“Paanong nag simula.”

“Unlimited Chance”

Ako na ang mag bubuhat niyan Ate. Ani’ chad. 

Cristal: Osiya sige. Ikaw na bahala ha. 

Chad: Oo naman Ate, Ako pa ba? 

Cristal: Husayan mo ang pag papalakas sa akin. (Pabiro nitong sabi)

Anya: Ate talaga....

 

Nasa palengke na sila. 

Anya: Salamat sa pag hatid ha chad, nakakahiya naman sayo. At salamat sa kape kanina. 

Chad: Nako, Wala yun. Gusto ko lang naman makabawi sa mga pang aasar ko sayo nitong mga nakaraang araw. 

Anya: Hindi mo naman kailangan bumawi, basta okay na tayo. 

Chad: Basta, hayaan mo lang sana akong makabawi sayo. 

Anya: Oh sya sya... sige na, basta Hindi sana kami nakaka abala sayo. 

Chad: Oo naman, gusto ko itong ginagawa ko. 

Anya: (Kinikilig sa loob) 

Cristal: Oy, kayong dalawa diyan... halika na kayo at makarami tayo ng benta ngayong araw. 

Anya: Bili bili po kayo, sariwang gulay po. Pampalakas at pampa gwapo. (Habang nakatingin kay Chad) Ay este pampa haba ng buhay! Mura lang po. Bagong ani. (Natatawang sabi nito)

Cristal/Chad: Simpleng natatawa kay Anya. 

Tanghali na, matumal padin ang benta. 

Chad: Oh, mag tubig ka muna. Pawis na pawis kana. 

Anya: Wala ito, Sanay na ko sa pagod at pawis. Salamat sa tubig ha. 

Chad: Walang anuman, Ikaw Ate Cristal mag tubig muna po kayo. Ako na muna ang tatawag ng costumer para maka pag pahinga kayo. 

Cristal: Eh nako, sigurado ka ba? Kaya mo ba? 

Chad: Aba opo naman, kindatan ko lang yang mga babae dyan e mag lalapitan yan! (Pabiro nito)

Anya: Aba, ang yabang naman. Oh sige nga! (Hamon nito)

 

Saktong may dumaan na 3 dalagita, 

 

Chad: Hi mga binibining ubos ng Ganda, bili na kayo sariwa po ito, kasing sariwa nyo. 

At agad Mamang lumapit ang mga ito at bumili. 

Babae 1: Ang sarap naman ng Petchay mo kuya! Mukhang sariwa nga, 

Cristal/Anya: Natatawa sa likod ni Chad. 

Babae 2: Oo nga kuya, mag kano ba ang Petchay mo? 

Chad: Sampung piso lang ito Miss. With free kiss! 

Babae 3: So kung ilan ang bilhin namin ganon din ang kiss? 

Chad: Pwede pwede! 

Babae 1: Bigyan mo nga kami ng sampung tali kuya, ay Hindi. Gawin mo ng 12. Para tig aapat na free kiss kami. 

Chas: Sure sure! Pili na kayo. 

 

At nakabili na ang mga babae at naka halik nga ito kay chad. 

Cristal: Aba, ayos ang strategy mo ha, may pa free kiss si kuya! 

Chad: Gano’n talaga ate, para mas maraming bumili. And besides wala naman mawawala saken. 

Cristal: Wala bang magagalit sayo? O mag seselos?

Chad: Wala, sa ngayon wala pa. 

Cristal: Ah, mabuti naman. Oh, Anya natahimik ka dyan? 

Anya: Wala naman ate, ang dami lang higad dito sa sahig este langgam. (Nakasimangot nitong sabi)

Chad: Nako, ang sungit na naman ng Petchay ko. 

Anya: Nako din! Tigilan mo ako. Umalis kana nga diyan ako nalang ang mag bebenta! 

Chad: Osige na nga, baka mamaya humingi na naman ng mga free kiss ang bibili e. 

Anya: Sus! Mukha namang gustong gusto mo e, kunwari ka pa! 

Cristal/Chad: Nag tatawanan sa likod ni Anya. 

