“Baby Chicken”

“Unlimited Chance”

Inay: Halika na nga kayong dalawa dito, At mag almusal na tayo. 

Anya: Opo Inay, andyan na po. 

Cristal: Kamusta naman ang pag papatuka mo sa mga Baby chicken mo? 

Chad: Baby chicken talaga?

Anya: Oo! Baby chicken, madami kase akong Baby chicken! (Habang nakasimangot nitong sabi) 

Inay: Oh hala, kumain na muna kayo. Mamaya n’yo na pag usapan yang mga Baby Baby na yan. Mga batang ito, Oo’. 

Chad: Wow ang sarap naman Nay lordes ng ulam n’yo. 

Inay: Pasensya kana iho, Pritong tuyo lamang iyan at talbos ng petchay na nilaga. Ito ang sawsawan O...

Chad: Nako, napakasarap nga po nito at healthy. 

Anya: (Nepekesep nge pe nete et healthy) Pabulong niyang sabing naiinis padin. 

 

Tapos na sila kumain. 

 

Anya, Oh Mr. S? Di ka pa ba uuwi? 

Chad: Ayaw mo na ba ako makita? 

Anya: Hindi naman sa ganoon, pero baka hinihintay kana sa inyo ng Baby mo. 

Chad: Hindi pa naman, mamaya pa kami mag kikita ng Baby ko. 

Anya: Tapos mag tutukaan ulit kayo? 

Chad: Ha? 

Anya: Wala. Sabi ko mag huhugas na muna ako ng plato. 

Chad: Tulungan na kita...

Anya: Wag na... kaya ko na to, salamat. 

Chad: Galit ka ba Saken? May nagawa ba ako? 

Anya: Wala naman ako karapatan magalit diba? 

Chad: Sabihin mo saken please. 

Anya: Bakit mo ba kase to ginagawa? 

Chad: Ang alin? 

Anya: Ito, itong pag bisi-bisita mo dito. Yung mga bulaklak, tsokolate, sulat. Para san ba yun? 

Chad: Wala lang. 

Anya: Wala lang? Yung mga pa sweet sweet mo so wala lang? 

Chad: Eh ano kase... um, 

Anya: Wag mo na ipilit sagutin. Nasagot mo na diba? Wala lang to. 

Chad: No, I mean...

Anya: Makakaalis kana. Salamat sa dalaw. 

 

At nag paalam na nga si Chad. 

 

Anya: (Habang nakaupo sa ilalim ng puno) 

Inay: Anak, ayos ka lang ba? Andito lang kami ng ate mo ha? 

Anya: Okay lang po ako Inay. 

Cristal: Pwede mo samin sabihin...

Anya: Bakit po gano’n? Lahat po ba talaga ng lalaki ay kapareho ni Papa? Alam lang ay manakit. Mag paasa, Manloko. (Naka hikbi nitong tanong) 

Inay: Ano bang nararamdaman mo anak? 

Anya: Naalala n’yo po ba nung galing ako sa kabilang baryo para mag laba? Hindi ko alam na yung amo ko ay kasintahan ni Richard. Pero di ko pa po alam ang totoo. Basta ang alam ko lang, hinalikan sya ng babae. 

Cristal: Anong klaseng halik ba? Baka naman sa pisngi lang. Tapos kaibigan lang pala niya? 

Anya: Baby ang tawagan nila tapos sa labi sya hinalikan, kaibigan lang ba iyon? (Hindi na napigilan ang pag iyak) 

Anya: Hindi ko alam bakit nararamdaman ko ito. Hindi naman dapat, wala naman sya Saken sinabi na gusto niya ako. Masyado lang ako nadala sa mga pag papa cute nya. Umasa lang ako at nag bigay ng malisya. 

Cristal: Tahan na. 

Inay: Halika nga... (At nag yakapan ito) 

Cristal: Basta andito lang kami ng Inay para sayo. Pag kailangan mo ng kausap. Wag mo sarilihin ha, bunso? 

