“Unang Kilig.”

“Unlimited Chance”

Habang nag mumuni-muni si Anya, naka tingin sa bintana sa dakong silangan hindi niya alam na nasa likod na pala niya ang kanyang Inay. 

Inay: Ayos ka lang ba anak? Parang napaka lalim ng iniisip mo??

Anya: Wala ito Inay, iniisip ko lang kung may pag kakataon pa kaya akong makilala si Papa?

 

Lumaki si Anya sa hindi kompletong Pamilya, walang naka gisnan na ama kundi ang kanyang Ina lamang at ang kapatid niya. Bunso sa magkapatid si Anya. Mahirap lang sila, ang tanging inaasahan lang nila ay ang maliit nilang taniman ng gulay at sya namang ibinebenta nila sa palengke sa bayan ng kanyang kapatid na panganay. 

 

Inay: Anak, Pasensya kana ha? Hindi ko masasagot ang katanungan mo. Hindi ko din naman hawak ang isip ng iyong ama kung babalikan pa niya tayo. Dalawang dekada na anak ang nakakalipas...

Anya: Pasensya kana rin po Inay, kung anu-ano ang naiisip ko. Mag hahain na po muna ako para tayo’y makakain na ng umagahan.

Anim na taon palang noon si Anya ng iwanan sila ng kanilang Ama, lasinggero ito at sinasaktan ang kanyang ina pag walang binibigay na pambisyo nito. Hanggang sa isang umagay nawala na lang ng parang bula at hindi na nag pakita... 

 

Habang sila’y nag aalmusal, 

Cristal: (Panganay niyang kapatid) Anya, tutulungan ko muna ang Inay sa pag lalaba ngayong araw, pwede bang ikaw nalang muna ang mag tinda ng gulay ngayon sa bayan? 

Anya: Oo naman ate! (Habang naka ngiti) ako na po ang bahala.

Cristal: Salamat bunso, ihahatid na lang kita doon at susunduin para di ka mahirapan. 

 

Pag katapos nila mag almusal nag intindi na si Anya papuntang bayan. Napatirik ng araw at tunay na napaka init. Pawis na pawis si Anya. 

 

“Bili na po kayo, sariwang sariwa”! Bagong Pitas lang po ito at masustansya! Pasigaw niyang sabi. 

Habang napakaraming tao sa paligid. 

Biglang may lumapit sa kanya, 

 

Mag kano Petchay mo Miss? 

Anya: Sampung piso ho isang tali! (May inis na tono ito) Ilan ho ba manong? 

3 lang Miss petchay! (Nakangiti nitong sagot)

Anya: Bastos ka din e no? (Pabulong naman niyang sabi)

Ha? Ano? Anong sabi mo? Pogi ako? Alam ko matagal na. (Aniyang nang aasar pa) At hindi manong ang pangalan ko... tawagin mo nalang akong Chad pogi”. 

Anya: Hindi ho ako interesado sa pangalan mo Manong. Yung bayad mo ho akin na.

Chad: Ang sungit mo naman, Suki mo na ko ha Miss Petchay ha... 

Anya: Ewan ko sayo! 

 

At umalis na ang lalaki...

 

nakakainis! Aniya Anya’ Napakahambog! Feeling naman nya, gwapo sya! Kainis! 

 

Hapon na... matumal ang benta, Habang papauwi na siya iniisip niya yung lalaking hambog kanina na maaga nang sira ng araw niya. 

 

Anya: Hay nako, kaya siguro matumal ang benta ko kase yun ang bweno mano ko. (Naaasar padin niyang sabi)

 

Pag dating sa bahay, Naka ready na ang hapunan... 

Oh Anak, halika na at nakahanda na ang pagkain. 

Anya: Sige Inay susunod na po ako.

Cristal: Oh bakit naman naka simangot ka? 

Anya: Eh nakakainis kase yung lalaki kanina sa palengke, bweno mano ko pa naman. Kaya siguro ang tumal ng benta ko, At ang yabang pa! hay nako....

Cristal: Nako, hayaan mo na yun, di kana nasanay... araw araw naman ay may mga bibili talaga satin na ganyan. Halika na kumain na tayo. 

 

Tapos na silang mag hapunan, nakatanaw ulit siya sa bintana. Nakikinig ng mga kulisap na parang musika na sa kanyang pandinig dahil sa nakasanayan na. At nahiga narin siya at nag pahinga. 

 

Tiktilaok! Tiktilaok! Huni ng mga manok. 

 

Umaga na, pagbalikwas niyang sabi...

Inay? Anong oras na po? 

Inay: Maaga pa naman anak, mag almusal kana muna. Ang ate mo ay nauna na sa iyo sa palengke. Sabi ko hayaan ka nalang muna mag pahinga at susunod ka nalang doon. 

Anya: nako, pasensya na Inay. Mahirapan po kase ako makatulog kagabi. At dali dali na siyang nag intindi. 

 

Ate! Pasigaw na sabi ni Anya, pasensya kana ha? Tinanghali ako ng gising. 

