Tinta
Tula (Poems in Filipino)Tinta
Sa dulo ng aking tinta,
Nakalayag ang pag-asa.
Sa dulo ng aking pinta,
Natitigil ang pag-asa.
Talunton ng aking bukas,
Natalisod sa kahapon.
Siphayo na walang takas,
Lumipas man ang panahon.
Tinta
Hahayaan ko ang tinta,
Magsalita pra sa akin,
Masabi ang aking sinta,
Mahaplos ang iyong angkin.
Aug. 5, 2017
Comments