Anya: Salamat ate, salamat Inay. 

 

Kinabukasan. Maagang pumunta sa palengke ang mag kapatid upang mag tinda. 

At maagang naubos ito sa dami ng tao. At nakauwi din naman agad sila. 

Walang paramdam si Chad nung araw na yun. 

Habang si Anya naman ay malungkot. 

Sumunod na araw, maaga ulit sila gumayak upang mag tinda. Napakaraming tao sa puwesto nila. 

 

Cristal: Anong meron? Bakit ang daming tao sa tindahan natin? 

Anya: Hindi ko nga rin alam ate. Bilisan nalang natin. 

Pag bungad nila napakaraming rosas sa sahig at mga naka sabit na bulaklak, mga balloon at malalaking Teddy bear. At may naka lagay na Malaking Tarpulin na “SORRY NA PETCHAY KO.” Miss na Miss na kita. 

 

Anya: Nakatulala padin siya. 

Habang may biglang kumanta sa kanyang likuran at naka mic pa ito habang nag gigitra.”

 

”Sorry na... kung nagalit ka, Di naman sinasadya. Kung may nasabi man ako init lang ng ulo, Pipilitin ko mag bago. Pangako sa iyo Petchay ko... sorry na talaga... kung ako’y medyo tanga. Alam ko na mali ako, wag sanang mag tampo sorry na.”

 

Cristal: Ang aga ha. Ang aga ng asukal! (Kinikilig nitong sabi)

Anya: Pag harap niya, si Chad nakangiti. 

Anya: Kinikilig ka na naman Anya! Umayos ka, umayos ka! Wala lang to ha. Wala! (Bulong niya) 

Chad: Sorry na Petchay ko. Bigyan mo pa ulit ako ng isa pang Chance please. 

Anya: Para san? Di naman ako galit e. Kaya wala ka ihingi dapat ng sorry. Salamat nga pala dito sa mga bulaklak. Napakarami nito. 

Chad: Kulang pa yan, kulang pa yan para malaman mo na seryoso ako. 

Anya: Seryoso saan? 

Chad: Sayo...

Anya: Saken? Bakit? 

Chad: Wala basta. 

Anya: Ayan ka na naman e! 

Chad: Kaseee...

Anya: Kase? 

Chad: Kaseeee ummmm... (nanginginig na sabi)

Anya: Ano nga kase? 

Chad: Kaseeee..... Gugu—gus...

Anya: Hay, mag titinda na nga lamang ako, Sabay talikod.

Chad: Kase “GUSTO KITA”! (Pasigaw nitong sabi)

Anya: Nagulat sa sinabi ni chad. 

Anya: (Humarap sa binata) Panong nangyari na gusto mo ako? 

Chad: Hindi ko din alam, basta yun ang nararamdaman ko. Kaya please hayaan mo lang ako patunayan ang gusto ko. 

 

Habang nag sisigawan na ang mga tao. “UYYYY!” 

 

Anya: Halika nga dito, nakakahiya. Tigilan mo na yan! Oo na, pinapatawad na kita. Pero please tigilan mo na yan. Pinag titingnan na tayo o! 

Chad: I dont care. Totoo naman ang sinasabi ko, gusto kita Anya. I really like you...

Cristal: Sus! Talaga? Gusto mo kapatid ko? Eh sino naman yung Baby mo? Aber! 

Chad: Who’s Baby? 

Cristal: Nako, Ricardo! Wag kami. Itong si Anya galing dun sa kabilang baryo nung nakaraang linggo at nakita ka daw niya nakikipag tukaan dun sa Baby mo. 

Chad: I dont get it...

Anya: Si Maam Lizel, kilala mo ba sya? 

Chad: Oh yeah, I know her. Why? 

