Four

Sweet Little Nothings (ON HIATUS)

"Miss Matawaran?"

 

Lumingon si Patch sa likuran niya kung saan nakatayo ang Inorganic Chemistry prof nila na sumesenyas na lumapit siya.

 

"Yes ma'am?"

 

"Have you been in touch with Miss Montenegro? Is she okay? Tatlong meetings na ang namiss niya. If this goes on baka madrop niya subject ko."


Napailing na lang si Patch sa narinig. Sigurado namang alam ni Unique ang policy ng university. Nag-iwan na rin siya ng maraming messages hindi lang sa text kundi pati sa iba't ibang social media accounts nito. Bakit ba siya nagkakaganito?


Hindi maiwasan ni Patch mag-alala dahil a) aminin niya man o hindi, kaibigan na niya ito at b) ano na mangyayari sa deal nila?


"Ma'am hindi ko po siya nakakausap. I'm sorry po." 


Tumango ang prof, "Okay. Kung makausap mo man siya, sabihin mo kumuha lang ng admission slip at makakapasok na siya sa klase ko."


Pagtapos umalis ng prof ay inilabas agad ni Patch ang phone at tinawagan ang number ni Unique. Hindi siya matatahimik hangga't di niya makausap ito.


Nakapagprepare na siya sa isip ng mahabang speech, most of it being defensive about worrying too much, habang nagriring ang kabilang linya. Inaasahan ni Patch na ilang ulit niya pa kakailanganin uliting tumawag pero nagulat siya nang sinagot na ito.


Hello?


"Unique? Si Patch 'to. Narereceive mo ba messages ko? I was kinda worried na buong week ka nang wala."


Narinig ni Patch na tumawa ito na medyo kinainis niya. Siya na nga lang itong nagmamalasakit tas tatawanan lang siya?


"Alam mo ewan ko sa'yo pero if you think this is all just a big joke--"


Patch, kalma. Hindi ikaw tinatawanan ko. Honestly? It feels good someone cares enough para tawagan pa ako. Nakakapanibago after all the that's going on in my life.


Hindi sigurado si Patch pero lumungkot ang tono ng kausap. Nagsisi tuloy siya na papagalitan sana niya ito kanina.


"I'm sorry for getting mad. Come to school na please? Wala na nambwibwisit sa akin and frankly, I kinda miss it."


Tumawa na naman ito na dahilan para mapairap si Patch. Naimagine niya ang pagsingkit ng mga mata nito na nakakadagdag sa pagkabwisit niya tuwing inaasar siya nito.


Ayun naman pala eh, miss mo lang ako. Sana sinabi mo na lang agad.


"Cut it out. Seryoso kasi pasok ka na. Like right now."


I don't feel like coming to school today. Dalawang subjects na rin naman namiss ko. 


"Unique…"


Oh wag mo na ako sermunan. I promise I'll come to school tomorrow. Just give me today, please?


"Fine. Are you planning on doing something?"


Biglang nawala ang kausap ni Patch sa kabilang linya. Akala niya nawalan lang ng signal ang kausap nang biglang may magtakip ng mga mata niya mula sa likuran at may kasunod na pamilyar na boses.


"Guess who?"


Tumalikod siya at nakita si Unique na nakangiti nang malawak. Hindi napansin ni Patch na napangiti na rin siya.


"Akala ko ba hindi ka ba papasok?"


"Sino ba may sabing papasok ako?"


Kumunot ang noo ni Patch, "Eh anong ginagawa mo dito?"


"Sinusundo ka. Sasamahan mo ko."


Napaatras siya ng isang hakbang, "Hard pass. Kalahating oras na lang before next period."


"Take the rest of the day off please? I just really need someone right now."


Tatanggi na sana agad si Patch nang mapatingin siya sa mga mata ni Unique. Akala niya ine-exaggerate lang ng mga tao sa libro kapag sinasabi nilang nakikita nila ang kalungkutan sa mga mata ng isang tao, pero ngayon pakiramdam niya ay ganun ang nakikita niya kay Unique. 


"Sayang yung perfect attendance ko." Nagpout ito.


"Wala namang bearing sa grades 'yun eh. Sige na just this day. It will be the one favor I'll ever ask from you."


Saglit na napaisip si Patch sa kung ano mang posible niyang mamiss sa pagabsent for the rest of the day. Nang masiguro na puro lectures lang sila ay tumango ito at napangiti na naman ng malawak ang kasama.


"Napakabad influence mo talaga. Kainis."


**********

Hindi namalayan ni Patch na nakarating na sila sa kanilang destination. Pakiramdam niya ay ilang minuto pa lang mula noong ipatong niya ang kanyang ulo sa balikat ni Unique para umidlip.


