Chapter 5
Love MeIrene P. O. V
Hindi ko lubos maisip kung bakit kami nagkaganito. Masaya naman kami noon. Yung tipong masasabi kong may forever nga pero yung forever namin naging four-ever. High school sweet heart ko si Bogum. First year high school palang kami ay crush na namin ang isa't isa. M. U ika nga. Lagi kaming magkasamang kumain, umuwi, gumawa ng assignments or projects. Kung baga sa buong high school years ko siya lagi ang kasama ko. Hanggang sa naging boyfriend ko na siya, 4th na kami nun. Legal ang relasyon namin sa mga magulang namin. Minsan pumupunta siyang bahay at minsan ako naman ang pumunpunta sa bahay nila. Sobrang saya namin noon. Wala na akong ibang hihilingin pa.
Pareho kami ng school at course na kinuha sa college. Parehong Secondary Education ang kinuha namin kaso magkaiba kami ng Major. Siya Math samantalang ako Social Studies. Pareho kaming nag-excelle sa major na kinuha namin.
Member si Bogum ng swimming team sa school namin, samantalang ako, well sabihin na lang natin na hindi ako mahilig sa sports. Pero member ako ng Footprints (journalism org.) at president naman ako ng Student Council. Perfect couple ang tawag sa amin sa department namin pati narin sa ibang department.
Pero siyempre sa isang relasyon, hindi maiiwasan ang awayan. Nag-aaway din naman kami. Kahit yung simpleng bagay like sa pagkain pinag-aawayan namin. Pati yung mga fangirls na umaaligid sa kanya pinag-aawayan namin. Pero naayos naman agad namin iyon. Hindi namin pinatatagal ang pag-aaway o tampuhan namin.
Boyfriend material si Bogum. Nasa kanya na ang lahat na katangian na gisto ng mga babae. Mabait, sweet, relehiyoso, matalino, magaling sa sports, may kaya ang pamilya at gwapo. Kaya naman ang daming babaeng naagkakagusto kaya minsan hindi ko maiwasang hindi magselos o mag-alala kahit na lagi niyang sinasabi na wala na siyang ibang mahal na babae kundi ako lang.
Pero bigla na lang siyang nawala. Summer vacation ng bigla siyang nawala at hindi nagparamdam. Lagi ko siyang tinetext, tinatawagan, chinachat pero walang sagot. Pinaloadan ko pa siya noon kasi baka wala siyang load pero hindi parin siya nasagot. Sobrang nag-alala na ako noon. At ang daming 'what if' ang pumasok sa isipan ko noon.
"What if may nangyari sa kanyang masama? "
"What if walang signal sa lugar na kinaroroonan nya. "
At ang pinakamasakit sa lahat ng what if,
"what if may iba na siyang babae? "
Walang araw ang hindi ko siya kinukulit sa text. Pero walang sagot. Binantaan ko siya noon na pag hindi sya sumagot sa text ko break na kami pero wala parin. Sinabi ko na magkita kami sa park at hihintayin ko sya pero lumipas ang 3 oras hindi siya dumating. Nagmamakaawa na ako noon sa kanya pero wala parin. Naghintay parin ako ssa kanha. Halos gabi-gabi umiiyak ako. Lumipas ang 2 buwan na bakasyon namin at pasukan na.
First day ng school ng makatanggap ako ng text sa kanya. Ito ang kauna-unahang niyang text sakin simula nung nagbakasyon.
From: Bogummy ❤❤❤
I'm sorry, break na tayo.
Oh diba, first day of school palang wasak na agad ang puso ko.
Halos mabitawan ko yung cellphone ko pagkabasa ko ng text nya. Paulit-ulit kong binasa ang text nya baka kasi nagkakamali lang ako ng basa.
"I'm sorry, break na tayo"
"I'm sorry, break na tayo"
"I'm sorry, break na tayo"
Parang sirang plaka na paulit-ulit naglalaro sa aking isipan.
Ang daming tanong sa isip ko. Bakit? Paano? Parang ilog na dumadaloy ang mga luha mula sa mga mata ko patungo sa pisngi ko. Nakailang ulit kong sya tinatawagan pero hindi siya sumasagot. Hanggang nagtext ulit sya na lalong nagpasakit sa narardaman ko.
From: Bogummy ❤❤❤
Huwag mo na akong tawagan o itext. Bye Irene.
Napaupo na lang ako sa sahig habang paulit-ulit na binabasa ang text nya.
"Bye Irene?" nasaan na ang, "Good Morning babe, kain ka na ng breakfast mo," o "See you at school babe, i love you. " Nasaan na ang sweet messages mo? Bakit? Patuloy lang ako sa pag-iyak sa kwarto ko hanggang sa tinawag na ako ni Mommy para magbreakfast at pumasok sa school. Inaayos ko ang sarili. Naghilamos ulit ako para matanggal ang bakas ng luha ko. At nung medyo ok na ako, bumaba na ako para kumai
Comments