Act V: The Understudy (FIL)

In this Universe We Are Unstoppable Beings
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

 

 A/N: hello! this is NOT the 6th story’s continuation. :D i read this prompt (based on the Weekly Idol teaser) on Twitter so i thought i’d try to write it in Filipino. I'll translate it as soon as I can (or if needed!)

 

special thanks to Twitter user: @hi_ddeulgi for the prompt and for letting me use it :D

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Nakakumpol ang tatlong magkakaibigan sa isang parte ng silid. Halatang problemado.

 

“Sure na ba, hindi talaga kaya?”

 

“Malamang. Tigdas yun eh.”

 

“Tangina talaga.” Mura ni Joy. Hindi niya alam kung saan ibabaling ang galit niya kaya kay Persida Acosta na lang siguro. Tama, kasalanan niya ‘tong lahat.

 

Pakiramdam ni Joy, guguho na mundo niya nung binalita sa kanya ito ni Seulgi at Yeri. Isang linggo na lang, pagtatanghal na. Ngunit, sa hindi inaasahang pangyayari, biglang nagkasakit yung gaganap na partner niya. Kundi ka ba naman talaga minamalas.

 

Hinawi niya ang kanyang mahabang buhok para pakalmahin ang kanyang sarili. “Eh, paano na ‘yan? Paano grade natin?” Pag-alala niya. Final project na kasi ‘to, laking hatak sa grade kung maagrabyado pa.

 

Nagtinginan sina Direk Yeri at ang head ng costume at props department na si Seulgi, at saka siya inakbayan. “Para kang timang.” Tawa ni Seulgi. “Papabayaan ka ba namin? May nakuha na tayong kapalit, ano ka ba?”

 

“Napapayag ko na si Wendy.” Masaya niyang binalita sa mas matangkad na kaibigan. “Binigay ko na nga yung script eh. Papasok na ‘yun.”

 

Agad naman na pumiglas si Joy sa pagka-akbay ni Seulgi. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. “Gago? Eh, ang liit nun ah?”

 

Gustong batukan ni Joy ang kanyang sarili. Bakit ba ‘yun yung unang bagay na lumabas sa bibig niya? Ang cute kaya ni Wendy. Matalino pa. Mabait pa. Tapos—

 

“Ang arte mo, Joy!” Naiinis na sinabi ni Direk Yeri. “Galing-galing umarte nun, ano ka ba! Wala ka nang magagawa, wag kang choosy diyan. Sige na, aayusin pa namin yung play.” Huling sabi niya bago iwan ang dalawa.

 

“Ikaw na rin ang nagsabi, grade natin ‘to. Sige na.” Dagdag ni Seulgi. Dapat kasi si Wendy ang kasama niyang gumawa ng stage design at mga props.  Pero dahil wala na silang choice, naging understudy pa ang kanyang bestfriend.

 

‘Di naman siya choosy.  Subalit, may mas magandang ideya na naisip si Joy. Agad-agad siyang naging maamo sa kaibigan. “...Seulgi”

 

Nilingkis niya ang kanyang mga braso at sinubukang suyuin si Seulgi. “Seulgi, ikaw na lang kasi.” Pilit niya habang hinihimas ang buhok ni Seulgi. “Dali na, mahal naman ako di ba? Grade naman natin ‘to eh. Kiss kita ‘pag ginawa mo to para sa’kin.” As if, may magagawa ‘yun.

 

Ngayon, si Seulgi naman ang nag-pumiglas. “Tigilan mo nga ako, Joy! Yak, ‘di kita type.”  Umarte ito na parang nandidiri. “‘Kala ko ba artista ka? Eh ‘di dapat alam mo na, na, the show must go on.”

 

Kailan pa naging makata ‘tong kaibigan ko? Isip ni Joy. Parang dati, tinutulugan niya lang yung mga lessons sa Biology ah?

 

“Dami mong alam. Oo na.” Wala nang ibang masabi si Joy. Nandiyan na eh. Dasal na lang niya na sana, di mailang si Wendy sa kanya. ‘Di pa naman sila close.

 

//

 

Maya-maya pa ay dumating na ang tagapag-ligtas ng play nila. “WENDY!!!” Salubong ni Seulgi sa bagong dating. Patalon-talon pa. Kala mo naman ‘di sila nagkita kahapon.

 

Dinaldal agad ni Seulgi ang kaibigan kahit kakarating pa lamang nito. Kahit maaga-aga pa ay puno na ng poster paint at tape yung damit ni Seulgi. Abala naman si Joy sa script niya, kaya di muna siya lumapit dito. Saka isa pa, baka marinig ni Wendy yung kabog ng puso niya. Nakakahiya.

 

Pero, sandali. Bakit ba siya kinakabahan? Bahagya siyang nagtataka sa kanyang sarili. Siguro nga dahil hindi sila masyadong close, kaya natatakot siya na magkamali sa harap nito.

 

Baka ma turn-off pa si Wendy, mahirap na.

 

 

 

 

 

//

 

“Wends, suot mo ‘to. Costume mo ‘to.” Natutuwang sabi ni Seulgi sa kaibigan. Agad namang hinubad ni Wendy ang suot na sapatos para suotin ang botang bigay ni Seul.

 

Tumayo siya at tumingin sa kanyang paanan. Parang halos aabot na ata sa mga tuhod niya yung boots. Pero, G lang, napansin niya na ang saya-saya ni Seulgi habang nakatingin sa kanya.

 

“Lamats.” Ngiti niya habang tinignan ang mga sapatos. “Tignan mo ‘ko, Seul.” Umakto pa siya na parang nagsasayaw ng Tap. Tuwang-tuwa naman na pumapalakpak si Seulgi.

 

“Hoy! Bilisan niyo diyan.” Tawag ni Direk Irene sa mga bida. “Start na tayo.”

 

Tumayo si Joy at lumapit sa bago niyang makakapareha. Tamang introduce yourself lang para ‘di awkward.

 

Inayos niya ang kanyang suot at saka ngumiti sa dalaga. “Hi, Wendy.” Bati niya. Natawa naman si Seulgi dahil pumiyok si Joy. Akala mo nasa puberty stage eh.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Dhino_ss
#1
Chapter 12: wenjoy are the cutest
lebfangow #2
Chapter 12: this is beautiful 🥺 you made my day 🫶
potatowitheyes
#3
Chapter 12: is it too early to say i love you 😭 thank u for the wenjoy.
lebfangow #4
Chapter 11: this collection is everything i need on a rainy day
poplarbear #5
Chapter 5: Oh shi it's too much :'(
Blacksleeves
#6
Chapter 11: If this chapter isn't the cutest thing ever?!? I don't know what is!!
Kindaghei
#7
Chapter 8: Reread this collection after the update because I forgot this collection exist. I have no regret.
Kindaghei
#8
Chapter 8: Reread this collection after the update because I forgot this collection exist. I have no regret.
nagbabasalang
#9
Chapter 11: girlfriend material huh~?

i need a continuation... :3
Kindaghei
#10
Chapter 11: Cute :3