 

Hapon na. Nag gagayak na ulit sila mag ligpit ng mga paninda, 

Chad: Hatid ko lang ulit kayo. 

Anya: Wag na, masyado ng nakakahiya sayo. At tsaka kaya na naman to ni ate, diba ate? 

Cristal: Oo nga naman Chad, kami na ang bahala. 

Chad: Hindi okay lang po promise! Sige na...

Cristal: Ikaw bahala. 

 

Ring ring ring... (Cellphone ni Chad)

Chad: Hey! Napatawag ka po? Okay lang naman po. Yes yes. Everything is fine. Dont worry, Yeah! You too enjoy! I Love you more! See you soon! Ang kulit talaga ng Sweetheart ko... Bye! 

Anya/Cristal: Tahimik lang. Nakikiramdam. 

 

Anya: Inay, Inay... andito na po kami ng ate. 

Inay: Oh mga anak, (Nag mano sila dito) kaawaan kayo ng diyos. 

Inay: Oh andito ka pala iho, salamat ulit sa pag hatid dito sa dalawa ha. Dito kana ulit mag hapunan. 

Chad: Wala anuman po ulit nanay Lordes. Wag na po nanay lordes, sa bahay nalang po ako mag hahapunan. May nag aantay din po kase Saken. 

Inay: Ah ganoon ba? Oh siya sige. Mag iingat ka pauwi. 

Chad: Opo, salamat po. 

Cristal: Salamat ulit Chad ha. Ingat ka! 

Inay: Oh anak aalis na si Chad. 

Anya: Ingat nalang. 

 

Malalim na ang gabi, pero di padin makatulog si Anya. 

 

Anya: Bakit ko ba naiisip yung lalaki na yun? Wala kang naman yun diba? Sabi nya bumabawi lang naman sya. Hays! Pero nakakainis yung mga babae kanina. Akala mo e first time lang maka halik! Buti nalang hindi pinakyaw yung Petchay namin. (Natatawa ito na naiinis)

 

Mataas na ang sikat ng araw. Hindi sila mag titinda ngayon. Hihintayin pa nila ulit ang ani sa isang linggo bago maka pag tinda. 

 

Anya: Inay, kasya pa po ba ang pera natin hanggang sa maka pag tinda ulit? 

Inay: Wag ka mag alala anak, Kasya pa yun. At madami naman tayong stock ng delata diyan kung sakali. 

Cristal: Mag lalaba nalang muna ako Inay sa kabilang baryo para may pandagdag po tayo. 

Anya: Sigurado ka ba ate? Gusto mo tulungan kita? 

Cristal: Wag na dito ka nalang muna sa Inay tulungan mo nalang siya dito sa bahay. 

Inay: Oh sya mag almusal muna tayo mga anak ko. 

 

Tao po... tao po... Isang boses ng babae. 

Cristal: Sino po sila? 

Babae: Ako po pala yung sekretarya ni Mr. Saavedra. 

Anya: Sino pong Saavedra? 

Babae: Si sir Richard Saavedra po. 

Cristal: Ah... si Chad. Eh ano pong maipag likingkod namin? 

Babae: Ito po pinapabigay nya kay Anya, napakaraming bulakalak na Rosas at pulang pula. At tsokalate. 

Anya: Po? Saken po? Baka po nag kaka mali po kayo. 

Babae: Hindi po, para po talaga sa inyo yan. May letter po yan sa loob. Sige po tutuloy na po ako. 

Anya: Sige po salamat po... 

 

Inay: Aba ang anak ko, dalaga na. May nag bibigay na nag bulaklak. 

Cristal: Oo nga, Uy! 

Anya: Ate talaga, wala ito. Baka nag papacute na naman yun o nag yayabang na naman. 

Inay: Na cute’tan ka naman? 

Anya: Inaaaay naman e! (Kinikilig nitong sabi) 

 

Pag katapos nila kumain, agad agad nitong binasa yung sulat. 

 

“Hello Miss Beautiful”! Ikaw nag tunay na maganda sa paningin ko. Pasensya kana at di na ako nag tagal kagabi, ramdam ko din kase na parang inis ka sa akin. And kinailangan ko din umalis agad, kase hinihintay ako ng Baby ko.” Nag promise kase ako sa kanya na sabay kami mag di-dinner.” 

