Si Krystal
Ulan"Sandali! "
"Babaeng paakyat sa bus, wag ka muna umakyat!"
"Babalik ko lang sana 'to! "
Napalingon si Seulgi sa kinaroroonan ng sigaw na iyon.
"Ako b-" nagtanong pa si Seulgi, sino pa nga ba yung babaeng umaakyat sa nag-iisang bus na pumara ngayon?
Nagulat si Seulgi, hindi niya inaakalang babalikan siya nung babaeng 'yon.
Pero mas lalong nagulat siya nang malaman niyang malapit na mawala sa iglap lahat ng kayamanan niya.
"Nahulog po pala.." sabay abot sakaniya ng wallet niya ng cashier na si Tzuyu.
"Jusmiyo. Aakyat-akyat pa 'ko dito, wala pala akong mapapambayad." naginhawaan si Seulgi.
Pinigilan ni Tzuyu ang pag-tawa.
"Ay, ito pa pala yung sukli niyo din. Umalis po kasi kayo kaagad." hinugot naman ni Tzuyu yung mga iilang barya't papel sa bulsa ng mukhang apron na uniform nila.
"Mga ate, may balak po ba kayong sumakay?" pagputol naman ng drayber sa kung ano mang koneksyon ang namamagitan kila Seulgi at Tzuyu.
"Salamat pala, Tzuyu." matipid nanamang nitong sagot ni Seulgi. Halatang nanlalata na.
"Walang anuman. Ingat po kayo." sabay paglakad pabalik ni Tzuyu sa convenience store.
Si Seulgi ay natawa sa kung paano siya kausapin ng babae.
"Po amputa. Ang tagal na nung narinig ko 'yan. Kahit nakababata kong pinsan, 'di sakin binabanggit 'yan" mapanaginipin niyang sinabi. "Staka nag-po din ba siya sakin sa convenience store?"
Dahil naabutan pa ng bus ang paglalakad ni Tzuyu, kinawayan ito ni Seulgi, kahit hindi naman siya nakatingin.
"Seulgi?"
Naramdaman niyang may nakatayo sa kaliwa niya. Nakaupo kasi siya sa kanang panig ng bus, sa may bintana banda. Lumingon siya para tignan kung sino yung tumawag sakaniya.
Bumunglad sakaniya ang isang lalaking matangkad, nakasuot ng camesa de chino na puti, at mayroong mga naglalakihang mga mata.
"Jongin?" Sinalamin ni Seulgi ang reaksyon ng lalaki. Gulat din.
"Ako nga! Gwapo ko padin, noh?" biglaang papogi pose nung Jongin.
"Walang hiya! Hanggang ngayon ba naman sinungaling ka? Sandali, bakit ka nandito?" pagtatakang pagtatanong ni Seulgi.
May itsura naman si Jongin, sa totoo lang nagkagusto 'to si Seulgi sakaniya nung una itong nakita sa pinagprapracticean nila parehas na studio sa Cebu noon, pero kailan ba naging seryoso si Seulgi? Alam naman niyang simpleng paghanga lang 'yon..
"Nahiya naman ako sayo, hanggang ngayon makakalimutin ka padin. Naiwan mo nga yung binigay ko sa'yong bulaklak noon! Naghirap pa 'kong pitasin yun! Halos mahuli 'pa ko ni Aling Nena nun!" bawi ni Jongin. "Malamang nakalimutan mo na din yun. "
...patay na din yung paghangang meron si Seulgi noon. Tanging pagkakaibigan nalang ang relasyon na meron sila ngayon.
"Baka gusto mong umupo at baka tumalsik ka pa diyan ng wala sa oras." sambit ni Seulgi, halatang walang pakialam sa pag-gugunita ni Jongin ng nakaraan.
"Buti at nabanggit mo."
Sinakop ni Jongin ang espasyo sa tabi ni Seulgi.
