Two

Undefined
Please Subscribe to read the full chapter

Sabi nila malaki daw ang chance na ma-fall sayo ang isang taong emotionally 

unstable lalo na kung ikaw palagi ang nagcocomfort sakanya.

At yung nga simula nung aminin ko sayo yung naging relationship namin ni Irene mas lalo akong naging kumportable sayo.

Mas naging close pa tayo ngayon.

Lagi na tayong magkatext o magkausap sa phone.

Lagi na din tayong may goodmorning at goodnight text sa isa’t isa.

Kinuwento ko na sayo lahat ng naging lovelife ko, pati nga picture ng mga naging ex ko pinakita ko na din sayo.

Sabi mo nga pare-pareho ang hilig ko sa isang babae.

Attracted talaga ako sa mga babaeng mapuputi kasi feeling ko ang linis linis nila.

Parang si Irene lang, wala atang parte ng katawan niya yung maitim eh.

(Ugali niya lang talaga minsan yung maitim.)

Mas napapadalas na din yung paglabas nating dalawa ngayon.

Pag sobrang haba ng vacant natin pupunta tayo sa SM tapos manunuod ng sine or kaya naman food trip lang.

At may something in common pa tayo, mahilig tayong sumali sa mga charity works.

Ayun din siguro yung naging way para makilala natin yung isa’t isa.

Habang lumilipas ang mga araw hindi ko namamalayan unti-unti ko na palang nakakalimutan si Irene.

Buti nalang nandyan ka.

 

Nakakalimutan ko na yung sakit na binigay niya saken pero sabi nga nila hindi ganun kabilis yun.

 

 

At ang buong akala ko nga unti-unti na kitang nakakalimutan pero eto ka ngayon.

 

Magkatabi tayo sa kama at mahimbing ang tulog mo.

Hindi naman siguro masamang pagmasdan yung maamo mong mukha.

Sa mga ganitong pagkakataon ko nalang kasi siguro to makikita.

Habang naaaliw ako sa pagtitig sayo hindi ko namalayan na tumutulo na pala yung luha ko.

Nararamdaman ko na naman yung sakit.

Damn it! Ikaw pa rin yung mahal ko Irene.

Akala ko ok nako kay chewy. Pero hindi pa rin pala.

--------------------------------------------------------------------------------------------------

Nung magising ako kinabukasan nakita ko na hawak mo yung cellphone ko.

“Goodmorning?” bati ko sayo

Tumango ka lang at nilapag mo yung phone ko sa kama at siniksik mo yung ulo mo sa leeg ko.

“Anong meron sa inyo ni Tzuyu?” tanong mo sakin.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong mo.

Hindi ako prepared sa ganitong confrontation.

Pero bakit ganun?

Guilty na agad ako?

I feel like I was cheating on you.

When in fact I don’t.

 

“We’re friends. Bakit?”

“Hmmm..Ok.. Tara kain na tayo, gutom nako”

That moment alam kong may something na. may tinatago ka sakin pero ayaw mong sabihin.

Alam kong ma-pride kang tao kaya kahit anong mangyare hinding hindi mo ipapakita basta basta yung nararamdaman mo sa isang tao.

Pero kilala kita. Hindi mo ko kayang lokohin sa mga ganyan mong kilos. Masyado na kitang kabisado.

Kinuha ko nalang yung phone ko tapos yung wallet ko at inaya na kitang kumain sa Jollibee.

 

Tahimik lang tayong kumakain at ramdam ko talaga na mali sa aura mo.

“Hyun? Ok ka lang ba?” worried kong tanong sayo.<

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
chae1727
#1
Chapter 7: tzugi nation?✋
Emerald_Vampire
#2
Chapter 10: First time ako nakabasa ng fic na tzugi ang ending. It's nice na for the first time hindi naging masyadong tanga si Seul at pinili niya mag-let go.
ynapeh #3
Chapter 10: salamat nmn at nagkaroon din ng happy ending si tzuyu.. thanks author!
Enterusername_here
#4
Chapter 10: TzuGi is love. Thanks Author!
chachareese
#5
SEULRENE FOR THE WIN
LiNiLalisa1502
#6
Chapter 5: Bad ka Seulgi :(
LiNiLalisa1502
#7
Babasahin kona to lol
jjae96
#8
umasa ko ng berry berry light kasi akala ko biglang magigising si seulgi tapos yun pala yun yung morning after tumakbo sya kay tzuyu at umiyak. na panaginip pala lahat hanggang sa kasal tapos magkakabalikan sila ni irene. tzugi is life is but seulrene is lifer. huhuhu
lim909
#9
Chapter 1: Wala nang paligoy ligoy nakita ko na ulit ang bago kong fave na author! seulrene got me fueled up HAHAHAHAHA Goodjob authorshii :)
HersheysKisses22
#10
Chapter 1: Tawang-tawa ako kay Tzuyu habang kana kanta niya ung Tell me where it hurts, kanta ksi yan ng mga taken for granted or s mga taong rebound. Ung feeling na ex mo n ung tao at kadotdot pa niya.. Yuck lng!