Three

Sweet Little Nothings (ON HIATUS)

"Crush mo eh."

 

Muntik nang maibuga ni Patch ang gulaman na nasa bibig. Nasa kalagitnaan sila ng pagfofoodtrip ni Gwen at ngayon pa balak itopic ng kaibigan ang nangyari.

 

"Ulul."


"Nice argument," sarcastic na sagot nito bago kumagat ng cheese stick. "Patch sa tagal nating pagkakaibigan walang ni isang beses na nauna mong marealize na type mo ang isang tao. Laging ako nagpopoint out nun sa'yo. Don't think this time is any different."


Siguro kasalanan na rin ni Patch na lahat ikinukwento niya sa kaibigan kaya ngayon siya tuloy ang kinakawawa nito. Hindi na kasi niya namamalayan na nasasabi niya bawat pangyayari (madalas kahit mga iniisip niya) sa buhay niya kay Gwen. 

Tumusok siya ng isang kwek kwek habang nag-iisip ng isasagot. Kahit mas magaling sa arguments si Gwen ay ayaw niya pag natatalo siya nito at ang ending ay hindi na siya iimik.


Mabuti na lang ang kaibigan na ang nag-iba ng usapan.


"Nga pala, kumusta kapatid mo? First day niya sa college ah."


Shoot, oo nga pala. Magdidinner si Patch kasama ang kapatid.


"Ay oo nga pala she invited me to dinner. Sorryyyy ngayon ko lang naalala."


"De wala ganyan ka talaga," pagbibiro ni Gwen, dahilan para siringan niya ang kaibigan. "Joke lang kasi. Ayos lang naman dude hindi ko naman masusunog unit natin sa isang beses na di mo ko mababantayan sa kusina."


"Why don't you come with us na lang? I'm sure she won't mind. You're practically best friends na rin since we all grew up together."


Naningkit ang mga mata ni Gwen, "Sa lahat ng sinabi mo isa lang ang hindi false, yung we all grew up together. First, we are not best friends. And second, she hates me."


"Whaaaaaat," napataas masyado ang boses ni Patch na halatang di kumbinsido sa sariling sinasabi. "She does not."


"Wag na tayo mag-gaguhan dito dude. She actually said it one time na she hates me. And I'm sorry, I know she's your sister but I can't stand her."


Napabuntong hininga si Patch. Hindi naman siya bulag o tanga para hindi mapansin na merong di maipaliwanag na tension sa pagitan ng kapatid at best friend. Hindi nga lang niya maintindihan dahil up until they were 11 and 12 years old ay magkasundo pa ang dalawa. Then came high school at naging aso't pusa na sila.


"Fine, hate each other all you want pero can't you be civil lang on the outside? You're two of the most important people in my life na nandito sa university. It would be really hard not being able to have you two in the same room together."


"Patch…" 


"Come on, Gwen. For me?" Nagpuppy eyes pa ito. "And hey, pinagbigyan kita nung akwe. Itong dinner 3 hours at most lang."


"Ah ganun sumbatan na tayo?" Umirap ang kaibigan. "Fine. But you have to talk to her too."


************


"Ate anong ginagawa niya dito?" pabulong na tanong ni Shae sa kapatid.


"Bumulong ka pa talaga ano." 


Pumagitna si Patch sa pagitan ng dalawa, "Saan niyo gustong umupo? I think mas maganda dun sa dulo kasi may sandalan yung seats."


Effective naman ang strategy ni Patch dahil naglakad na paalis ang dalawa. Sa loob looban niya nagbibilang siya kung ilang segundo ba tatagal na hindi sila nagsasagutan.


True enough, pagdating ng menu ay nag-umpisa na naman.


"Masarap dito yung honey garlic na chicken nila. Try natin yun dude?" pagtanong ni Gwen nang hindi inaalis ang mata sa menu.


"I'm allergic to chicken" pagsabat ni Shae.


"Edi umorder ka ng ibang pagkain," sagot ni Gwen na hindi pa rin inaalis ang mata sa menu. "How about seafood pasta? Mukhang masarap oh."


"Hindi ako pwede sa hipon." 


"Wag ka na lang kaya kumain?" Gwen retorted through gritted teeth. Medyo napalakas pa yata dahil tumingin sa kanila ang couple na nasa kabilang table.


