One

Sweet Little Nothings (ON HIATUS)

"Patch ano ba yan, nandito nga tayo para makisocialize diba? Put the laptop down."


Nagpatuloy lang siya sa pagtatype, completely ignoring her good friend Gwen na nakapamewang sa harap niya. Pinagbigyan na nga niya ang kaibigan na hatakin siya sa Acquaintance Party kahit na paulit-ulit niyang sinabi na wala siyang mapapala doon at wala siyang gana makipagsiksikan sa entrance ng PB gym. 

Nevertheless, nagwagi ang kaibigan. Gwen had always been good at convincing her. Kaya rin siguro Marketing ang course na pinili nito. 

Well if she's gonna be honest, minsan pumapayag siya sa gusto ng kaibigan dahil magaling ito mamilit. Pero minsan talaga umo-oo na lang siya dahil hindi siya nito tatantanan. That's Gwen Serafica for you.


She got completely lost in her thoughts at di niya namalayan ang pagkuha ng kaibigan sa laptop niya.


"Gwen, cut it out. Kailangan ko ipublish yan tonight. I've been working on that since Wednesday."


"I'm not giving this back until the party is over. Seriously dude, who brings a laptop to a party?" Bago pa siya makasagot ay sinara ng kaibigan ang laptop at ipinasok sa bag. "Patricia sinasabi ko talaga sa'yo di makakauwi nang buo 'tong laptop mo pag di ka tumayo d'yan at makimingle."


"But--"


Siniringan siya ng kaibigan before mouthig the words go.


Reluctantly, tumayo siya at pumunta sa food section para kumuha ng inumin. Inabutan siya ng baso ng isa sa mga student servers na nakangisi. Creep.


Humanap siya ng bakanteng pwesto sa bandang likod ng gym kung saan di siya makikita ng kaibigan at mahahatak sa gitna ng dance floor. Mahal ni Patch ang kaibigan, pero minsan gusto na lang niya lubayan siya nito. 


Inamoy niya ang hawak na juice—one of her quirks na di niya maexplain bakit niya ba ginagawa—bago ito inumin. May kakaibang lasa ang inumin pero hindi na niya pinansin. Nanatili lang siya sa kinatatayuan for God knows how long. Hindi niya namalayan na naubos na ang laman ng baso and before she knew it, she went back para manguha ng panibago. 

Hindi na niya alam kung nakailang balik pa siya sa table (she stopped counting after five), but the next thing she knew ay nagsusuka na siya sa CR habang may nakawak sa buhok niya na babaeng hindi niya kilala. 


After that, everything went black.


****************


"Putangina," bulong ni Patch sa sarili habang dahan dahang binubuksan ang mga mata. Ganito ba talaga kaliwanag sa kwarto nila tuwing umaga? Bakit ngayong lang siya nairita sa sinag ng araw? At bakit parang binibiyak ulo niya? 

 

Tumayo siya nang hindi pa tuluyang binubuksan ang mga mata, which she realized was a wrong move matapos niyang madapa dahil may katawan ng tao na nakaharang sa dadaanan niya.


"Aray ko naman Patricia," reklamo ni Gwen na nakakunot din ang noo at hindi makadilat, "Teka ang liwanag. Kinukuha na ba ako ni Lord?"


"Dami mong alam. Tumayo ka na nga dyan," tinalikuran lang siya ng kaibigan bago bumalik sa pagtulog. "Gwen ang lapit na ng kama mo oh. Dun ka na please? Ang laki mong kalat dyan."


Humarap ito bigla, "Ang sakit pakinggan no'n ha."


Tumungo sa kusina si Patch para uminom ng tubig at humanap ng kung ano mang pwedeng kainin na hindi kailangan ng masyadong effort. Kailangan lang malamnan ng tiyan niya para makabalik na uli siya sa pagtulog. Sobrang pinagsisisihan na niya ang pag-inom ng juice na may kahina-hinalang lasa. 

Hindi pala, pinagsisisihan na niyang sumama kay Gwen sa party at all. Which reminds her…


"Oy Gwen," sumilip ito sa maliit na bintana ng kusina, "Saan mo nilagay laptop ko? Kailangan ko na tapusin yung sinusulat ko."


Napabangon ang kaibigan, ". Oh oh oh ," humawak ito saglit sa noo bago nagmadali na maghanap sa kwarto. "Okay don't freak out ha pero I don't think nauwi ko yung laptop mo."


"ANO? SERYOSO KA BA? NANDOON LAHAT NG DRAFTS NG BAWAT BLOG KO. YOU KNOW HINDI PWEDE MALAMAN NG KAHIT SINO NA AKIN YUN DIBA"


"Sorry sorry sorry Patch. I promise I'll find it and return it to you in one piece." Nagpalit ang kaibigan ng damit bago kumaripas palabas ng kwarto.


Napahilamos sa mukha si Patch. Hindi pwedeng may makaalam na siya ang may-ari ng The Pea.


*************

 

"Tada," nilapag ni Gwen ang laptop sa harap ng kaibigan. "I told you makakabalik yan sayo in one piece."


