Four

Lost in the Woods [ ON HOLD ]

 

“AAAAAAAAAHHHHHHHHH!” sigaw ng exo hanggang sa makarating sila malapit sa camp site “Puta nakita niyo yon?” tanong ni Kris habang hawak ang kumakabog niyang dibdib

“Aba’y tatakbo ba kami kung hindi!”

“Nakakatakot ayoko na!” SIgaw ni Baekhyun

“Oh D.O ang tahimik mo?” Tanong ni Kai . Uy concerned

“Pakiramdam ko di na ko makakatulog uli” sagot ni D.O

“Ako, malamang bangungutin ako! Ahh hindi ko siya mabura sa isip ko!” Sigaw ni Chanyeol sabay pukpok sa ulo

“AAHHHH”

“Sino yun?” Tanong ni Suho

“Tao!” Sabi ni Xiumin “Tanga ba’t ka naiwan?”

“Ang hard. Gago ba kayo iniwan niyo kaya ako!” Iyak ni Tao

“Tara na nga, matulog na tayo. Hanapin na lang natin si Sehun pag umaga na” Sabi ni Lay

“Hala kayo di na ko babalik dun” Sabi ni Tao

“Ako din bahala kayo” sabi ni Luhan

“Magpakalalaki nga kayo!” Sigaw ni Suho

“Kala mo di siya tumili kanina” comment naman ni Chen

“Siyempre iba pa rin yung pag maghanap tayo ng may-araw na”

“Bahala nga kayo, bumalik na tayo sa camp” sabi ni Xiumin at napagdesisyunan na nga nila na bumalik na sa tent nila at matulog, pero siyempre di madali yun. Kayo ba naman makakita ng multo sa gitna ng gubat diba? Face to face pa.

“Ahh di ko talaga mabura sa isip ko yung multo! Ayoko na siyang maalala!” reklamo ni Tao sabay talukbong ng kumot

“Pero kawawa naman si Sehun no? Ano kayang nangyari sa kanya? Tingin niyo nagpakita din sa kanya yung multo?” curious na tanong ni Chen

“Matulog na nga kayo!”

“uy takot!”

“lul”

 

 

 

 

 

 

 

Kinaumagahan nagising si Sehun na katabi si Hayoung. Pinagmasdan niya ang maamo nitong mukha hanggang sa nagising ito.

“Good Morning” Bati niya dito

“Good ba talaga morning mo?” tanong naman nito habang kinukusot ang mga mata

“Kahit papano oo, kasi andito ka” sabi ni Sehun

“Huh?”

“Wala. Nagugutom ka ba? Hanap tayo ng makakain”

“Sige”

 

Lumabas na sila ng kweba at naghanap na ng makakain pero dahil hindi naman namumunga karamihan ng puno sa gubat na yon, saging na naman ang nilantakan nilang dalawa, pero ayos lang at least may laman tiyan. Matapos nilang magpakaunggoy for the second time around nagsuggest si Sehun na humanap na ng daan palabas sa bangin na iyon. Malawak ang gubat at sa tingin naman niya, kung maghahanap sila eh makakahanap sila ng daan palabas sa gubat na iyon. Tiwala lang.

“Halika na” Sabi ni Sehun at nagsimula ng maglakad.

Naglakad sila ng naglakad, nakailang oras na ata sila kakalakad pero puro puno parin lang ang nakikita nila, wala man lang silang naririnig na sign na may tao sa paligid.

“Pagod na ko” sabi ni Hayoung, huminto naman si Sehun at tinignan ng maigi ang malaking puno sa gilid niya, nagtatakang tumingin lang sa kanya si Hayoung “Ano meron?” Tanong nito at umupo sa gilid

Hindi naman sumagot si Sehun, at kumuha na lang ng isang bato sa gilid at minarkahan ang puno ng isang letrang X.

“Anong ginagawa mo?” Tanong ni Hayoung

“Ito kasing puno eh, kanina ko pa to nakikita. Di mo ba napapansin? Parang kanina pa tayo pabalik balik… parang may pumipigil satin makalabas” Sabi sa kanya ni Sehun

Agad namang tumayo si Hayoung at lumapit kay Sehun at mahigpit na niyakap ang kanyang manika “Sehun naman wag kang ganyan, natatakot ako”

Tinignan naman siya ni Sehun bago ngitian “Wag ka matakot, kasama mo ko” Naglakad na lang silang muli at nagkwentuhan na lang para di gaanong matakot, tanghaling tapat naman eh.

