Five

Lost in the Woods [ ON HOLD ]

"Sehun!" Narinig ni Hayoung at Sehun na tawag, naglakad pa sila at unti unting lumalakas ang tawag.

"Hayoung! Eto na malapit na tayo! Sigurado ako makakalabas na tayo!"excited na sabi ni Sehun at hindi man lang napansin ang kakaibang ekspresyon na mukha ni Hayoung.

"Sehun" Tawag ni Hayoung kaya napahinto sa paglalakad si Sehun at saka lumingon kay Hayoung

"Ano yun?"

"Hi- Hindi mo ko iiwan diba?" tanong nito. 

Ngumiti naman si Sehun at inabot ang kaliwang kamay ni Hayoung at hinawakan ito ng mahigpit

"Hindi kita iiwan. Pangako" sabi ni Sehun na dahilan ng pagngiti ng dalaga at saka naman sila nagpatuloy sa paglalakad.

 

"Hyung!" Tawag ni Sehun sa pagbabakasakaling marinig siya ng mga kaibigan, pero nagtaka si Sehun, kanina kasi para talagang lumalapit na sila sa mga sumisigaw ng pangalan niya, pero ngayon prang napalayo sila. Naglakad pa sila nang naglakad

"" Biglang napamura si Sehun ng makita ang puno sa harap niya. Ito yung puno kanina na minarkahan niya

"Yung puno" tanging sabi ni Hayoung

"Hindi, hindi tayo susuko Hayoung. Lalabas tayo sa gubat na to" mariing sabi ni Sehun at nagpatuloy na ulit maglakad, at sa ilang oras nilang paglalakad ilang beses na din silang nababalik sa punong minarkahan ni Sehun. Hindi alam ni Sehun kung ano ang mararamdaman, nakakatakot yung puno at sa nangyayari sa kanila lalo pa itong naging nakakatakot. Linigon niya si Hayoung at nakita niya itong yakap yakap ang manika niya ng mahigpit at nakatingin sa malayo. Malamang takot na ito, hapon na at ilang oras na lang magdidilim na naman, mas mahihirapan silang maghanap ng daan palabas kung madilim. 

Sa sobrang stress ni Sehun kakaisip kung paano ba sila makakalabas sa gubat na iyon, sinipa niya ang puno ng napakalakas. Ikinagulat ito ni Hayoung, tiningnan niya si Sehun "S..Sehun"

"Aaarrggh!" sinuntok naman ngayon ni Sehun ang puno "Naiinis na ko! Naiinis na ko sa punong to! Kanina pa to eh. Bakit ba hindi tayo makalabas dito?! Putangina naman eh" galit na sigaw ni Sehun habang gait na galit na pinagsisipa ang puno

"Sehun tigilan mo yan! Baka mapano ka!" Awat ni Hayoung

"Wala akong pake-alam! Kung ano man ang elemento meron dito na gumagawa nito satin wala akong pake-alam! Bakit ba tayo kelangang makulong sa gubat na to?! Bakit hindi tayo hayaang makalabas?! Arghh!" Muli ay sinuntok ni Sehun ang puno

"Sehun... gusto mo ba talagang makalabas?"

"Oo naman, bakit ikaw ba ayaw mo? Hayoung nasa labas ng gubat na to ang buhay natin, diba ito din naman ang gusto mo? Naiinis ako kasi itong gubat na to hindi tayo hinahayaang makalabas!"

Lumapit naman si Hayoung sa kanya, at mula sa bulsa nito ay kumuha ito ng isang panyo at ibinalot ito sa nagdudugong kamao ni Sehun. Nagdudugo na pala ang kamao niya pero di ito napansin ni Sehun. Napansin naman ni Sehun na yung panyo ni Hayoung, may bahid na din ng natuyong dugo. 

"Sehun, wag mng saktan ang sarili mo" sabi ni Hayoung, medyo nanginginig ito habang binabalot ang sugat ni Sehun, ng tignan ni Sehun ang mukha niya, nakita niyang umiiyak ito

"Hayoung, b-bakit ka umiiyak? N..natakakot ba kita sa ikinilos ko? S.sorry" sabi ni Sehun at hinawakan ang mukha ni Hayoung

Umiling naman ito. "Sehun, tara na. Hanapin na natin ang daan palabas" mahinahong sabi ni Hayoung at sabay silang naglakad habang magkahawak ang kanilang kamay.

 

 

 

Nung hawak ni Sehun ang kamay ni Hayoung, sobrang naging kalmado ng pakiramdam niya. At kung gaano katagal silang nagpaikot ikot sa gubat kanina, ngayon naman ay ilang saglit lang narinig na niya ang tawag ng mga kaibigan niya

"Hyung!" sobrang excited niyang tawag ng matanaw si Suho sa malayo, bumitaw siya kay Hayoung at tumakbo palapit kina Suho

"Sehun!" sigaw ni Suho 

"Sehun? Andyan na si Sehun?"  tanong naman ni Chen at lumapit din

"Sehun ikaw nga!" si Lay naman ang sumigaw

"Mga hyung!" nang makalapit sila sa isa't isa agad naman silang nagyakapan 

"Tangina ka maknae! san ka galing!" Sermon ni Suho

"Naligaw ako hyung, at nalaglag sa bangin"

"Tangina buti buhay ka pa"

"Oo nga eh"

"Napano yang kamay mo?" Tanong ni Lay

"Nasugat lang, ay oo nga pala may kasama ako" sabi ni Sehun at nilingon si Hayoung, ngumiti lang naman ang dalaga "Mga hyung si--"

"Tara na Sehun balik na muna tayo sa camp" sabi ni Chen

"Tawagan niyo na yung iba sabihin niyo nakita na natin si Sehun" sabi na naman ni Lay

"Hyung si ano" nilingon ulit ni Sehun si Hayoung, nandun padin ito at ngumiti lang ulit at sinenyasan siya na nakasunod lang siya kaya nagpatangay na din siya sa mga hyung niya

"Tara na pagod lang yan" sabi ni Suho

 

 

Nang makarating sila sa campsite ay agad namang pinagbabatukan si Sehun ng mga kaibigan

"Bebe ko! Tangina ka pinag-alala mo ko!" sabi ni Luhan sabay batok

"aray naman Luhan hyung"

"Naku maknae ang sarap mong tirisin! Hindi mo alam kung anong pinagdaanan namin nung hinnap ka namin" reklamo ni Tao

"bakit hyung?"

