Isang Bala
Tula (Poems in Filipino)Isang Bala
Isang nakakabasag pusong paalam, paalam na.
Isang boses na maagang nagpaalam, paalam na.
Isang naglahong ngiting kinabukasan, paalam na.
Isang nakakabinging katahimikan, paalam na.
Isang Bala
Wala ng bukas, wala ng bukas,
pinatahimik na iyong bukas.
Wala ng bukas, wala ng bukas,
tinutuldukan na iyong bukas.
Nilikha Aug. 25, 2018 dahil sa napanood kong balita tungkol sa isang inosenteng bata n nadamay sa isang pamamaril.
Comments