Sunog

Tula (Poems in Filipino)

Sunog

Isang balita ang nakakabigla, anong nangyari?

May limang bata raw ang mga pumanaw, anong nangyari? 

Nakulong sa bahay na nasusunog, anong nangyari? 

Sila ay humingi na ng saklolo, anong nangyari?

Sila ay humiyaw at umiiyak, anong nangyari? 

Si kuya di iniwan ang kapatid, anong nangyari?

Tumulong sa kanila ang mga bumbero, anong nangyari? 

Na buong tapang at lakas ng loob, anong nangyari? 

Sinikap na tulungan ang mga bata, anong nangyari? 

Pagsisisi ng ama at ng ina, anong nangyari? 

​​​Di nila matanggap ang pangyayari, anong nangyari? 

​​​Mahigpit na akap ang isang anak, anong nangyari? 

​​​​​Buhay dahil tumalon sa bintana, anong nangyari? 

​​Iniisip ang limang anak niya, anong nangyari? 

Sa pagkabigla halos mabaliw na, anong nangyari? 

Gustong ng sumunod ng ina sa anak, anong nangyari? 

 

Nilikha Aug. 31, 2018 dahil sa nabasa at napanood kong balita. Kailangan kong mailabas sa pamamagitan ng pagsulat. Nangilid ang luha ko sa awa sa sinapit nung limang magkakapatid. Di ko pa rin lubos maisip. Di pa rin maproseso ng buo sa isip ko. 

 

Sunog

Nakahilera, 

Sinikap buhayin ng ama't ina.

Nakahilera, 

Magkasama sa hirap at ginhawa. 

Nakahilera,

Limang maagang nagpaalam na bata.

Nakahilera,

Limang kabaon pra sa limang bata. 

 

 

Karagdagang nalikha dahil di pa rin sapat sa isip ko.

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
fairymagic #1
Chapter 3: AAAH HI PO! Gusto ko lang po sabihin na ang galing niyo po gumawa ng tula!! Nakakaamaze po yung talent niyoo! Pagpatuloy niyo po yung pagsulat I'm sure po na malayo mararating niyoo! ❤️
mildredsbroom #2
Chapter 4: GO LANG NANG GO SA PAGSUSULAT ATE :)