Chapter 13

Love Me
Please Subscribe to read the full chapter

Irene POV

“Ayaw mo ba talagang ihatid kita? Gabi na oh, delikadong umuwi ng mag-isa. Babae ka pa man din.”

Minsan hindi ko maiwasang magtaka kung sweet ba talaga si Seulgi sa mga kakilala nya o sa akin lang?

“Ok lang talaga Seulgi at saka diba sabi ko magpapakaon ako sa driver namin. Ako nga dapat tong mag-alala sayo kasi magko-commute ka. BABAE ka pa man din.”

With emphasize pa talaga yung salitang babae.

“Pero…”

“No buts, ok?” seryoso kong sabi sa kanya at saktong dumating na yung jeep na sasakyan niya.

“Ayan na pati yung jeep. Sumakay ka na. Text ka pag nasa bahay ka na.”

Napabuntong hininga na lang siya at tumango sa akin.

“SIge na nga. Basta text mo rin ako pag dumating na yung sundo mo huh! Pag hindi  ka nagtext sa akin within 10 minutes, babalikan kita dito at ako ang maghahatid sayo. Tapos text mo rin ako pag nasa bahay ka na ninyo.”

Napatawa naman ako sa kanya. Para kasi siyang nanay na nagbibilin ng mga dapat tandaan ng kanilang anak.

“Yes mom.” And I giggle samnatalang nag-whine na naman siya sakin.

“Sige na, sakay ka na naghihintay si Manong driver oh.”

Nagdadalwang isip parin siya na tumingin sa akin at sa jeep pero tumango lang ako sa kanya at ngumiti. Pumunta na siya sa bungad ng jeep pero bago siya sumakay ay tumingin ulit siya sa akin.

“Irene, seryoso ako tungkol doon sa pangako ko sayo. Kaya naman asahang mong araw-araw mo akong makikita at makakasama.” 

Nakatitig ako sa kanya. At hindi ko maipaliwanag kung bakit muling nang-init ang buong mukha ko at parang may nakipaghabulan yung puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. Ngayong araw, Ilang beses ko na ba tong naramdaman dahil sayo? 

Hindi ko rin alam kung gaano katagal kaming magkatitigan ni Seulgi hanggang sa sumigaw na si Manong Driver at tuluyan nang sumakay si Seulgi sa jeep.
Pinagmasdan ko lang yung sinakyan nya hanggang sa nawalan na ito sa paningin ko.

Yung pangako niya. Alam kong seryoso talaga siya nung sinabi nya yun, ramdam ko naman yun at kita ko sa mga mata yung sincerity niya. First time na may nangako sa akin ng ganun. Never kasing nangako sa akin si Bogum ng ganun. Sinong mag-aakala na makakatanggap ako ng isang pangako sa isang 16 years old na babae?
At sino rin ang mag-aakala na magagawa ng isang 16 years old na babae na papulahin ang mukha ko at pabilisin ang tibok ng puso ko dahil lang sa kanyang mga mabubulaklak na salita.

Maya-maya ay dumating na rin yung sundo ko. Tinext ko naman agad si Seulgi, baka bumalik nga siya dito pag hindi pa ako nagtext sa kanya.
Hindi ko mapigilang hindi mapatawa sa tuwing naaalala ko yung bilin niya.

Ahh~ Kang Seulgi, ano bang ginawa mo sa akin at nagkakaganito ako?

 


Mabilis lang din akong nakarating sa bahay kasi medyo malapit lang yung amin. Kinuha ko yung cellphone ko para itext si Seulgi na nasa bahay na ako. Nakita ko naman na nagtext na pala siya sa akin. 

From: Seulgi
Just got home. Nasaan kana?

To: Seulgi
Good. Kararating ko lang din ( Kain ka na ng dinner mo ok.

Nakangiti ako habang pinagmamasdan yung text ko sa kanya at hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Mommy.

“Irene, sweetie”

Biglang nawala yung ngiti ko. Tinabi ko na yung cellphone ko at tumingin kay Mommy. Halatang worried siya sa akin.

“Alam kong galit ka sa samin ng Dad…”

“Kay Dad lang ako galit.” Pagpuputol ko kay Mommy. Napabuntong hininga na lang si Mommy.

“Ok, alam kong galit ka sa Dad mo pero pwedeng making ka muna sa akin?” pakiusap sa akin ni Mommy.


Magi-guilty ako pag hindi ako pumayag at hindi ko rin naman kayang tanggihan si Mommy kaya tumango na lang ako at pumunta kami sa may sala.

Tahimik lang ako at hinihintay na magsalita si Mommy. Muka namang nag-iisip pa siya kung saan siya magsisimula. Hanggang sa nagsimula na siya sa kanyang sasabihin.

“Sa arranged marriage kami nagsimula ng Daddy mo. Pinagkasundo kami ng mga lolo mo para na rin sa business.” 


Sa tingin ko kailangan ko talagang making sa sasabihin nya kasi bago sa akin ang lahat ng sasabihin niya. 

“During that time, may girlfriend ang Daddy mo samantalang ako na love at first sight sa kanya dahil sobrang gwapo niya.”


Napatawa naman kami pareho. Well, I can’t blame my Mom, kahit na may edad na si Dad ay kitang-kita parin yung pagkagandang lalaki niya, ano pa kaya nung kabataan niya? Siguro maraming pinaiyak na babae si Dad noon.

“Tutol ang Dad mo kasi nga mahal

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
broke_asf
#1
Chapter 31: Seulrene pa rin mga fokfok, kwek kwek nation mag ingayyyyyyy
seulrenety
#2
Chapter 31: goodluck na lang kay seulgi 🤧
gomtokki_23
#3
Chapter 31: forgot the story already. reread ko muna mula umpisa hehe
vanillacookiescream
#4
bigla akong nahiya bat puro jisoo comment ko rito
PineappleSeulgi
#5
re-read?
JiHyun12 #6
Chapter 30: Updaaaaate please!!
seulrenety
#7
Chapter 30: wag kang ghoster author-nim HAHAHAHAH uso mag update 🤧
vanillacookiescream
#8
Chapter 30: GRABE JISEUL ENDGAME JISOO LANG char lupet naman ni ate Jisoo first love naman pala
vanillacookiescream
#9
Chapter 29: Jisoo napakalakas
vanillacookiescream
#10
Chapter 27: Jisoo lang malakas