Anya: Nung isang linggo kase nag apply ako dun bilang labandera. At narinig ko kausap ka niya. Baby pa nga ang tawag sayo, At sabi niya “See you later, at I Miss you”

tapos nagulat nalang ako. Ikaw yung bisita nila. Tapos nakita ko kiniss ka niya. At sinabi mo, “I’ll Go ahead”. 

 

Chad: Hahahahaha’ so kaya sinasabi mo Saken nung isang araw yung Baby and I’ll Go ahead? 

Anya: So anong nakakatawa? 

Chad: Wala Petchay ko. Yes, I know her. Lizel and I are friends  since kids. Yung Mom and dad nya is business partner ng Mom and Dad ko. May gusto sya saken noon pa. Since elementary. Pero me? Wala. Sa in wala! So kaya ka ganyan Saken? Your Jealous? 

Anya: Wag ka ngang pilingero! Hindi no! 

Chad: It’s okay sweetheart! 

Anya: Wag mo nga ako ma sweetheart sweetheart. Tawag mo yan kay Lizel e! 

Chad: What? How come? 

Anya: Diba nung nasa kotse tayo tawag mo dun sa kausap mo sa phone Sweetheart! 

Chad: Come on’ Baby! Seriously? That’s My Mom! (Kinikilig nitong sagot) 

Anya: Eh yung Baby? Yung naka lagay sa letter? Diba si Lizel yun?! 

Chad: That’s my Puppy. Si popoy. Baby tawag ko sa kanya. Super cute nya kase e! 

Anya: (natahimik) Mr. S! Binobola mo na naman ako ha! 

Cristal: Oy, umayos ka Richard ha... pag pinaiyak mo na naman yang kapatid ko ha. Nako, pagpaligo ko sayo tong Petchay na’to. 

Chad: Umiyak ka? 

Anya: Hindi no. Bakit naman kita iiyakan? 

Chad: I Miss you Petchay. (Habang kinukurot sa pisngi si Anya) 

 

Takip silim na... inihatid ni Chad ang mag kapatid sa kanila. 

 

Chad: Magandang gabi po Inay lordes. 

Inay: Oh iho, andito ka pala. Salamat sa paghatid kala Anya at Cristal. 

Chad: Wala anuman po nay. May gusto lang po sana ako sabihin sa inyo. 

Inay: Halika tuloy ka, pumasok ka at dito tayo sa loob mag usap. 

Chad: Salamat po Inay. 

Inay: Eh ano ba yung sasabihin mo? At sinadya mo pa dito eh gabi na. 

Chad: Inay? Kung papayag po sana kayo... 

Inay: Na ano? 

Chad: Pwede po ba ako umakyat ng ligaw kay Anya? 

Inay: Ha? (Gulat nitong patanong) 

Chad: Opo Inay, gusto ko po ang anak n’yo. At handa po akong patunayan yun sa inyo. 

Inay: Alamo iho, alam ko naman na mabait kang bata. Pero ipapaalam ko lang na iba ang gusto sa mahal, baka naman nabibigla ka lang. 

Chad: Hindi mo Inay. Unang kita ko palang po ang anak n’yo alam kong siya na. Siya na yung gusto kong maging ina ng mga anak ko. 

Inay: Aba’y kabilis mo naman iho. Anak agad ang nasa isip mo. Hindi pa nga ako umo’oo. (Pabiro nitong sabi)

Chad: Pasensya na po kayo Inay. 

Inay: Wala bang magagalit sa anak ko pag niligawan mo? 

Chad: Wala po, wala po...

Inay: Sigurado ka ba? 

Chad: Opo. Pangako po. 

Inay: Oh sya, nasa tamang edad na naman kayong dalawa. Basta ako ay naka suporta lang sa anak ko. At kung San siya magiging masaya. 

Chad: Yes! Salamat po Inay. Maraming salamat po....

Inay: Oh, wag ka muna masyadong masaya. Hindi ka pa sinasagot. 

 

At nag tawanan na silang Apat. 

 

To be continued....

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
George11
#1
please update author