Kahapon at Masaya

Tula (Poems in Filipino)

Kahapon 

Ang kahapon kong ako, 

Ay namaalam na.

Ako ay ako ng ngayon, 

Ang buhay pa. 

Ang lumipas ay wala na, 

Paghinga kong gapos na.

Siya na kilala ninyo kahapon, 

Ay siyang naglaho na.

Ako na ngayon, 

Ay hindi ang kahapong ako.

 

Masaya

Umaayon ba ang lahat sa nais mo. 

Nalimutan mo na ba ang bakas ng kahapon.

Kapalaran nga ba ang nagwakas sa landas natin.

Hindi ba pwedeng labanan natin ang tadhana.

Ako ay pinaghihinaan ng lakas ng loob.

Nais ko ang kumapit ng mahigpit sa iyo.

Nakababahala man ang mga pangyayari. 

Nasadlak na tayo sa kumunoy ng buhay. 

 

Nilikha Aug.  24, 2017

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
fairymagic #1
Chapter 3: AAAH HI PO! Gusto ko lang po sabihin na ang galing niyo po gumawa ng tula!! Nakakaamaze po yung talent niyoo! Pagpatuloy niyo po yung pagsulat I'm sure po na malayo mararating niyoo! ❤️
mildredsbroom #2
Chapter 4: GO LANG NANG GO SA PAGSUSULAT ATE :)