Six

Lost in the Woods [ ON HOLD ]

 

Kinabukasan ng magising si Sehun, nakita niyang wala na si Hayoung sa tabi niya. Agad naman siyang lumabas at nakita na gising na ang mga kaibigan at naghahanda ng umalis.

“Mga hyung, nakita niyo ba si Hayoung?” tanog niya pero tinignan lang siya ng mga ito.

“Sehun kagabi mo pa binabanggit yung Hayoung, sino ba yun?” tanong ni Kris

“Anong sino ba yun? Eh di yung kasama ko kahapon na babae. Pinapakilala ko kasi siya sainyo kahapon kaso dedma kayo. Nahiya na naman kayo”

“Pero wala ka naman—“

“Umalis na siya” Putol ni D.O sa sinasabi ni Chen

“Umalis na? Ah baka bumalik na ng campsite. Pero bakit di siya nagpaalam sakin?”

“Pagod ka kaya di ka niya ginising, tara na magalmusal na tayo, babalik na tayo sa Seoul” sabi ni D.O at hinila si Sehun, hindi na lang niya pinansin ang tingin ng mga kaibigan

                            

Matapos kumain ay sumakay na sila ng bus at bumiyahe na pauwi ng Seoul, sa dulo nakaupo si Sehun at habang sakay sila ng bus, si Hayoung pa rin ang nasa isip niya. Medyo malungkot siya kasi din man lang siya nakapagpaalam kay Hayoung pero at the same time excited siya na makita itong muli sa Seoul. Sana nga ay makita niya na ito agad pag nakarating na sila ng Seoul. Malaki ang pagasa niyang makita itong muli dahil magkatapat lang naman ang school nila.

Habang iniisip si Hayoung, di niya namalayan na nakatulog na siya sa biyahe.

 

 

 

 

“Sehun, Sehun gising na andito na tayo” gising sa kanya ni Kai

“mmm” sagot niya, inaantok pa siya kaya ayaw niya pang gumising

“Hoy sleeping beauty pag di ka pa bumangon hahalikan kita” banta ni Luhan

“Eto na eto na” sabi ni Sehun at bumangon na at bumaba na rin ng bus

“Ay sayang di ko nakiss si bebe ko” sabi ni Luhan at kunwari malungkot pa

“Bading ka talaga ” sabi ni Lay na tatawa tawa

“Alam ba ng girlfriend mo na ganyan ka?” tanong naman ni Chen

“Lul di ako bading no, joke ko lang yun” sabi ni Luhan at inirapan sila sabay baba ng bus

“Sus may pagnanasa naman kay Sehun haha” tawa nila Chen

 

 

Dumiretso naman si Sehun sa kanilang dorm sa may sofa at dun nahiga para sana ipagpatuloy ang tulog niya, pero hindi na siya makatulog dahil sa ingay ng mga kaibigan niya. Hinarap niya na lang ang kisame at nag-isip at unang pumasok sa isip niya ay walang iba kundi si Hayoung.

“Miss ko na siya” sabi ni Sehun

 

“Sino miss mo? Ako?” tanong ni Luhan

“Tigilan mo nga ako Luhan hyung” sabi ni Sehun

“Pero sino nga yung namimiss mo?” Tanong ng tsismosong si Baekhyun

“Si Hayoung” sabi ni Sehun

 

Umupo si Baekhyun at Luhan malapit kay Sehun

 

“Sehun eto seryosong tanong ah, sino ba talaga si Hayoung?” tanong ni Luhan

Tumayo si Sehun mula sa pagkakahiga sa sofa at hinrap si Luhan “Hyung nagtataka ako, bakit parang lahat kayo di niyo siya kilala, parang hindi ko siya pinakilala sa inyo. Si D.O hyung lang ata nakaalala sa kanya eh”

“Sehun kasi, wala ka namang kasama nung naligtas ka, ikaw lang”

“Kalokohan yan hyung, eto ngang panyo kanya to eh” kinuha ni Sehun ang panyo ni Hayoung sa bulsa niya, ang panyong  ginamit nito sa sugat niya, pero may kung anpong nalaglag mula sa kanyang bulsa na napansin naman si Baekhyun

 

Yung Polaroid ito nila Hayoung at ng mga kaibigan niya na ipinakita niya kay Sehun. “Sehun” tawag ni BAekhyun at ibinigay ang Polaroid

 