Dali-daling binuksan ni Patch ang laptop at tinignan ang mga files. Pagtapos ng ilang minuto ay napabuntong hininga na lang siya. Walang nawawala. Mabuti na lang at walang nangialam, bago pa man din ang laptop at hindi niya pa nalagyan ng password. Pero base sa itsura nito, mukha namang hindi nagalaw.

Humarap si Patch sa kaibigan na nakangiti na medyo mukhang natatae, bago niya ito hinampas.

 

"Next time wag mo na kukunin sa akin 'tong baby ko. Halos maiyak na ako sa kaba kanina akala ko may nanguha na."


"Sorry na. For the record, pag di ko yan nahanap bibilhan kita agad ng bago basta wag ka lang magalit sa akin."


"Hindi naman yung laptop ang importante dito Gwen, yung mga files ko. Buti na lang talaga hindi napunta sa masamang kamay kundi hindi ko na alam gagawin ko."


She shuddered at the thought. Nagflash bigla sa utak niya ang scene na madadatnan niya sa univ kinabukasan kung sakali mang kumalat na siya si LonelyPotato2389. 


Itinabi muna niya ang laptop bago bumalik sa pagtulog. Wala siyang pakialam kung 6pm na at may posibilidad na bukas na ng umaga siya magising. Kailangan niya bawiin ang tulog bago sumabak sa pag-aaral ulit bukas. Inorganic Chemistry here we go.

 

**************

Hindi alam ni Patch ang gagawin. Parang kanina lang ang tahi-tahimik ng buhay niya pero ngayon meron na siyang pinoproblema. 


Ang ganda ng gising niya kaninang umaga. Kahit sino ba naman na makatulog ng 11 hours straight magiging maganda ang gising. So she opted to go for a jog since tatlong oras pa bago ang first class. 


Habang dumadaan sa McDo Boni ay may napansin siyang passed out na babae sa tabi ng isang sasakyan. Completely panicking, nilapitan niya ang babae at tinapik sa braso. No response. Idinikit niya ang tenga niya sa dibdib ng babae, buhay pa naman. 

 

"Miss? Naririnig mo ba ako?" Kumaway kaway siya sa mukha nito ngunit wala pa ring imik ang babae. 


Tumingin sa paligid si Patch at baka sakaling merong ibang pwedeng tumulong. Hindi siya prepared sa mga ganitong sitwasyon. The worst case of passing out she witnessed ay kay Gwen na hindi talaga magising kahit anong gawin ni Patch. Pero at least yun kilala niya. Itong babae hindi.


Inalala niya ang lessons nila tungkol sa CPR, check for signs of breathing and heartbeat, tapikin ang pisngi ng tao baka sakaling magrespond, at humanap ng posibleng nakakakilala sa tao. 


This is the part she never wants to do, ang pagmouth-to-mouth. Deep inside nanalangin siya na mabango ang hininga ng babae. Mukha namang malinis sa katawan ito.

 

Pinagalitan ni Patch ang sarili sa iniisip. May nangangailangan ng tulong pero nagawa pa niya isipin kung mabango ang hininga ng babae? 


Unti-unti niyang nilapit ang mukha sa babae habang nakapikit.  Ngunit nang malapit na dumampi ang labi niya rito ay may narinig siyang boses.


"What the hell are you doing?"


Napaatras bigla si Patch pagkakitang nakadilat ang babae. Pasalamat na lang siya at mukhang nanghihina pa ito kundi baka nasampal pa siya. 

 

"Thank God you're alive," napabuntong hininga si Patch, "Kinabahan ako akala ko masasangkot pa ako sa possible crime."


Umupo ang babae habang hinihimas ang noo nito, "Ganun ba. Sorry for troubling you. You can go now."


Napataas ng kilay si Patch sa narinig. Wala man lang thank you for the concern? Or kahit thank you lang talaga? The nerve of this person.

Lumingon ang babae sa direksyon ni Patch, nagtataka kung bakit hindi pa rin ito umaalis. "Is there anything else?"


"How about a thank you?" Hindi napigilan ni Patch na magsungit.


The girl's lips curled into a smirk na lalong ikinainis ni Patch for some reason. "Ah oo nga where are my manners?" Tumayo ito at may parte sa utak ni Patch na hiniling na sana nanatili na lang itong nakaupo dahil ngayon nanliliit siya. Kung ieestimate baka hanggang tenga lang siya nitong babae. "Thank you for trying to save my life…" Tumingin ito sa kanya na parang may hinihintay.


"Patch Matawaran."


"…Patch Matawaran—Wait. I know that name." Kumunot ang noo nito na parang nag-iisip. Ilang segundo makalipas ay napangiti ito nang malawak bago sambitin ang mga salitang kinatatakutan ni Patch. "Ikaw si LonelyPotato2389, one of the famous bloggers ng univ, diba?"

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
chaeng03 #1
Chapter 2: sana naman hindi si Jennie ang ex ni Lisa dito diba?