Na Miss kita Petchay ko. Parang ang tagal nating hindi nag kita. Babawi nalang ako sa susunod. Luluwas din kase ako mamaya sa Maynila may aasikasuhin. Mag iingat ka palagi.”- Chad Pogi. 

 

Baby nya? Isip isip nito. May girlfriend na sya? Anak? Pero sabi niya wala. Ang gulo! Pero sabi niya namiss nya ako. (Nakangiti) Habang nayayakap na pala niya ang sulat. 

Cristal: Oy! Miss Petchay baka ugatin kana dyan! 

Anya: Ate talaga! Sabay pag ayos niya ng sarili upang hindi mahalata ng kinikilig. 

Cristal: Sus! Kunwari ka pa? Selos ka kahapon no? 

Anya: Hindi no, bakit naman ako mag seselos? Tsaka di naman ako Type nun. May sweetheart na yun ay Baby pa. 

Cristal: Sus. Edi selos ka nga. 

Anya: Hindi nga, tsaka for sure madaming babae yun na magaganda. Bumabawi lang yun Saken kaya gano’n yun. Kaya dapat di ako mag padala sa kanya. 

Cristal: Oh sya. Aalis na mina ako ha, mag lalaba na ako. Ikaw na bahala kay nanay. 

Anya: Ingat ate. 

 

Takip silim na. 

Inay: Andyan na ba ang ate mo? 

Anya: wala pa po Inay, pero paparating na po iyon. 

Cristal: Andito na ko... 

Inay: Oh kamusta anak? Mag pahinga kana muna. 

Cristal: Okay naman Inay. 500 lang po ang ibinayad Saken ni aling Mila. Medyo masakit lang po ang likod ko. 

Anya: Hayaan mo ate, ipag mamasahe kita mamaya. 

Cristal: Sabi mo yan ha. 

Anya: Oo naman ate ko. 

Inay: Oh halika na kayo mga anak, kumain na kayo. 

 

Gabi na ulit. Kakatapos lang imasahe ni Anya ang kanyang ate. Hirap na naman siyang matulog. 

 

Anya: Hindi padin makalimutan ang sulat ni Chad, Nalulungkot ng bahagya sa pagkat na mimiss na din niya ito. 

Anya: Bakit kaya ganoon ang na fifeel ko? Bakit na mimiss ko sya? Dapat pigilin ko to. Meron na siyang kasintahan. 

 

Umaga na... 

Anya: Inay ate, ako naman ang mag lalaba. Mag hahanap ako sa baryo. 

Cristal: May alam ako, doon sa napakalaking bahay sa bayan! Nag hahanap ata sila naka paskil sa gate nila, wala naman masama kung subukan natin. 

Inay: Kayo ang bahala mga anak, basta mag almusal muna kayo. 

 

Anya: Pinuntahan ang address na sinabi ng kanyang Ate. 

Anya: Tao po, tao po... 

 

Binuksan ng guwardiya ang gate. 

 

Anya: Manong, saan po pwede ako mag apply ng pag lalaba dito? Oh kahit part time lang po. 

Manong: Ah, Sandali lang ineng. Tatawagin ko lang yung Amo ko. 

 

Madam: Tuloy ka. Anong pangalan mo? Ito pala lahat ang lalabhan mo. Mag simula kana ngayon din. At pag katuyo niyan ay plantsahin mo. Ayusin mo ng pag laba ayokong madumi yan. 

 

Anya: Opo Madam. 

 

At umalis nadin agad ang Babae. 

 

Anya: Parang ang sungit naman nun. Pero maganda siya, maputi. Ang laki laki naman ng bahay nya. At nag simula na siya mag trabaho. 

 

Ring ring ring.... 

Madam: Hey! Hello Baby! How are you? How’s your trip? Oh! I see. Paki sabi nalang kala tita Hi! Okay bye! See you later!

 

Anya: lahat ba ng mayayaman mahilig sa Baby? Ang kokorny! (Natatawa sa isip nito)

Naalala nya bigla yung sulat ni Chad at Baby na naka lagay dito. Hmp! Bahala nga siya! Aniya sa kanyang isip. 

