One

Lost in the Woods [ ON HOLD ]

“Hoy Baekhyun bilisan mo maglakad!” Sabi ni Chanyeol sa kaibigan na nauuna sa paglalakad

“Eh ang putik kaya! Madudumihan yung brand new shoes  ko!” sagot nito

“Alam mo naman kasing mamumundok tayo yan talaga sinuot mo!”

“Hoy kayong dalawa tigil-tigilan niyo yang bangayan niyo bilisan niyo na maglakad at naiiwan na tayo!” Sermon ni lider pandak este Suho

“Oh kayo diyan bilisan niyo, wag kayong hihiwalay ah” Sabi ni Xiumin, siya ang pinakamatanda so he’s really responsible.

Pero hindi ko alam kung anong utak meron tong si Sehun, kakasabi lang ni Xiumin na huwag hihiwalay sa grupo eh andun na humiwalay na sa grupo dahil sa sinusundang usa.

“Ay ang cute nung usa kamukha ni Luhan hyung, ma-picture-an nga.” Sabi ng pasaway

“Ugh just stay where you are!” Inis na sabi ni Sehun, palipat lipat kasi ng pwesto ang usa kaya di niya makuhaan ng maayos. Sa kakasunod niya sa usa, di niya namalayan na napalayo na siya ng tuluyan sa mga kasama niya.

“Yes!” finally he succeeded, “pwede na to, makabalik na nga” sabi niya, pero napahinto siya pagkatalikod niya, hindi na niya alam kung nasan siya. “patay”

Dahil hindi naman siya pwedeng tumunganga na lang, naglakad lakad na lang siya sa pagbabasakaling makita niya ang daan pabalik. At kung hindi ba naman talaga siya minamalas eh naiwan niya pa ang cellphone niya. Nagpatuloy siya sa paglalakad pero wala siyang nakikita niisang tao, sinubukan na din niyang sumigaw ngunit wala pa din, tanging echo ng napakaganda niyang boses ang bumabalik sa kanya.

“Gutom na ko. Bwisit naman kasing usa yan eh—may tao ba diyan?” tanong niya ng makarinig ng kaluskos. “ wag naman sanang mabangis na hayop gusto ko pang mabuhay” bulong niya sa sarili, pero naglakad pa rin siya palapit sa pinanggalingan ng tunog.

“Ay baba ni Kris hyung!” sigaw niya na sa sobrang gulat ng talunan siya ng isang palaka “Peste palaka lang pala” nakahinga siya ng maluwag, pero di pa humuhupa ng tuluyan ang kaba sa dibdib niya ng makarinig siya ng iyak

“, okay na kung mabangis na hayop wag lang multo please… ay teka mamatay ako sa mabangis na hayop, multo na lang kaya? Ay hindi mamatay din ako sa takot sana wala na lang. Sehun ano imagination mo lang yon!” Sabi niya sa sarili pero naririnig niya pa rin ang iyak. “ naman eh”

“t…tulong! ”

“ nagsalita na” Bulong niya sa sarili, nakapikit siya at ayaw niyang idilat ang mata, baka kasi pag ginawa nasa harap na niya yung multo.

“tulong!”

“Kokak!”

“Ay palaka!” Sigaw ulit ni Sehun dahil ang pesteng palaka ay hindi pa pala umaalis at muli na naman siyang tinalunan, dahil ditto ay na out of balance siya at nahulog sa bangin. Napapikit siya habang nalalaglag, sa sobrang tarik ng bangin hindi niya alam kung mabubuhay pa siya o kung buhay pa man siya sa mga sandaling iyon.

 

“A..aray…” dahan dahang tumayo si Sehun, akalain mong buhay pa siya. Nagkasugat siya at sobrang dumi na niya, pero pasalamat siya at buhay pa din siya. Tumingin tingin siya sa paligid, madaming puno. Malamang gubat. “Anybody there?” tanong niya ng muling makarinig ng kaluskos.

“Tao!”