“Hayoung, ilang taon ka na” Tanong ni Sehun, alam niyang ang lame ng tanong niya, para lang may topic sila

“16. Ikaw?”

“Ah, so highschool ka na? 18 na ko”

“Yep, freshman. Senior ka na pala di man lang kita ginagalang haha”

“Ayos lang yaan mo na hahaha magkaibigan na naman tayo eh” sabi ni Sehun

“Talaga magkaibigan na tayo?”

“Oo naman. Eh ano nga pala ginagawa niyo dito bago ka naligaw?”

“Recreatinal trip”

“Talaga? Kami rin eh. Ay teka san ka nga pala ng aaral?”

“Seoul Girls High School” Sagot ni Hayoung

“Taga Seoul Girls ka? Seoul Boys ako” Sabi ni Sehun, so bale parang magkapatid yung schools nila, isang all boys tsaka isang all girls.

“Talaga? Ang galing naman”

“Dito din pala yung trip niyo, tsaka nauna pa kayo. Ang nabalitaan ko kasi sa Jeju daw kayo” Sabi ni Sehun

“Yung mga kaibigan mo, magkwento ka tungkol sa kanila” sabi ni Hayoung

“Ah, sila? Maloko yung mga yun, mga baliw, pero masaya kasama. Bale dose kaming magkakaibigan” kwento ni Sehun

“Ang dami niyo naman”

“Oo nga eh, pero nagkasama sama lang kami dahil kami yung magkakagroup sa isang activity sa P.E nung first year”

“Ang galing naman”

“Eh kayo? Ng mga kaibigan mo?”

“Parang ganun din, sa school lang din nagkakilala, pero yung tatlo samin sophomore na, ah may picture ako gusto mo tignan?”

“SIge” kinuha naman ni Hayoung yung Polaroid sa bulsa niya at binigay kay Sehun. Bago kasi siya mawala nagpicture muna sila at siya ang nagtago ng picture kaya hanggang sa malaglag siya eh dala niya yun. Madumi na yung paligid nung picture pero kita padin naman ng maayos.

Sa larawang ay makikita ang pitong babae, si Hayoung siyempre yung una niyang napansin sa picture. ANg cute niya dun at yung damit niya sa picture is yung damit din niyang suot ngayon, madungis version na nga lang yung ngayon. Pero medyo parang namukhaan ni Sehun yung isa sa kanila, pero baka nakita niya lang minsan since magkalapit lang naman ang Seoul Girls sa Seoul Boys eh.

“Ang cute niyo”

 

“SEHUN!!!!”

 

“Ano yun?” Tanong ni Hayoung na nanlaki ang mata

“Sila yun! Yung mga kaibigan ko! Sabi sayo hahanapin nila ako eh, tara na baka malapit na tayong makalabas dito” excited na sabi ni Sehun at hinila ang kamay ni Hayoung. “Hyung! Andito kami!!” Sigaw pabalik ni Sehun sa mga puno, n asana marinig ng exo.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ChocoLemonCandy01 #1
Chapter 6: Ang ganda nito ah.. Nakakaamazed!! Nice one author-nim!!
imrhaine19
#2
Chapter 6: Sabi na eh multo talaga si Hayoung. Wawa naman si Sese.. :((
btw author ongoing din po ba tong story na to sa wattpad? balak ko din po kasing basahin to sa wattpad baka kasi mas advance dun. hehehehe ^^
silly_bomi #3
anw, keep update ! :)
silly_bomi #4
filipino ka? nice! hahahahahaha apir x)
BaekYeonTaeTae_ss #5
Chapter 4: Updatee soon :)) ang cute ng momment ng SeYoung .. Pati yung kabaklaan ng EXO . Kaloka xDD !! I love this fanfic ..
dinoham1109
#6
Wait wait ? Horror ba to ? Binabasa ko to ng 2am ako nalang gising ntatakot ako >.<
pinkpixie #7
make it english please, i can't read tagalog too:(
Genievanss
#8
I would definitely read it if this fic is in english. I can't read tagalog :(