Nilapag ni Shae ang menu before glaring at Gwen, "Kami lang magdidinner dapat ni ate originally. So kung may hindi kakain, dapat ikaw yun."


Sasagot pa sana uli si Gwen nang magtaas na ng kamay si Patch at sumenyas sa waitress. Para hindi na magtalo ang dalawang kasama ay umorder na lang siya ng Lasagna at ng Meat Overload Pizza. 


"Look, we have to do something about this thing you guys have," bungad ni Patch pagkaalis ng waitress. "Hindi na kayo mga bata para maging valid yang ganyan niyong pag-aaway."


"She always starts it" depensa ni Gwen.


"I don't care who starts it. Gwen, mas matanda ka kung tutuusin and I know ang unfair ng ganitong paniniwala pero you're expected to be the bigger person. Ikaw naman Shae, wag kang nag-uumpisa ng gulo."


Hindi umimik ang dalawa at nakayuko lamang na parang mga batang napagalitan.


"I'm sorry, Gwen. From now on I'll be nicer to you. No promises though."


Inangat ni Gwen ang ulo para tignan kung sincere ba ang sinasabi ng kausap. Mukha naman. "Apology accepted. I'm sorry kung pinapatulan kita sa pagsusungit mo."


"Hay salamat. Utang na loob umayos na kayo talaga ha? Wag naman sorry ngayon tas away uli mamaya."


"We'll be good, we promise." Sagot ni Gwen. 


"Good," Lumingon si Patch sa kapatid, "Did you sign up for the volleyball team? Balita ko today ang umpisa nun ah."


"Um yes I did but I'm not sure I could go through with it."


"Why not?" Pag-usisa ni Gwen na halatang interesado sa usapan. 


"Ewan. I think natatakot ako. I'm not really sure. You know sa dati kong school I already established a reputation so it wasn't that hard. Pero ngayon back to square one ako and naiintimidate pa ako sa mga kasabay ko na nagsign up."


Nakayuko lang si Shae the entire time she was talking at nagkatitigan na lamang ang magkaibigan. Hindi man masyadong gusto ni Gwen ang kapatid ng best friend ay pakiramdam nito na bilang mas nakakatanda ay kailangan niyang bantayan si Shae. 


On the other hand, hindi makaisip si Patch ng paraan para mapilit ang kapatid na sumali. She doesn't know anything about sports to begin with. Fortunately, she was eventually put out of her misery nang magsalita ang kaibigan.


"You know there's no point kung magpapaintimidate ka sa mga kasabay mo, right?" Pagtatanong ni Gwen. "I mean yeah ganyan din ako nung nagsign up until tryouts. Mind you, dalawang beses pa ang tryouts namin noon so doble kaba."


"Wait, you play?" Tumingala si Shae. 


Tumango si Gwen bago nagpatuloy, "Ace yata nila 'to," pinalo pa niya ang dibdib para patunayan ang punto. Napairap na lamang nang sabay ang magkapatid. "Pero kidding aside, I'm really encouraging you to try it. Kung hindi makapasok, edi fine. More time for other stuff. Pero malay mo makapasok diba? Edi magkikita pa tayo sa intrams. Magkalaban nga lang."


Ngumiti si Shae na para bang natutuwa sa ideya na makakalaban niya ito. Gwen didn't know it pero one of the best ways to persuade Shae ay itrigger ang competitive side nito. Fool proof.


"You're telling me makakalaban kita?" Her smile grew wider.


"Oo ganun talaga. Lahat ng departments eh. So ano, sasali ka na? Unless takot kang matalo kita?" Pang-aasar ni Gwen. 

 

"Hah, you wish. Humanda ka sa akin pag nakapasok ako at natapat department niyo sa amin."

 

Umubo si Patch, "Guys I'm still here in case anyone cares." 


"Ay may tao pala dito Shae?" Pagbibiro ni Gwen.


"Oo nga 'no. Di ko napansin eh akala ko dalawa lang tayo."

 

Inirapan ni Patch ang dalawa. Hindi niya alam kung magsisisi ba siya at pinagbati pa ang kapatid at best friend. Ngayon siya tuloy ang napagtutulungan.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
chaeng03 #1
Chapter 2: sana naman hindi si Jennie ang ex ni Lisa dito diba?