Chapter 22

Love Me
Please Subscribe to read the full chapter

Pagkatapos ng pageant, sandamakmak na school works naman ang kailangan kong gawin para makahabol sa lessons. Nangangalahati pa lang ako sa mga activity na pinapasagutan sakin ng mga prof ko para di ako maiwan sa klase. Tapos ko na sana ito kahapon pa kung di lang ginugulo ang isip ko ni Irene.

Para kasing sirang plaka na paulit-ulit nagpplay sa utak ko yung mga mangyari nung gabing iyon. At sa tuwing naaalala ko iyon ay di ko mapigilang di mamumula.

 

Flashback

 

Nakatitig lang kami sa isa’t isa pagkatapos nyang sabihin iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko kasi di ko naman inaasahan yung sinabi niya. Nag-iinit ang buong mukha ko. Parang nawawala ako sa sarili hanggang sa napansin kong unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin.

 

! Ito na ba yun? Mangyayari na ba first kiss namin? 

lang talaga di ako handa. Teka baka amoy taccos hininga ko. ttt.

 

Papalapit siya nang papalapit.

Bahala na si batman. Yan na lang ang sinabi ko at ipinikit ko ang aking mga mata.

Hinintay ko ang pagdampi ng mga labi niya sa labi ko pero wala akong naramdaman sahalip nakarinig na lang ako ng malakas na tawa.

 

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Irene na natawa.

 

! Pinaglalaruan ba ako nito? Nakakahiya. My god. 

Tawa parin siya ng tawa habang ako naman ayun pulang-pula na.

 

“Yah! Irene unnie!” Pagtatampo kong sabi.

“Hahahaha. So-sorry” naiiyak-iyak niyang sabi dahil sa kakatawa.

 

Sumimangot na lang ako sa kanya di siya pinansin.

After ng mga2 minuto ay tumigil na rin sya sa kakatawa niya.

 

“Sorry sorry. Ang cute mo lang kasi kanina habang nakapikit ka.” sabi niya.

Tiningnan ko sya habang nakasimangot parin.

 

“Unnie naman e. Ikaw kasi parang ikikiss mo ko kaya napapikit ako.” Pagmamaktol ko sa kanya.

 

Ngumiti siya sa akin. Ang ganda talaga niya.

“Hindi pa kita girlfriend Miss ICCAC. Saka na ang kiss pag tayo na,” sabi niya sabay kindat at umalis papunta sa mga kaibigan niya.

 

End of flashback

 

Gustong-gusto ko siya pero ngayon di ko na sure kung gusto ko paba siya o hindi kasi mahal na mahal ko na ata siya.

Habang tumtagal palala nang palala ang tama ko sa kanya. Wala akong ibang gustong makasama kundi siya. Siya lang at wala nang iba. 

Alam kong inaayos at sinisigurado pa niya ang kanyang nararamdaman pero ok lang sakin. Handa naman akong mghintay sa kanya. Kahit gaano pa katagal maghihintay ako.

 

Pero sa ngayon kailangan ko munang tapusin itong mga activities to. 

Habang abala ako sa pagsasagot ay pumasok si nanay sa kuwarto ko.

 

“Anak, may bisita ka. Kaklase mo raw”

 

Nagtaka naman ako. Sa pagkakatanda ko ay wala namang plano yung mga kaibigan ko na pupunta sila dito.

 

“Sino nanay?” 

 

“Ngayon ko lang din nakita e. Bumaba ka muna.” 

 

“Ok po. Ligpitin ko lang ito.” 

 

Inayos ko muna ang mga gamit ko bago ako bumaba. Sino kayang kaklase yun.

Nakita ko ang isang babae na nakaupo sa sala namin. Nakatalikod sya kaya di ko agad makita ang mukha.

 

“Ui” sabi ko

 

Tumayo siya at humarap sakin.

 

Oh?? Anong ginagawa niya dito? Paano nya nalaman tirahan ko?

 

“Jisoo?” Nagtataka kong tanong.

 

Ngumiti siya sa akin.

“Anong ginagawa mo dito? At saka paano nalaman ang address ko?” 

 

Pero sahalip na sagutin niya ang tanong ko ay sinagot nya ako ng isa pang tanong.

 

“Busy ka?” Kumunot naman ng bahagya ang noo ko.

 

“Oo, dami kong ginagawang activity para makahabol ako sa klase.”

 

Tumango-tango lang sya.

“Hmm ok. Nasaan ang kuwarto mo?” Tanong ulit nya.

 

“Teka di mo pa sinasagot tanong ko ah.” Medyo naiirita na ako.

 

“Tsk. Di na yun mahalaga. Ngayon asan ang kuwarto mo?” Wala talaga tong ugali.

 

“Nasa taas sa—— Ui saan ka  pupunta?” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang umakyat papunta sa kuwarto.

Dali-dali ko naman siyang sinundan. 

 

Nasa loob na kami ng kuwarto ko habang siya nagmamasid lang sa paligid.

 

“Hoy! Ano bang problema mo? Bigla-bigla ka na lang pumapasok sa kuwarto ko. Nakaka——“ at di ko natuloy ang sasabihin ko ng pumunta sa study table ko.

 

“Ito ba ang mga activities na sasagutan mo?” Tanong niya habang yinitingnan isa-isa ang mga papel na nakakalat sa table ko.

 

“Huh? Oo. Bakit?” Pero sahalip na sagutin niya ako ay umupo sya sa chair ko.

Umiinit na ang ulo ko sa kanya.

 

“Hoy! Ano ba kanina ka pa ah. Di mo manlang sinasagot mga tanong ko. Parang iyong-iyo itong bahay ah.” Pagtataray ko sa kanya.

 

Hindi niya ako

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
broke_asf
#1
Chapter 31: Seulrene pa rin mga fokfok, kwek kwek nation mag ingayyyyyyy
seulrenety
#2
Chapter 31: goodluck na lang kay seulgi 🤧
gomtokki_23
#3
Chapter 31: forgot the story already. reread ko muna mula umpisa hehe
vanillacookiescream
#4
bigla akong nahiya bat puro jisoo comment ko rito
PineappleSeulgi
#5
re-read?
JiHyun12 #6
Chapter 30: Updaaaaate please!!
seulrenety
#7
Chapter 30: wag kang ghoster author-nim HAHAHAHAH uso mag update 🤧
vanillacookiescream
#8
Chapter 30: GRABE JISEUL ENDGAME JISOO LANG char lupet naman ni ate Jisoo first love naman pala
vanillacookiescream
#9
Chapter 29: Jisoo napakalakas
vanillacookiescream
#10
Chapter 27: Jisoo lang malakas