“Paano?... iniwan siguro ito ni Hayoung” sabi ni Sehun nang knin niya nag larawan. “Hyung, eto, eto si HAyoung kasama ang mga kaibigan niya.. Pinakita niya sa akin tong picture na to nung nasa gubat kami”

Bigla namang nagdatingan ang iba pa nilang mga kaibigan

“Oh ano yan?” Tanong ni Suho

“Sino yan?” tanong ni Chen at pumunta sa tabi ni Sehun para tingnan yung picture “Luhan hyung, diba si Chorong ito?” sabi niya

 

Kinuha ni Luhan yung picture at tiningnan ng maiigi, tama si Chen, isa si Chorong sa mga babaeng naroon, alam nioya dahil girlfriend niya si Chorong.

 

“Chorong? Yung girlfriend mo hyung?” Tanong ni Sehun

“Oo, siya nga…”

“Talaga?! Edi maganda, hyung tawagan natin siya, itanong natin kung kamusta na si Hayoung, kung nakauwi nab a sia” excited na sabi ni Sehun

“Nakauwi? Galing saan?”

“Eh di sa camping. Di ba yung fieldrip nila gaya ng satin, nangcamping din sila”

“Pero, wala silang fieldtrip ngayong taon Sehun, hindi sila nagcamping” sagot ni Luhan

“Huh? Eh yun yung sabi ni HAyoung eh”

“Sehun…” tawag ni D.O “Si Hayoung…. “

“Ano yun hyung?”

“Hindi ko to sinabi sayo sakina, dahil alam kong hindi ka maniniwal at baka hindi ka sumama pauwi, hindi siya gaya natin” sabi ni D.O

“Hyung anong pinagsasabi mo?”

“PAtay na siya. Multo na lang si Hayoung Sehun… “

 

Natahimik si Sehun.

 

Imposible.

 

Si Hayoung? Isang multo? Pero buhay na buhay ito nung kasama niya ito sa gubat…

 

“Hindi totoo yan”

 

“Sehun…”

 

“Hindi totoo yan!!”

 

“Sehun maniwala ka, siya yung multong nakita namin nung gabing hinanap ka namin, siya yun hindi ako pwedeng magkamali. Nagpakita siya sa amin para takutin kami. At nung naligtas ka, bukod sayo ako na lang ang nakaita sa kanya, dahil ako lang sa atin ang bukas ang third eye.

“D.O hyung kalokohan yan!”

“Sehun!” Sigaw ni Luhan “Naikwento na siya saakin ni Chorong, hindi niya sinabi sa akin ang pangalan, hindi rin detalyado ang kwento niya kasi alam kong masakit para sa kanya pero siya ang kaibigan nilang namatay isang taon na ang nakakalipas, last year sila nagcamping, last year nawala si Hayoung, yun ang dahilan kaya walang fieldtrip ang Seoul Girls nagyong taon. Dahil sa nangyari"

Kinuha ni Tao ang Polaroid at tinignan ito ngunit agad niya naman itong binitawan “Siya nga….” Sabi niya… hindi niya makaklimutan ang mukha ng mulotong nanakot sa kanila, kahit na maayos ang itsura ni Hayoung sa picture, hindi pa rin niya maiwasang hindi matakot

 

 

“Pero… hindi pwede…” malungkot na sabi ni SEhun

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ChocoLemonCandy01 #1
Chapter 6: Ang ganda nito ah.. Nakakaamazed!! Nice one author-nim!!
imrhaine19
#2
Chapter 6: Sabi na eh multo talaga si Hayoung. Wawa naman si Sese.. :((
btw author ongoing din po ba tong story na to sa wattpad? balak ko din po kasing basahin to sa wattpad baka kasi mas advance dun. hehehehe ^^
silly_bomi #3
anw, keep update ! :)
silly_bomi #4
filipino ka? nice! hahahahahaha apir x)
BaekYeonTaeTae_ss #5
Chapter 4: Updatee soon :)) ang cute ng momment ng SeYoung .. Pati yung kabaklaan ng EXO . Kaloka xDD !! I love this fanfic ..
dinoham1109
#6
Wait wait ? Horror ba to ? Binabasa ko to ng 2am ako nalang gising ntatakot ako >.<
pinkpixie #7
make it english please, i can't read tagalog too:(
Genievanss
#8
I would definitely read it if this fic is in english. I can't read tagalog :(