Cristal: Ayos lang iyon, naka pagpahinga din naman ako kahapon. Kaya hinayaan nalang din muna kita. Para mahaba ang pahinga mo. 

Anya: Salamat ate. Teka? May bumili na ba sa iyo? 

Cristal: Wala pa nga e, konti pa lang kase ang tao. 

Anya: Ah, gano’n ba? Hayaan mo ate maya maya meron na yan. Ngiti lang tayo. 

 

Hello Miss Petchay! 

Alam na alam niya ang boses na yun. (Isip isip niya) 

Anya: Ikaw na naman? 

Chad: Oh bakit? Ayaw mo bang gumanda ang umaga mo dahil nakita mo Ako? 

Anya: Ang kapal! Ano ba kailangan mo? 

Chad: Bibili ulit Ako ng petchay mo. Ito naman ang sungit! 

Cristal: Nako, pasensya kana sa kapatid ko Manong. 

Anya: Nako Ate, wag ka hihingi ng pasensya dyan. Yan yung sinasabi ko sayo kagabi na bwiset! 

Chad: Uy, iniisip Ako kagabi. (Pabiro nitong sabi) 

Anya: Huh? Wag ka ngang pilingero Mr. Yabang! Ilang petchay ba kailngan mo? Ng maka Alis kana. Lalong tutumal  benta namin nyan dahil sayo e! 

Chad: Isang Ikaw lang po ang kailngan ko Ms. Petchay. (Nang aasar padin nitong bigkas) I mean, Isang Petchay lang. 

Anya: Sus! Isang Petchay lang pala bibilhin e napaka dami pang sinabi! 

Chad: Nope, I mean isang sako. 

Anya: Ano ba kase? Ilan nga? 

Chad: Seryoso, isang sako. 

Cristal: Wait lang ha, kunin ko lang sa likod...

Chad: Tulungan ko na po kayo Ate. 

Anya: Ate!!?? At nakiate pa talaga? Kami na kukuha kaya na namin yun. (Inis padin nitong sabi) 

Chad: Magkano lahat? 

Anya: 1,250 lahat Mr. Yabang! 

Chad: Ito yung 1,3k keep the change Miss Petchay. Nakangiti nitong sabi. 

Anya: Aba! At napakaaa talaga... ito yung sukli mo! 

Chad: Bye Miss Petchay ko! Hanggang hindi na nakuha ang sukli sa Kakà madali nito. 

 

Cristal: Nako, bakit mo naman ginanon si Pogi? Napaka gwapo ano? Matangkad, Maputi at ang tangos ng ilong! 

Anya: Gwapo nga, pero napaka hambong naman! Saksakan ng yabang! 

Cristal: Haha! Oo nga, Nako wag na nga natin pag usapan yun, atleast may benta na tayo kahit papano. Salamat sa poging yun! Petchay...

Anya: Ate talaga.... (sabay tawanan nilang dalawa)

 

Hapon na ulit, Inay inay andito na po kami ng Ate. (Aniya Anya) 

Inay: Oh mga anak ko, Andito na pala kayo. (Nag mano ang dalawa) kaawaan kayo ng Diyos’ 

mag hahanda na Ako ng lamesa para makakain na tayo. 

Anya/Cristal: Salamat po inay...

 

Habang kumakain, 

Inay: Kamusta naman sa palengke mga anak? 

Cristal: Okay naman po Inay, galante yung bweno mano namin, bumili ng isang sakong Petchay! (Masaya nitong sabi) 

Inay:  Talaga? Sino naman itong napaka bait nato? 

Anya: Nako po Inay, napaka yabang po kamo...

Cristal: Hahahaha at napaka gwapo diba Miss. Petchay? 

Anya: Ate talaga...

(Sabay tawa nilang tatlo)

 

Kinabukasan, Masama ang pakiramdam ni Anya, kaya naman ang Ate niya lang ang magtitinda sa palengke. 

 

Inay: Hayaan mo na ang ate mo anak ang mag tinda sa palengke, sa pagod nyan at sobrang init. 

Anya: Pasensya kana ulit Ate, babawi nalang Ako sa susunod. 

Cristal: Wala iyon, basta mag pahinga ka kang para gumaling kana agad. 

At umalis na Ito... 

 

Hapon na ulit, nag gagayak na si Cristal papauwi sa kanila, biglang dumating si Chad. 

 

Chad: Hello po Ate! 

Cristal: Oy, ikaw pala... 

Chad: Asan po si Miss Petchay? 

Cristal: Nako, wala siya ngayon e. masama an pakiramdam, kaya Ako muna ang nag tinda. 

Chad: Ah, ganon po ba? Papauwi na po ba kayo? Kung okay lang po sa inyo, Ako nalang po ang mag hahatid sa inyo pauwi para di na po kayo mahirapan. And it’s my pleasure po kung papayag po kayo. 

Cristal: Nako, nakakahiya naman sayo, Ano ngang pangalan mo? 

Chad: I’m chad po. 

Cristal: Ah, Ako naman si Cristal, nakakatandang kapatid ni Anya. 