His eyes widen when somebody ran to him so fast that he didn’t have the chance to see what it is. Multo ang tingin niya dito, pero nagulat siya ng yakapin siya nito lalo na nang makita ang mukha nito. “Hindi ka multo… diwata ka ba? Ay hindi, isa kang dyosa!” sabi niya sa babae na nagtataka na man sa pinagsasabi niya “Pero bakit ang dungis mo?” hirit pa niya.

“Anong bang sinasabi mo? Pero diba, narinig mo yung sigaw ko? Nandito ka para tulungan ako!” masayang sabi ng madungis na dyosa

“Ah… ako? Naku hindi, sa totoo lang kailangan ko din ng tulong. Naligaw kasi ako eh. Teka, ikaw din?”

Nalungkot ang mukha ng babae “Pasensiya na” sabi nito at tumayo na at umalis, kasama ang kanyang kunehong manika

“Uy teka sandali saan ka pupunta? Wag mo kong iwan!”

 

Sehun followed the girl, he didn’t kno where she’ll go. “Saan ka ba pupunta?”

“Sa kawalan”

“Hah?”

“Mukhang wala na talagang pag-asa. Dito na ata ako mamamatay, hindi na tayo maliligtas”

“Ano bang sinasa---“ humarap ang babae kay Sehun

“Pasensya ka na ah, siguro dahil sa sigaw ko kaya ka nahulog dito”

“Hindi mo kasalanan, yung palaka yun. And besides, don’t lose hope. Makikita nila tayo, siguro sa mga oras na ‘to hinahanap na ko ng mga kasama ko. Wag ka mag-alala makakalis tayo ditto”

“Hindi ka nila hahanapin. Iiwan ka nila. Wala silang paki-alam sayo”

“Ha? Ano k aba kaibigan ko sila—“

“Ganyan din ang nangyari sa akin! Akala ko babalik sila, pero hindi! Kinaliumtan na nila ko, pinabayaan nila ako!”

“matagal ka na dito?”

“Isang—

“Isang linggo?” tanong ni Sehun, natahimik ang babae, mukhang tama si Sehun “Wag kang mag-isip ng ganyan, malamang hinahanap ka nila. Nahihrapan lang sila, tingin ko din nasa gitna na to ng gubat, tsaka mahirap talaga kasi nasa baba na tayo ng bangin. Pero sigurado akong mahahanap ka nila, mahahanap nila tayo. Kaibigan mo sila diba? Kaya magtiwala ka sa kanila”

Hindi sumagot ang babae, tumalikod na lang ito at patuloy na naglakad

“Saan ka na naman pupunta?”

“Maghahanap ng pagkain, gutom ka na diba?”

“Ako? Hindi ah—“ biglang kumulo ang tiyan niya, dahilan para matawa ang babae “Sabi ko nga gutom na ko”

“Ano nga pa lang pangalan mo?” tanong nito

“Ako? Sehun. Oh Sehun”

 

“We have the same surname. My name is Hayoung. Oh Hayoung. Nice to meet you Oh Sehun”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ChocoLemonCandy01 #1
Chapter 6: Ang ganda nito ah.. Nakakaamazed!! Nice one author-nim!!
imrhaine19
#2
Chapter 6: Sabi na eh multo talaga si Hayoung. Wawa naman si Sese.. :((
btw author ongoing din po ba tong story na to sa wattpad? balak ko din po kasing basahin to sa wattpad baka kasi mas advance dun. hehehehe ^^
silly_bomi #3
anw, keep update ! :)
silly_bomi #4
filipino ka? nice! hahahahahaha apir x)
BaekYeonTaeTae_ss #5
Chapter 4: Updatee soon :)) ang cute ng momment ng SeYoung .. Pati yung kabaklaan ng EXO . Kaloka xDD !! I love this fanfic ..
dinoham1109
#6
Wait wait ? Horror ba to ? Binabasa ko to ng 2am ako nalang gising ntatakot ako >.<
pinkpixie #7
make it english please, i can't read tagalog too:(
Genievanss
#8
I would definitely read it if this fic is in english. I can't read tagalog :(