"Nakakita kami ng multo!" sigaw nila

"Oh? Talaga, buti di ko nakita yun!" sabi ni Sehun

"Guys pinapatawag tayo" sabi ni Kris

"Ayan na sesermonan na tayo ng dakilang lola" sabi ni Chen na ang tinutukoy ay yung matandang dalagang teacher nila na incharge sa camping trip nila.

"Sandali si Hayoung"

"Sino si Hayoung?" Tanong ni Kai

"Yung kasama ko"

"huh? Ahh... tara na" hila ni Baekhyun kay Sehun at nagpunta naman na sila dun sa teacher nila.

 

Dumilim na ng matapos silang magusap, paglabas nila ng bus kung saan sila nagmeeting eh kumain na sila deretso. Bukas na bukas din ay uuwi na sila sa Seoul. Nilibot ni Sehun ang paningin pero di niya makita si Hayoung, "Baka gutom na yun" sabi niya sa sarili kaya naman tinabi niya yung isang tinapay para ibigay kay Hayoung mamaya.

"Guys matulog na daw tayo" sabi ni Suho

Magkakatabi yung tent nila, pito yung tent at magkakashare sila, si Sehun may sariling tent. sosyal.

"Hyung, di niyo ba nakita si Hayoung?" tanong niya pero tinignan lang siya ng mga ito

"Ano bang problema niyo?" sabi niya pa, lumingon siya at dun sa may dulo sa tabi ng tent niya andun na si Hayoung

"Hayoung!" tawag niyang tuwang tuwa at nilapitan ito, nginitian lang naman siya nito

"San ka ba galing? Di ka tuloy nakasabay sa pagkain, pero ito tinirhan kita ng tinapay haha, mas matino naman to kesa sa saging no" sabi ni Sehun at tumawa

"Diyan lang, tsaka nakakahiya eh. Salamat pala dito ah"

"Ano ka ba, ikaw pa ba?" sabi ni Sehun at nilingon ang mga kaibigan, napansin niya namang nagbubulungan ang mga ito, mga siraulo talaga, isip isp niya.

"Ah Sehun tulog na kami ah" sabi nila at nagpasukan na sa kanya kanyang tent

"Ah Hayoung pagpasensyahan mo na sila ah, awkward talaga sila sa mga babaeng bagong kilala. Kaya bukas na lang kita ipapakilala ng maayos sa kanila" sabi ni Sehun "Tulog na tayo"

"Tabi tayo?" tanong ni Hayoung

"Ah...oo?"

"Okay"

 

Pumasok na sila sa tent, spell awkward? S-E-Y-O-U-N-G. Nakahiga na silang magkatabi at tahimik lang

"Hayoung" basag ni Sehun sa katahimikan

"Bakit?"

"Alam mo ang saya ko ngayon"

"Bakit naman?"

"Kasi nakabalik na ko, nakalabas na tayo sa gubat. Babalik na kami bukas ng Seoul, eh ikaw, gusto mo sumabay ka na samin?"

"Naku hindi na, babalik na lang ako sa campsite namin"

"Ah ganun ba. Eh di kita na lang tayo sa Seoul ah"

"Uhmm sige"

"Uy wag mo ko kalimutan ah! Magkatapat lang school natin, dadalawin kita ah!"

"Sige"

"Ba't parang di ka excited?"

"Ewan ko sayo Sehun, matulog na lang tayo" sabi ni Hayoung at tumagilid paharap sa gilid

"Sige, goodnight Hayoung" sabi ni Sehun at tumagilid din, ngayon ay magkatalikuran na sila

"good night Sehun"

"I love you" bulong ni Sehun, akala niya di narinig ni Hayoung kasi sobrang hina ng pagkakasabi niya, pero nagulat siya sa sinabi ni Hayoung

"I love you too"

Lumaki ang mga mata ni Sehun at nilingon si Hayoung, pero nakatalikod ito sa kanya. Di niya lang ito tinawag at tumalikod na lang ulit at natulog na ng may matamis na ngiti. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ChocoLemonCandy01 #1
Chapter 6: Ang ganda nito ah.. Nakakaamazed!! Nice one author-nim!!
imrhaine19
#2
Chapter 6: Sabi na eh multo talaga si Hayoung. Wawa naman si Sese.. :((
btw author ongoing din po ba tong story na to sa wattpad? balak ko din po kasing basahin to sa wattpad baka kasi mas advance dun. hehehehe ^^
silly_bomi #3
anw, keep update ! :)
silly_bomi #4
filipino ka? nice! hahahahahaha apir x)
BaekYeonTaeTae_ss #5
Chapter 4: Updatee soon :)) ang cute ng momment ng SeYoung .. Pati yung kabaklaan ng EXO . Kaloka xDD !! I love this fanfic ..
dinoham1109
#6
Wait wait ? Horror ba to ? Binabasa ko to ng 2am ako nalang gising ntatakot ako >.<
pinkpixie #7
make it english please, i can't read tagalog too:(
Genievanss
#8
I would definitely read it if this fic is in english. I can't read tagalog :(