako lang ang nakakaalam ng real identity mo?" Tumango si Patch. "Interesting."


Dahan-dahan umatras si Patch, "Well nice to meet you see you around."


Bago pa siya tuluyang makaalis ay naglakad papalapit ang babae at hinawakan siya sa balikat. "Not so fast. I need something from you."


At that moment Patch knew she was gonna get in an even bigger trouble. Dinasalan niya na lahat ng gods and goddesses na kilala niya para lang maligtas siya but it was no use.

 

"N-need?"


"Yeah. I want you to help me with some things. First, tulungan mo ako magbenta ng concert tickets."


"Say what now? Mukha ba akong nagbebenta?"


"No but you have a lot of followers. People listen to you. I think meron at meron kang follower na bibili ng tickets ko."


"Ano bang tickets yan? Teka why am I even discussing this with you? It's a no."


The girl let out a chuckle, "It's funny how you think you have a choice."


"Look, you can blackmail me all you want. Pero tingin mo ba kahit ireveal mo yan sa buong univ eh may maniniwala sa'yo?"


Sumandal sa sasakyan na nakapark sa gilid ang babae which made her look cooler than she already looks, but Patch is never gonna admit that out loud. "Well you see I printed copies of your drafts along with screenshots of your laptop na may mukha mo with your dog as wallpaper."


Naramdaman ni Patch ang panunuyo ng kanyang lalamunan. Wala na siyang magagawa kundi pumayag sa gusto ng babae. 

 

"All I have to do is help you mabenta tickets mo then you'll leave me alone?"


"I'll think about it. I might want something else. Pero for now, yun muna."


"Okay. I have to go now. 7:30am ang first class ko and I can't be late." Hindi na sana maghihintay si Patch ng sagot mula sa babae. Wala na siya sa mood makipagusap. Gusto na lang niya magpalamon sa lupa.


"See you around, Patch. Don't you wanna know my name?"


Napasinghap si Patch at tumingin sa direksyon ng babae, "Is that a rhetorical question?"


Tumawa ang babae, "Ano ka ba, you sound so gloomy para namang pinapahirapan kita. I'm Unique Montenegro by the way. I'll see you later." Tinapik nito ang balikat ni Patch bago tuluyang umalis.


Gandang bungad sa school year, Patch. 


************

"Kung nakita mo lang talaga itsura niya Gwen. Gustong gusto ko siya ibalibag every time she smirks at me. Akala niya ata cute." Sumilip ang kaibigan mula sa banyo habang nagtootoothbrush at may sinabi na hindi maintindihan ni Patch. "Idura mo nga muna yan kadiri naman to."


Umirap si Gwen bago nagmumog at pumunta sa kinauupuan ng kaibigan, "Ang obnoxious naman ni ate girl. Cute naman ba?"


Patch glared at her. Tuwing may ikukwento ito yan ang laging unang itatanong ng kaibigan. Pero kung iisipin, cute nga ba? Below the shoulder ang length ng blonde hair nito. Bilugan ang mata at bagay lang sa height nito ang postura. Kung tutuusin, cute na. Pero hindi niya ito aaminin sa kaibigan.

 

"Meh. Not that cute for me."


Pinilit ni Patch kalimutan ang nangyari sa first few hours ng araw na ito. Nag-ayos siya, kumain ng almusal, at pumasok nang hindi iniisip ang posibleng datnan. All is well.


Or so she thought.


Second period, Inorganic Chemistry lecture. Nananahimik siya sa kanyang upuan (third row, pinakadulo sa kaliwa, as usual) at naglalaro ng Candy Crush nang dumating ang prof nila. Tumingin siya sa katabing upuan na bakante at nadismaya. 


Hindi naman siya maarte at hindi rin masungit. Pero for some reason everyone's intimidated by her. Second year na siya for crying out loud pero wala pa rin siyang nagiging kaibigan na kakurso. Minsan talaga hinihiling na lang niya na magshift sa Psych si Gwen kahit pa ibig sabihin noon ay kailangan niyang tiisin ang kaingayan ng kaibigan.


Nag-umpisa na magpakilala ang prof nila at nasa kalagitnaan na ng pagdidiscuss tungkol sa overview ng subject nang may marinig si Patch na familiar na boses. 


"Good morning ma'am, sorry I'm late."


No, this can't be happening, bulong ni Patch sa sarili. Imposible. Ganun na lang ba ka ang universe sa kanya para maging kaklase niya pa yung taong yun? 

 

Hindi na niya nagawa lumingon sa likod sa takot na makumpirma ang hinala. Pakiramdam niya mawawala na lang bigla ang babae kapag hindi niya ito pinansin.


Sa kasamaang palad, tumungo ang babae sa tabi niya. Oo, alam niyang siya ito dahil amoy Bench baby cologne.


"Uy Patch, didn't see you there. Musta?" Casual na pagkakasabi nito.


Wala na siyang magawa kundi iacknowledge ang presence ng katabi. Unti unti niya itong nilingon na para bang multo na kinakatakutan niyang makita. 

 

"Psych major ka? Seryoso?"


Tumawa ang babae, "Di ko alam kung mao-offend ba ako dyan o ano eh." Naglabas ito ng binder mula sa bag at nag-umpisa magtake down ng notes. "Hindi. Actually nagshift ako ng course kani-kanina lang para guluhin ka."


Napairap si Patch, "Nagtatanong nang maayos diba?"


"Oh sorry na. Ito naman di mabiro. Oo Psych major ako. Last year pa kita nakikita sadyang di lang nagtutugma scheds natin kaya siguro di mo ko masyadong napapansin."


