Six
UndefinedPresent
Naalala ko pa nung nagbreak tayo, kay Wendy agad ako pumunta.
Siya kasi talaga yung bestfriend ko since forever.
Alam niya lahat ng ganap sa relationship nating dalawa.
Pati mga kalokohan ko nung tayo pa alam niya din.
Si wendy rin kasi yung nagtiyaga na payuhan ako nung mga panahong sobrang gulo ng buhay ko dahil sayo.
So nagdecide akong makipagkita sakanya dahil gusto kong sabihin sakanya yung kay chewy.
“San ka na wenderp??lol.”
“Papunta nako oso. Wag kang atat.”
Sa starbucks sa rcbc plaza nalang kami nagkita since dun malapit yung school niya.
Sabi nga ni wendy, naaalala ko lang naman daw siya pag may problema ako sa babae.
Pinili kong umupo sa sulok kung saan pwede kaming mag-usap ng kumportable.
Mamaya pa nakita ko ng pumasok yung bff kong duwendy.
Agad naman niya akong nilapitan.
“Ano na namang problema mong oso ka? siguraduhin mong importante yang sasabihin mo kundi lagot ka talaga saken!” sabay irap.
“Wow! Ang sweet mo naman! Kaya love na love kita eh!”
Inabot ko na sakanya yung coffee jelly na inorder ko para naman lumamig ulo.
Biglaan kasi yung pakikipagkita ko sakanya kaya mainit ulo ng lola niyo.
“Kamusta ka naman wan-wan”??tanong ko sayo.
“I’m good. Ikaw? Kamusta kayo ni Irene?” Kaswal na sagot mo.
Saglit akong nag-isip. “Ok naman kami?? Di ko rin alam eh.”
Tumango ka lang. alam mo kasi kung gaano ka-stupid yung status naming dalawa.
So dahil na-open naman na yung ganyang topic eh sasabihin ko na sayo.
“Wendy… Hmm.. meron akong bagong nakilala. Well actually org-mates kaming dalawa..then I really enjoy her company. I mean masaya syang kasama and she already knows about me and Irene.”
“Ok? And then what? Magiging close kayo tapos ma-iinlove kayo sa isa’t isa tapos magiging kayo?”
Kung meron man akong gustong trait ni wendy eh yun yung pagiging straight forward nya.
“Hindi naman sa ganun wan-wan. If ever man na mapunta yun dun eh..bahala na..wala pa naman.”
“Tanong ko lang, naka move-on ka na ba? Kung hindi pa seul magiging rebound lang yang susunod mo. Wag kang maging unfair.”
Tama naman yung sinabi ni wendy.
At ayoko namang maging rebound lang si chewy. She doesn’t deserve it.
“So ano sa tingin mo dapat kung gawin? Hayaan ko nalang muna yung bago hanggang di ko pa nakakalimutan yung dati?”
“Try to settle your feelings muna kay Irene. Kung enough is enough na ba or you will continue to pretend na masaya ka sa setup ninyo. Alam mo
Comments