 

Anya: Aw. Ang sakit na ng likod ko. Mag paplantsa pa ako. Nako, gabi na ako makakauwi nito. 

 

Tumutunog ang doorbell sa labas. Rinig nito ni Anya. 

 

Anya: Mukhang mag bisita si Madam. At bahagya siyang sumilip sa pinto mula sa kusina. 

Madam: Oh hello Richard! I’m glad you came! Sabay halik sa labi. 

Lizel: Oh! I’m sorry. Na miss lang kita. 

Chad: Lizel, ano ka ba.  Di din ako mag tatagal pinapaabot lang ito ni Mommy at paki bigay nalang kay tita. Ill Go ahead. 

Lizel: Di mo ba ako na Miss  

Chad: Bye! 

 

Anya: Habang nanginginig padin ang tuhod sa nakita. At naluluha. 

 

Alas otso na ng gabi. Walang ka sigla sigla sa Anya, bukod sa pagod at sama ng loob. Halong halong katanungan sa isip niya. 

 

Inay: Oh anak? Kamusta? Ayos ka lang ba? 

Anya: Okay lang po Inay. Pagod lang po ako. 

Cristal: Napuntahan mo ba yung tamang address na sinabi ko sayo? 

Anya: Oo ate, ito pala yung ibinayad saken. 1000 sa pag laba at plantsa. 

Inay, Ha? Bakit ka pa nag plantsa anak? Baka mapasma ang kamay mo niyan. 

Inay: Basta bukas ay mag pahinga na muna kayo ha? 

Anya/Cristal: Opo Inay. 

 

Kinabukasan... nakatingin lang si Anya sa kisame. Wari’y tinatamad siya bumangon. Iniisip padin niya yung nangyari kahapon. 

 

Tao po... tao po... (Pamilyar ang boses na yun) 

Agad siyang napabalikwas! Kay Chad na boses yun, isip isip niya. 

 

Anya: Ang kapal ng mukha ng lalaking ito! At pumunta pa talaga dito. (Sa isip niya ulit) 

Agad siyang nag ayos, at bumaba. 

 

Inay: Oh iho, napasyal ka...

Cristal: Oy, kamusta? 

Chad: Okay naman po. Kayo po kamusta? Si Anya po asan? 

Inay: Ah nasa loob. Tuloy ka... 

Anya: (Habang nasa kusina) Ate, Inay... napatunayan n’yo na po ba yung Baby? Este. Yung Baby chicken... (Pilya nitong sabi)

Cristal: (Natatawa sa loob) Hindi pa. 

Anya: Sige papakainin ko muna si Baby. 

Chad: Hello! Ans! How are you? 

Anya: Wait lang ha? Papakainin ko pa si Baby. 

Chad: Help na kita. 

Anya: Hindi okay lang, kaya ko na to. 

Chad: (Habang na wiweirdohan sa  kilos ni Anya) Are you still mad? 

Anya: Hindi ah, bakit naman? Wait kukuha lang ako ng patuka ng Baby chicken ha. “Ill go ahead”! 

Chad: Natatawa kay Anya.  

Anya: Bakit ka natatawa? May nakakatawa ba? Mali pa ang English ko? 

Chad: Hindi naman. Ang weird mo lang kase. 

Anya: Hindi naman, ginagaya ko lang kase yung English na narinig ko kagabi. 

Chad: Ah, I see. Are you okay? 

Anya: Oo naman! Bakit? 

Chad: Na Miss kita...

Anya: Kaya ba pumunta ka agad saken pag kagaling mo ng manila? 

Chad: Yes! 

Anya: Sinungaling! (pabulong niyang sabi) 

Chad: What? 

Anya: Wala ho Mr. S! 

Chad: What S? 

Anya: Sinungaling! Satanas! (Pabulong ulit nitong sabi) 

Chad: Ano? Ha? 

Anya: Wala. S, means “SOBRANG POGI”! 

Chad: Ah. I know right. 

 

 

To be continued.... 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
George11
#1
please update author