Hindi na umimik si Patch. Sa katotohanan wala na siyang balak umimik buong period (heck, buong sem) kung di lang dahil sa getting-to-know activity na pakulo ng prof. Pinatayo sila isa isa at pinabunot ng papel sa isang box at hindi nila pwedeng tignan ang laman ng papel. Idinikit nila ang papel sa kanilang noo at ang instruction ay makahanap ng ka-pair na gugustuhin mo base sa mga qualities na nakasulat sa noo niya.


Lumibot si Patch at nakakita ng mga salitang "Mabaho, Maganda, Masarap magluto" sa noo ng isa at "Matalino, Talented, Mapanakit" naman sa isa. At this point willing na siya maki-pair sa kung sino man just to get it over with. Sa kasamaang palad, bawat lalapitan niya ay bigla na lang makakahanap ng partner o kaya sadyang iiwas lang.


Pasuko na siya nang may kumalabit sa kanya, "Tayo na lang partners oh. Hassle maghanap walang may gusto sa akin." Binasa niya ang nasa noo ni Unique, Matapobre, Snob, Charming at natawa. "Wow ako talaga tinatawanan mo ha miss masungit at manyak?"


Nagulat si Patch sa narinig pero ilang saglit lang ay natawa ulit ito. "Fine, ngayon lang. Mukhang walang may gusto sa atin pareho eh. Paano ba naman, ayusin mo na kasi pagiging matapobre at snob mo."


Humawak sa dibdib si Unique na para bang nasaktan sa narinig, "The truth is a hard pill to swallow talaga," tumawa na naman si Patch. "Marunong ka naman palang ngumiti eh. You should do that more often. It suits you."


Di namalayan ni Patch na nakatitig sa kanya ang babae na dahilan para umiwas siya ng tingin. Pagtapos ng pairing ay may ipinagawa pang activity ang prof bago sila dinismiss. 


Binilisan ni Patch magligpit ng gamit at umalis sa classroom hoping na makatakas kay Unique pero nakaramdam yata ito at humabol sa kanya sa lobby ng 6th floor.

 

"Patch, wait lang. Ang bilis mo naman maglakad. May metro?" Pagbibiro nito. "Ito nga pala yung tickets na gusto kong ipabenta," nilabas niya ito mula sa bag na hawak, "You think you'd be able to sell it?"


Binaliktad ni Patch ang papel at halos mapatili. Daniel Caesar concert tickets for November 23, 2019. Dalawang taon na nagfafangirl si Patch sa singer kaya naman hindi na niya pinalampas ang pagkakataon mapanood ito live at nang magticket selling ay isa siya sa mga pumila pa sa mismong ticket booth sa SM. Unfortunately, naubusan siya dahil sa mga bumili online. 

And now this comes along. Hindi niya maexplain ang pakiramdam na mahawakan ang pinapangarap na ticket. 

There's just one problem though. Nagastos na niya ang ipon na para sana sa ticket. Pagtapos umuwing luhaan after maubusan ng ticket ay napadaan si Patch sa camera store at napabili ng instax. Screw her and her impulsiveness.

 

Nakatitig lamang si Unique sa babae na hindi niya maintindihan kung bakit pero mukha itong naiiyak. Did the singer remind her of something sad? Or maybe someone?

Napailing na lang siya. Ano yun? Parehong pareho kayo ng pinagdaanan, Unique? 


"Patch natatakot ako sa reaction mo," pag-amin nito sa babae. "Did I say or do anything wrong?"


Napatigil naman si Patch sa kanyang trip down memory lane at tumingin sa kausap, "Sorry I kinda spaced out. It's just that I'm a fan din and I didn't expect na kay Daniel Caesar pala yung ipapabenta mo. When do you need the money for this ba?"

 

"As soon as possible. To be honest I just want to get rid of that. Kung di lang yan VIP tickets baka hindi ko na nga ipabayad eh kaso sayang."


"If you don't mind me asking, why do you want to sell this?" Patch regretted the words as soon as it left . Ayaw niya magmukhang chismosa. "Shoot, sorry. I don't mean to pry. Nevermind."


"No it's okay. Sabi nga nila one of the most important things to do to heal is to talk about what hurt you diba," ngumiti ito. "I bought that as an anniversary gift para sa girlfriend ko pero she broke up with me two weeks ago and I don't think I can go to that concert alone."


Nagsisi lalo si Patch sa pagtatanong. She never was good at comforting anyone. Let alone someone she's not close with.


"I'm sorry to hear that, Unique."


"Wow that's the first time you actually called me by my name." Sagot nito na manghang-mangha. Napairap naman si Patch sa reaksyon nito.


"The situation called for it eh. Wouldn't have done it sana."


"Alam mo ang sungit mo" pang-asar ni Unique.


"Well strategy ko yun talaga para lubayan mo na ako."


"Hah, it won't be that easy to get rid of me." Kumindat ito na dahilan kung bakit inirapan uli siya ni Patch. "Feeling ko kamo nababawasan lifespan ko every time iniirapan mo ako. And sa iksi ng panahong magkakilala tayo, mga isang oras na ata nabawas."


Huminto si Patch sa paglalakad, "Ang dami mong alam ano? Anyways this is my stop so I'll see you later. Bye kups."


"Kups?"


"Short for kupal. Either that or kutong lupa. Take your pick."


"Aw, sweet mo naman. May endearment ka na agad for me? Pafall amputa."


She opted not to answer back. Tumalikod na si Patch at naglakad palayo sa babae. Hindi rin niya alam kung bakit pero hindi maalis ang ngiti sa kanyang mukha.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
chaeng03 #1
Chapter 2: sana naman hindi si Jennie ang ex ni Lisa dito diba?