Chad: Ah, Anya pala ang name nya. Nahihiya kase akong itanong sa kanya kaya inaasar ko nalang ng Petchay. Ang cute nya kase pag nagagalit siya. 

Sige po Ate, tulungan ko na po kayo mag buhat nyan. 

Cristal: Mapilit ka talaga ha, oh sige na nga. Salamat chad ha. 

 

Lumaki si chad sa may kayang pamilya, Ang kanya ng mga magulang ay kasalukuyang nasa ibang Bansa para mag bakasyon, samantalang siya naman ay nag babakasyon sa kanilang lugar para maasikaso ang resort nila dito. Isang anak lamang si chad, Pero kahit na ganon ay mabait siya at napalaking maayos kahit na minsan ay pilyo talaga ito. 

 

Cristal: Nakakahiya naman sa Kotse mo chad, madudumihan lamang ng mga paninda ko. 

Chad: Wala po yun Ate, Nakangiti nitong sabi. 

 

Inay inay.. andito na po Ako, aniya’ Cristal. 

Cristal: Inay, sya po pala si chad, yung ikwenento ni Anya sa inyo yung bumili po samin ng isang sakong Petchay. 

Inay: Magandang gabi iho, salamat sayo ha. At salamat din sa pag hatid Kay Cristal. 

Chad: Walang anuman po, kamusta na po pala si Petchay? Este Anya? 

Inay: Nasa taas nag papahinga, maya maya’y bababa narin yun. Mag kape ka muna chad. 

Chad: Sige po, Salamat po. 

 

Habang nag ka kape...

Nagising na si Anya, gabi na pala. Isip isip ni Anya.

makababa na nga at nakakaramdam na Ako ng gutom. 

 

Pag baba niya.. hindi nya agad nakita si Chad kase naka talikod ito. 

 

Anya: Ate, andito kana pala. Kamusta sa palengke? Bumili ba ulit doon yung antipatikong hambong na feeling pogi sa iyo? (Habang papikit pikit pa sa antok si Anya) 

 

biglang nasa harap na nya si Chad...

Chad: Magandang gabi Petchay! (Bungisngis nitong sabi)

Anya: Naka tungo padin siya, Hindi maka paniwala sa narinig. 

Anya: Hanggang dito ba namaaaan....!? (Nagulat siya sa kapit ni Chad) Isang puting rosas at isang cake. 

Chad: Kamusta pakiramdam mo? Gusto ko lang sana malaman kung okay kana kaya naisipan ko ihatid si Ate Cristal. Ito pala para sayo to, Pang peace offering. 

Pasensya kana sa inasal ko noon ha? Nahihiya naman kase Ako itanong kung ano talaga pangalan mo... kaya Petchay nalang itinawag ko kase yun yung binibili ko. (Nahihiya nitong sabi)

 

Anya: Nakatulala padin, 

Cristal: Tanggapin mo na, humihingi na ng sorry e. 

Inay: Oo nga naman anak. 

Anya: Oo na nga, Pasensya kana din ha? Naiinis talaga kase Ako sayo noon. Pero salamat sa pag hatid ng ate ko, at dito sa dala mo. Dapat di kana nag abala pa. 

Chad: So, Okay na tayo? 

Anya: Oo na. 

Chad: Yes! 

Inay: Halika na nga kayo ay mag hapunan na tayo. 

Cristal: Chad, dito ka na din mag hapunan...

Chad: Nakakahiya naman po, pero sige po. Salamat po...

Inay: Kumakain ka ba nitong ginisang Petchay? 

Chad: Aba opo, basta po Petchay.

( At nag tatawanan sila) 

 

Chad: Salamat po ulit sa masarap na hapunan ha Inay...

Inay: Lordes, Inay Lordes nalang. 

Chad: Salamat po Inay ay Ate Cristal and Anya.

Anya: Salamat din sayo.

Chad: Tutuloy na po Ako, Magandang gabi po sa inyo.  

Anya: Ingat ka. 

Chad: Salamat Anya ko. Este Anya. 

Anya: Ikaw talaga...

 

Matutulog na, Nakangiti si Anya habang naka tingin sa kisame...

 

Anya: Tunay na napaka gwapo nga niya, lalo pag naka ngiti... Hays, Kung anu-anong naiisip ko. Makatulog na nga. 

 

Kinabukasan...

Nagising siya sa boses na nag tatawanan sa labas, Agad niya itong pinuntahan. Pamilyar sa kanya ang boses. 

 

Good morning Anya ko! Bungad sa kanya ni chad. 

Anya: Ang aga mo ah? 

Chad: Susunduin ko kase kayo ni Ate Cristal para di na kayo mahirapan...

Anya: Wow naman, seryoso? Pang tricycle lang ang pambayad namin hindi kaya pang kotse mo. 

Chad: Okay lang yun, ito Nga pala kape mo, pinag timpla na kita. 

Anya: Salamat.. (Kinikilig sa loob)

 

To be continued....

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
George11
#1
please update author