"Di mo naman sinagot tanong ko. Bakit ka nandito?" pagtatanong ni Seulgi.
"Ba't masama ba?"
"Hindi kasi, loko. Ang tagal na din nung huli tayong nagkita. "
"Kaya nga eh, Seul. Mga mag-iisang taon na. Alam mo bang miss na miss ka na namin, nabawasan na kami ng isang magaling na mananayaw. Ba't ka ba umalis? "
"Hindi ba nasabi sa'yo ni Ate Amber?" pagtingin uli ng pagtataka ni Seulgi kay Jongin.
"Nasabi. Yung dahil sa nanay mo?"
Tumango si Seulgi at napayuko.
"Patawad. 'Di ko sinasa-" di na natapos ni Jongin ang kaniyang sasabihin nang putulin ni Seulgi.
"Hindi, ayos lang. Matagal-tagal na din naman."
Namatay ang tunay na ina ni Seulgi nung trese anyos palang siya. Sa mga panahon na yun, nag sisimula palang si Seulgi sa studio na pinagensayuhan nila nina Jongin at ng mga kaibigan niya.
Ang dahilan ay aksidente, aksidente sa pag-oopera. Kanser stage 4 ang sakit.
"Babalik ka pa ba sa Cebu?" pagtatanong muli ni Jongin.
"Hindi ko pa alam pero malayong mangyari, lumalawak na paunti-unti yung negosyo ni Dad, eh. Alam mo naman, sino pa ba magmamana nun?"
"Bawal bang siya nalang mag-ari nun habambuhay? Dali na, balik ka na kasi Seul." pagmamakaawa ni Jongin pero syempre nagpacute din na parang maliit na bata.
"Haynako, Jongin, boplaks ka talaga!" sabay tulak palayo ni Seulgi kay Jongin na niyuyugyog ang mga braso niya.
"Ah, eh kung yung step-mom mo nalang!" biglang pagkakatanda ni Jongin.
Hindi ko alam kung nag-iisip ba 'to bago nag sasalita eh. sabi ni Seulgi sa isipan niya.
"Jongin..." napabuntong-hininga nalang to si Seulgi, alam niyang wala nang mas maganda pang lalabas sa bibig ng katabi niya.
"Ano?" inosenteng pagtatanong ni Jongin.
"Ah, wala, basta. Ibang paksa naman na pag-usapan natin." pagod na sinabi ni Seulgi.
Medyo nakuha naman ni Jongin yung pinaparating ni Seulgi base sa pag-iiba nito ng tono, hinampas niya yung bibig niya sa pagiging walang ingat na tao.
"Kilala mo si Krystal, diba?" pagtatanong ni Jongin.
Sana pala ako nalang nag umpisa ng panibagong pag-uusapan. Sabi ni Seulgi sa isip niya.
Tumingin naman ng kakaiba sakaniya si Seulgi.
"Malamang! Ano akala mo sakin, makakalimutin? Staka ano ba namang klaseng tanong yan" sagot ni Seulgi.
"Ah, eh kasi, kami na hehe" mahiyain pero deretsuhang pagsabi ni Jongin.
Wala namang kinakain o nginunguya si Seulgi pero nabilaukan siya. Hinampas naman ni Jongin ang likod niya, yung "likod" na "likod" hehe.
"Ano ba yan, Seul!"
"Oh? Congrats, pre! Ano ba namang klaseng sagot din yan." sabi ni Seulgi pero syempre yung huli, naiwan nalang sa utak niya. Pero totoong masaya si Seulgi para sakanilang dalawa.
"Oo, nagbabalak nga din kaming lumuwas dito sa Maynila kaso ang alam ko bibisita daw muna sila sa Cali." pagpapaliwanag ni Jongin.
(A/N: play niyo to para mas dama, tignan niyo na din lyrics para doble dama hehe Misty Road - Ben )
Ba't 'to sakin binabanggit ni Jongin? Wala naman ata akong mapapala dito?
Comments