Pagbaba niya sa bus ay sinalubong siya ng preskong hangin. Ganito pala sa Sagada. Parang ayaw niya na bumalik ng Baguio.


"Ganda 'no?"


Lumingon siya kay Unique na nakatingin lang sa malayo. Nakangiti ito pero hindi tulad ng pangkaraniwan niyang ngiti na maloko. She doesn't look happy though. More of like relieved.


Huminga ito nang malalim at umakbay kay Patch bago nag-umpisang maglakad.

 

"Bakit dito mo naisipan pumunta?"


"Wala naman. Felt like it was a nice place to breathe. Actually matagal ko na itong gustong puntahan."


"Why now?"


"Because I realized I keep delaying things I want to do only to find myself never actually doing any of it." Napangiti ng bahagya si Patch na hindi naman nakatakas sa paningin ni Unique. Siniko siya nito. "Tinatawanan mo na ako ngayon?"


"Hindi ako tumatawa," paglinaw ni Patch. "First time lang kita marinig magsabi ng something profound like that ever since we met. Ang refreshing."


"What, you think I'm not capable of taking anything seriously?" Pagtaas nito ng kilay nang pabiro.


"No. I think seryoso ka namang tao. Pero you use humor as a defense mechanism because you're afraid of letting anyone truly in only to disappoint you in the end."


Narealize lang ni Patch ang sinabi pagtapos na niyang bitawan ang mga salita. Ito ang sinabi sa kanya ng kaibigang si Gwen na "classic Patch Matawaran". Hindi niya napapansin na naivo-voice out niya ang thoughts niya about something or someone.


Natatakot si Patch sa posibleng ireact ni Unique. Totoo naman na ganun ang tingin niya sa kanya pero pakiramdam niya ay hindi pa sila ganun ka-close para sabihin niya ang mga yun.


Surprisingly, nahuli niyang nakangiti na naman si Unique paglingon niya rito. Pero hindi ang usual na ngiti nito. Bumalik na naman ang kalungkutan sa mga mata niya.


"I'm sorry Unique I didn't mean to--"


"I haven't told you about this pero I grew up with my lola."


Umupo sa isang bato si Unique na nasa tuktok ng bundok. Sumunod si Patch at namangha sa ganda ng tanawin na nasa harap niya. 


"My grandparents took care of me ever since I was a baby. Lolo died when I was four and mula noon it has been me and my lola na lang. My mom bailed on my dad after I was born and my dad killed himself weeks later."


Hindi alam ni Patch ang sasabihin. Hindi niya inaasahan na mago-open up ang kaibigan sa kanya ngayon. 


"I know ginawa lahat ni lola para hindi ko mafeel na may kulang sa buhay ko, sa akin. Pero some days napapaisip na lang talaga ako. Some families, although incomplete, may isang parent na natitira. Either mom or dad. Pero bakit sa akin wala?"


Tumingin si Unique kay Patch na para bang naghahanap talaga ng sagot sa kanyang tanong. Naawa si Patch sa kaibigan. Oo alam niyang hindi makakatulong ang awa sa pinagdadaanan ni Unique pero hindi niya maiwasan.


"You know how in books and movies people complain about being unwanted and all? Well I've been feeling that my whole life. Why don't they want me, Patch? Why doesn't anyone want me?"


Unique's voice broke mid-sentence, at hindi na niya mapigilan maiyak nang tuluyan. Umusog papalapit si Patch sa kaibigan at niyakap ito. Nao-overwhelm siya sa halo halong emosyon na nararamdaman niya. Part of her is naaawa. The other part ay masaya na pinagkakatiwalaan siya enough nito para magopen up. 


Hinayaan lang niya umiyak si Unique sa kanyang balikat nang ilang minuto. Ayaw na sana niyang magsalita sa takot na makadagdag pa sa sakit na nararamdaman nito pero hindi niya napigilan.


"Unique?"


"Hm?" Inangat nito ang kanyang ulo at tumingin sa kanya. 


Bahagyang napangiti si Patch dahil sa mukha ng kaibigan. Namumula ang mga mata at ilong nito pero for some reason ang cute tignan.


"About what you said, hindi yun totoo."


"Alin dun?"


"The last one," Yumuko si Patch bago magpatuloy, "You may feel like it, pero hindi naman lahat ayaw sa'yo. I want you."


Hindi inangat ni Patch ang kanyang ulo sa takot na salubungin siya ng pang-aasar ni Unique dahil sa sinabi. Ngunit nagulat siya nang maramdaman niyang may humawak sa kamay niya.


Tumingin siya kay Unique na nakangiti lang habang nakatingin sa malayo. It was the kind of silence that felt comfortable. Hindi na kailangan icomplicate ng mga salita ang moment na meron sila.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
chaeng03 #1
Chapter 2: sana naman hindi si Jennie ang ex ni Lisa dito diba?